Patuloy lamang na Napapikit si aling Ester at lalong sumiksik pa Kay Mang Dario nang marinig Ang malakas na pag- iyak ni Sally habang pinagtutulongang hawakan ito ng mga aswang upang sisimulan nang katayin.
Nagkakagulo pa Ang mga ASWANG. Ang iba ay masayang nag- uusap, ang iba naman ay naghalakhakan. ganoon parin, si Lolo Waldo parin Ang taga lapa, ang ama nina aling lolita. pagkatapos kakatayin nila ang kanilang biktimang tao ay lalapain na agad ito ni Lolo Waldo.
"Huwag!! Maawa po kayo sa akin!" Dinig na dinig Nina aling Ester at Mang Dario na Nasisindak at sigaw ni Sally.
"Dario, isang gabi nalang Ang natitira at kabilogan na ng buwan.. at iyon na Ang Araw upang kakatayin na rin Tayo. dapat maghanap tayo ng paraan upang makatakas tayo dito.." Wika ni aling Ester sa asawang si Mang Dario.
"Nag- iisip nga Ako Ester kung papaano' Tayo makatakas dito.." Sagot din ni Mang Dario.
Napakapit ng husto si aling Ester sa Asawa nang marinig Ang impit na huling sigaw at iyak ni Sally sa labas. Tinuloyan na talaga ng mga aswang si Sally. Halos di makahinga sa takot si aling Ester sa mga pangyayaring naririnig!
Paano nalang kapag magbago Ang isipan ng mga aswang at isusunod na Naman Ang Isa sa kanila ng Asawang si Dario.?
Isang Oras Ang nakaraan ay narinig na Nina aling Ester at Mang Dario na may nag chapchap na sa labas. Sinilip ni Mang Dario sa maliit na butas upang Makita Ang mga ginagawa ng mga aswang sa labas. Namumutla si Mang Dario sa mga nakikita at pinanginginigan Ang kanyang buong katawan!
"Dario.." mahinang tawag ni aling Ester.
"Sshhhh, Ester, Ang Kasama nating babae. kaawa-awa siya at nangingilabot Ako sa aKing nakikita. Nilapa na Ang katawan niya ng matandang lalaking Aswang. Maraming aswang naman Ang nakaabang .." Paanas na Sabi ni Mang Dario sa asawang si aling Ester.
"Panginoon ko.." usal at sambit ni Aling Ester .
"Si Dina, ang anak natin. talagang Wala na Siya Dario.. Wala na si Dina.." Mahinang humagulhol na Sabi ni aling Ester.
Sa Pamamahay Nina Alexander Naman ay kanina pa napansin ng mag- ama na may sugat si wenona sa kamay nito na parang tinaga iyon. At si aling lolita naman ay may sugat ito malapit sa Kili- kili nito na parang sinaksak din iyon. kapwa may mga band- aid na Ang mga sugat ng mag- Ina.
"Lolita, M-mahal, bakit kaba may sugat sa may bandang Kili- kili??" Tanong pa ni Mang Lauro.
Matiim na tumitig Kay Mang Lauro Ang Asawang si aling lolita kaya kinabahan Naman ito.
"Wala to Lauro. At huwag kanang masyadong mausisa.." Sagot pa ni aling lolita.
Ngunit si Mang Lauro ay kanina pa nakakahalatang parang masama Ang mga tingin sa kanya ng Asawa o ka live- ing si Lolita. ngayon ang napagkasunduan nila ng anak na si Alexander na aalis na Sila sa Bahay na ito.
Kapag may go signal na Siyang ibibigay sa anak ay iyun na Ang Oras ng pag- alis nila sa Bahay na iyon. At papaniwalain lang nila Ang mag-inang ito na may importante lamang Silang lalakarin ni Alexander.
Si Wenona Naman ay naglalambing Kay Alexander.
"Na miss kita sobra Xander,.Yung inangkin mo Ako. miss ko na yun. bakit di mo na inulit pa??" Tanong ni wenona at napasandal sa dibdib ni Alexander.
Para namang nakukuryente si Alexander sa ginawa ni wenona. Parang kinikilabutan siyang iisiping Aswang pala Ang kanyang katabi sa kama ng dalawang beses. Dalawang beses Kasing may nangyari sa kanila ni wenona. pero ngayon, malaki na Ang pag- ayaw niyang mauulit ang nangyayari sa kanila ni wenona
at isa pa, di Naman niya ito talaga mahal.
Napansin Naman ni wenona na parang Hindi mapalagay si Alexander, na para bang gusto na itong dumistansya sa kanya at parang ayaw ng binatang maulit sa kanila ang mga nangyayari sa kanilang DalawA. kaya nagalit si wenona.
"Xander? Akala mo ba Hindi ko napapansin na parang Hindi mo na Ako gusto!? Bakit ba?? Dahil ba sa babaeng Kasama ninyo ni kaloy nang Makita ko kayo ,ha!?" Galit na tanong ni wenona.
At Isang matalim ding mga titig Ang ipinukol sa kanya ni wenona.
Parang nagkandautal namang sumagot si Alexander sa dalaga.
"W- wenona, bakit mo ba yan nasabi ha?" Kinabahang tanong ng binata.
"Damang- dama ko Xander!! Hindi mo na Ako gusto!! Hayop talaga Ang babaeng yun!! Tandaan mo to Xander, akin ka lang! At papatayin ko ang babaeng magiging karibal ko Sa'yo! Handa Akong papat*y ng tao para sa pagmamahal ko Sayo!!!" Malakas na sigaw at naghihisyeryang wika ni Wenona habang umiiyak.
At dahil dinig na dinig Ang boses ni wenona sa buong kabahayan ay mabilis Naman silang pinuntahan ni aling lolita sa maliit na terrace ng Bahay nila.
"Wenona anak?? Anong ginawa Sa'yo ni Alexander? bakit ka umiiyak?" Kunot- noong Tanong ni aling lolita at tinapunan ng Nakakamatay na mga tingin nito si Alexander.
"Wala akong ginagawa sa anak mo tita lolita.." agad namang Sabi ni Alexander.
"Hindi na Ako mahal ni Alexander nay!! Hindi Ako bobo upang di ko iyon maramdaman. Ayaw na niya sa akin!!" Patuloy na umiiyak na wika ni wenona.
"Hahahaha. Yan lang Pala ang problema mo anak?? Idi hayaan mo si Xander. may nahahalata Kasi Ako ngayon sa mga kilos ng mag- amang ito. pero okay lang. hindi natin ipipilit Ang mga sarili natin sa kanila anak, kapag ayaw na nila sa atin..l hahaha!!.." patuloy na halakhak ni aling lolita at pagkuwa'y matalim na tinitigan si Alexander.
Para namang nanginginig Ang mga tuhod ng binata sa paraan ng pagtitig sa kanya ng kanyang step mother.
"Anong problema dito??" Tanong din ni Mang Lauro na biglang dumating.
"Ang mga anak Kasi natin mahal. di nagkakaintindihan. paano Kasi itong binata mo, parang ayaw na niya sa anak ko.. pagkatapos niyang makuha si Wenona ay parang ayaw na yata niya. Iyan pa Naman Ang pinaka hate ko sa lahat, Ang mapaglarong lalaki. At anak ko pa Ang biktima.." Wika pa ni aling lolita at nagpalipat- lipat ng tingin sa mag-amang Alexander at Lauro.
"P-pananagutan ko Naman si wenona. d- diba daddy?" Parang pinagpapawisang Saad pa ni Alexander.
"Siguraduhin mo lang Xander!! Na pananagutan mo talaga Ako!!" Nanlilisik ang mga matang sigaw pa ulit ni Wenona.
"Hahahah!!" Patuloy na halakhak ni aling lolita.
Nagkatinginan Naman Ang mag- amang Alexander at Lauro dahil sa masasamang tono ng mga paghahalakhak ni aling lolita.
Ilang sandali Ang lumipas at nagpapaalam kunwari sina Alexander at Mang Lauro kina wenona at aling lolita.
"May lakad kaming importante ni Alexander M- mahal. Pero di pa sasapit Ang Gabi ay uuwi na kami.." Sabi pa ni Mang lauro.
"Oo nga wenona, babalik kami kaagad ni Daddy .." Segundang paalam Naman ni Alexander Kay wenona.
"Bakit, saan ba kayo lilipat ng tirahan Lauro??" Matiim ang anyong tanong ni aling lolita.
Kapwa Naman nagulat sina Alexander at Mang Lauro.
"Ha?? Hindi Naman kami lilipat ah!" Malakas Ang kabang Sagot ng mag- ama.
"Bakit nay?? Aalis ba Sila dito at lilipat ng tirahan?saan Naman Sila lilipat?" Salubong Naman Ang mga Kilay na tanong ni wenona sa Ina.
"Hindi ko rin alam anak,kung saan Ang mag- amang ito lilipat ng tirahan.." Galit Ang mukhang Sagot ni aling lolita.
Namangha sina Mang Lauro at Alexander sa narinig.