YUGTO 16

1260 Words
"Ano?? Nandito si wenona?" Namutlang tanong ni Alexander. 'Kaya pala uminit ang aking kuwentas! Ito Ang aswang na girlfriend ni Alexander na aKing nahuhulaan!' Anang isipan ni Gandara. Di paman Sila nakakapanhik sa loob ng Bahay Nina kaloy ay lumabas na si wenona. Agad nagkasalubong Ang mga mata Nina Gandara at ng Isang magandang babaeng kaedad lamang niya. morena ito may magandang mga mata. patindi ng pa tindi Ang init ng kuwentas ni Gandara habang nagkatama Ang paningin nila ng step sister na girlfriend ni Alexander! Si Alexander Naman ay di agad nakapagsalita at pati si kaloy. ang ina naman ni kaloy ay kanina pa natatakot sa presensya ni wenona at Hindi Sila nagbigay ng kumpyansa ng Asawang si Mang Pedong at ang mga kapatid ni kaloy na sina Tala at pepoy dahil alam nilang aswang ito. "Kaya pala na lagi kang nagpupunta rito Xander dahil may iba kana palang babaeng kinababaliwan." Galit na wika ni wenona at nagpalipat- lipat ang tingin kina Alexander at Gandara. "Nagkakamali ka, huwag kang mag-iisip ng masama dahil magkaibigan lang kami nina kaloy at Alexander. at sinamahan lang nila ako sa aking importanteng lakad.." Paliwanag ni Gandara. " ha!?? Magkaibigan?? Akala mo ba ganoon Ako ka tanga ha!? Hindi Ako naniniwalang Isang kaibigan lang ang tingin ni Alexander Sa'yo!! Hindi Ako ganoon ka bobo kung yan ang inaakala mo!!" Galit na galit na sigaw ni Wenona. Nabigla pa si Gandara sa mga inaasal ng Aswang na Kasintahan ni Alexander. "Wenona, huwag kang magalit..h-hindi naman Kita niloloko ahh.." kinakabahang pahinahon ni Alexander sa girlfriend. "Tumahimik ka!! Hindi mo Ako maloloko Xander!! Dahil kahit Ano pang sasabihin mo, hindi Ako naniniwalang hindi ka nagkakagusto sa babaeng yan!! lalo nang nakikita kong magkasama kayo ngayon!" Asik ni wenona sabay walang patawad na sinugod nito si Gandara at Sinabunutan. "Wenona Ano ba! Wala kaming ginawang mali!" Galit na Singhal na rin ni Alexander at inawat si wenona mula kay Gandara. Nabigla si Gandara sa Masamang ugaling ipinakita sa kanila ng nagngangalang wenona. Inayos niya agad ang nagulong hibla ng kanyang buhok dahil sa pagsabunot saglit ni wenona sa kanya. Pagkatapos itong hinablot ni Alexander palayo sa kanya. Nanlilisik Ang mga mata nito sa Galit na tumingin sa kanya dahil sa sobrang pagseselos nito. " Bitawan mo Ako Xander!! hindi ko pa nasira ang pagmumukha ng babaeng yan!!" Pagpipiglas pa ni wenona dahil muling susugurin nito si Gandara. Na shocked nalang si Gandara dahil hindi siya makakapaniwalang ganoon ka tinding magselos Ang Aswang na girlfriend ni Alexander. At ito na Ang kanyang mga hula Kay Alexander na papat*y Ang babaeng ito kung kinakailangan lalo na pag lolokohin ito ni Alexander. "Gandara, halika papasok ka sa loob ng Bahay, lumayo ka sa kanya!" Sabi naman ni kaloy at hinila si Gandara. Hiyang-hiya si Alexander sa inasta ni wenona. Hinila niya pauwi si Wenona at dahil sa galit ng binata ay na prangkA niya ito. "Over acting na Ang pagseselos mo wenona! Iisipin mo,Hindi mo pa Ako asawa. Girlfriend pa lang kita at dahil sa ginawa mo lalo mo lang pinalalayo ang loob ko Sa'yo!" Galit na wika ni Alexander. "Anong ibig mong sabihin ha? Na ayaw mo na saakin ha!?" Asik din muli ni wenona. Mabilis namang lumapit sina Mang Lauro at aling lolita sa narinig na pag-aaway Nina Wenona at Alexander. "Alex, wenona? Ano bang problema niyo?" Nagtatakang tanong ni Mang Lauro. Ngunit si aling Lolita ay matalim Ang mga titig na ipinukol nito Kay Alexander. "Hindi mo ba alam Tito? May relasyon po kami ng anak mo! At ngayon parang may ipapalit na Siya sa akin! At yun Ang Hindi ko mapapayagan dahil Hindi pweding hindi niya ako panagutan sa pag-angkin niya sa akin!!" Sigaw pa ni Wenona. Nanlaki ang mga matang tiningnan ni Mang Lauro ang anak na si Alexander. "Alex? Totoo bang narinig ko? Pati ba si wenona?? Hindi ka man lang nakinig sa mga sinabi ko Sayo!?" Galit na galit si Mang Lauro sa anak. "D- dad. I'm sorry, promise magbago na Ako.." Sabi pa ni Alexander. "Wala namang problema yan Lauro mahal, basta huwag lang sasaktan at tatalikuran ni Alexander Ang aKing anak.." Matigas ang anyong wika ni aling lolita. At Hindi kumukurap sa pagkakatingin kay Alexander. "Mangako ka Xander! Na Ako lang, mangako ka sa harap ng aKing ina!!" Utos na sigaw ulit ni Wenona. Pinagpawisan si Alexander na nakatingin sa amang si lauro. Napailing-iling si Lauro. Dagdag problema nila itong mag- ama. Nagproblema na nga sila kung paano tatakasan ang bagong myembro ng pamilya at heto dumagdag pa si Alexander. Napilitang mangako si Alexander kay Wenona pero ang totoo ay tatakasan din niya ito. Pati Ang Ina ni wenona ay tatakasan din ng kanyang ama. Dahil napansin nila ang biglang pag-iiba ng ugali ni aling lolita. Lagi itong matalim kung nakatingin sa kanilang mag-ama at parang lahat ng kilos nila ay binabantayan nito. Takip-silim na. at ganoon parin Ang ginawa Nina aling lolita at wenona.nagpaalam Ang mga ito sa mag- amang Alexander at Lauro dahil may tatapusin lang daw ang mga ito sa loob ng tatlong gabi Kasama Ang mga pamilya ni aling lolita. "Nay, hindi kaya tuloyang nagdududa na Sila saatin??" Tanong ni wenona sa Ina. Humalakhak si aling lolita. "Wala aKong pakialam kung magdududa na talaga Sila saatin anak. pwede nating kakatayin Ang ama ni Alexander sa pagsapit ng kabilogan ng buwan. pasalamat nalang si Alexander na mahal mo siya, dahil kung hindi isa sana siya sa binabalak kong biktimahin!" Sabi pa ni aling lolita. "Pero si Mang Lauro, hindi mo ba Siya mahal nay.?" Tanong ni Wenona. "Mahal na mahal ko Siya anak. kaya lang nakikita Kong lalayuan din niya Ako pag- malalaman niyang aswang Ako. Kaya ipapaluto ko nalang Siya pagdating ng kabilogan ng buwan. hahaha.." "Pero nay, kahit ayaw na saakin ni Xander kung malalaman niyang aswang Ako ay Hindi Ako papayag na bibiktimahin natin Siya. Ayokong mawala si Xander nay. May naiisip Ako nay, nakikita Ko kaninang may mga kapatid pala si kaloy, masarap Silang ihanda nay, sa pagsapit ng kabilogan ng buwan.." Sabi ni wenona. Biglang umaliwalas ang Mukha ni aling lolita. "Pupunta tayo doon anak. pagkatapos nating magpalit ng anyo.." Nakangising wika ni aling lolita. "Ang magandang babae nay na tingin ko' y karibal ko Kay Xander. Gusto Kong malaman kung saan Siya nakatira. kakainin ko ang mga lamang loob niya.." Nagdilim Ang anyong wika ni wenona. Mga Alas diyes na ng Gabi ayon sa relong nakasabit sa dingding Nina aling bebang. Kapwa tulog na Ang mga kapatid ni Kaloy na sina Tala. Ang dalagitang kapatid ni kaloy at si pepoy Ang bunso. Sina kaloy, Gandara at Ang mga magulang ni Kaloy ay gising pa Sila dahil sa kanilang pagbabantay. "Hindi talaga rayo pweding matulog agad kaloy, Manang bebang at Manong Pedong dahil damang- dama ko na parang may susubok dito ngayon sa bahay niyo." Ani Gandara at nagmamatyag sa paligid. "Nakakatakot naman yang nga sinasabi mo Gandara.." Sabi pa ni aling bebang. "Maniwala nalang tayo nay, tay kay Gandara.." Sabi Naman ni kaloy. Di nagtagal Isang pa igok- igok na tinig ng Malaking baboy ang kanilang narinig sa labas ng kanilang Bahay at kasabay Naman ng pag- init ng kuwentas ni Gandara! "Teka lang,nkanino bang baboy na yan? Baka nakawala yan sa pagka tali at kawawa naman ang may Ari niyan.." Sabi Naman ni Mang Pedong nang marinig Ang tinig ng Isang Baboy. "Ssshhh. Manong Pedong, Hindi yan baboy.." mahinang sagot ni Gandara. "Ha?? Ano Pala Yan..?" "Masamang baboy po yan. At dama kong puntirya nila ngayon Ang mga kapatid ni kaloy.." "Ano!!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD