KABANATA 15 Tension NAKAKAILANG ang namayaning katahimikan sa amin ni Ashton matapos ang nagawa namin sa kusina. Napapalunok na inilapag ko ang naluto kong turon sa harap niya. “K-kain ka na,” halos pabulong kong alok sa kanya’t bumalik ako sa kusina para magtimpla ng juice. Pagbalik ko ay nabawasan na ng isa ang turon na inihanda ko. Sumulyap siya sa akin at nginitian ako. “Masarap…” “Mabuti naman nagustuhan mo, masarap nga sana iyan kung may langka,” kaswal kong pakikitungo sa kanya’t naupo sa pang-isahang upuan imbes na tumabi sa kanya at ipinagsalin ko siya ng juice sa baso. “Why are you sitting there?” Napalunok ako at hindi nakasagot. “Are you scared because of what I d-did?” tila nakitaan ko ng takot ang mga mata niya. “Did I scare you, Meredith?” Agad ang pag-iling ko