KABANATA 23 Sino ka ba? RAMDAM ko ang matinding pagod sa katawan ko nang makalabas kami ng club ni Sanya. Kung ako pagod na pagod at tila gusto ko na lang mahiga sa lapag. Siya naman ay patalon-talon pa at humahagikhik, tuwang-tuwa sa mga malalaking tip na nakuha niya ngayong gabi. Kung pagbabasehan ang maputing kutis ni Sanya, asul na mga mata at ang pagiging natural na brunette niyang buhok, idagdag pa ang tangkad niya. Masasabi nang hindi siya purong pinoy. Halos magkasing-edad lang kami pero kung ako ay naninibago pa noong pumasok ako sa club siya ay sanay na sanay na. Kuwento niya ay sa club siya ipinanganak at pinalaki ng ina niya. Siyam na taon naman siya nang mapatay ng isang customer ang ina niya dahilan para si Mamang na ang magpalaki sa kanya. Sa edad na disiotso ay pinaso