KABANATA 18 Pain “IIYAK ka na lang ba diyan?! Tulungan mo kong awatin si Ashton or he’s going to kill Arvie!” sigaw si akin ni Maria dahilan para nagmamadali kong hagilapin ang mga damit kong nagkalat sa lapag. Nanginginig ang mga kamay ko kaya wala sa ayos kong mga naisuot iyon. Hindi lumalaban si Arvie at hinahayaan niya lang ang Kuya niya na paulanan siya ng suntok sa mukha. Sigaw nang sigaw si Maria at pilit na hinihila si Ashton pero tila wala siyang naririnig. “Ashton! Please!” sigaw ko at hinawakan ang braso niya isa pang beses na susuntukin niya si Arvie na duguan na. Napatigil sa ere ang kamao niya at nilingon ako. Pulang-pula ang mga mata niya at nasisiguro kong hindi pawis ang nakikita ko sa mukha niya kung hindi mga luha. Ikinuyom niya ang kamao at umayos siya ng tayo