Ngunit ang pusa ay mas lalong tumapang ang mga tingin nito at inangilan siya nito at akmang lalapitan!
"Ay anak ng teteng!" Aniyang napatakbong tumungo sa kanyang kuwarto at mabilis agad na isinara iyon.
"Anong klaseng pusang yun?? parang demonyo ang hayop na yun ahh. Sa susunod ay malilintikan na talaga sa akin iyon!"
Kinabukasan ng tanghaling tapat.
Samantalang isang magandang dalaga ang naglalakbay sa kabundukan ng baryo bagong silang papuntang baryo Manara. Siya si Gandara. Nakaramdam na siya ng pagod ng tanghaling iyon at nang siya'y may nadaanang malaking punong kahoy at saglit siyang nagpapahinga sa lilim nito. Humihingal na siya sa layo na ng kanyang narating dahil nilalakbay lamang niya ang papuntang baryo Manara. May baon naman siyang nilagang itlog at mga biscuits at tubig sa kanyang bag kaya saglit muna siyang Kumain habang nagpapahinga sa ilalim ng malaking punong kahoy.
Kinabahan si Gandara sa kanyang mission. Pero kailangang maging matapang siya para sa kanyang layunin sa baryo manara.
Naka lumang bestida lamang siya at naka sumbrerong yari sa dahon ng buli at naka tsinelas.
Pagkatapos kumain ng biscuit si Gandara ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Biglang umiinit ang kanyang kuwentas na suot! Ibig sabihin ay may masamang nilalang sa kanyang paligid!
Tahimik naman ang paligid at tanging mga huni lamang ng Iibon ang naririnig ni Gandara. Malayo pa ang kanyang lalakbayin at nasa kalagitnaan pa lamang siya bago marating ang tila paraisong baryo Manara. Patuloy na uminit ang kuwentas ni Gandara sa leeg. Ang kuwentas na ito ay bigay sa kanya ng kanyang lola bago namatay ito.
May anting- anting iyon na kayang ipaalam sa kanya kapag may masamang nilalang sa paligid! at kaya nga ito ibinigay sa kanya ng kanyang Lola ay para sa kanyang layunin sa paraisong baryo, upang malaman niya kung ang taong makakaharap niya ay kung aswang ba iyon o hindi.
Alam na niya kung anong uri ng mga tao ang nakatira sa paraisong baryo Manara. Mapipili lamang ang hindi mga ASWANG sa baryo na ito at halos lahat ay mga ASWANG ang nakatira sa baryo na ito. Maliban lamang sa hindi taga roon.
Pag makarating siya ngayon sa paraisong baryo ay maghahanap pa siya ng isang pamilyang hindi mga ASWANG na kanyang matutuloyan doon.
Natigil sa pagmuni-muni ang dalaga nang isang umiiyak na bata ang kanyang narinig mula sa may mga mayayabong na damuhan. Ang tinig ng bata ay mukhang nasa edad na anim na taon.
Ipinikit ni Gandara saglit ang kanyang mga mata at hinuhulaan kung sino ang batang ito. Biglang nanindig ang kanyang mga balahibo nang mahuhulaan niya ang tungkol sa batang umiiyak. Ang batang ito ang dahilan kung bakit bigla na lamang uminit ang kanyang kuwentas sa leeg! hindi ito ordinaryong bata.
Ayun ng kanyang Lola ay may limitasyon din ang kanyang panghuhula, kapag hindi niya mahuhulaan ang buhay ng isang tao ay meron iyon malalim na dahilan. Isa siyang manghuhula sa mga darating na pangyayaring magaganap sa buhay ng isang tao. Minana niya ito sa kanyang lola bago ito nawalan ng buhay.
Hinanda niya ang sarili at nagmamatyag sa paligid. Kinuha ang malaking bag at muling nagsimulang maglakbay..
Ilang hakbang pa ang nagawa ni Gandara ay may biglang kumaluskus sa kanyang gilid! ang daan kasing tinatahak niya ay napapaligiran ng mga mayayabong na mga damo at mga kakahuyan.
Muling narinig niya ang iyak ng isang bata at sa pagkakataong iyon ay parang malapit na malapit lang ang tinig nito sa kanyang kinaroroonan!
At napasigaw sa gulat si Gandara nang biglang may humarang sa kanyang dinadaanan na isang batang babae na umiiyak at nakaupo ito sa lupa!
Mas lalo niyang naramdaman ang lalong pag-init ng kanyang kuwentas sa leeg at parang kumakati pa iyon sa leeg niya!
"S-sino ka!?" Gulat na tanong niya sa batang babae.
" Ate, isama niyo naman po ako. Naiwan po kasi ako ng aking ina. Hindi ko po alam kung paano makauwi.." Sagot ng bata na patuloy na umiiyak ngunit ang mga tingin nito sa kanya ay parang kakaiba!
"H-hindi pwedi! diyan ka lang huwag kang sumunod sa akin. Naiintindihan mo?" Sabi niya rito at agad siyang tumawid sa harapan nito at dinaanan lang ito.
"Ahh!" Nabiglang sambit ni Gandara nang paglingun niya muli sa likod nang siya'y makakaraan ay bigla nalang naglaho roon ang batang umiiyak!
Binilisan niya ang paglalakad ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang bigla na namang humarang sa kanya ang isang batang babae. At matalim ang mga tingin nitong ipinukol sa kanya! at kasunod niyon ang biglang pag-iba ng anyo nito. Pumangit ang mukha nito at gigil na hinakos siya nito!
"Ahh!!" Tili ni Gandara ngunit sabay ding napahiyaw ang batang ito na tila nasasaktan at mabilis na lumayo sa kanya.
Umuusok ito at sa isang iglap ay biglang naglahong muli ang batang babae.
"Aswang ang batang yun!" Humihingal na wika ni Gandara sa sobrang kaba ng kanyang dibdib.
Alam niyang dahil sa kanyang kuwentas sa leeg kaya di siya kayang tuloyang biktimahin ng aswang na iyon! at napapaso ito sa kanyang kuwentas na suot!
Sa pamamahay nina Alexander.
Lihim na sinusundan ng tingin ni Alexander ang dalagang anak ni aling lolita na si wenona. Magandang babae ito at morena. Basta maganda at may magandang mga mata.
Tiningnan ni Alexander kung nasaan ba ang kanyang daddy. Dumaan naman ang magkambal na lalaking kapatid ni wenona. Nasa twenty ang edad ng mga ito.
" Ahh, Ging, Ding, nasaan sina Daddy at nanay niyo?" Tanong niya sa matahimik na magkambal.
"Ewan namin kuya, umalis sila at hindi namin alam kung saan sila pupunta." Sagot ni Ding, ang isang kambal.
"Ahh okay, kayo, saan din ba kayo pupunta?" Tanong naman niya sa mga ito.
"Dadalaw lang po kami sa lolo namin kuya ." Si Ging naman ang sumagot.
"Oh sige, bilisan niyo. Wala na akong tanong.." Nakangiting wika ni Alexander.
Umalis na nga kaagad ang magkambal.
Sinilip naman ni Alexander kung nakakalayo na ba ang kambal at nang makita niyang malayo na ang kambal ay mabilis niyang pinuntahan si Wenona sa kusina. Nagluluto ito roon. Pasipol- sipol pa ang binata habang papalapit sa dalaga.
"Wow, sarap siguro ng luto mo.." Nakangising bati ni Alexander sa dalagang tahimik lamang.
Napatingin ito sa kanya at matamis na ngumiti.
"Gusto mong tikman?? talagang masarap akong magluto ." Sagot agad ni Wenona.
" Pero mas masarap ka wenona ." Napakindat na wika ni Alexander sa dalaga.
"Hmmmm, bakit mo nasabi yan?" Parang kinikilig namang tanong nito.
Nakita ng binata na parang nagkakagusto din ang dalaga sa kanya kaya walang sabi-sabi ay hinila niya ito at mariing hinalikan sa labi. Nasorpresa nalang ang binata nang tugunin ni Wenona ang kanyang mga halik!
Agad na lihim na nakarelasyon sina Alexander at Wenona at walang kaalam- alam ang kanilang mga magulang.
Napasyal naman si kaloy isang hapon kina Alexander. Naging matalik itong kaibigan ni Alexander.
"Ano sa palagay mo kaloy, okay lang ba na naging kami ni wenona?" Tanong ni Alexander rito at sadyang hininaan ang boses nito.
Namilog naman ang mga mata nito.
"Talaga? kayo na? okay na okay pare!" Sagot pa nito.
"Pero gusto mo ba talaga ang step sister mo?" Tanong ni kaloy.
"Aba syempre, basta babae at isang dalaga ay magugustuhan ko iyon.." Napalawak ang ngiting sagot ni Alexander.
"Pambihira ka naman, huwag mong sayangin si wenona, ganda kaya niya. Ako nga, heto naghahanap din." Napakamot sa ulong wika ni kaloy.
Kapwa naman sila natigil at natahimik nang may biglang dumaan na dalaga at nakayuko ito kaya di nila masyadong nakikita ang mukha nito.
"Uy kaloy, yan o! tiyak kong dalaga yan!"
Napataas naman ang leeg ni Kaloy at napangisi. Nasa labas kasi sila ng bahay nina Alexander sa bakuran at nagkakatuwaang nag-uusap.
"Ay oo nga dalaga. Hi miss! pwedi ba kitang makilala?" Tanong ni kaloy at lumapit rito.
Napangiti na rin si Alexander. Mukhang magkakasundo talaga sila nitong bago niyang kaibigang si kaloy.
Napahinto ang dalaga habang ito'y nakatalikod.
"Pwedi naman, bakit hindi?" Sagot ng dalaga ngunit nanatili itong nakatalikod.
"Ako nga pala si Kaloy, Kaloy De maguiba. Pwedi bang humarap ka naman? para makita naman namin ang maganda mong mukha.." Wika pa ni kaloy.
"Ako naman si Anastasia, Anastasia Purisima. natutuwa akong makilala ka kaloy." Anitong sabay- harap nito.
"Ahh!!" Napasigaw sa gulat si kaloy.
At maging si Alexander ay nagulat din nang makita ang mukha ng babae.
Nagsasalpukan ang makakapal na mga kilay nito at matapang naman ang mga matang nakatingin sa kanila! binigyan pa sila ng isang hilaw na ngisi nito.
"Sige kaloy, hinding-hindi ko makalimutan ang araw ng ating pagkakakilala." Wika pa nito at tumalikod kaagad.
Nanginginig namang humawak si kaloy kay Alexander.
"Eiiyy, ano bang klaseng babaeng yun pare?? kakatakot naman ang expression ng mukha niya..p-para siyang aswang." Pansin pa ni kaloy.
"Oo nga, ang ganda pag nakatalikod. pag nakaharap pala' y parang segbin." Nakangiwing saad naman ni Alexander.
"Papadilim na pare! uuwi na ako ha! parang bigla yata akong nakadama ng takot ehh!" Paalam ni kaloy at nagmamadali pang humakbang pauwi.
Pinagtatawanan nalang ito ni Alexander.
"Duwag!" Sigaw pa ng binata sa kaibigan.
Samantala...
Naabutan nalang si Gandara ng dalawang araw sa baryo Manara ay hindi pa siya nakakahanap ng isang pamilyang hindi mga aswang na pwedi niyang matutuloyan. At heto siya ngayon sa isang sira at abandonadong maliit na bahay na yari sa kawayan ang dingding at cogon ang bobong. Marami naman siyang mga biscuits at tubig na baon sa kanyang malaking bag.
Alam naman niyang may mga tindahan din sa baryong ito at may pera din naman siyang baon ngunit kailangan muna niyang maghanap ng matutuloyan. Sa dalawang gabing natutulog siya sa sira at abandonadong maliit na bahay na iyon ay marami siyang naririnig sa paligid ngunit ang kuwentas sa kanyang leeg ang dahilan kung bakit walang aswang ang sumusubok sa kanya. Pwera nalang kung galit ang mga aswang sa kanya ay natitiyak niyang sisikapin talaga ng mga ito na makuha siya kahit may pangontra pa siya.
Kung may makakita sa kanyang sitwasyon ay maaaring isipin ng mga ito na hindi siya normal na babae. Sino ba kasing makakagawa at makakagaya sa isang tulad niyang dalagang nag-iisang maglakbay at nakakaranas ng ganitong kalagayan ngayon sa kanya?
Maliit pa lang siya ay tinuruan na siya kung paanong maging matapang at hindi matatakot mag-iisa sa buhay. Lalo na at nakalinya sa kanyang kapalaran bilang isang kakaibang dalagang manghuhula. Muling hinanda niya ang sarili at magpatuloy pa sa paglakbay sa unahan.
Sa muling paglalakbay ni Gandara ay muli siyang napadaan sa isang liblib na bahagi ng baryo Manara. Napatigil siya nang marinig ang isang ingay ng hayop na parang kinakatay ito at nararamdaman na naman niya ang muling pag-init ng kanyang kuwentas sa leeg. Ang hayop ay tinig ng isang kambing. Dahan-dahang hinawi ni Gandara ang mga dahong humaharang kung saan banda nagmumula ang tinig ng isang kambing na parang kinakatay.
Namutla siya sa gulat sa nakita!
isang malaking babaeng morena ang pumaslang sa kambing at tila gutom na gutom itong kinain ang mga lamang loob ng kambing na pinaslang nito!
Mabilis na muling ibinalik ni Gandara ang mga hinawing mga dahon ng mga halamang damo at mabilis na lumayo sa liblib na bahaging iyon! ang dami pala talagang aswang sa paraisong baryo Manara! lakad-takbo ang ginawa ni Gandara upang makakalayo roon!
Pagdating niya sa unahan ay isang di kalakihang bahay ang kanyang nabungaran at may isang babaeng medyo may edad na, at nagwawalis sa bakuran nito. Medyo nilapitan pa niya ito upang malaman niyang aswang ba ang pamilyang ito o hindi.
Laking pagpapasalamat niya na hindi ito aswang kaya madali siyang lumapit at nagbibigay galang rito.
"Magandang araw po manang.." Bati niya rito.
Saglit pa itong nagulat nang makita siya.
"M-magandang araw naman sa'yo.." Sagot nitong tiningnan siya mula ulo hanggang talampakan.
"P-pasensya kana neneng, akala ko kasi isa kang diwata na nagmumula sa kakahuyan. Dahil sa iyong taglay na kagandahan! kaya nagulat ako nang makita ka. Bigla ka nalang kasing lumitaw diyan." Sabi pa nito na muli siyang hinagod ng tingin.