YUGTO 3

1450 Words
"Ahhmm, p-pasensya na po kayo, kung nagulat ko po kayo. Ako nga Pala si Gandara. Gandara Javier, nanggaling pa ako sa malayong lugar at tatlong Araw na akong naglalakbay upang makarating sa Lugar na ito.." Tugon naman niya sa may edad na babae. "Aba' y jusko! Hindi kaba natatakot? Isa kang magandang dilag at delikado ka kapag may mga makakasalubong kang mga masasamang tao.." Wika Naman nito. "Manang, sana po patutuluyin niyo muna Ako dito sainyo. May mission lang po kasi Ako sa lugar na ito.." Aniya rito. "Naku, bakit hindi? Kawawa ka Naman, halika pasok tayo sa loob. tatlo lang kami ng aKing mga dalagitang anak dito ngayon dahil namamalengke Ang Asawa ko sa baryo proper. alam mo ba, bagong lipat lang kami dito, mag- isang buwan na kami dito at sana huwag kang matakot sa sasabihin ko. May mga napapansin kaming Hindi maganda sa Lugar na ito, kaya balak nga naming aalis na rin ka agad dito ngunit Wala pa kaming sapat na pera. kaya nagiging alerto muna kami habang Wala pa kaming perang sapat upang makaalis dito.." Mahabang wika ng may edad na babae. Pumasok nga Sila sa loob. Lihim na nagpapasalamat si Gandara dahil may matuloyan na talaga Siya sa WAKAS. "Maupo ka gandara. Ay siya nga, Ako nga Pala si Ester at Sila Ang mga anak Kong babae, sina Marla at Dina.." Anitong itinuro Ang dalawang dalagitang naghihiwa ng mga gulay upang lulutuin. "Magandang Araw po.." Halos magkasabay na bati ng dalawang dalagita. At parang hindi nagsasawang tingnan Siya sa dalawang dalagitang ito. "Magandang Araw din, Okay lang po ba kayong makikituloy muna ako dito?" Tanong niya sa mga ito. "Wala pong problema sa amin ate.." Nakangiti pang sagot ng dalawang dalagita. Binuksan ni gandara Ang kanyang dalang malaking bag at kumuha ng pera Doon at ina abot iyon Kay aling Ester. "Dagdag na panggastos po dito Manang..." Aniya. Halata namang nagulat ito sa malaking halaga na Ibinigay niya. "Naku, nakakahiya naman kung tatanggapin ko Yan Gandara. baka Wala kanang perang itinira diyan sa sarili mo.." Nag- alinlangang pang wika ni aling Ester. "Huwag po kayong mag- alala Manang, may pera po Ako dito. Kaya tanggapin mo yan.." Aniya rito. At napangiti itong tinanggap wng ibinigay niya. "Salamat Sa'yo . Ang bait mo namang Bata at napakaganda pa.." Sabi pa ni aling Ester. "Nay, kunin muna namin ang mga kambing sa bakante.." Paalam ng dalawang dalagita at may bitbit na Tig -iisang matatalim na itak Ang mga ito. "Kambing?" Ani gandara at naalala Ang isang biniktimang kambing sa liblib sa unahan. "At bakit may mga dala silang mga itak aling ester?" Tanong ni Gandara. Oero nahuhulaan na niya na alam na ng pamilyang ito Ang mga ASWANG sa Lugar na iyon. "Eh Kasi po ate, may mga ASWANG po sa Lugar na ito.." Sagot ng isa. "Ku-kung ganoon,balam niyo na pala ang tungkol sa Lugar na ito, manang Ester. Kailangan po nating samahan Ang mga anak niyo sa pagligpit ng mga kambing niyo.." Ani Gandara sa mga ito. "Huwag na po, dalawa lang naman ang kambing namin.." Sagot ng isa na si Marla. "Pero delikado, may nakita akong malaking babaeng pumaslang ng isang kambing sa unahan lang po dito . Diyan sa may liblib na bahaging kakahuyan na may Maraming mga halamang damo. Kinain niya qng mga lamang loob ng kambing! baka nga kambing niyo ang biniktima ng malaking babaeng iyon!" Aniya sa mga ito. At kapwa namutla Ang mga ito sa takot! Makalipas Ang ilang Araw na pamamalagi ni Gandara sa pamilya ni aling Ester ay ipinagtapat niya sa mga ito na isa siyang magagaling na manghuhula. At iyon Ang dahilan kung bakit Marami siyang Pera dahil sa mga pag propisiya niya ng mga pangyayaring darating sa buhay ng Isang tao. Kumalat sa buong baryo qng tungkol kay Gandara kaya araw- araw ay may nagpapahula sa kanya. "Gandara, may mga bisita ka! Magpapahula Sila Sa'yo.." Ani aling ester. "Humanda kayo aling ester, uminit ang aking kuwentas dahil qng mga bagong dumating ay Puro mga ASWANG.." Pagpapahanda ni Gandara. At nang marinig ni Mang Dario na Asawa ni aling ester Ang sinabi ni gandara ay agad nitong hinanda ang matalim na itak nito at pinahanda din Ang dalawang anak nitong dalagita! Naghanda Ang buong pamilya ni aling Ester baka aatake bigla ang mga ASWANG na magpapahula Kay glGandara. Mas mabuti nang maging handa Silang lahat. "Gandara, lumabas kana, naghihintay na Sila Sayo sa labas.." Mahinang wika ni aling Ester sa dalagang manghuhula. "Oh Sige po,blalabas na po Ako. Manang Ester, huwag po tayong magpapahalata na alam nating mga ASWANG Sila.." Ani Gandara. "Sige Gandara.." Sang- ayon ni aling Ester. Paglabas na ni Gandara ay nakita niyang may apat na babaeng may edad, Isang dalaga at dalawang lalake na may edad na rin ang naghihintay sa kanya sa labas. Lahat ng mga ito ay matiim na naka Tingin sa kanya. "Magandang Araw po sainyong lahat." Bati ni Gandara sa mga ito. "Magandang Araw din Sayo neneng, ikaw pala ang Isang babaeng bagong dayo dito sa aming Lugar at nanghuhula ng kapalaran??" Napangiting Sagot ng Isang babae. Napakabait ng tono ng pananalita nito na masasabi mong malayo lang na Isang aswang ito. Pero naaalala ni Gandara na Ang mga ASWANG daw ay malumanay magsalita na tila Kay bait bait ng mga ito. "Opo. Ako po. ako nga pala si Gandara.." Pagpapapakilala pa niya sa mga ito. Pero Ang kanyang suot na kuwentas ay talagang nag- iinit iyon at kumakati Ang kanyang leeg. Ngunit tiniis lamang iyon ni Gandara. "Ang Ganda ng pangalan mo, Bagay na bagay Sayo ang iyong pangalan nene.." Sagot Naman ng Isang lalaking may edad. "Salamat po.." Aniya sa mga ito. At Ang lahat ay napangiti ng matamis sa kanya na Panay lang ang titig ng mga ito sa kanyang mukha. "Pambihira lang ang Isang katulad mong manghuhula. Akala Kasi namin ay Isang may edad na babae kana. kaya nabigla pa kami nang Makita na Ikaw Pala ang sinasabing Isang babaeng bagong dayo dito at nanghuhula ng kapalaran.." Wika ng isa ding babae at napapangiti din ito ng matatamis sa kanya. "Ahhmm..oo nga, napakabata ko pa para magiging Isang manghuhula.." Sagot Naman ni Gandara. "Oh Sige na po kung sino ang unang magpapahula po sa Inyo ay ibibigay na po sa akin ang palad upang titingnan ko ang darating sa kanyang Buhay.." Sabi niya sa mga ito. "Ako po ang unang magpapahula.." Sagot ng Isang dalagang Kasama ng mga ito. At Ibinigay nito ang kanang palad sa kanya. Pinag-aralan at tinitigan ni Gandara Ang palad nito at binasa niya kung Anong nakasaad roon. "Aalis ka sa susunod na Araw dito upang magtrabaho sa malayo at Makakapag-Asawa ka ng Isang matandang lalaki at mayaman at ngunit dadalhin ka niya sa malayong Lugar upang doon kayo maninirahan. Maaga kapang ma byuda at magkaroon ka ng limang anak sa kanya.." Ani Gandara habang kinikilatis ng mabuti ang palad ng Isang dalagang Kasama ng mga ito. "Ang galing! Nay! Nahuhulaan niyang aalis Ako sa susunod na Araw. Naku tama po! yayaman pala Ako sa huli ang Ganda ng kapalaran ko!" Natutuwa pang wika ng dalaga. Halata namang natutuwa din ang mga Kasamang mga may edad sa kanyang panghuhula.lalo na Ang Ina ng dalaga. Sumunod naman ang isa at ini- abot Ang palad nito Kay Gandara. Muling pinag- aralan at tinitigan ni Gandara ng mabuti Ang palad ng Isang may edad na na babae. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakikita niya at napatingin Siya sa nagmamay-ari ng palad. "Bakit, Anong nabasa mo ?" Tanong pa ng halos lahat. Nabasa ni Gandara sa palad ng babae ay mamamatay ito sa ikalawang gabi dahil sa pangangaswang nito! "Bakit Neneng, Anong nakita mo sa palad ko??" Tanong ng babae. "Ahh,ku-kuwan ho, pasensya na po kayo, p-pero ito Kasi ang nabasa ko ehh. Ayun po sa nakasaad sa palad niyo ay mamamatay ka po sa ikalawang gabi.." Namilog ang mga matang wika ni Gandara. At hindi nalang niya dinugtungan na mamamatay ito dahil sa pangangaswang nito! Parang Galit Ang babae at agad na binawi Ang palad nito.kapwa Naman nanlaki ang mga mata ng mga Kasama nito na nagkakatinginan at agad na sabay na napatingin sa kanya. "Kalokohan! Umalis na tayo, huwag na kayong magpahula sa batang yan.." Anang babaeng hinuhulaan ni gandara. At kapwa nagsitayuan Ang mga ito at bago umalis ay nagbilin pa ng bayad Ang Ina ng dalagang hinuhulaan kanina ni Gandara. At tinapunan Siya ng mga ito ng isang kahulugang tingin. Patalikod ng mga ito ay agad nagsilabasan Ang pamilya ni aling ester. "Gandara, Anong nangyari, bakit mukhang Galit Yung isa kanina? At umalis silang lahat na hindi mo man lang silang lahat nahuhulaan.." Tanong agad ni aling Ester.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD