YUGTO 19

1648 Words
"Tulongan niyo po Ako. Wala na po aKong pamilya at ayoko pong mabiktima ng mga ASWANG, takot na takot na po Ako. Makuha na ng mga ASWAng Ang pamilya ko!" Nanlalambot ang mga tuhod na wika ni Marla. "Ano?? Kawawa ka Naman! Delikado talaga ngayon dahil papalapit na Kasi ang kabilogan ng buwan at dapat may matuloyan ka ngayon upang di ka makuha ng mga aswang.." Nag- alala namang wika ng guwapong lalaki na nasa Twenty na Ang edad. "Sainyo po ba ay Hindi Ako pweding makituloy?? Hindi Naman siguro kayo mga ASWANG.." umiiyak na Sabi ni Marla. "Sorry talaga, hindi ka pweding tumuloy sa amin dahil - " Hindi natuloy Ang sasabihin sana nito. "Dahil Ano po??" Namutlang tanong ni Marla at umatras Baka Ang ibig Sabihin nito ay mga aswang din ito at Ang mga pamilya nito. "Wala, Wala po! May naisip po Ako, ihahatid nalang kita sa pamilyang siguradong hindi mga ASWANG. Dahil naawa Ako Sayo, kaya halika na sumunod ka saakin.. may alam akong pamilya na hindi mga ASWANG.. at h-huwag kanang magtanong tungkol sa aKing pamilya Ang importante ay tinulongan kita upang safety ka.." Sabi pa ng lalaki sa dalagitang si Marla. "S- salamat po!" Ani Marla. Ngunit gayun paman ay di nagbibigay kumpyansa Ang dalagitang si Marla rito baka aswang Ang kanyang sinamahan. Samantalang sina Gandara ay nasa labas ng Bahay Nina kaloy sa may punong Langka at tumulong Ang dalaga sa pagluluto sa Ina ni kaloy. Di Naman nagtagal ay dumating sina kaloy at tatay nitong si Mang Pedong galing namalengke. Binigyan ito ng Pera ni Gandara upang makakapamili ng mga stock nilang pagkain. "Gandara, nay bebang! Nandito na kami ni tatay! At may ibalita kami sainyo!" Wika ni kaloy at nagmamadaling lumapit sa kina Gandara pagkatapos nitong maipanhik Ang mga pinamili. "Bakit kaloy??" Sabay na tanong Nina Gandara at aling bebang. "Saglit kaming Nagkausap ni pareng Alexander Gandara. Na muntik na silang mabiktima ng aswang kagabi.." Sumbong ni kaloy. "Ano!? Kung ganoon pareho din Pala sa atin kagabi, muntik na rin tayong mabiktima ng mga aswang.." Sabi Naman ni Gandara. "Jusko, nakakatakot na talaga ito. Hindi lang Pala Tayo Ang puntirya ng mga aswang.." Sabad naman ni aling bebang. "At alam niyo ba nay, at Gandara? Aalis na daw Sila pareng Alexander ngayon sa Bahay nila. At makikituloy Ang mga ito sa Isang bagong nakilalang taga Cebu na bagong nakatira lang din sa Lugar na ito.." Muling wika ni kaloy. "Bakit Hindi nalang Sila lalayo agad?? May Pera Naman Sila. ." Ani Gandara. "Hindi pa daw pwedi dahil may mga aasikasuhin pang negosyo Ang daddy niya bago Sila tuloyang aalis sa Lugar na ito. nahahalata na daw talaga nilang mga ASWANG Ang bagong asawa ng daddy ni Alexander. At Ang anak nitong naging girlfriend ni pareng Alexander.." Mahabang Sabi ulit ni kaloy. "Naku, Tama lang na aalis na Sila , nanindig balahibo ko pag iisiping mga ASWANG Ang Kasama nila sa Bahay.." Ani aling bebang. Di Naman nagtagal ay biglang dumating si Anastasia at malakas itong umiiyak habang nagsusumbong. "Gandara!! Aling bebang!! Natangay kagabi ng aswang Ang pinsan Kong si Sally!!" Umiiyak na sumbong ni Anastasia. Kapwa Naman nagulat Ang lahat sa sumbong ni Anastasia. "Naku, pati din Pala kayo ay ginambala din ng mga aswang.." Ani aling Bebang. "Mag- iingat talaga tayong lahat sa mga aswang. dahil may posibilidad na maghahanap pa Sila ng makukuha nila..Lalo na ngayong Gabi.." Sabi ni gandara sa lahat. "Oo Gandara at Hindi na kami makakatuloy ngayon paalis pauwing Cebu, dahil umaasa pa si Tito at tita na maibabalik pang buhay Ang pinsan Kong si Sally! May babae Kasing humingi ng tulong sa amin kagabi at nadadala Ang pinsan ko sa pagmamakaawa nito kaya binuksan talaga nito ang pintuan. Yun Pala ay aswang Ang babae at bigla nalang tinangay Ang pinsan ko.." Patuloy na umiiyak na sumbong ni Anastasia. "Ano.!? lahat gagawin Pala nila para may matangay Sila.." wika Naman ni aling bebang. "At alam niyo ba, nagpunta kagabi sa Bahay ni Tito sina sir Alexander at Ang Daddy nito dinala nila ang mga importanteng gamit nila doon at tuloyang tatakasan na nila Ang mag- Ina. Aalis na daw Sila sa Bahay nila . Doon Muna Sila makikituloy habang Hindi pa naasikaso ng daddy ni Alexander Ang pag- transfer ng negosyo nito.." Mahabang dagdag na balita ni Anastasia. "Wow, Tito mo Pala ang sinasabi ng daddy ni pareng Alexander na doon muna Sila makikituloy. Oo, alam namin yan na Ang tungkol sa balak nilang pag- alis sa Bahay nila.." sabad Naman ni kaloy. "Oo kaloy..Tito ko, at kahit papaano'y kinikilig na rin Ako nang malamang doon Muna Sila sir Alexander sa Bahay ng Tito ko. hay, tadhana nga Naman ." Biglang Napangiting wika ni Anastasia. "At bakit Anastasia??" Tanong Naman ni kaloy. "Hindi natin alam na si sir alexander pala Ang nakatadhana sa akin..at made develope Siya sa akin kaloy.. Ang kilig talaga.." Ani Anastasia. Nanlaki ang mga mata ni kaloy. " Naku! Tatamaan ka ng kidlat niyan Anastasia!! Tapos ka talaga sa kilig- kilig mong Yan!" Sabi pa ni kaloy. " Hoy kaloy, Libre lang mangarap Hindi ba? Kaw talaga, kontrabido ka sa Buhay ko!" "Huwag kanang mangarap Anastasia. Ako nga, sumasakit ang mata ko kapag nakatingin Sayo, si pareng Alexander pa kaya!? Ilusyunadang budhang 'to!" Mulagat ang mga matang wika ni kaloy. " Aba, napakawalang modo mong magsalita!" Muling nagsalpukan Ang mga kilay ni Anastasia. "Pssstt..pwede ba, tumahimik kayo??" Saway ni Gandara. " ito Kasing si kaloy ehh.." Sabi pa ni Anastasia. Tuloyang natigil Ang pagbabangay Nina kaloy at Anastasia nang may Makita Silang paparating! "Naku, Si Ding Yan ah! Ang Kapatid ni wenona.!" Sabi pa ni kaloy. Nanlaki Naman Ang mga mata ni Gandara nang Makitang si Marla ang Kasama ng lalaking binatang Kapatid daw ni wenona. "Ate Gandara!!" Umiiyak na sigaw ni Marla at patakbong yumakap sa kanya. "Marla, bakit??" Tanong ni Gandara. At nahuhulaan na niyang may masamang nangyari sa mga magulang nito. "Si nanay at tatay natangay kagabi ng mga aswang! Pinasok kami at sinalakay ng mga ASWAng kagabi at dinala nila sina tatay at nanay ate Gandara at Ang Kapatid Kong si Dina ay una po itong nakuha ng mga aswang!!!" Humagulhol na sumbong ni Marla. "Ano!?? Pero, nahuhulaan ko Naman Ang mga palad ng nanay mo, wala Naman siyang masamang kapalarang pagdadaanan na ikakamatay niya. Ang tatay mo nga lang ang Hindi ko alam.." Sabi pa ni Gandara "Ding, mabuti Naman at inihatid mo si Marla dito.." Sabi ni kaloy Kay Ding. "Opo, dahil nasalubong ko po Siya sa daan.. at naawa Ako sa kanya kaya hinatid ko Siya dito sa Bahay niyo kuya kaloy.." Sagot Naman ni Ding. Tinitigan ni Gandara Ang guwapong binata na nasa twenty pa lang Ang edad. at nagtataka Siya kung bakit naging Kapatid ito ni wenona na Hindi Naman ito aswang dahil Hindi uminit Ang kanyang kuwentas. sa tagal ng pagkakatitig ni Gandara rito ay parang nag flash sa kanyang paningin ang Isang lalaking kamukha nito sa tabi nito! "Sandali lang, pwedi ba akong magtanong Sa'yo?" Ani Gandara Kay Ding. Tumingin Naman si Ding Kay Gandara. "Ano po Yan ate..?" Tanong nito. "Una sa lahat, salamat sa paghatid mo Kay Marla dito . At sana huwag kang magalit kung mag- uusisa ako Sa'yo.." Sabi pa ni Gandara. "Hindi po Ako magalit, Ano po Y yan..?" Seryosong Tanong ni Ding . "Ampon kaba ng nga magulang mo?" Tanong ni Gandara na ikinabigla ni Ding. "Naku, Hindi po Ako ampon.." "Ganoon ba, Isang tanong pa, pwedi..?" "Oh Sige po.." "May kambal kaba??" Tanong ni Gandara. Muling nabigla si Ding. "Paano niyo po nalalaman na may kambal po Ako??" Takang tanong ni Ding. Namangha si Gandara! Sa WAKAS nakikita na niya ang kanyang hinahanap!! "Ahh.. s- sige, salamat sa Sagot mo.." Aniyang puno ng kabog Ang kanyang dibdib. Dahil damang dama niyang ito Ang mga nawawalang kambal niyang kapatid! Nakita Kasi niyang may nag flash kaninang Isang Mukha sa tabi nito! Samantalang sina aling Ester, Mang Dario at Sally ay ikinulong ng mga ASWAng sa Isang malaking kuwarto. Hindi tumigil sa kakaiyak si aling Ester at si Mang Dario ay tahimik lamang ito. si Sally Naman ay tulad din Kay aling Ester, laging umiiyak ito. Sana ay nakinig nalang Siya sa sinabi ng Pinsang si Anastasia at ng mga magulang na Hindi niya buksan Ang pintuan. "Dario, Ang anak nating si Marla. natatakot Ako Dario. Baka Hindi na natin makakasama at makikita Ang anak natin.." Ani aling Ester. "Magdasal lamang Tayo Ester, at mag- iisip kung paano makatakas dito.." Sabi pa ni Mang Dario. Pagkalipas ng ilang minuto ay may Isang matandang babae Ang pumasok sa kanilang kuwarto. kapwa Naman Silang tatlo namumutlang tumingin sa matandang babae! "Isa sainyo Ang iuulam at kakatayin namin ngayon, at dalawa sainyo Ang ititira namin para sa kabilogan ng buwan. at dagdagan pa namin ang dalawang ititira namin para ihanda sa pagsapit ng kabilogan ng buwan. hehehehe.!!" Anang matandang babae. "Huwag po!! Maawa kayo saamin!!" Sabay na sigaw sa sindak Nina aling Ester,Sally at Mang Dario. Napatitig Ang matandang babae Kay aling Ester. " huwag Ang asawa ko! Kung pwedi Ako nalang!!" Agad na wika ni Mang Dario sa matandang babae. "Huwag kang mag-alala, Hindi Ang asawa mo ang pipiliin ko ngayon!" Anitong pumupula Ang mga matang lumipat ng pagtitig Kay Sally. "Huwag po Ako!! Maawa po kayo.." umiiyak na sambit ni Sally. "Sabi mo Kasing Hindi ka naniniwalang may mga ASWANG.. kaya Ikaw Ang kakatayin namin ngayon!!" Sigaw ng aswang at biglang bumalasik ang anyo nito! "Huwag!" Mabilis na nilapitan ng aswang si Sally at namilog ang mga mapupulang mga mata nitong biglang Sinakal si Sally. "Aaahhhhh.." sambit ni Sally. Napayakap ng mahigpit si aling Ester Kay Mang Dario. At narinig pa nilang nagsidatingan Ang Maraming tao. "Mataba Ang babaeng Yan. kaya tatlong kilos Ang sa akin Lolo Waldo.!" Narinig pa nilang wika ng Isang tinig.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD