YUGTO 18

1558 Words
Ang mag- amang Alexander Naman at Lauro ay maingat na unti- unting nililigpit Ang mga importanteng kagamitan dahil Wala sina aling lolita ng gabing iyon sa Bahay nila. Sa gabing ito ay unti -unti nilang dadalhin Ang mga gamit nilang niligpit at doon na Muna nila ilalagay sa bagong kakilala ni Mang Lauro na Isang baguhang nakatira din rito. Taga Cebu raw Ang mga ito at balak ding umalis sa Lugar na to dahil sa nalalamang mga ASWANG Pala Ang nakatira dito. "Daddy. alam ba ng bagong kakilala mong taga Cebu na ngayong gabi ay dadalhin natin ngayon sa Bahay nila ang mga gamit natin upang doon Muna natin itambay?" Mahinang Tanong ni Alexander. "Oo alam nila. dahil nagkakausap kami sa palengke. pero hindi nila alam na ngayong gabi natin ihatid ng unti- unti Ang mga kagamitan natin.." Sagot ni Mang Lauro. "Baka madisturbo natin Sila . alas diyes na ng gabi.." Sabi ni Alexander. "Ako na ang bahala anak. maiintindihan din nila. At baka doon na rin Tayo tutuloy sa kanila habang di pa Tayo makakaalis. kapag natapos na nating dalhin Ang mga importanteng gamit natin sa Bahay nila.. ay ang negosyo ko Naman ang aatupagin ko kung paano ito I transfer. Bago tayo tuloyang lalayas sa Lugar na ito. Sayang Naman Kasi ang hardware na ipinagawa natin sa Proper ng baryong ito. At pati sa syudad ay aasikasuhin ko din iyon." Mahinang Sagot ni Mang Lauro. "Oh Sige na Dad.bkailangang bilisan natin.." Sabi ni Alexander sa ama. "Umaga na uuwi Ang mag-ina pero kailangang magbabantay parin tayo. Lalo na' t mga ASWANG Sila..baka bigla nalang silang lilitaw.." Ani Mang Lauro. "Tama ka Dad. kahit hindi natin nakikitang aswang nga Sila pero halatang halata na sa mga ikinilos nila Dad..." Wika Naman ni Alexander. "Ang kambal.. bakit naiiba Sila dad?? Parang Hindi Naman Sila mga ASWANG ahh.." Pansin pa ni Alexander. "Hindi ko masasagot Ang Tanong mong iyan.." Sagot ni Mang Lauro. Bigla namang natigilan Ang mag- amang Lauro at Alexander nang nagkakandarapang tumatahol Ang mga aso sa labas at Ang muling umuungol ang mga ito at nakakapanindig balahibong pag- alulong ng mga ito ng sunod-sunod. "Tulong!! Tulongan niyo ako!!" Narinig na sigaw ng mag- amang Lauro at Alexander! "Dad, may humihingi ng tulong!" Ang gulat na Sabi ni Alexander sa ama. Itinigil Nina Alexander Ang pag-iimpake saglit sa mga importanteng gamit nila dahil nag concentrate Sila sa pakikinig sa boses na humihingi ng tulong. "Tulongan niyo Ako!!" Muling sigaw ng boses sa labas na mas Lalong ikinaingay ng mga asong nagtataholan. "Dad, Anong desisyon niyo po? Tutulongan ba natin Ang humihingi ng tulong??" Tanong ni Alexander na parang kinabahan na di mawari kung bakit. "Sino ba Kasing humihingi ng tulong sa dis Oras ng gabing ito? at sinong gaganahang lumabas ng ganito upang tumulong? Ehh, Buti kung Hindi na well-known Ang Lugar na ito na may mga ASWANG?" Mahina ring Sagot ni Mang Lauro. "Maawa Naman po kayo ! Tulongan niyo po Ako!"muling sigaw ng boses ng babae na unti- unting lumalapit sa pintuan ng kanilang Bahay at naririnig pa nilang umiiyak ang babaeng ito. "Dad, baka kailangan niya talaga Ang tulong natin?? At kawawa Naman kung sino ang babaeng yan.." Wika Naman ni Alexander. "Alexander, si aling bebang po ito! Tulongan niyo Ako. Bilisan Niyo ! Kailangan ko talaga ngayon Ang tulong niyo!" Muling sigaw ng boses at nagpakilala na talaga ito. Nagkatinginan Ang mag- amang Alexander at Lauro nang marinig Ang sinabi ng babaeng humihingi ng tulong. "Dad! Si aling bebang daw Siya, Ang nanay ni pareng kaloy! Bilisan po natin Dad! Buksan natin Siya!! Ano kayang nangyari sakanya Daddy??" Na alarmang Saad ni Alexander. "Ano? Nanay yan ng kaibigan mong si kaloy??" Ulit na tanong ni Mang Lauro. "Opo Dad!" "Sige, halika samahan na kita!" Tugon ni Mang Lauro. Kaya nagmamadali silang lumabas at tumungo sa may pintuan. Dinig na dinig pa nila sa labas Ang patuloy na pag-iiyak ni aling Bebang at Ang paghahagulhol nito. Pagkarating ng mag-ama ay mabilis agad na pinagbuksan ito ni Alexander. Agad nilang nabungaran ang umiiyak na babaeng si aling bebang daw ito. Nakatalikod pa ito at nakaupo ito sa labas ng pintuan nina Alexander! "Aling bebang! Anong nangyari Sayo ha?" Kinabahang tanong ni Alexander at hinawakan sa balikat Ang napatalikod at umiiyak na si aling bebang! Pagkahawak ni Alexander sa balikat ng Ina ni kaloy ay bigla itong humarap sa kanya! Isang nakakakilabot na Mukha Ang kanilang nakita! humalakhak ito sabay sinakal sa leeg si Alexander! "Ahhh!! " Sabay gulat at sigaw Nina Alexander at ni mang Lauro. "Alexander!! Sabi ko na nga ba! Aswang Siya!!" Nanlaki ang mga matang wika ni Mang Lauro. "D- dad!!! H-Hindi Pala Siya Ang nanay ni kaloy!" Naghihirap na Sagot ni Alexander dahil sa pagsasakal rito sa aswang na babae. Sumugod Naman agad si Mang Lauro sa aswang kahit Wala itong panlaban sa aswang kahit maliit na kotselyo na Lang sana ay Hindi Sila nakakapaghanda! "Bitawan mong anak ko! Aswang!" Galit at awat ni Mang Lauro sa aswang Mula Kay Alexander. Ngunit mas Lalo lamang namumuwersa Ang aswang at pati si Mang Lauro ay hinila pa nito ng malakas at sinakal din ito sa leeg,!! Kapwa nakipagpuwersahan Ang mag- ama upang makawala lamang Sila mula sa aswang na babaeng Sumakal sa kanila sa dalawang Kamay nito! "Haha, dadalhin ko kayo!!" Balasik ang anyong salita ng aswang na babae. Sobrang lakas nito at naghihirap Silang mag- amang tatalunin Ang puwersa ng aswang na ito! Ngunit Ang malaking aso nilang si EPO ay kumampi ito sa mga among kapwa sinakal ng aswang na babae! Tahol ng tahol si EPO at Galit na galit Ang asong sinunggaban nito kaagad ang aswang na babae at pinagkakagat ito sa dalawang mga paa nito! At nang Makita ng ibang mga aso Ang ginawa ng asong si EPO ay gumaya rin ang mga ito at lahat sumalakay sa aswang na babae! Kaya nabitawan ng aswang Ang mag- amang Alexander at Lauro! "Salamat epo!" Sambit ni Alexander. "Dali Alex! Pumasok Tayo ulit sa loob!!" Nanlalamig sa takot na wika din ng daddy ni Alexander. Mabilis Naman Ang mag- amang pumasok agad sa loob at malakas na isinara Ang pintuan. Kapwa nahahapo Ang mag- ama sa karanasanan nila Mula sa aswang na babae! "Oh god. salamat nalang at tinulongan tayo anak ng aso nating si EPO!" Namumutlang wika ni Mang Lauro. Muli Naman silang natigilan nang marinig sa labas Ang impit na pag- iyak ng asong si EPO! Ang Hindi nila alam na dahil sa Galit ng aswang na babae sa aso nila ay biniktima nito ang aso! "Alex anak, dapat pala talagang hindi tayo magtiwala dahil gagawin Pala lahat ng mga ASWANG kung paano Tayo nila makukuha! Sige na, ituloy na natin Ang ating ginagawa, dadalhin na natin sa Bahay ng bago Kong kakilalang taga Cebu Ang mga importanteng gamit natin at isakay sa multicab bago pa liliwanag Ang Umaga!" Sabi ni Mang Lauro. "Pero dad, nakakatakot nang lumabas!" "May dalawang baril Tayo at Sayo ang Isa. kaya huwag kang matakot! Kanina Kasi ay Hindi Tayo nakapaghanda!" Sabi ni Mang Lauro . "Kailangang sisikapin nating ilipat itong mga gamit natin upang bukas ay kunti nalang. mas peligro Tayo dito dahil din sa mag- Ina! Kaya nakapagdesisyon na Ako na bukas ay aalis na Tayo rito Alex. At Doon na makikituloy Muna sa Bahay ng bago Kong kakilala habang Hindi ko pa naasikasong i-transfer Ang dalawang negosyo natin. Hindi talaga Tayo safety sa Bahay na to dahil sa mag- inang lolita at wenona.." Humihingal sa kabang wika ni Mang Lauro. "Sige Dad.." Sagot ni Alexander. At binitbit na nila ang mga kagamitang importante para isakay na sa kanilang multicab sa labas. Madaling Araw na nang mabalik sina Alexander sa Bahay nila. May mga masasamang tinig ng wakwak na sumunod kanila kagabi pero pinaputukan nila ito ng kanilang mga baril kaya Hindi Sila inatake ng mga ito. Nang lumiwanag na Ang paligid ay doon nila napapansing Isang malamig na bangkay na Ang kanilang asong si EPO. Nasasayangan si Alexander dahil mahal pa Naman nila ang asong si EPO. Naligtas man Sila ng aso nila ngunit ito Naman ang biniktima ng aswang kagabi. Pagsikat ng Araw ay madaling lumabas Ang dalagitang si Marla sa loob ng Sako at patuloy lamang itong umiiyak kagabi pa dahil sa pagka tangay ng kanyang mga magulang sa mga ASWANG. Kumuha ng kunting damit Ang dalagita at isinilid sa bag nito Saka mabilis na lumisan sa kanilang Bahay! Habang naglalakbay si Marla sa daan ay Panay din Ang pag- iiyak nito. Wala na siyang pamilya at gusto niyang Hanapin ngayon kung saan kaya nakituloy Ang kinilalang ate gandara niya. Lakad takbo Ang ginawa ng dalagita at Panay ang paglingun sa likod baka may sumunod na Hindi niya Kilala. Takot na takot ito baka Siya Naman ang matangay ng mga ASWANG! Nakarating si marla sa mga Maraming pamayanan at takot na takot Siya nang lahat ng mga taong madadaanan ay matalim na nakatingin sa kanya! "Jusko po. tulongan niyo po Ako.." umiiyak na usal ni Marla sa sarili at nilakihan ang kanyang mga hakbang. Hindi niya alam kung saan Siya tutungo. Isang lalaking kasalubong ng dalagita at mukhang Mabait Naman ito at napakaguwapo nito at masasabing Hindi talaga ito aswang. Napatingin ito sa kanya at parang nagtataka pa ito kung bakit Siya may dalang bag at umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD