Kabanata 4

1725 Words
KABANATA 4 Selos MALAKAS ang tahip ng puso ko sa pabalibag na pagsara ni Ashton ng pintuan namin. Napaurong ako sa dingding at napapalunok habang minamasdan siyang taas-baba ang dibdib na nakatingin sa akin. “A-anong problema?” nauutal kong tanong nang magdilim ang tingin niya nang dumako sa katawan ko. Pagbaba ko nang tingin ay doon ko nakitang natanggal na pala ang pagkakatapis ko ng tuwalya. Agad ang dampot ko noon sa lapag at mabilis ko iyong ipinulupot muli sa katawan ko. Tumikhim ako at wala sa loob na inilapag ang mga binigay sa akin ni Arnold sa maliit na mesa. “Meredith!” Mariin akong napapikit nang marinig ang tawag sa akin ni Arnold sa labas. Napangiwi pa ako nang marinig din ang nagtatawanang mga boses nila Maria at Arvie. Anong itinatawa nilang dalawa? “Mer—” “You should go home, Meredith’s suitor. My cousin? She’s taken na.” “Huh? Walang boyfriend si Meredith.” “Meron. Si Ashton, iyong kasama niya sa loob ngayon.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Maria kay Arnold. Maglalakad sana ako patungo sa pinto para buksan iyon pero humarang si Ashton doon. “Ashton, a-ano nakakahiya iyong mga pinagsasabi ni Maria, nadadamay ka pa—” “Just take a bath, Loise, para makaalis na tayo bago mananghalian,” putol niya sa sinasabi ko. “Meredith!” Napangiwi ako nang marinig na naman ang naninibughong boses ni Arnold. “Kakausapin ko lang si Arnold—” “Do you like him?” Agad ang pag-iling ko sa tanong ni Ashton na hindi ko alam kung namalikmata lang ako sa nakita kong pagguhit ng ngiti sa labi niya dahil seryoso naman ang mukha niya. “Do you want him to know that Maria is lying?” Siyempre hindi…sana nga totoo na lang. “U-unfair ‘yon sa ‘yo ‘pag kumalat—” “It’s okay for me. I really don’t care about people gossips. Now, my question is, okay lang ba sa ‘yong malaman ng bisita mong may boyfriend ka na?” pagdiriin niya sa salitang bisita. Mabilis din akong umiling dahil kung sa paraang ito ay titigilan na ako ni Arnold ay pabor iyon sa akin. Ayokong magpaasa pero ayoko ring makasakit kaya minsan ay hirap akong ulit-ulitin sa mga nanliligaw sa akin ang pagtanggi ko. Hindi ko magawang sabihin na kahit anong mga regalo o panunuyo ang ibigay nila sa akin ay hindi ko sila kailanman masasagot ng oo. Hindi dahil sa hindi pa ako handa. Kung hindi dahil may iba akong gusto. Walang iba kung hindi ang lalaki sa harap ko. “Then, go on and take a bath. I won’t allow you to face that man na ganyan ang hitsura mo.” Tila nabatubalani ako sa utos niya at agad ko siyang tinalikuran para magtungo sa banyo. Nang maisara ko iyon ay gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko. Nagseselos ba siya kay Arnold kaya ganoon ang akto niya kanina? Posible kayang gusto niya rin ako? Sa naisip na kahibangan ay kinikilig pa akong naligo nang mapagtanto kong wala akong dalang damit na pamalit. Ang tanging nasa banyo lang ay ang towel na ginamit ko kanina. Umaabot ang haba no’n sa hita ko. Useless ding isuot ang kamison ko dahil basa na iyon. Walang choice na nagtapis na lang ako at lumabas ng banyo. Napalunok ako nang magsalubong ang tingin namin ni Ashton na nakaupo sa sala. “Your eyes Arvie!” tunog naninitang saad ni Ashton kay Arvie na sumulyap din sa akin pero agad ibinalik ang tingin kay Maria na kumindat sa akin at nginisian ako. Tumikhim ako at binilisan ang lakad papanhik sa taas para makapagbihis na. Simpleng summer dress na dilaw ang isinuot ko. Tanging pulbo at lipgloss lang din ang kolorete ko sa mukha. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan kong nakalugay dahil sa basa pa. Kinuha ko ang jacket na ipinahiram sa akin ni Ashton kagabi pero ayokong kung ano ang isipin ng pinsan ko kaya muli ko iyong iniwan at napagpasyahang isoli sa ibang pagkakataon. “Hay nako, ilang kalalakihan na naman kaya ang masisilaw mo sa Calatagan, Mer?” ani Maria na nilapitan ako’t nagulat ako nang lagyan ako ng kumikinang na manipis na headband sa buhok ko. “Nakalimutan ko dalhin para sa ‘yo kahapon, bagay na bagay!” Nagpasalamat ako kay Maria at tinapunan ng tingin si Ashton na nakakunot ang noo sa cellphone niya’t nagtitipa. Sinong ka-text niya? “Halika na, nagugutom na talaga ako. Pagpasensyahan mo na nga pala, Mer, at sumabit kami sa date ninyo ni Ashton,” himig nanunudyong saad ni Maria na umabrisete sa akin. Sinulyapan ko ng tingin si Ashton pero naglakad na papalabas ang huli habang ang cellphone niya ay nasa tenga niya na. “Don’t waste your time here, Trinity.” Trinity? Babae? Tila binalot nang paninibugho ang puso ko sa narinig na magandang pangalan. “Hmmm, mukhang may e-epal sa love story na sinusubaybayan ko.” “Ang mahalaga walang e-epal sa atin.” Iniwanan ko ang dalawang naglingkisan na naman na parang mga sawa. Sila na sweet habang iyong date ko may ibang kausap— Ambisyosa, hindi ka naman niya inaya ng date! Ililibre ka lang! “Mer, anong taon mo pa ba malalock ang bahay ninyo?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Maria. Napangiwi ako nang sa sobrang panggigil ko sa pag-padlock sa tarangkahan ng bahay ay hindi ko iyon ma-i-lock. “Let me…” Agad ang pag-iwas ko ng kamay ko kay Ashton na kinuha ang padlock. Nakitaan ko siya nang tila gulat na ekspresyon sa naging reaksyon ko pero hindi ko pinansin iyon at nauna na akong maglakad palabas ng bahay. Nang tumabi sa akin si Ashton ay doon ako nag-umpisang maglakad patungo sa daungan ng mga bangka kung saan kami sasakay patungong Calatagan. Kung anong ikinaingay ni Maria at Arvie ay siyang ikinatahimik sa pagitan naming dalawa. “Loise…” “Ano ‘yon?” tanong kong hindi siya nililingon at nanatili ang tingin ko sa paa kong mumurahing sandals ang suot. “Are you mad at me?” Agad ang paglingon ko sa kanya sa tinanong niya sa akin. “Huh? B-bakit naman ako magagalit sa ‘yo?” “Dahil itinaboy namin ang manliligaw mo?” Napailing ako sa sinabi niya. “Hindi ko gusto si Arnold.” “Good to hear that…” Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Bakit?” “Bakit ano?” namulsa sa suot na shorts niyang tanong. “Bakit good to hear that?” Matagal siyang tumitig sa akin na tila binabasa ang mga mata ko. Nang mailang ay iniwas ko ang tingin sa kanya. “Dahil nag-aaral ka pa, saka ka na mag-boyfriend kapag tapos ka na.” Tila kumirot ang puso ko sa narinig kong dahilan niya. Tumango ako at hindi pinahalatang hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Ano bang inaasahan mong sagot niya? Na gusto ka niya kaya ‘wag kang mag-boyfriend? Nahihibang ka na, Meredith Loise Agustin! “Tama ka nga, wala pa rin naman akong balak. Ikaw, may girlfriend ka na ba, Kuya?” matabang ang boses kong tanong na muling naglakad. Nagbalik sa isipan ko ang kausap niya kanina. “Kuya? I told you na ‘wag mo akong tawagin—” “Meredith!” Napangiti ako nang makita si Caloy na kumakaway sa akin sa pampang. Nagtatakbo ako patungo sa kanya na kabababa lang ng bangka. Si Caloy ay isa sa mga close kong kaklase sa paaralan namin. Matalino siya at lagi niya akong tinutulungan sa mga takdang-aralin namin. Hindi rin ako nakakaramdam nang pagkailang sa kanya dahil alam kong hindi siya katulad ng mga lumalapit na lalaki sa akin. Pareho kami ng gusto. Isang lalaki. Mahigpit niya akong niyakap nang makalapit na ako sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” “May handaan kay Tito Mike, nauna na sila Mama kanina dahil tinamad akong bumangon nang maaga. Sama ka!” Ngumiwi ako at hinawi ang buhok kong mabilis na tuyo dahil sa init ng panahon. “Nako, may lakad kami nila Maria ‘eh. Kakain kami sa Calatagan.” “Ganoon ba? Anong oras uwi ninyo? Dito ako sa Isla magpapalipas nang ilang araw, kita tayo bukas ah! Mag-swimming tayo!” “Meredith! Another suitor?” paglapit sa akin ni Maria kasunod si Arvie na nakangisi. Pagbaling ko sa likod ay nakatingin din sa amin si Ashton. “Hindi, Maria! Kaibigan ko lang si Caloy.” “I see…” saad ng pinsan kong alaskador at tumango sa paraang tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Inakbayan ako ni Caloy at binulungan. “Gaga ka, mga Sy pala ang makakasama mo! Ang ga-guwapo!” Pinong kirot sa bewang ang ibinigay ko kay Caloy na tumawa at inayos ang buhok ko. Inipit niya pa iyon sa gilid ng tenga ko. “Let’s go!” Napapitlag ako sa tila galit na boses ni Ashton na naglakad paalis. Tuloy ay mabilis akong nagpaalam kay Caloy na kumaway-kaway sa akin. Walang maghihinalang iba ang kasarian ni Caloy dahil lalaking-lalaki pa rin siya magsalita at manamit. Hindi pa siya handang ipagsabi ang tunay na katauhan niya raw dahil baka majombag daw siya ng ama niyang pulis.   “Ginalit mo na naman si Ash, Mer…bakit ba kasi ang daming lalaking umaaligid sa ‘yo?” “Ano bang pinagsasasabi mo, Maria?” kunot-noo kong tanong sa pinsan ko. “Selos.” “Huh? Anong selos?” Nginuso niya si Ashton na halatang naiinip na hinihintay kami sa tapat ng maliit na yate na pagmamay-ari ng mga Sy. Isa lang iyon sa mga yate nila at iyon ang madalas naming gamiting apat sa tuwing pupunta kami sa Calatagan. “Ayan si Mamang Ashton, selos.” “Ba’t naman siya magseselos?” Imbes na sagutin ako ni Maria ay malakas lang siyang tumawa at hinila na ako patungo sa magkapatid na naghihintay kami. Napailing ako sa pinagsasasabi ni Maria dahil alam kong malabo ‘yon. Ano lang ba ang tingin sa akin ni Ashton? Nakababatang kapatid. Ayon lang ako sa kanya. TBC  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD