YUGTO 10

1389 Words
"Pepoy! pepoy!! Nasaan kana?!" Sigaw Nina kaloy at ng mga magulang nito. Nakasunod naman si Alexander sa mga ito habang nakahanda Ang kanyang baril dahil kung susunggaban Sila ng mga ASWANG ay agad nilang madedepensahan Ang sarili. Kanina pa Sila naghahanap sa bata ngunit di Nila ito nakikita lumalim ng lumalim nalang Ang gabi ay di nila ito natatagpuan. Naisip pa ni Alexander kung nasaan kaya ang mag-inang Wenona at aling lolita at kung umuwi na ba kaya Ang mga ito? At Ang narinig niyang wakwak at kwekwek kanina ay talaga ba kayang Ang mag- Ina iyon? Pero malaking posibilidad na Sila iyon dahil Wala Ang mag- Ina at kapwa lumabas ng gabing ito at di Nila alam kung saan pumupunta. Isa pa, mukhang pinainom ng sleeping pills Ang kanyang daddy. Bukas na bukas kailangang kakausapin niya ng sekreto Ang kanyang daddy. Natigil si Alexander, Ang kambal pala, nakalimutan niyang I check Ang mga ito sa kanilang kuwarto ! Nagmamadaling Araw na lamang ay di talaga nila nakita ang Kapatid ni kaloy. Wala namang aswang na humarang sa kanila dahil siguro ay nakahanda Sila kaya di Sila sinusubukan ng mga aswang. Pero Ang mga aso ay parang Hindi matigil tigil sa pagtatahol Ang mga ito at pag- uungol. Doon saglit nakaidlip si Alexander kina kaloy. Dahil sa sobrang antok. Madaling Araw na Kasi Sila nakauwi at useless lang ang pagod at paghahanap nila dahil Hindi nakita Ang bunsong kapatid ni kaloy. Panay ang lihim na pag-iyak ng Ina ni kaloy habang nag- iinit ito ng tubig upang magkakape na sila kasisikat pa lamang ng araw. Nakita ni Alexander Ang sitwasyon ng pamilya ng kaibigang si kaloy. Kawawa Ang tahanan ng mga ito.maliit lamang iyon at mga bilog na kawayan lamang Ang pamakod nito. Dahon ng anahaw Ang bobong at dahon din ng buli Ang dingding. "Kaloy, magkape na kayo ng kaibigan mo,tawagin ko Muna Ang itay mo sa labas. Maagang nagpapakain ng mga alaga niyang manok. Pagkatapos nating mag-almusal ipagpatuloy natin Ang paghahanap sa kapatid mo kaloy.." naluluhang Saad ni aling bebang. "Opo nay.." Sagot naman ni kaloy. "Pare, uuwi muna ako. Babalik lang Ako, baka nag-alala na sina Daddy,Hindi Kasi nila alam na tumulong Ako sa paghahanap ng kapatid mo.." Wika ni Alexander. "Ha? Hindi kaba nagpapaalam kagabi?" Nagtatakang tanong Naman ni kaloy. "Hindi ehh, mahabang estorya kaya saka ko na sasabihin Sayo " Sagot naman ni Alexander. "Oh Sige, kape ka muna. Pure native kape ito at napakabango at masarap Ang lasa.." Wika ni kaloy. "Wow, hindi pa Ako naka tikim niyan.." Ani Alexander. Nagtimpla nga si kaloy ng dalawang tasa at ini abot Kay Alexander Ang Isang tasa. Di nagtagal ay Isang boses ng babae Ang kanilang naririnig na kausap ng mga magulang ni kaloy. Sinilip ni kaloy kung sino iyon at mas Lalong nanlaki ang mga mata nitong mga bilog dahil sa nakita! " Pare! Ang kapatid ko, nandito na Siya at may Kasama Siya!" Gulat na wika ni kaloy. "Talaga? Sino ang Kasama ng kapatid mo at saan ito galing??" Tanong Naman ni Alexander at sumilip din sa labas. Ito Naman ang nanlaki ang mga mata sa nakita! Mahigpit na niyakap ni aling Nebang Ang anak na si pepoy. Tuwang- tuwa Ang mga magulang ni pepoy na walang masamang nangyari sa kanilang bunso. "Naku, salamat! Maraming Salamat Sa'yo neneng. niligtas mo ang anak namin.." Sabi pa ni aling Bebang. "Madaling Araw na kaming nakauwi Mula sa paghahanap Kay pepoy. Salamat Sa'yo Inday.." Sabi Naman ng ama ni kaloy. "Walang anuman po, ihahatid ko po sana Siya kahapon kaya lang baka gagabihin kami sa daan at baka sinusundan kami ng aswang na muntik na sanang bibiktima Kay pepoy.." Sagot Naman ni Gandara. kasama ni gandara si Marla sa paghatid kay pepoy ng umagang iyon. "Salamat po ate Gandara ha?" Wika Naman ni pepoy. "G-gandara Ang pangalan mo?? Hindi ikakapagtaka kung bakit pinangalanan kang Gandara ng iyong mga magulang dahil napakaganda mong Bata at Mabait pa.." Napangiting wika ni aling Bebang. "Ako po Yung dayong nanghuhula ng kapalaran.." matamis na ngiting ganti ni gandara. Saglit namang natigilan Ang mga magulang ni kaloy. "Ano!? Kayo Ang na well known na isang dayong babaeng manghuhula?? Akala namin Isang matandang babae Ang manghuhula. Yun pala'y Isang magandang dalaga!." Gulat na wika ng mga magulang ni kaloy. "Gandara!? Ikaw Pala 'to!?" Mabilis na bati ni kaloy at lumapit sa kanila. Nakasunod Naman si Alexander sa likod ni kaloy at di makapaniwalang nakatingin lamang Kay gandara . "Oh,kaloy. Diba kayo yung nagpapahula sa akin?" Nabigla namang wika ni Gandara at napadako din ang tingin Kay Alexander. Kitang kita ni gandara Ang paghahanga sa mga mata ng binatang si Alexander na nakatingin sa kanya. Isang phsyco lang niya sa mga tingin sa kanya ng binatang ito ay alam na niya ang nilalaman ng kaloob looban nito. Nababasa niya sa mga mata Ang pagkakagusto nito sa kanya. Pero Hindi Siya nandito sa Lugar na ito upang makikipag landian sa mga lalaki kundi nandito Siya sa Isang mabigat na mission-ang Hanapin at babawiin Ang kanyang kambal na kapatid Mula sa mga aswang. At Wala siyang panahon upang bibigyan ng pansin Ang mga lalaking magkaka enteres sa kanya sa Lugar na ito. At isa pa, hindi nababagay sa kanya Ang Isang katulad ni alexander. Nababasa niya sa mga palad nito ang pagka playboy nito at may siyam na babae itong tinatakasan at buntis pa yung dalawA. At pag- magkamali pa ito sa ika sampong babae sa Buhay nito ay lagot ito dahil aswang Ang ka relasyon nito ngayon! "Miss Gandara. Ikaw Pala ang nakakita sa kapatid ni kaloy.." Bati pa ni Alexander sa kanya. "Oo Ako, naligtas ko Siya Mula sa isang matandang babaeng aswang." Sagot ni Gandara. "Ano!?" Sabay gulat na sambit Nina kaloy at Alexander. "At sana po kaloy bantayan mo Yung kapatid mo. A huwag nang pagagalain. Alam niyo na po ang Lugar na ito.." Dagdag pa ni Gandara. "Hindi na yan mangyari Gandara.." Sabad Naman ng Ina ni kaloy. "Opo ate, hindi na talaga Ako gagala." Sagot Naman ni pepoy. "Biglang gumagaan Ang Umaga namin ni pareng Xander miss Gandara nang Makita ka namin ngayon. Salamat ng marami Sa'yo.." Sabi pa ni kaloy na parang di mapakali. Bigla itong ngingisi at pa kindat kindat sabay kakamot sa ulo. Simpleng napangiti lang si Gandara Kay kaloy. Nababasa niyang talagang ganoon ito at di ito masamang tao. At nagagandahan lang ito ng sobra sa kanya. "Pwedi ba kayong ma invite namin saglit Gandara..? bilang pasasalamat lang namin sayo dahil nabalik sa amin na Buhay Ang bunso namin.." Tanong Naman ni aling Bebang. "Ahh, s-sige po. Ano pong invite iyan?" Tanong ni Gandara. "Magluluto Ako ng barbecue na saging at magkakatay kami ng manok. May mga manok Kasi kaming dala mula pa sa mindanao at kakatayin namin yung dalawA para maipaghanda ka namin ng masarap na umagahan. At habang katayin at linisin pa ito ng asawa ko ay ipagluto kita ng masarap na barbecue.." Masayang wika ni aling Bebang. "Oo nga Gandara Inday, bilang pasalamat na rin namin sayo sa pagligtas mo Kay pepoy." Sang- ayon Naman ng ama ni kaloy na si Mang Pedong. "Oh Sige po. Wala pong problema.." Sagot Naman ni Gandara. "Thank you so much Gandara. mamaya na Ako uuwi. tawagan ko nalang si daddy upang Malaman niyang nandito Ako sa Bahay Nina kaloy.." Masayang wika ni Alexander na Hindi nagsasawang laging nakatingin Kay Gandara. Ngunit Hindi iyon binigyang pansin ni Gandara Ang mga kilos ng pagkakagusto sa kanya ng binatang si Alexander. Nasa labas lang silang lahat sa ilalim ng punong Langka dahil Hindi Sila kakasya kung papasok pa Sila sa loob ng Bahay Nina kaloy. Doon na rin nagluto ng barbecue si aling Bebang sa lilim ng punong Langka. May dalawang bilog ding kawayang silbing ginawang upuan roon ng pamilya ni kaloy kaya naupo lang doon sina Gandara at Ang dalagitang si marla. Ang kapatid namang babae ni kaloy na dalagita din na si Tala ay tumulong din sa Ina sa pagluluto ng barbecue. Ito Ang kumukuha ng mga balat ng hinog na saging at nilagay sa bandehado. Panay lang ang sulyap ni Alexander sa dalagang manghuhula. At si kaloy Naman ay Hindi mauubusan ng mga topiko para Kay Gandara. Natatawa nalang si Gandara sa mga biro ni kaloy at lihim na siniko Naman ni Alexander Ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD