KABANATA 5 Pangako “WHO’s that boy?” Mula sa pagtitig sa asul na asul na karagatan ay nilingon ko si Ashton na hindi ko namalayang tumabi na sa akin. Kanina kasi ay nasa unahan siya ng yate habang sila Maria at Arvie naman ay nasa loob ng cabin. “Si Caloy? Sinabi ko naman kanina hindi ba? Kaibigan at kaklase ko siya sa school.” “Hindi nanliligaw?” Natawa ako at umiling. “Hindi ah! May ibang gusto ‘yon!” mariing pagtanggi ko’t natatawa nang maalala kung sino ang gusto ni Caloy. Ang Filipino teacher namin na si Sir Jaime. “I see…” sabi niya na lang at nagpunta sa likod ko. Napalunok ako nang hawiin niya ang buhok kong nililipad nang malakas na hangin. “Hindi ka na naman ba nagdala ng ipit?” tanong niya’t ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya sa tenga ko. Ganoon kami kalapit