"Oh Sige lalabasin ko muna Sila. para makakapagpahinga agad Ako pagkatapos ko silang hulaan.." Ani Gandara at tumayo na. Si aling Ester at Mang Dario Naman ay nag- uusap.
"Ester, humingi ka ng Pera ngayon Kay Gandara para makapamamalengke naman Ako bukas.." mahinang wika ni Mang Dario.
"Ay walang problema yan, bibigay agad yan Dari. Buti nga lang at dumating si Gandara. Kung hindi, nagugutoman na tayo sa Lugar na ito. Nakakatakot na Kasing maghanap tayo ng trabaho Mula nang Malaman natin na halos mga ASWANG Pala lahat Ang nakatira dito.." Ani aling Ester .
Samantalang sina Alexander, kaloy at Anastasia ay kapwa nakaupo at hinintay Ang paglabas ng manghuhula.
Kapwa pa napatingin Ang tatlo nang may biglang lumabas Mula sa loob.
Namangha si Alexander at kaloy nang masalubong ng kanilang mga mata Ang Isang napakagandang babaeng naka bestida ng kulay itim na Hanggang tuhod Ang haba. At alun alon ang Mahabang buhok nitong lampas puwit at naka sombrero ng yari sa dahon ng buli! Tila porselana Ang kaputian ng balat nito!
Agad itong napatitig sa kanila at saglit na napahinto na tila ba agad Silang kinikilatis at sina- phsyco ng babaeng ito! Parang giniginaw si Alexander sa babaeng nakikita niya dahil sa ganda nito at nakatitig saglit sa kanila! Ganoon din si kaloy,para itong na shocked sa babaeng nakikita!
"Magandang Araw po sa inyo.." Anang bati ng magandang boses ng babae.
"Ahh.. ehh.. M- magandang a-araw naman Sa'yo M- miss..nasaan na Yung manghuhula..?? Naghihintay kami dito.." Nagkautal utal na Sagot ni Alexander habang Hindi kumukurap na nakatitig sa magandang Mukha ng babae.
"M- magandang Araw din po Sa'yo.." Wika ka din ni Anastasia.
"Ehemmm, ahh.. M-magandang Araw po, magandang binibini hinihintay nga namin ang paglabas ng babaeng manghuhula." Nanlalamig namang bati ni kaloy sabay napangiti ng matamis Kay Gandara.
"Ako po ang babaeng nanghuhula ng kapalaran.." Sagot ni gandara.
Halata Naman ang pagkagulat ng sabay Nina Alexander at ni kaloy.
"Ho!?? K-kayo Ang babaeng dayong manghuhula?" Gulat na tanong ni Alexander.
"Naku!! Hindi kaba nagbibiro magandang binibini!? Ikaw Ang babaeng manghuhula?" Halos lumalaki Ang butas ng ilong na Tanong din ni kaloy sa gulat.
"Bakit po? Masama po bang Ako ang manghuhula? May problema po ba?" Pormal na tanong ni Gandara sa mga ito.
Agad ni Gandara na phsyco Ang mga ugali at pagkatao ng mga tatlong magpapahula ngayon sa kanya.Lalo na Ang dalawang lalaki.
"P-pero Akala po namin Kasi ay matandang babae Ang manghuhula, hindi namin akalaing kayo Ang manghuhula.." kumakabog pa Ang dibdib na wika ni Alexander Kay gandara.
'diyos ng mga kanunuan, ang Ganda niya!' Hiyaw ng isipan ni Alexander at ni Hindi hiniwalay Ang nga tingin sa babaeng kanilang kaharap ngayon na siyang manghuhula daw!
"Ako nga pala si Gandara ,Ang babaeng nanghuhula ng kapalaran.." Pakilala ni gandara.
"Gandara?" Sabay namang bigkas Nina kaloy at Alexander.
"Hoy, mahiya Naman kayo Kay binibining maganda. Parang halatang halata lang kayo kung umasta.." Pairap namang saway ni Anastasia.
"P-pasensya kana Binibini, ahh.. n-napakaganda ng pangalan mo. kasing Ganda ng iyong hitsura.." napangiting wika ni Alexander ngunit nauutal parin ito.
"Oo nga binibining gandara,pasensya kana,nabigla lang kami.." Matamis ding wika ni kaloy.
"Sige na, huhulaan ko na Ang mga palad niyo. sino ang uuna??" Hindi ngumingiting Tanong ni gandara.
"Ahh ako nalang po binibining Gandara.." Sabi ni Anastasia.
"Sige, Hali kana.."
Lumapit Naman agad si Anastasia at Ibinigay Ang kaliwang palad Kay Gandara. Samantalang si Alexander ay parang di ito mapapalagay sa kinauupuan. Nagkatinginan sina kaloy at Alexander at pakindat kindat pa si kaloy sa kaibigan.
"Makakapag-asawa ka ng Isang lalaking dayo din sa Lugar na ito. Hindi man kayo magkakaintindihan dito ngunit muli kayong magkita sa Isang Lugar at magkaka develope sa isat isa.." Sabi ni gandara.
"T- talaga po?" Parang natuwang Sabi ni Anastasia.
"Opo, at magkakaanak kayo ng Anim sa huli pagkatapos ay mapagtapos niyo ng Ang Anim niyong anak..at mas aangat kayo sa Buhay dahil sa mga anak niyo.." dagdag pa ni Gandara.
"Wow!! Nakakakilig Naman kung ganoon, Pero Hindi niyo po ba kayang hulaan kung sino ang lalaking ito na maging asawa ko at dayo din sa Lugar ngayon dito?" Tanong ni Anastasia.
"Iyon lang po ang kaya Kong hulaan, Kasi ang Isang panghuhula namin ay Meron din po itong limitasyon dahil Hindi parin namin mapapantayan Ang nasa itaas-ang makapangyarihang Diyos sa langit.." Sagot ni Gandara.
"Ay okay nalang po, Sige poh Maraming salamat.. binibining Gandara.." Sabi ni Anastasia.
At pagkatapos Kay Anastasia ay si kaloy na Naman ang mabilis na kumilos at lumapit Kay gandara.
"Sa WAKAS ay malalaman ko na talaga kung Ano Ang kapalaran ko!" Sabi pa ni kaloy at excited na excited.
Nanlalamig pa ang palad ni kaloy habang hinahawakan ito ni gandara.
"Nakita mo na Ang babaeng magiging Asawa mo.." panimula ni gandara.
"Hay salamat! Sabi ko na nga ba at Hindi Ako maging matandang binata.." Salo agad ni kaloy.
"Ang babaeng ito ay Isang dayo din sa Lugar na ito.." Patuloy ni Gandara.
"Sana Ikaw na yan binibining Gandara.." Kinilig pang Sabi ni kaloy ngunit Hindi nalang ito pinansin ni Gandara.
"Hindi man maging kayo dito sa Lugar na ito ngunit muli kayong magkita at magkakagustuhan. At sa huli ay Magkakaanak kayo ng Anim na anak. A lahat magiging professional. Kaya Hindi kayo maghihirap sa huli.." dagdag ni gandara.
"Teka, p-parang magkapareho lamang Ang hula mo sa amin ni kaloy binibining gandara?" Salubong ang kilay na tanong ni Anastasia.
"Oo nga, napansin ko din.." Sang -ayon naman ni kaloy at napatingin Kay Anastasia.
"Noo!! Hindi!! Baka si Anastasia Ang maging Asawa ko pare!! patawad mga langit, huwag sana!" Napangiwing sigaw ni kaloy sabay napa krus sa sarili.
"Hoy baliw!! Hinding hindi Ako papayag na ikaw Ang lalaking nasa hula ni binibining gandara!" Galit ding wika ni Anastasia at napatayo.
Hindi napigilan ni Alexander Ang mapatawa.samantalang si gandara ay simpleng napangiti lang.
"Tumahimik na kayo,Hindi pa Ako tapos.kayo na po sir.." Sabi ni gandara Kay Alexander.
Hindi naiiwasan ni Alexander Ang tensyong nadarama habang hawak hawak ni gandara Ang kanyang Isang palad. Hindi nagsasawang tinitigan ng binata Ang Isang napakagandang babaeng manghuhula habang binabasa nito ang kanyang palad.
"Jusko.." Sabi pa ni Gandara habang nakatingin sa palad ni Alexander.
"B- bakit?" Kinakabahang tanong ng binata.
"Kailangang maging tapat kana sa Isang babaeng huli mong ka relasyon ngayon Sir. dahil.. delikado po kayo.." Nanlaki ang mga matang wika ni Gandara.
"Ha!? Bakit mo nasabi yan? Ano pang mababasa mo?" Inatake ng kabang tanong ni Alexander.
Nahulaan ni Gandara na Isang aswang Ang girlfriend ng binatang nagpapahula ngayon sa kanya! Pero Hindi niya ito bibiglain. At pahahandain lamang niya ito.
" Ganito po Kasi sir, ipaliwanag ko po Sayo, nababasa ko po sa palad niyong may siyam na babae na po kayong niloloko at sa siyam ay Dalawa po yung binuntis niyo!" Ani Gandara.
"What!?" Sobrang nahihiyang bulalas ni Alexander. Nahihiya Siya Kay Gandara.
"Opo sir, sa siyam na babaeng niloko niyo po ay nahulaan kong dalawa Ang nabuntisan niyo. At ngayon sa pang last na babaeng ka relasyon mo ngayon ay Hindi niya matatanggap ang panloloko mo at handa po siyang papatay ng tao kung lolokohin mo Siya!! Kailangang mag-iingat po kayo.a At ihanda mo ang sarili mo! At malampasan mo nga Ang lahat ng ito pero dadaanan ka muna sa kahirapan. At Isang dayo din sa Lugar na ito Ang magiging Asawa mo sa huli at Ang babaeng ito Ang makakapagpabago ng iyong pagkatao pero bago Ang lahat. Dadaan muna kayo sa Galit ng babaeng ka relasyon mo ngayon. Iibigin ka rin ng babaeng ito dahil labis mo siyang mamahalin " Mahabang salaysay ni Gandara sa kanyang hula Kay Alexander.
Pinamulahan ng Mukha si Alexander dahil hiyang hiya Siya Kay Gandara. At pangalawa ay nanindig Ang kanyang mga balahibo sa mga masasamang hula ni Gandara sa kanya!
Si Wenona Ang girlfriend niya ngayon. Nagdududa pa Naman silang baka mga ASWANG din sina Wenona.
"Pare, nakakatakot Naman Ang mga hula ni Binibining Gandara sa'yo. kaya mag- iingat ka pare, Totohanin mo nalang si wyenona. Para solve ang problema.." Wika Naman ni kaloy.
Lumipas ang dalawang Araw Mula nang pumunta sina Alexander Kay Gandara upang magpapahula. nakadama ng kalungkutan si Alexander dahil gusto niyang Makita ulit si gandara at gustong gusto niya Ang babaeng manghuhula.
Samantalang Si Gandara ay nagsisimula na sa kanyang mission- Ang hanapin Ang kanyang kambal na kapatid. ilang Gabi nalang Ang dadaan, ay kabilogan na ng buwan kaya alam ni Gandara na kapag papalapit Ang kabilogan ay nagiging desperadong mambiktima ng tao Ang mga ASWANG.
habang siya'y nag- iisang maglakad pauwi, ay Isang magandang kapatagan Ang kanyang dinaanan. Hapon na kaya nagmamadali siyang humakbang pauwi kung saan Ang Bahay Nina Aling Ester dahil ramdam niya ang masamang dampi ng hangin sa kanyang balat.
Napakaganda ng Lugar. Marami pang mga sari saring mga bulaklak na nakapaligid sa kapatagan na kanyang tinatahak. Parang sinadyang itanim Ang mga halamang bulaklak na ito at kapag titingala Naman Siya sa ibabaw ay matatanaw at mapagmamasdan din niya ang malaking bundok, kung saan makikita Ang mga umaagos at maliliit na mga talon na dumadaloy patungo sa malaking ilog ng baryo manara.
Biglang napatigil si Gandara nang Isang iyak ng batang lalaki ang humihingi ng tulong! Ang tinig ng bata ay nagmumula sa likod ng may mga halamang damo at may mga nakatanim na mga saging. Biglang uminit ang kanyang kuwentas at mabilis niyang tinungo roon Ang batang sumisigaw. Hula niya Kasi ay Hindi aswang Ang Bata at nangangailangan ito ng kanyang tulong!