KABANATA 14 Boyfriend “Siya ‘yon hindi ba?” “Hmp, di naman gaano maganda!” “Baka kinulam si Ashton—” Napailing ako sa usapan ng mga schoolmate ko sa kabilang mesa. Tatlong buwan na ang nakakalipas nang sagutin ko si Ashton. Minsan sa isang buwan ay umuuwi siya at nag-de-date kami sa iba’t-ibang lugar dito sa Isla at Calatagan kaya kumalat na talaga ang balita na nobyo ko na siya. Dahil doon ay naging tampulan ako ng usapan sa paaralan namin. Binabalewala ko iyon pero paminsan-minsan ay naiinis na rin ako sa pang-mamata na naririnig ko, tanggap ko kung tungkol sa akin pero hindi pagdating sa mga magulang ko. “Hoy, kung mag-chichismisan nga kayo, onting hiya naman sa pinag-uusapan n’yo. Bulgaran ganern?” pagsusungit ni Alana dahilan para mga nag-iismirang umalis ang tatlong babae sa