YUGTO 15

1335 Words
Mabilis Ang mga kilos Nina Gandara, Alexander at kaloy na Lumabas mula sa liblib ng mga kakahoyang dikit-dikit. At si kaloy ay nasa hulihan sa tatlo silang nagtatakbuhan at idagdag pang dimalas itong natisod sa nakaharang na ugat ng malaking kahoy kaya nadapa ito at naiwan nina Gandara at Alexander. "Arayy!!! Ang sakit!! Pareng Alexander! Gandara!! Balikan niyo Ako! Huwag niyo akong iiwan!!" Sigaw ni kaloy habang nahihirapang tumayo. "Hi!" Bati ng Isang tinig ng babae sa likod ni kaloy. Gulat at nabigla si kaloy nang marinig at malingunang may tao na pala sa kanyang likuran habang Hindi pa Siya tuloyang nakatayo Mula sa pagkakatisod at pagkadapa. Namangha ulit si kaloy nang Isang seksing dalaga at maganda Ang kanyang nalingunan sa likod niya! "S-sino ka!?" Tanong ni kaloy at hinagod ng tingin Ang seksing dalaga. Napangiti ng matamis Ang dalagang ito kay kaloy. "Ako nga Pala si Amira.." Pakilala nito at sabay ini- abot nito ang Isang palad Hindi upang makipag shake hand kundi upang tulongang makatayo si kaloy. Tinanggap Naman iyon ni kaloy kaya tuloyang nakatayo ito sa tulong ni Amira. Napatitig si kaloy sa Mukha ng dalaga at parang nahihipnotismo ito sa Ganda at kaseksihan ng babaeng dalagang nagngangalang Amira. "Amira. ikaw si Amira. oh,Amira, Ikaw na yata siguro ang babaeng nakatakda sa akin ayon sa hula ni Gandara.." Sabi pa ni kaloy at tuloyang nahihipnotized sa dalagang kaharap. Napahalakhak Ang dalagang si Amira at hinawakan nito ang dalawang pisngi ni kaloy at tinitigan na sadyang inaakit nito si kaloy. "Baka nga, baka Ako na nga siguro Ang babaeng nakatakda para Sa'yo. Ano nga palang pangalan mo Mr. Pogi..?" Mahinhing tanong ni Amira. "Naku, kinikilig naman ako Sa'yo Amira. Ikaw ang unang babaeng pumupuri sa aking kaguwapohan. Ako nga pala si kaloy.." Pakilala pa ni kaloy at malawak ang mga ngisi nito Kay Amira kaya kitang kita Ang mga ngipin ni kaloy sa unahan na mukhang ngipin ng Rabbit. Muling napahalakhak sa tuwa Ang dalagang si Amira. "You can kiss me right now kaloy, baby.." Sabi ng dalaga. "Aba, English yun ah. Huwag naman ganyan Amira. Nasa bukid tayo, wala tayo sa America. Ano nga iyon?" Mulagat pang mga matang Tanong ni kaloy na patuloy na kinikilig. "Sabi ko, pwedi mo akong halikan ngayon din kaloy.." Napangiti namang ulit ng dalaga. "Aba! Haha. Sa WAKAS dumating na ang pangarap Kong makakahalik ng magandang babae. Awooohhh!" Tuwang- tuwang wika ni kaloy. Samantalang sina Gandara at Alexander ay napatigil sa pagtatakbo nang mapansing Wala na Pala si kaloy sa kanilang likuran! "Jusko ko, Alexander! Wala si kaloy sa likod natin!" Gulat at kinakabahang sambit ni Gandara. "Oo nga Gandara!" Gulat ding wika ni Alexander. "Bilisan natin! Kailangang babalikan natin Ang kaibigan mo! Nanganganib Siya Xander! ramdam kong may paparating na aswang sa kakahoyang iyon!!" Wika ni Gandara. "Pasaway naman itong si pareng kaloy! Akala natin nakasunod lang Siya sa likuran natin yun pala'y wala! Sige Gandara, babalikan natin Siya!" Sagot ni Alexander. Nagmamadaling bumalik sina Gandara at Alexander kung saan naiiwan nila si kaloy. Kapwa pa humihingal sina Alexander at Gandara sa kakatakbo pabalik upang balikan ang naiiwang kaibigan. At kapwa nagulat sina Gandara at Alexander sa kanilang nakita sa kanilang pagbabalik Kay kaloy! "Gandara, tingnan mo! Sarap na sarap si kaloy habang kahahalikan niya ang matandang babae!!" Bulalas ni Alexander. "Naku Hindi Xander! aswang ang matandang yan! At nilinlang niya si kaloy!" Nanlaki ang mga matang wika ni Gandara dahil sa nakita. "Kaloy!! Isang matandang aswang iyang kahahalikan mo at hindi yan magandang dalaga!!" Sigaw ni Gandara. Narinig Naman ni kaloy ang sigaw ni Gandara at agad niyang iminulat Ang kanyang mga mata at itinigil ang paglips to lips sa dalagang si Amira. "Ahhhhh! Santa Maria Ina ng Grasya!! Tulong!!" Sigaw ni kaloy sabay tulak nang Makitang naging Isang matandang babaeng may kulubot sa Mukha ang kanyang kahalikan! Ang magandang babaeng si Amira ay naging matandang babae ito! at matalim pa siyang tinitigan nito na nakaangil Ang bibig na mukhang tutuklaw na sa kanya! Tumakbo si kaloy ngunit humagikhik na nahawakan ng matandang babaeng aswang Ang kanyang Isang paa. Kaya nawalan balance at natumba si kaloy sabay ang pagsisigaw nito. Magkasabay namang sumugod sina Gandara at Alexander upang tulongan si kaloy Mula sa matandang aswang. Sinakal nito si kaloy at matapang pa itong tumingin kina Gandara at Alexander! Kinuha ni Gandara Ang kanyang hunting knife sa bag na dala at akmang isaksak sa gilid ng matandang aswang na Sumakal Kay kaloy ! Ngunit mabilis din Ang kilos ng matandang aswang at nahawakan at nasalo nito sa isang kamay nito ang pagsaksak ni Gandara habang Ang Isang kamay Naman nito ay nanatiling nakasakal kay kaloy! " Alexander! Ang lakas niya! Ang bag ni kaloy kunin mo bilis! May itak diyan sa loob ng bag niyang knapsack !!" Utos ni Gandara habang nakikipag -pwersahan sa matandang aswang. "T-tulong!! pareng Xander!! B-bilisan mo!!" Umiiyak na wika ni kaloy habang naghihirap na huminga dahil sa pagsakal nito sa kanyang leeg ng matandang aswang. "Hehehehe!!!" Hagikhik ng matandang aswang. Alertong kinuha ni Alexander Ang matalim na itak sa bag ni kaloy at pagkatapos ay tinaga niya sa likod Ang matandang aswang. "Aaaaggghh!!!!" Hiyaw ng matandang aswang kaya nabitawan nito sina kaloy at Ang Kamay ni Gandara. Ngunit matapang Ang aswang na ito at Galit na Galit nitong hinarap si Alexander. "Takboo!! Xander!! Kaloy!!" Sigaw ni Gandara. Nang Makita Nina Alexander at kaloy Ang unang pagtakbo ni Gandara mabilis naman silang sumunod rito at kumaripas ng takbo. Kahit tumutulo Ang dugo sa sugat ng aswang dulot sa pagtaga rito ni Alexander ay mabilis parin itong tumakbo at humahabol sa kanila. "Pareng kaloy! Gandara! Hinabol talaga tayo ng aswang!!" Humihingal na Sabi ni Alexander. "Sisikapin nating makarating sa unahan ! Pag makalampas na tayo sa liblib na area na 'to ay tiyak Kong titigil na sa paghahabol sa atin Ang matandang aswang na yan.!" Humihingal ding Sagot ni Gandara. "Bakit niyo ba Ako iniwan kanina!? Muntik na akong mabiktima ng aswang na yan! Mabuti nalang at naisipan niyo pang may kaibigan kayong kaloy at binalikan niyo Ako!! Walang hiyang aswang na yan! Siya ang naging unang halik ko! Pweeee!! Kakadiri..!!" Maingay ding wika ni kaloy habang humihingal ding nakasunod sa pagtakbo kina Gandara at Alexander. "Sira ka naman pala ehh, bakit kaba nakikipaghalikan sa matandang aswang na yan??" Tanong din ni Alexander. "Niloko Ako ng aswang na yan! Isang magandang dalaga Ang hinalikan ko kanina. Hindi matandang babae!!" Sagot Naman ni kaloy. Kahit pagod na pagod na si Gandara sa kanilang ginawang takbuhan ay Hindi niya napigilan Ang mapatawa Kay kaloy at ganoon din si Alexander. Tinigilan nga Sila ng matandang aswang sa paghahabol nang makalampas na Sila sa dinadaanang liblib na iyon. Kung saan may napapansin Silang dikit-dikit at may Maraming kakahoyang pinagtatapunan ng mga buto ng mga tao! Saglit na nagpapahinga sina Gandara, Alexander at kaloy sa ilalim ng punong Sampalok. " okay ka lang ba Gandara?" Tanong naman ni Alexander nang makitang sobrang napapagod Ang dalaga. "Oo, okay lang naman. Kunting pahinga lang ito.." Sagot ni Gandara. "Sa buong buhay ko ay hindi ko akalaing makaka experience Ako ng ganito Gandara.." Wika pa ni Alexander. "Ako pareng Xander? Hindi mo ba Ako tatanungin kung okay lang ba Ako? kung hindi ka makakapaniwalang makaka experience ka ng ganito,mas Lalo na Ako pare! Naisipan ko tuloy na mas mabuti pang si Anastasia nalang ang unang halik ko kaysa sa aswang na yun! Huhuhu!!" Mukhang maiiyak na wika ni kaloy. Nagkatinginan sina Alexander at Gandara at magkasabay na natatawa Ang mga ito sa narinig Mula Kay kaloy. Kahit pagod at takot Ang napagdaanan nila ng mga sandaling iyon. Medyo hapon na nang umuwi sina Gandar, kaloy, at Alexander sa bahay nina kaloy. Saglit na natigilan si Gandara dahil naramdaman niyang uminit na naman ang kanyang kuwentas! takot namang sumalubong si aling bebang sa mga dumating. "Sir alexander, nandito Ang step sister mong si wenona! Nasa loob ng Bahay. Sinundo ka niya dito at galit siyang naghihintay Sa'yo.." Wika ni aling bebang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD