KABANATA 20 Manhid “WHAT happened?” wala na ang pagbibiro sa boses na tanong ni Maria napansin na marahil ang duguang paa ko. “Nakaapak siya ng basag na bote, eto na nga ba ang sinasabi ko. Nililimitahan dapat ang pasok ng mga turista dito sa Isla, mga walang pagpapahalaga sa kalikasan na nagtatapon na lang ng kung anu-ano—” “Ang mga turistang tinutukoy mo ang isa sa mga dahilan kaya kumikita ang mga tao dito sa isla, Arvie.” Umismid lang si Arvie sa pamumutol ni Maria sa sinasabi niya at hindi na kumibo. Lumuhod siya sa harap ko at hindi na ako nakaiwas ng kunin niya ang paa ko’t ipatong sa hita niya. “We need a tweezers to get the glass, I’m afraid na baka may maiwan—” Hindi ko na pinatapos si Arvie sa sinasabi niya at hinila ko ang paa ko palayo sa kanya’t basta na lang hinila