KABANATA 19 Changes NANG gabing iyon ay nawala rin ang lahat sa akin. Ang tahimik na buhay sa isla, ang pamilya ko, ang mga pangarap na binuo ko para sa kanila at higit sa lahat ang lalaking mahal ko. “Meredith…” Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong lumuluha ang Nanay. Naguguluhan na tiningnan ko siya nang umangat ang kamay niya at punasan ang gilid ng mga mata ko. “Umiiyak ka kaya ginising kita, masama ba ang panaginip mo?” Bumangon ako at umiling itinatanggi ang bangungot na dumalaw muli sa pagtulog ko. Ako na mismo ang nagpunas ng mga luha ko’t inayos ang sarili. Napatingin ang Nanay sa suot kong maiksing maong na short at sleeveless na sando. Ito na ang nakasanayan kong damit at sa kakamadali kong mag-empake ay pulos ganito ang mga nadala ko. Tumikhim ako at nakangiwing