Samantalang Si Mang Lauro naman sa loob ng kuwarto at ang Asawa nito ay pinainom ito ng asawa na si aling lolita ng pampatulog. Nag- iinit na Ang buong katawan ni aling lolita, kaya mabilis na itong lumabas ng kanilang kuwarto kapag papalapit Kasi ang kabilogan ng buwan ay talagang nagiging agresibo Silang pumaslang ng tao. At gutom na gutom Sila sa lamang loob at sa pagsipsip ng preskang dugo Mula sa tao.
Ayaw ni aling lolita na mabiktima niya ang asawang si Lauro at ang anak nito. Ang kambal Naman niyang anak ay alam na nito kung Anong uri silang tao kaya alam na din ng mga ito kung paano iiwas Lalo na sa tuwing ganitong papalapit na Ang kabilogan ng buwan. Kinakandaduhan nila ang kuwarto ng kambal noon pa man, upang di Nila ito mabibiktima tuwing Oras ng gabi at sinusumpong Sila sa masamang espiritu ng kadilimang nagkontrol sa kanilang mga katawan bilang ASWANG.
Hindi pa mga ASWANG Ang kambal dahil hindi pa ganap na binata Ang mga ito nasa twenty palang Ang kambal at kapag sasapit na ang ika twenty one birthday at debut ng mga ito ay iyon na Ang pagkakataong maging aswang na rin ang mga ito. Pwedi na nilang masalinan ito ng kanilang pagiging aswang.
Hindi Kasi in born na dugong aswang Ang magkambal dahil ampon lamang nila ito. Pero iniingatan nila ang kambal Mula pa noon dahil ito lang ang babangon ng kanilang apilyido sapagkat puro babae Ang mga nagiging anak nila. Pati Ang mga kapatid Na dalawang lalaki ni aling lolita ay mga babae lahat ang mga supling ng mga ito kaya ang kambal na lalaki lamang Ang babangon sa kanilang natatabunang apilyido sa huling mga Araw.
Si wenona ay ganoon din. Maingat itong lumabas ng kuwarto. Ito na Ang kinatatakutan ni wenona. Kapag pasasapit Ang kabilogan ng buwan ay Hindi nila makontrol Ang sarili bilang aswang! Depende Kasi kung Anong uri Ang pagka aswang nila. May mga ASWANG na pumapaslang talaga ng tao kahit Hindi bilog ang buwan. Meron ding uri ng mga ASWANG na tuwing papalapit Ang kabilogan ng buwan Lalo na pagbilog na talaga ang buwan ay Hindi nila makontrol Ang kanilang mga sarili!
Napabangon si Alexander nang may narinig siyang may mahinang lumabas ng pintuan sa
kabilang kuwarto. At dinig niya ang nagmamadaling yapak ng kung sino Mang lumabas ng pintuan!
At may narinig siyang may bumukas ng pintuan sa kusina at naglikha iyon ng ingay! Mas Lalong nagtatahol Ang mga aso sa labas at Ang nakakapanindig balahibong alulong ng mga aso.
"Ano iyon? Sino ang lumabas?" Tanong ni Alexander sa sarili at madaling lumabas ng kanyang kuwarto.
Mas Lalong nagdududa si Alexander na mga ASWANG Ang naging myembro ng pamilya nila! At ayon sa hula ng magandang manghuhula na si gandara ay delikado daw Siya kapag lolokohin niya si wenona.
Kinabahan si Alexander.
Baka nga totoong mga hinala ni kaloy at Anastasia na mga ASWANG Ang kanilang Kasama ni Daddy sa bagong Bahay nila. Tinungo si Alexander Ang pintuan ng kusina. Naka locked ito kanina at ngayon ay hindi na. Nakapinid nga iyon pero Hindi Naman naka locked. Ibig sabihin ay totoo Ang kanyang narinig na may lumabas nga ng pintuan sa may kusina!
Natigil pa si Alexander nang marinig ang Isang pagaspas ng pakpak sa labas ng Likud ng kanilang kusina. At tila Galit na pinagtutulongang sinunggab ito ng mga asong tumatahol at umuungol!
"Wakkk!! Wakkk!! Wakk!!" Isang tinig ng wakwak Ang narinig ni Alexander kasabay ng paglipad nito pa himpapawid! Namutla Ang binata.
"Kweekkk!!! Kweekk!! Kweekk!!" Anang tinig Naman ng Isang masamang nilalang.
At parang narinig niyang lumayo ito Mula sa likod ng Bahay nila. Isang tinig ng ibang uri ng aswang iyon! Sinunod pa ito ng mga nagkakandarapang mga asong tumatahol. At umaangil na nagkakagulo dahil sa masamang nilalang na nakikita ng mga ito!
Ayon sa mga matatanda, ang tinig na wakwak ay Isang may edad na babae iyon! At Ang kweek Naman ay tinig ng mga Hindi pa matandang aswang. Nagmamadaling pinuntahan ni Alexander Ang kuwarto ng ama at kinatok niya iyon! Gusto niyang malamang naroon ba sa loob Ang kanyang step mother!
"Daddy! Daddy!! Tita lolita! Buksan niyo po ito!" Sambit at tawag ni alexander. Ngunit ilang katok nalang Ang ginawa niya ay walang sumagot sa kanya.
Nagkatinginan Naman ang magkambal na ding at Ging sa loob ng kanilang kuwarto dahil narinig nila ang mabilis at maingay na pagkakatok ni Alexander.
"Ding, baka nakahalata si kuya Xander .." wika ni Ging.
"Oo nga. Pero Hindi pweding lalabas tayo. Dahil ito na yung nakaugalian natin Mula pa noon. Kapag ganito nang pasasapit Ang kabilogan ng buwan ay Hindi pweding lalabas tayo ng kuwarto Baka mabiktima tayo Nina inay. At ng iba pa nating kamag-Anak. Yun Ang mahigpit nilang payo sa atin mula pa noong nga bata pa tayo.. na hinding hindi tayo lalabas at nakakandado ng mabuti Ang kuwarto natin.." Sagot naman ni Ding.
Mas Lalong kinabahan si Alexander na Hindi binuksan Ang pintuan ng kuwarto ng kanyang ama! Naisipan niya si wenona. Pinuntahan niya din ito at kinatok ito ngunit ganoon din. Walang nagbukas at walang sumasagot Mula sa loob. Napilitang buksan ng binata Ang kuwarto ng girlfriend at ganoon nalang Ang pagkamangha nang Wala siyang makitang tao sa loob. Wala si wenona sa kwarto nito!
Nakadama ng sobrang pag- alala si Alexander sa kanyang ama kaya mabilis niyang binalikan Ang kuwarto ng mga ito at binuksan din iyon!
"Daddy!?" Sambit ni Alexander nang makitang mahimbing na natutulog Ang kanyang ama. ngunit ang kanyang step mother ay Wala din roon sa loob ng kuwarto ng mga ito!
Mabilis niyang nilapitan Ang kanyang ama at niyugyog ito ng niyugyog ngunit di ito nakagising at patuloy lang ito sa paghihilik nito.
"Hindi. Daddy! Gumising po kayo, daddy!" Patuloy na yugyog ni Alexander sa ama.
Nagdududa Ang binata na baka pinainom ng kanyang madrasta ng pampatulog Ang kanyang ama upang di ito malaman kapag lalabas ito. Kailangang bukas na bukas ay kakausapin niya ng sekreto Ang kanyang ama tungkol sa mga nangyaring pagkawala ng mag-inang lolita at wenona ngayong gabi!
Lumabas si Alexander at kailangang di Siya matulog ngayong gabi. Hihintayin niya ang pag- uwi ng mag-inang wenona at lolita kung Anong Oras Ang mga ito babalik at papasok muli sa kanilang Bahay!
Patuloy ang malakas na pagkabog ng dibdib ni Alexander habang humakbang na Siya patungo sa kanyang kuwarto. Ngunit natigil na naman siyang bigla nang muling nagkakagulo Ang Maraming aso sa labas at maingay na tumatahol Ang mga ito.
"Tao po! Tao po! Magandang Gabi po!" Biglang tawag ng Isang boses ng lalaki sa labas ng kanilang Bahay.
"Sino ang taong ito? Alas otso na ng gabi ahh.." na itanong ni Alexander sa sarili at narinig niyang may mga Kasama ito.
"Tao po! Mang Lauro! Alexander pare,kami po ito ,si kaloy po ito!" Narinig ni Alexander na Sabi ng pamilyar na boses. Si kaloy Pala. bakit nandito sina kaloy?
Mabilis na nilabas ni Alexander sina kaloy nakita niyang may mga solo Ang mga itong dala. Ang nanay at tatay Ang Kasama ni kaloy at Ang Isang Kapatid nitong dalagitang si Tala. Nakita niyang may mga kanya-kanyang dalang sandata ang mga ito habang may kanya -kanyang bitbit ding solo. Matalim na itak Ang dala ng tatay ni kaloy at ganoon din kay kaloy. Samantalang puro sanggot Naman ang bitbit ng Ina at kapatid na babae ni kaloy.
"Pareng kaloy bakit? Magandang gabi po sainyo Manang Manong.." Pagbibigay galang ni Alexander sa mga magulang ng kaibigan.
Napansin ni Alexander na umiiyak Ang nanay ni kaloy na si aling bebang.
"Magandang gabi Naman Sayo Alexander. Pasensya na sa disturbo.." Sagot Naman ng ama ni kaloy.
"Pare, Kanina pa kami naghahanap sa bunso Kong kapatid. Hindi Siya nakakauwi. Hindi ba Siya nagawi rito kaninang may Araw pa?" Tanong ni kaloy.
"Ha? Nawawala ang bunso mong kapatid? Hindi Naman Siya nakagawi dito kanina at Saka past 8: 00 pm na. Baka ano nang nangyari sa kapatid mo kaloy.." Nag- alala namang wika ni Alexander.
"Huwag Naman sana.." Mas Lalo pang umiiyak na Saad ng Ina ni kaloy.
"Nag- alala na nga kami. Kanina pa kami naghahanap .." Sagot ng ama ni kaloy.
"Sandali, tutulongan ko kayong maghanap pare.." Wika ni Alexander at kinuha sa loob Ang baril ng kanyang ama.