KABANATA 6 Date “HUH? Anong uuwi ka na? Ang aga-aga pa! Wala pa ngang ala-una!” Mahigpit na kapit ni Maria sa pulsuhan ko nang sabihin kong mauuna na akong umuwi sa Isla. “K-kasi sabi ni Nanay ipaghanda ko ng hapunan ang Tatay—” “Nako Mer, wala pang isang oras ang pagluluto o kaya para hindi ka na lang magluto pasalubungan na lang natin si Uncle.” Hindi na ako nakapagprotesta pa kay Maria nang hilahin niya ako patungo sa terminal ng tricycle. Ilang kilometro rin ang layo ng mall sa Calatagan at masyadong tirik ang araw para lakarin namin ‘yon. Tinulak ako ni Maria papasok sa loob at nanlaki ang mga mata ko nang imbes na siya ang tumabi sa akin ay nagtungo siya sa likod ng driver at doon naupo katabi si Arvie. Tuloy ay halos mauntog na ako sa bakal sa sobrang siksik ko sa dulo nang