KABANATA 13 Officially mine MALUNGKOT kong isinara ang pinto namin at minasdan ang orasan na pumatak na sa alas-onse y trenta, kalahating minuto na lang ay matatapos na ang kaarawan ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ni Ashton at nanlumo nang makitang wala pa rin siyang mensahe. Ang huling mensahe niya ay noong alas-dose pa nang madaling araw. Siya ang kauna-unahang bumati sa akin. Nakailang-tawag na ako sa kanya pero hindi ko naman siya makontak. Tila nakapatay ang cellphone niya. Nais ko mang tawagan si Arvie para tanungin ay nasa Singapore daw siya para sa isang conference ayon kay Maria. Mas lamang ang pag-aalala para sa akin kaysa sa kalungkutan dahil hindi siya nakapunta sa kaarawan ko. Ayos lang sa akin na hindi ka makarating pero please naman Ashton, magparamdam ka! “M