Nagmamadaling tinungo nga ni Gandara Ang bahagi kung saan may batang sumisigaw. Nang siya'y nasa malapit na ay sunod-sunod na ingay at kaluskos ang kanyang narinig!
"Inay! Tulongan niyo po Ako!!" Patuloy na pag- iiyak ng Bata.
Hangga't sa bigla nalang natigil Ang pagsisigaw ng Bata kasabay ng paglikha ng mga sunod-sunod na ingay ng kaluskos ng mga dahong tuyo ng saging. Dahilan siguro sa pagpupumiglas ng Isang bata kaya naglikha ng ingay Ang bawat dahong tuyong natatapakan ng mga ito!
Mas Lalong uminit pa Ang kuwentas ni Gandara ng siya'y nasa malapit na at maiingat na sinilip Ang bahaging iyon ng kasagingan. Nanlaki Ang kanyang mga mata sa nakita! Isang matandang babaeng sumasakal sa Isang batang lalaking nasa sampong taong gulang!
At Ang mga buhok ng matandang babaeng ito ay nagsipagtayo at kusang pumapasok sa butas ng ilong ng batang lalak. Pati sa Tenga ng Bata at sa bibig ay sumusuot ang mga buhok ng matandang babaeng aswang room. Upang di na makahinga pa at di makasigaw ang Bata! Idagdag pang sinakal nito ang bata habang nakangising natatakam Ang hitsura nitong nakatingin sa batang lalaki!
Hindi na ng aksaya ng panahon si Gandara para mailigtas niya ang kawawang batang ito! Isang malaking Kahoy na panggatong Ang kanyang nakita. Pinulot niya iyon at mabilis na sinugod Ang matandang aswang at Buhat sa likuran nito ay hinampas niya ng malakas Ang aswang gamit ang kanyang hinawakang matigas na kahoy- panggatong!
"Arrrghhh!!" Hiyaw ng matandang aswang at nabitawan nito sa pagsakal ang batang lalaki at Ang mga buhok nitong pumapasok at sumusuot sa butas ng ilong ng Bata. Pati sa bibig at tainga ay natanggal din iyon dahil bumagsak ito sa kanyang malakas na paghampas rito!
Namumutlang umiiyak Ang batang lalaki na mabilis na yumakap Kay gandara!
"Salamat po ate!! Ayoko po dito! Tulongan niyo po Ako ate! Ihatid niyo po Ako pauwi!!" Umiiyak na wika ng batang lalaki.
May mga sugat na ito sa leeg nito dulot sa matutulis ng kuko ng aswang na nakabaon rito kanina! Kung nahuli lang Siya ng ilang minuto ay di na niya ito maabutan at tiyak na nakain na ito ng aswang!
"Jusko koh!!" Sambit ni Gandara at niyakap din Ang Bata.
Ngunit ang matandang aswang ay nanlilisik ang mga matang bumangon at kitang kita ni Gandara Ang galit at masamang ngisi nito sa kanya. Napadako ang mga tingin niya sa mga kuko nito sa kamay. Meron itong Mahaba at matutulis na mga kuko! At Ang mapupulang mga mata ay galit na galit itong nakatingin sa kanya.
"Takbo totoy!" Sabi ni Gandara sa bata at mabilis namang kumilos Ang batang lalaki at sumabay na tumakbo sa kanya.
Ngunit napasigaw si Gandara nang maabutang hablotin ng aswang Ang kanyang Mahabang buhok kaya natigil Ang kanyang pagtakbo!
"Ikaw Ang uunahin ko!! "Wika ng matandang aswang at nanggigil kay Gandara.
Muling napasigaw at umiyak Ang batang lalaki sa nakitang hinablot ng aswang Ang buhok ni gandara.
"Ate!!" Sigaw pa ng Bata.
Nanlaban si Gandara at pilit na kumawala sa pagkakahawak ng aswang at paghablot nito sa kanyang Mahabang buhok. Ngunit malakas ang pwersa ng matandang aswang at humagikhik itong bigla siyang sinakal sa leeg!
Sa pagsakal ng aswang Kay Gandara ay napasigaw ito dahil sa napakainit na bagay na nahagip nito sa leeg ni Gandara! Kaya mabilis na lumayo Ang aswang Kay Gandara dahil nasusunog ang kamay nito. Ngunit sadyang desidido ang matandang aswang na ito na bibiktima ng tao ng Oras na iyon.
Kaya ang bata namang lalaki ang binalingan nito at bigla ulit nitong sinakmal sa leeg ang bata!
" Ate!!!" Nasisindak namang sigaw ulit ng bata.
Wala nang ibang naisipan si Gandara kundi huklasin Ang kanyang kuwentas. At sinugod Ang matandang aswang at hinagisan ito sa Mukha ng kanyang kuwentas!
"Ahhjhhhhhhggg!!" Hiyaw ng aswang.
At muling nabitawan ang bata at mabilis itong napalayo distansiya sa kanila! Nakita niyang umuusok ang mukha ng aswang dahil sa kanyang kuwentas na inihagis rito!
Mabilis na pinulot ni Gandara Ang kanyang kuwentas at muling isinoot. Pagkatapos hinawakan ang batang lalaki at hinila patakbo!
"Bilis, kailangang makaalis tayo rito!" Sigaw ni Gandara.
At mas Lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang malingunan Ang Maraming aswang na nagsilabasan. At tinulongan Ang Kasama ng mga ito dahil sa nasunog na mukha nito! Kapwa galit Ang mga tingin ng mga ito Kay Gandara habang tinatanaw lamang Silang dalawa sa batang papalayong tumatakbo!
Nakalayo nga sina Gandara mula sa area na iyon at patatakip- silim na kaya lakad-takbo Ang ginagawa nina Gandara at ng batang lalaki.
"Saan ba ang Bahay niyo? alam kong hindi ka taga rito at Ang mga magulang mo. ihatid mo na kita saglit bago ako tuloyang uuwi.." Wika ni Gandara sa Bata habang patuloy ang lakad-takbong ginagawa nila.
"Tama po kayo ate, Hindi po kami taga rito. kalilipat lang namin ng tirahan dito. Taga mindanao po kami, malayo pa po Ang Bahay namin. Kaya sasama nalang po muna Ako sainyo at bukas na po ninyo Ako ihahatid Kasi padidilim na po.." Humihingal na Sagot ng Bata.
"Pero mag-alala Ang mga magulang mo.."
"Gagabihin po Tayo kapag ihahatid mo pa Ako ngayon ate.." Muling Sagot ng Bata.
"Tama ka, Sige, doon ka muna sa bahay na tinutuloyan ko at bukas na kita ng Umaga ihahatid.." Sabi ni Gandara.
Pagdating nila ay Tamang dumilim na nga Ang buong paligid.
"Magandang Gabi po manang, Manong.." pagbigay galang ni Gandara kina aling Ester at Mang Dario.
"Hay salamat at dumating kana Gandara. Sobrang nag-alala kami Sa'yo kung bakit di kapa dumating.." Salubong pa ni aling Ester.
"Sino ang batang Kasama mo Gandara? Hindi ka dapat nagtitiwala kahit sa mga batang katulad niya. Alam na natin kung Anong klaseng Lugar dito. Kaya kahit bata ay di dapat pagkakatiwalaan." Saad ni Mang Dario at masama Ang tinging ipinukol sa batang Kasama ni Gandara.
"Hindi po Siya masamang Bata. Siya nga Ang dahilan kung bakit natagalan po aKong umuwi Manong Dario. Dahil biktimahin na po sana Siya ng Isang matandang babaeng aswang mabuti nalang at narinig ko siyang sumigaw at humingi ng tulong. Kaya nailigtas ko Siya mula sa matandang aswang na yon.." Wika ni Gandara sa mga ito.
"Ano!?" Sabay sambit ng mag-asawa.
"Oh Siya, Sige na pumasok na tayo. At Kumain, Katatapos lang naming maghanda ng mga pangontra laban sa mga ASWANG. Upang di tayo gagambalain ngayong Gmgabi.." Wika ni aling Ester.
Pumasok nga kaagad Sila.
"Bakit kaba umalis ng Bahay niyong mag- isa? Hindi kaba pinapayuhan ng mga magulang mo. Hindi niyo pa ba alam na halos mga ASWANG Ang nakatira sa Lugar na to.?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Mang Dario sa batang lalaking naligtas ni gandara habang nasa kainan Sila.
"Alam na po ng nanay at tatay ko tungkol sa mga ASWANG dito. Kaya lang po ay Hindi po Ako nakikinig at nagkaka enteres po talaga Akong namasyal dahil sa ganda ng Lugar. Sinuway ko po Sila." umiiyak na Sagot ng Bata.
"Idi nag- alala na Sila ngayon Sa'yo.." Ani Mang Dario.
"Mabuti nalang po at nailigtas niyo po Siya ate Gandara.." sabad Naman ni Marla.
"Sa susunod ay huwag kanang sumuway sa mga magulang mo, Kasi napaka delikado ng lugar na to. Kahit nga sa Mismong Pamamahay natin ay delikado parin sa panahon ng Gabi baka bigla nalang tayong sasalakayin ng mga ASWANG.." Sabi Naman ng dalagitang si Dina sa batang lalaki.
"Hinding Hindi na po Ako susuway sa susunod.." Sagot ng Bata.
"Siya nga pala, Anong pangalan mo.?" Tanong ni Gandara.
"Ako po si Pepoy. dalawang Linggo palang po kaming dumating at tumira sa lugar na ito. Dahil taga mindanao po kami.." Muling Sagot ng Bata.
Samantalang Si Alexander ay Hindi mapakali Mula nang hinuhulaan Siya ni Gandara. Gabi na at di niya maiiwasang mag-isip ng hindi maganda sa mga bagong myembro ng kanyang pamilya. Ang Asawa ng daddy niya at Ang kanyang lihim na ka relasyong step sister na si wenona at Ang kambal.
Muling narinig ni Alexander Ang mga tahol ng mga aso sa labas. Mas lumala Ang mga pagtatahol ngayon ng mga aso na may mga halong ungol at pag-alulong ng mga ito. Nasa alas siyete pa lang ng gabi ayon sa relong pambisig niyang suot.