KABANATA 17 Regrets “AYOS lang ako, mag-iingat ka lagi ah!” “I love you, sunshine. Always remember that…” Kahit hindi niya ako nakikita ay parang baliw na tumango-tango ako at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Tatlong araw na ang nakakalipas nang makauwi kami mula sa La Paz kung saan ko isinuko ang lahat-lahat sa akin para sa lalaking mahal ko. Noong isang araw pa siya nakauwi sa maynila pero ngayon lang siya nakatawag sa akin at panay ang hingi niya ng tawad dahil doon. Bihira lang din siyang mag-text kaya ilang araw ring medyo balisa ako pero mabilis naglaho iyon nang marinig ko ang boses niya. “I love you, too—” Napanguso ako nang hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay naibaba niya na ang tawag sa akin. Malalim akong bumuntonghininga at minasdan ang litrato naming dalawa sa