YUGTO 14

1592 Words
"Hindi po Ako papayag nay na pati si Alexander ay bibiktimahin natin!! Magrerebelde po Ako sainyong lahat! Tandaan niyo iyan nay!!" Napataas Ang boses at galit na sabi ni Wenona. "At bakit wenona? Anong ibig mong sabihin ha? Nagkakagusto kaba Kay Alexander?" Matigas ang anyong tanong ni aling lolita sa anak. "Nagmamahalan po kami ng lihim nay!!" Pagtatapat ni wenona na ikinagulat ni aling lolita. "Ano!!?" Sambit nito sa gulat. "Opo nay, mahal na mahal ko si Alexander at mahal din niya Ako!! sa katunayan nga nay ay may nangyari na po sa amin!!" Umiiyak na dagdag na pagtatapat ni Wenona. "Hindi!!!" Gulantang na muling sambit ni Aling lolita at namilog ang mga mata nito sa sobrang shocked sa ipinagtapat ng kanyang anak. Pagdating Nina Alexander at Mang Lauro ay Hindi nagpapahalata Ang mag- ama na nagdududa na Sila kina aling lolita. Nagbabalak sina Mang Lauro na aalis Sila at lalayas sa bahay ngunit unti- unti lang nilang iimpake Ang mga gamit nila. At Ang pag- transfer ni Mang Lauro sa negosyong nasimulan nito sa syudad at sa proper ng baryo. Kailangang maging maingat Sila upang Hindi Sila mahalata Nina aling lolita. At naisipan din nina Alexander na tutulongan Ang pamilya nina kaloy upang makaalis din sa Lugar na ito. Dahil alam nilang malaking halaga ang kailangan ng mga ito bago makakaalis sa Lugar ng mga ASWANG. Bigla ding naisip ni Alexander si Gandara. Hindi niya pweding hayaan din itong mag- isa sa Lugar na ito. Kaya kung Ano man Ang naririnig niyang mission ni Gandara ay kailangang tulongan niya ito upang mapadali iyon. Nagkagusto Siya sa dalagang manghuhula. hindi Naman Siya umaasang tutugunan ni Gandara Ang kanyang nararamdaman. Basta ang importante ay ligtas din itong makaalis sa PARAISO ng mga ASWANG- Isang kabigha-bighaning lugar dahil sa magagandang mga tanawin. Ngunit kakila- kilabot pala ang mga lihim na pangyayaring nagaganap sa Lugar na iyon! Samantalang Si Gandara ay nagpapaalam kina aling Bebang. Muli na Naman siyang kikilos sa paghahanap ng kanyang mga kapatid na kambal. Nakadama Siya ng kasiyahan dahil nararamdaman niyang nasa malapit na Lang sa kanya Ang kambal. "Pero Gandara. Hindi ka dapat umalis ng mag-isa dahil may masamang balita kaming narinig ngayon. Isang dalagita daw ang nakuha kagabi ng mga ASWANG. At alam mo ba kung sino?" Nanlalamig na tanong ni aling Bebang. "S-sino po manang bebang?" Kinabahan namang Tanong ni Gandara. At biglang sumagi sa isipan Ang pamilya ni aling Ester Lalo na si Dina. "Ang pamilyang tinutuloyan mo at nagpapalayas Sa'yo kahapon. Inaswang daw Sila kagabi at nakuha daw ng mga ASWANG Ang dalagitang anak ng mga ito na si Dina!" Sagot ni aling Bebang. Na tuloyang nanginginig sa takot at nanlalambot ang mga tuhod ng Ina ni Kaloy. Nanlaki ang mga mata ni Gandara. hindi Siya agad nakapagsalita. Laylay Ang mga balikat na muling napaupo si Gandara dahil sa masamang balita. "Hindi Kasi Sila naniwala sa mga sinasabi ko. Kaya kawawa si Dina. Napapahamak Ang anak nila." "Kaya delikado kang mag-isang maglakad Gandara.. Pwedi Naman kitang samahan. Sa mga lakad mo, pwedi ka naming sasamahan ni pareyng Alexander.." Seryoso ding sabad ni kaloy. "Dinig ko' y Aalis na sana sina Anastasia at Ang buong pamilya ng Tito ni Anastasia. Kaya lang na delayed Naman ang pagsend ng Pera ng mga magulang ni Anastasia sa Cebu at Wala pa silang pamasahe.. at iniisip ko ang tungkol sa atin. Paano tayo makaalis sa Lugar na ito?" Problemadong tanong ni Mang Pedong, Ang ama ni kaloy. "Kailangang magtutulongan nalang po tayong lahat Manong Pedong. Manang bebang, pero bago tayo aalis dito ay kailangan ko munang gagawin Ang mission ko rito.." Wika ni Gandara. "Ano ba Ang mission mo Gandara?" Halos magkasabay na tanong Nina kaloy. Ngunit Hindi sumagot si Gandara dahil Hindi niya pweding ipagkakalat Ang lihim niyang paghahanap sa mga kapatid niya. Baka makarating ito sa mga ASWANG na nag adopt sa kanyang mga kapatid at mapapahamak Ang kambal. Tama nang sina Mang Dario lamang at aling Ester Ang nakakaalam sa kanyang mission. Sabi ng kanyang yumaong Lola ay Oras pag nalalaman ng mga ASWANG, Ang paghahanap niya sa kambal ay nasisiguro nitong magkaka interes Ang mga itong biktimahin na lamang Ang kambal. Upang mapapakinabangan pa nila ang pagpapalaki ng mga ito keysa makuha at mabawi pa ang mga ito sa kanila. Sinamahan nga ni kaloy si Gandara. bawat mga Bahay na madadaanan Nina Gandara at Kaloy ay nakatitig sa kanila ang mga tao. "Kaloy, alerto ka lang ha. Huwag kumumpyansa.." mahinang wika ni Gandara Kay kaloy. "Bakit Gandara..?" Mahina ding Tanong ni kaloy. "Sobrang init ng aKing kuwentas. At ibig Sabihin, Ang mga Bahay na dinaanan natin ay mga ASWANG Ang nakatira.." Sagot Naman ni Gandara. "Ay Ano ba to Gandara nakakatakot. Sumama lang Ako Sa'yo ngayon, pero hindi ko talaga alam kung Anong hinahanap mo.." Sabi pa ni kaloy. "Ssshhh. huwag kanang magsalita diyan. Kapag may mahimigan tayong hindi maganda, kunin mo agad ang itak mong dala sa bag mong knapsack. at sa akin heto, hinanda ko rin ang Mahabang hunting knife kong dala sa bag ko.." mayhinang sabi ni Gandara. Bawat Bahay na madadaanan nila ay pasimpleng tiningnan ni Gandara kung may mga binata bang kambal at mga guwapo. Ayun Kay Lola niya, tulad din sa kanya Ang kambal, kapwa mapuputi at mga guwapo Ang mga ito. Malalagkit Ang mga tingin ng mga taong madadaanan nila sa labas ng Bahay ng mga ito. At alam niyang lahat ng iyon ay mga ASWANG! Nanindig Ang nga balahibo ni Gandara dahil sa Dami na ng pamayanang dinaanan nila ni kaloy at napag- alaman niyang puro mga ASWANG Ang mga nakatira dahil sa walang tigil na pag- init ng kanyang kuwentas at pangangati sa kanyang leeg. Pagkarating nila sa unahan ni kaloy ay kapwa pa nagulat sina kaloy at Gandara nang biglang may humihingal na nakasunod sa kanila. Nang lingunin nila ay si Alexander pala ang nakasunod sa kanila! "Pareng Alexander? Ikaw Pala!" Ani kaloy. "Alexander, bakit nakasunod kana sa amin ni kaloy? Nagulat tuloy kami, Akala namin kung sino na Ang biglang dumating at humihingal sa likuran namin.." Sabi Naman ni Gandara. "Sino bang Hindi humihingal? Kanina pa Ako nakasunod sa inyo at lakad- takbo ang ginawa ko para lang maabutan ko kayo.." Sabi pa ng binata. "Ahh ganoon ba.." Ani Gandara. "Ang bilis mo namang maka Amoy pare na Kasama ko ngayon si Gandara.." Biro pa ni kaloy. "Nagpunta kaya Ako sa Bahay niyo. dahil may pag- uusapan sana tayo pareng kaloy, At nalaman ko Kay aling Bebang na kaalis niyo lang ni Gandara. At nalaman kong sa Bahay niyo na tumuloy si Gandara. Kaya nang matanawan ko kayo sa malayo nang pauuwi na sana ay nagmamadali na lang akong sumunod sainyo..." Sabi pa ni Alexander at halatang natutuwa ito nang muling Makita si Gandara. Kitang kita sa mga mata nito ang pagkakagusto sa dalaga. At Hindi iyon lingid Kay Gandara. Ngunit Ang dalaga ay walang balak na papatulan si Alexander dahil kilalang -Kilala niya ang binata. Kung Anong klaseng lalaki ito. "Bilisan na ninyo. kailangang tutuloy pa tayo sa unahan ." Wika ni Gandara sa mga ito. "Bakit ba Gandara. Ano ba Ang hinahanap mo??" Tanong ni Alexander. "Pati nga Ako ay Hindi ko rin alam ehh, sinamahan ko lang Siya pare.." Sagot Naman ni kaloy. "Malalaman niyo rin. Damang dama kong nasa malapit lang ang hinahanap ko Alexander, kaloy.." Sagot Naman ni Gandara. "Sige, susuportahan ka nalang namin Gandara .at Hindi pweding pabayaan ka namin.." Sabi Naman ni Alexander. Natigil bigla si Gandara sa paghakbang at saglit nilingon Ang kaliwang Banda ng kanilang kinaroroonan. Nakita niya Ang mga dikit dikit na kakahuyan sa kaliwang iyon at tila may malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat, na para bang may kung Anong Masamang ipinahiwatig sa kanya ng malamig na hanging iyon tungkol sa liblib na kakahuyang dikit- dikit. Natigil din sina Alexander at kaloy at nagtatakang napatingin Kay Gandara. "Bakit Gandara?" Magkasabay na tanong Nina Alexander at kaloy. "Sandali, samahan niyo muna ako at sisilipin lang natin Ang loob ng kakahuyang iyan. Parang.. parang may Ibig ipapahiwatig sa akin ang malamig na hanging nagmumula sa liblib na kakahuyang iyan.." Ani Gandara sa Dalawa. "Pero Gandara. Baka bigla nalang tayong sasalakayin ng mga ASWANG diyan!! Tingnan mo oh, dikit-dikit Ang mga kakahuyan at parang nakakatakot sa loob.." Nanginginig ang mga tuhod na reklamo ni kaloy. "Tama si pareng kaloy Gandara. alam mo Naman kung Anong Lugar ito.." Sang- ayon Naman ni Alexander. "Walang aswang diyan sa loob dahil hindi umiinit Ang aking kuwentas. Kaya hali na kayo, gusto kong alamin kung Anong meron diyan sa loob. bilisan niyo!" Wika ni Gandara at nagpapatiunang humakbang patungo sa kakahuyan. Walang nagawa sina Alexander kundi ang sumunod na Lang Kay Gandara. Pumasok nga Sila sa loob at kapwa Silang tatlo namangha sa mga nakikita! "Sinasabi ko na nga ba! Ang malamig na hanging dumampi sa aKing balat ay may masamang ipinahiwatig sa loob ng kakahuyang ito!!" Gulat lang wika ni Gandara. Namutla Naman si Kaloy at Si Alexander at nanlaki din ang mga mata sa kanilang nakikita sa Loob ng liblib na kakahuyang iyon! Nagkalat Ang maraming tuyong mga buto ng tao sa loob! Mga kalansay ng mga malalaking tao at Meron ding mga malilit! Nakita nila ang mga nagkakalat na mga bungo ng tao sa loob ng kakahuyang iyon! "Alexander, kaloy! Bilisan niyo! Lalabas na tayo rito dahil may masamang paparating sa liblib na ito! Bigla na lang Unti- unting umiinit Ang suot Kong kuwentas!!" Alertong wika ni Gandara. "Ano!!? Pahamak talaga ito!!" Umiiyak na sambit ni kaloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD