YUGTO 17

1956 Words
"Oo manong.. Sina Tala at pepoy Ang pinunta ng mga masasamang yan. Manang bebang, Manong Pedong, dalawa po sila." Mahinang Sabi ulit ni Gandara. "Ano?? Naku, tulong panginoon. Anong gagawin natin Gandara??" Tanong ni aling bebang at pati mga labi nito ay nanginginig sa takot. "Nay,, tabihan mo sina Tala at pepoy. kami na dito Ang magbantay.." Saad Naman ni kaloy. "Oh Sige anak ." Sagot Naman ni aling bebang at mabilis na pumasok sa loob at tinabihan Ang mga anak. "Hoy!! Huwag kang magpaka baboy! Lumang diskarte na yan!" Sigaw pa ni kaloy. "Shhh.. kaloy Naman, mas Lalong pag-iinitan Tayo ng aswang kapag sinisigawan Sila.." Mahinang saway ni Gandara. "Ayy ganoon ba Gandara?? Akala ko lalayas Sila dahil Galit na Tayo.." Sagot Naman ni kaloy. Inatake ng kaba Ang mga magulang ni Kaloy. Lalo na at papalapit ng papalapit sa kanilang pintuan Ang tinig ng baboy. Pero laging nakahanda Naman ang tatay ni kaloy at si kaloy din. hindi nagtagal Isang tinig sa likod ng pintuan Ang kanilang narinig. tinig iyon ng tila nahahapong babae na para bang uhaw na uhaw ito! Tinanglawan nila ito gamit Ang maliit lamang na gasera Nina kaloy at dahil kawayan lamang Ang dingding ng pintuan ay kitang kita ang Isang malaking babaeng dumikit sa pintuan ng kawayan Nina kaloy! nakatingin ito sa kanila at nagsilabasan Mula sa butas ng kawayang dingding Ang mga mahahaba at matutulis nitong mga kuko. Napakapit ito sa pintuan ng kawayan na tila rehas sa pagkakagawa! Kapwa Sila nagulat sa nakita! At napaatras. "Wakk...wakk..wakk.." Mahinang tinig ng babaeng aswang sa Likud ng pintuan! Kasabay ng pagyugyog at pagtulak nito sa pintuang kawayang rehas! "Hindi! Baka mabuksan niya Ang pintuan kaloy, Manong Pedong!" Nabiglang sambit ni Gandara. "Tay, kapag mabuksan niya, susunggaban niyo po agad Tay!! At tutulong din Ako!" Gulat ding sambit ni kaloy. "Kalma lang kayo, huwag magpadala sa takot. dadaigin Tayo ng masamang Yan kapag pareho tayong natatakot. heto nga at kanina pa Ako handa!" Sagot Naman ni Mang Pedong. At sa labas at likod ng dingding Naman kung saan Banda si pepoy natutulog ay may biglang kumaluskus kasabay ng pagtinig ng " kweek kweek" na siyang dahilan ng di napigilang pagsigaw din ni aling bebang dahil sa pagkagulat nito! "Ayy!! Pedong! Kaloy! May aswang sa labas ng dingding dito!" Sigaw din ni aling bebang. Tumakbo Naman doon si kaloy sa loob ng kanilang maliit na kuawrto kung saan Ang kanilang tinutulogan. Naiwan sina Gandara at Mang Pedong sa maliit na salas2x Nina kaloy na tanging kawayan lamang Ang nagsilbing dingding sa paligid. Naroon din Ang maliit na kusina at maliit na mesang kinakainan ng pamilya na gawa din sa kawayan! Parang nagalit Ang aswang sa pagsigaw ni kaloy kanina kaya patuloy nitong niyugyog at pinagtutulak ang pintuang kawayan! Samantalang Si kaloy ay nagbabantay lamang doon sa Ina at mga kapatid habang patuloy ang tinig ng Isang Galit na kwekwek! Nakalimutan Pala Nina kaloy at ng inang si aling bebang, na sa may bandang paanan ng kanilang tinutulogan ay may maliit palang butas Ang sahig nilang kawayan. Hindi pa Pala nila natatapos pandayin doon dahil ubos na Ang kawayan nilang binili kaya pansamantalang makapal na cartoon lang Muna Ang kanilang itinakip sa butas na iyon. Kaya napasigaw nalang Ang mag- inang kaloy at aling bebang nang Isang mabalahibong kamay ang lumabas roon na may matatalas na mga kuko! At biglang hinablot Ang Isang paa ng batang si pepoy! "Ahhh!!" Sigaw ng Bata na biglang nakagising sa paghila sa kanyang Isang paa ng mabalahibong kamay Mula sa butas! Mabilis namang tinaga ni kaloy Ang kamay ng aswang na humablot Kay pepoy! Habang si aling bebang ay pinigilan din Ang anak upang di madala sa paghablot ng aswang rito! "Aahhrghh!!! Kwek kwek!! Kwek!" Hiyaw pa ng aswang nang matamaan sa pagtaga ni kaloy sa braso nito kaya nabitawan nito ang paghila sa paa ni pepoy. Namutla at gulat na gulat namang nakagising Ang dalagitang si Tala. "Nayy.." Sabay na umiiyak na sambit Nina Tala at pepoy. Mas Lalong nagalit Naman ang malaking babaeng aswang na tumutulak sa labas ng pintuan Nina kaloy nang marinig na tinaga Ang Kasama nito at natamaan sa itak. Kaya parang nagwawala ito at mas Lalo pang pinagtutulak ng malakas ang pintuang kawayan. Naisipan ni Gandara Ang kanyang hunting knife at Ibinigay iyon Kay Mang pedong. "Manong , hagisan mo Siya ng hunting knife!! Bilis! Habang Hindi pa niya nabuksan!" Utos ni Gandara. "Hindi siguradong tatamaan Siya! Dahil Hindi Naman masyadong malaki Ang butas ng nagsilbing rehas na kawayang dingding ! Akin na .." Sabi ni Mang Pedong. Habang patuloy paring malakas na itinulak Ang pintuan ng malaking babaeng aswang! Determinadong lumapit si Mang Pedong sa kawayang pinto at gamit Ang mahabang hunting knife ay sinaksak nito ang aswang! "Ahhhhhh!!! Wakk!! Wakkk!! Wakk!!" Hiyaw ng aswang at mabilis itong lumayo mula sa pintuan! Sa pamilya Naman ni aling Ester ay muling sinalakay din ito ng mga ASWAng. Muling binutas Ang kanilang dingding habang kapwa Naman Sila nagsisigawan dahil nakapasok Ang dalawang tiktik sa loob ng kanilang Bahay at nakikipaglaban dito si Mang Dario at aling Ester. Dalawang tiktik pa Ang unang pumasok hanggang sa pumasok Naman ang tatlong wakwak sa Bahay Nina Mang Dario at aling Ester! Mabuti nalang at Itinago ni aling Ester Ang anak na si Marla sa Isang Sako at nilagyan ng mga damit upang di mahahalata na nandoon si Marla! Dinaig Ang mag asawang Dario at Ester sa limang aswang na sumalakay sa loob ng kanilang Bahay! Kaya natangay ang mag- asawa ng mga ASWANG ng gabing iyon!! "T-tulongg!!!" Sabay pang sigaw nina Mang Dario at aling Ester. Habang papalayo na ang boses ng mga ito dahil tangay-tangay na Ang mga ito ng mga ASWANG! Narinig Naman ni Marla Ang pagsisigaw ng tulong ng kanyang mga magulang narinig niyang dinala ang mga ito ng mga aswang kaya pigil ang kanyang pag-iiyak sa loob ng Sako Baka pag- naririnig Siya ay babalikan din Siya ng mga ito! "Nay, Tay, Dina .." Mahina at impit na iyak ng dalagitang si Marla sa loob ng Sako. Ni hindi Siya gumagalaw o kumilos Baka makuha din Siya ng mga aswang. Titiisin nalang niya ang pangangalay at pagod niya Hanggang sisikat na Ang Araw bago Siya lalabas sa Sako at lalayas agad sa kanilang Bahay! Sina Anastasia Naman at Ang tita at Tito nito at Ang Isang Pinsang babae ay naghahanda na ng gabing iyon at nag-iimpake dahil bukas na bukas ay aalis at lalayo na Sila sa Lugar ng mga ASWANG. "Sa WAKAS makakaalis na din Tayo dito, mabuti at na send na ni nanay sa gcash mo tita ang perang pamasahe natin pauwing Cebu.." Sabi ni Anastasia. "Oo Anastasia. makakahinga na talaga Tayo ng maluwag kapag makaalis na Tayo dito. kasalanan ko talaga tong lahat, dahil kagustuhan ko itong dito kami titira ng Tito mo. Dahil sa ganda ng Lugar at nakakabighani Ang mga lagaslas ng tubig ng mga water falls dito. pero yun Pala ay pugad Pala ang Lugar na ito ng mga ASWANG.." Mahabang wika ng tita ni Anastasia. "May mga edad na Kasi kami Anastasia kaya pumayag na rin Akong titira kami dito dahil bukod sa payapa Ang Lugar ay napaka fresh din ng hangin.." Sagot Naman ng tito ni Anastasia. "Oo nga Tito.. maganda sana Ang Lugar kung mamamatay lahat ng mga ASWANG dito! Maryusep, pati Ako ay Hindi na halos makatulog kapag Oras na ng gabi gaya ngayon.." Saad din ni Anastasia. "Pero alam mo ba Insan Anastasia, nay,T ay?? Hindi Naman Ako naniniwalang may mga ASWANG dito ahh. Nagpapadala Kasi kayo sa mga chismis na parang makabuhay- patay! Hay naku, wala Naman tayong nakikitang kinain ng aswang dito ehh. Ganoon lang talaga siguro Ang mga tao dito, parang mga ASWANG kung tumitig pero naku! Wala tayong ebidensyang aswang nga Ang kumuha sa mga nawawala dito sa Lugar na ito. Baka modos lang ng mga sindikato.." Napapairap na sabad ng pinsan ni Anastasia. "Sige na matulog na Tayo.. maaga pa Tayo bukas.." Sabi Naman ng tita ni Anastasia. Papanhik na sana Sila sa kuwarto ngunit sabay Silang natahimik at napatigil nang may biglang kumatok sa kanilang pintuan. Nagkatinginan Silang lahat. "Sino kaya yan?" Mahinang Tanong ni Anastasia sa tiyahin at tiyuhin. "Tao po, tao po.! magandang gabi po!" anang tinig sa labas ng pinto. Tinig ng babaeng humihingal na parang hinahabol ito. "Tulongan niyo po Ako, may humabol po sa akin!! Pagbuksan niyo po Ako!" Umiiyak na pakiusap ng babae sa labas ng pinto. "Tita, Tito, paano?? Pagbubuksan ba natin Siya??" Tanong ni Anastasia. Tiningnan ng Tito ni Anastasia Ang relong pambisig nito at nalaman nitong Alas Nuebe y media na ng gabi. "Maawa po kayo please! Bilisan niyo may humahabol po sa akiin!! Tulongan niyo po akong makapagtago agad!!" Patuloy na iyak ng babae sa labas. "Kawawa Naman. tutulongan ba natin tita, tito??" Tanong ni Anastasia na nagsasalpukan ulit Ang mga kilay. "Mahirap magtiwala Anastasia ." Sabi ng tita ni Anastasia na Asawa ng tito Ronny niya. "Oo nga, alam mo na Ang Lugar na ito. at mahirap talagang magtiwala kung sino man iyan.." Sagot Naman ng tito Ronny ni Anastasia. "Paparating na po Sila!! Maawa po kayo !! Papatayin nila Ako!!" Muling pakiusap ng babae habang patuloy sa pagkakatok ng pintuan. "Ano ba kayo nay, tay!?? Hindi ba kayo naaawa?? Dahil lang sa mga walang katotohanang naririnig niyo ay ayaw na ninyong tumulong sa taong humihingi ng ating tulong!??" Galit na sabi ng pinsan ni Anastasia . At ito na Ang nagmamadaling tumungo sa pintuan para pagbuksan Ang humihingi ng tulong. "Huwag pinsan!! May Punto din Kasi ang sina Tito at tita!!" Pagpipigil ni Anastasia. "Makinig ka Sally!! Huwag mong pagbuksan!" Pigil din ng mga magulang nito. Ngunit Hindi nakinig Ang pinsan ni Anastasia at binuksan talaga nito ang pinto. Pagbukas ni Sally ay Isang luhaang babaeng nanginginig ang tumambad rito at tila takot na takot itong nakatingin sa unahan. "Salamat po!! Salamat!" Sabi pa nito at Patuloy na umiiyak. "Sige po, pasok na po kayo. bilisan niyo po!" Sabi din ni Sally. Ngunit sa Isang kisap-mata ay biglang nag-iba ang anyo ng babaeng humihingi ng tulong. bumalasik ang Mukha nito at pumapangit iyon! Kasabay nang biglang paghablot Kay Sally palabas ng pintuan! "Ahhhh!! Nay!! Tay! Insan!!" Isa-isang tawag ni Sally sa pangalan nila. "Hehehehe!!!" Tawa at hagikhik ng Aswang na babae. "Sally.!!" Gulantang na sabay sigaw ni Anastasia at ang mga magulang ni Sally. Hindi pa Naman Sila nakapaghanda! hahanapin pa nila kung saan Ang kotselyo o kaya'y itak nila sa Bahay. At si Sally ay Hinakos na ng aswang na babae!! "Ahhh!! Bitawan mo Ako, aswanggg!" Sigaw at nasisindak sa takot ni Sally. Nagsiliparan Ang mga Mahabang buhok ng aswang at sumusuot sa loob ng bibig ni Sally upang di Siya makasigaw. Nagkakagulo sina Anastasia, kung paano Nila tutulongan Ang pinsan Nakita nilang Isang babaeng aswang at may tila paniking pakpak ito Ang humakos Kay Sally. ipinapagaspas pa nito ang malaking pakpak bago umigkas at lumipad paibabaw ng himpapawid habang tangay nito si Sally!! "Tita!! Tito! Tinangay si Sally at nilipad ng aswang !!! Sally!!!" Sigaw ni Anastasia. "Mga hayop!! Mga alagad ng kadiliman! Ibalik niyo Ang anak namin!" Sigaw din ng Tito at tita ni Anastasia. Si Sally ay nasa Thirty na Ang edad. At ito nalang Ang anak ng mag asawang Ronny at Marga dahil kapwa na nag-aasawa Ang mga kapatid nito. Walang nagawa sina Anastasia at Ang Tito at tita nito kundi ang umiiyak dahil nakuha ng aswang si Sally!! Ganoon ka disperado Ang mga aswang ngayon dahil sa papalapit ng kabilogan ng buwan. gagawin ng mga ito Ang lahat na diskarte upang makakadukot ito ng mga taong kakatayin ng mga ito sa darating na kabilogan ng buwan!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD