YUGTO 21

1478 Words
"Hahahaha!! Ano ha, gulat ba kayo dahil alam ko Ang mga Plano niyong mag- ama?? Hinding-hindi niyo Ako maloloko!!" Sigaw sa galit ni aling lolita na tiningnan Sila nito na parang mangangain na ito ng tao! "Alexander! Ihanda mo ang baril!" Namutlang utos ni Mang Lauro at sabay bunot nito sa baril sa gilid nito,mabilis namang kumilos si Alexander at binunot din Ang sariling baril nito sa bulsang suot na jacket! At sabay na itinutok kina aling lolita at wenona Ang mga baril nila. Nagulat si wenona at pati din si aling lolita. "Tito Lauro! Xander! Ano bang kalokohang ito!? Bakit tinutukan niyo kami ng mga baril niyo!?" Tanong ni wenona. "Ang gusto lang namin ay ang makaalis ngayon dito! Kaya huwag kayong pumalag at magpapakita ng masamang kilos sa amin ng anak ko! Naiintindihan niyo ba!?" Matapang na babala ni Mang Lauro. "Ano!? Aalis kayo? pero bakit?? bakit gagawin niyo pang tutukan kami ng baril ha?" Galit Ang anyong tanong ni wenona. "Hayaan mo Sila anak. Paaalisin mo na Sila.. dumating din Ang mga naiisip kong posibleng mangyari na iiwan nila tayo. Alam na nila anak na mga ASWANG Tayo! Kaya di Nila kayang makikipagsama sa atin habang Buhay!" Wika ni aling lolita at isa-isang tinitingnan sina Alexander at Lauro ng makamamatay na mga tingin. Namangha at nanlaki ang mga mata Nina mang Lauro at Alexander sa narinig na talagang aswang Ang mga ito! "Ano!? Alam na po nilang mga ASWANG tayo nay?? Kaya iiwan nila Tayo ngayon?" Naluluhang wika ni Wenona na may halong galit Ang mga matang tiningnan si Alexander. "Oo wenona! Kaya sana maiintindihan mong hindi tayo para sa isat isa! Sige na dad, aalis na tayo!" Pagmamadaling Sabi ni Alexander. Mabilis na lumabas Ang mag- ama habang dala- dala at bitbit ang mga baril nito sa kamay. mabuti na Lang talaga at nauna na kagabi Ang mga importanteng gamit nila dahil ito pala ngayon Ang nangyari. "Alexander!! Pagsisihan mo ang lahat ng ito!! Magkamatayan Tayo!! Hahahaha!!" Sigaw ni wenona at sa huli ay humalahakhak na rin ito. Mabilis na sumakay sina Mang Lauro at Alexander sa multicab ng mga ito para lilisanin na nila Ang Lugar ng Bahay nilang iyon! Mainit namang tinanggap at pinatuloy ng Tito at tita ni Anastasia sina Mang Lauro at Alexander sa Bahay ng mga ito. Para Silang nabunutan ng tinik nang makaalis na Sila sa Bahay nila. "Pero kumpareng Lauro, mag- iingat kayo ng anak mo. dahil natitiyak akong hahanapin kayo ngayong gabi ng mag- inang iyon.." Pag-alala ni Mang Ronny na Tito ni Anastasia. "Alam namin yan kumpareng Ronny.." Sagot ni Mang Lauro. Tahimik lamang si Alexander at kinakabahan din ito sa posibleng pag- atake sa kanila ng aswang na mag- ina ngayong Gabi! "Ang anak naming si Sally, sana ay Buhay pa ang anak namin Kumpareng Lauro.." Nagsimula na namang umiiyak na Sabi ni aling Marga. "Huwag kayong mag- isip ng negative kumpare at kumare.. dapat isipin niyong Buhay pa ang anak niyong tinangay ng aswang!"Sagot ni Mang Lauro. Nagpaalam Muna si Alexander sa ama at Tito ni Anastasia na pupunta sa Bahay Nina kaloy. pagdating niya doon ay ibinalita niyang umalis na Sila ng daddy niya sa Bahay nila. "Mabuti Naman kung ganoon pare! Sa WAKAS umalis na din kayo roon!" Sabi pa ni kaloy. "Oo kaloy." Sagot ni Alexander. "Kung ganoon! Doon ka na Pala matutulog ngayong gabi sa Bahay ng Tito ko Alexander!" Natuwa pang sabi ni Anastasia. "Oo Anastasia, Hindi pa Kasi kami makakaalis agad.." Sagot ni Alexander. "Alexander, sayang at umalis na Pala kayo roon sa Bahay niyo. magpapatulong pa Naman sana Ako Sayo.." seryosong Sabi ni Gandara at lahat nakatuon at nakikinig sa kanya. "Bakit Gandara, Anong ipapatulong mo sa akin.?" Tanong ng binata. "Nagpunta kaninang Umaga dito Ang Kapatid ni wenona na nagngangalang si Ding. Sasabihin ko na sainyo kung Anong mission ko kung bakit nagpunta ako sa Lugar na ito.." "Bakit Gandara? Ano ba talagang mission mo at hinahanap mo sa Lugar na ito??" Halos sabay na Tanong Nina Alexander at kaloy. Samantalang nakikinig lamang sina Aling bebang, Anastasia at Ang dalawang dalagitang si Marla at si Tala. "Hinahanap ko rito Ang kambal kong kapatid Alexander! At nakita ko na Ang isa kanina, Si Ding! Siya at ang kambal niya Ang hinahanap Kong kapatid na kambal xander. Hindi Sila mga ASWANG ! Dahil inampon lang Sila ng mga aswang, Mga kapatid ko Sila At damang- dama ko iyon. Siguradong sigurado Ako na Sila Ang hinahanap ko!" Sagot ni Gandara na ikinagulat ng lahat Lalo na si Alexander. "Ano!?" Bulalas ng lahat. "Oo, kaya kailangang makuha ko Sila at kailangang makakausap ko Ang kambal. kailangang malaman nila ang totoo na inampon lang sila at Ako ang ate nilang naghahanap dito sa kanila. Kailangang maitakas ko Sila at madala palayo sa Lugar na ito.." Ani Gandara. "Kaya Pala, na parang kakaiba Ang kambal kina wenona at aling lolita. tutulongan ka namin ni kaloy kung ganoon. at Tama ka, kahawig mo nga Sila Gandara. mga guwapo ang kambal, at Ikaw din Gandara.. napakaganda mo.." Sabi pa ni Alexander na Hindi nagsasawang tingnan si Gandara. Sumapit Ang hapon ay nasa Bahay parin nina kaloy si alexander pero si Anastasia ay umuwi na ito.Gustong ligawan ng binata si Gandara ngunit nahihiya ito kapag kaharap na nito ang magandang dalagang manghuhula. Habang nagtitimpla ng native kape Ang ina ni kaloy ay may biglang napapansin si Gandara sa paligid at halos marinig na niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib medyo uminit Ang kanyang kuwentas kanina pa. Ibig Sabihin ay may aswang sa di kalayuan ng Bahay Nina kaloy! "Kaloy! Manang bebang! Nasaan po sina Tala at pepoy!? Medyo uminit ng kunti Ang kuwentas ko kaloy! Ibig Sabihin ay may aswang distansiya dito sa Bahay niyo!" Nag- alalang Sabi ni Gandara. "Ano!?? " Gulat na sambit ng lahat. "Akala ko ba nasa paligid lang sina tala at pepoy. bago ko pa ngang nakita si Tala sa likod ng Bahay at naglalaba at si pepoy ay naglalaro lang din.." Sagot Naman ni aling bebang. "Manang bebang! Kaloy, Alexander, bilisan niyo ! Nawala sina pepoy at Tala sa paligid! At naramdaman Kong may aswang distansiya rito sa Bahay niyo!" Kinabahang wika ni Gandara. "Ate gandara. nakita ko po sina pepoy at Tala. tinawag po ito ng tatay nilang si Mang Pedong. nasa unahan si Mang Pedong kanina at nakita Kong pinasama ng tatay nila Ang mga ito. Ewan ko kung saan Sila pupunta.." Sabi Naman ng dalagitang si Marla. Kapwa nanlaki ang mga mata Nina kaloy at aling bebang. "Ano!?? Paano nangyaring tawagin Sila ng tatay nila!? ehh nasa loob ng kuwarto lang si Pedong at natutulog dahil masama Ang pakiramdam nito kanina Mula sa pamamalengke nila!" Namumutlang wika ni aling Bebang. Bumalikwas naman ng bangon si Mang Pedong at lumabas Mula sa loob nang marinig Ang pag- uusap nila. "Jusko!! Bilisan niyo kaloy! Manong Pedong! Baka maabutan pa natin Ang nagdala at tumawag kina pepoy at Tala! Akala ng mga ito ay Ikaw Ang sinamahan nila Manong pedong! Aswang iyon! At nagpanggap lamang na Ikaw !" Natarantang wika ni Gandara. "Mga hayop na mga ASWANG bakit Hindi Naman naisip Nina Tala na nandito lang ako nagpapahinga Ako sa kuwarto!!" Galit na wika ni Mang Pedong at kinuha agad ang matalim na itak . Ganoon din si kaloy. Lakad-takbo Ang ginawa nila upang maabutan Ang nagdala kina Tala at pepoy ! Sumama na rin si alexander sa kanila. May baril din Naman itong dala, Kay kaloy Naman ay matalim na sanggot ang nahablot nito dahil sa pagmamadali. Naiwan Naman sina Marla at aling Bebang sa Bahay. Samantalang sina Tala at pepoy ay nagtatakang sumunod lamang sa ama nilang si Mang Pedong. "Tay, malayo na po tayo. Sabi niyo po sa amin ay manguha tayo ng bunga ng Mangga, eh lumampas na po Tayo sa malaking punong Mangga na may mga hitik sa bunga.. bakit patuloy parin Tayong naglalakbay?" Takang tanong ni Tala. "Oo nga po Tay. Lumampas na po Tayo sa malaking puno ng Mangga at malayo na po Tayo sa Bahay .." Sabi Naman ni pepoy. Ngunit nagtaka ang magkapatid kung bakit Hindi Sila nilingon man lang ng tatay nila patuloy lamang itong naglalakad at sumagot ka sa kanila. "Sa unahan pa tayo, tala, pepoy.. Pangit Ang lasa ng manggang iyan.. sa unahan tayo ,Yung Puno ng Isang mangga na may malalaki at matatamis na mga bunga. mas masarap yun mga anak.." Sagot pa ng tatay nilang si Mang Pedong. "Pero Tay! Hapon na po. Alam niyo naman po ang Lugar natin..malayo na po tayo sa Bahay.. at Ang punong manggang sinasabi niyong may matatamis at malalaking mga bunga ay malayo- layo pa iyon! Kaya babalik nalang po tayo tay!" Reklamong wika ni tala sa kanyang Tatay Pedong. Ngunit tumigil sa paghakbang si Mang Pedong at nanatiling Hindi lumingon sa kanila Ang kanilang tatay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD