Chapter 2 of He's My Boss (Book 2)
Airah POV:
As of now, mag-isa lang ako sa bahay.
Wala eh, umalis si Jake dahil sabi nya, 'sya na raw itong mag-aasikaso at bahala ng passport.
Hindi na rin ako nag-atubling sumama pa sa kanya dahil medyo busy rin ang linya ko.
Matapos kong mag-almusal ay kinuha ko agad yung laptop para tingnan kung may mga nagmessage ba tungkol sa kompanyang hina-handle namin ni Jake.
Pero dahil wala naman akong nakita ay minabuti kong i-stalk ang account ni Ms. Maxine Mendez.
Oo, yan nga ang whole name ng babaeng hinahabol-habol namin para maging ka-deal sa business.
Lahat ng mga post nya ay isa-isa kong binasa.
Pero natigilan ako bigla at nacurious sa status na kanyang pinost.
"Makikita na ulit kita G! I miss you so much."
Awtomatikong naningkit ang aking mata dahil dito.
Hindi ko alam, pero iba yung kabog ng puso ko.
By the way, si Ms.Mendez, Pilipina sya.
Kaya medyo mas sanay syang magtagalog.
Sa pagkakaalam ko, halos Five years rin syang nag-stay dito sa America, at sa loob ng Five years na yon ay naging successful syang tao when it comes sa pagpapatakbo ng Kompanya.
Hays.
Mas lalo tuloy nagkaroon ng katanungan sa isip ko tungkol sa pagkatao ng dalaga.
"Sino bang 'G' ang tinutukoy nya?"
"Ito ba ang dahilan kaya pumunta sya ng Pilipinas?"
Tanong na gumagabag sa akin ngayon.
Napailing na lamang ako kasabay ng pag-off ko ng laptop.
I think, wala namang rason para panghimasukan ko ang relasyon o minamahal ni Ms.Mendez.
Ang mas maganda siguro, maging masaya na lang ako sa kanya.
Kasi kahit papano ay nasagot ang isa sa mga tanong ko tungkol rito,
'Kung bakit hindi pa sya nagkakaroon ng boyfriend?'
And I guess, si 'G' ang dahilan kung bakit single pa sya until now.
At siguro si 'G' rin ang lalaking hinihintay at ini-ibig nya ng palihim.
Kung sino man ang 'G' na yon, maswerte sya dahil ang sexy at napakagandang babae ni Maxine.
Jake POV:
Isang oras lang ang tinagal ko at nakakuha na agad ako ng passport namin ni Airah para sa flight pabalik ng Pilipinas bukas.
Yes, mas maganda kung bukas na lang kami tumuloy.
Ang gusto ko kasi ay makapagbonding kami ngayon ng babaeng mahal ko.
Sa tatlong buwan kasi na nakasama ko sya dito sa America, bihira na lang kaming magdate dahil sa busy palagi ang linyada naming dalawa.
Ganito siguro talaga kapag meron na kayong kompanyang pinapatakbo.
Halos konti na lang ang oras nyo sa isat-isa.
Pero ayos lang, dahil wala namag nagbago sa relasyon namin ni Airah.
I really love her.
Kaya sa tuwing naaalala ko yung araw na sinagot nya ako, napapangiti na lamang ako dahil sa saya.
Wala eh, inlove na inlove na ako sa kanya.
At habang tumatagal na nakakasama ko sya, mas lalo kong minamahal ang dalaga.
Tila napabalik ako sa aking sarili nang magvibrate ang cellphone na nasa bulsa ko.
Agad ko naman itong dinukot at inopen kung sino ba yung nagtext.
"Jake, okay na ba? Nakakuha ka na ba ng passport natin?"
pagbabasa ko sa message na aking natanggap.
Nang malaman ko kung sino yung nagtext ay muli akong napangiti.
"Yes Airah, nakuha ko na. At on the way na rin ako pabalik dyan sa bahay."
pagtatype ko naman bilang reply sa kanya.
Sumakay na ako sa kotse at inumpisahan ko na itong ipaandar patungo sa tinutuluyan namin ng dalaga.
Tinuon ko muna sa daan ang atensyon ko.
At ilang minuto lang ang aking ginugol bago ko natahak ang bahay.
Kaso pagkauwi ko palang ay nakita kong nakahanda na ang aming mga gamit.
Tiningnan ko ng buong pagtataka ang babaeng kaharap ko ngayon.
"Airah, ano to?"
tanong ko sa kanya.
"Maleta, diba obvious?"
pamimilosopong bigkas nito.
"I know babe. Pero bakit nakalabas na ang lahat ng yan?"
muling pagtatanong ko.
"Jake, kakasabi mo palang na nakuha mo na ang passport diba? So eto, inihanda ko na yung mga gamit natin dahil gusto ko ng bumalik na tayo ng Pilipinas ngayon." ngiting paliwanag nya.
Napasapo naman ako sa aking noo.
Hays. Balak ko sana syang yayain na gumala at maglibot-libot dito sa America pero bakas sa mukha nito ang pagka-excited na umuwi na pabalik ng bansang kinalakihan namin.
"Oh bakit parang ang lungkot mo yata Jake? May problema ba?"
usisang bigkas nito na tila ba nakita nya ang pagkadismaya sa aking mata.
"Wala babe. Bibihis lang ako, at aalis na tayo."
pagsisinungaling ko.
Lumakad na ako papuntang kwarto para makapagbihis.
Siguro, sa Pilipinas ko na lang gagawin ang pagdedate naming dalawa.
Gino POV:
"Goodmorning brother! Yuhooo! Gising naaa!"
Fuck.
Galit akong napamulat ng aking mata dahil sa malakas na kalampag ng kung anong bagay na pinupokpok ng kapatid ko.
Shit!
Masyado nyang ini-istorbo ang tulog ko!
"Tangina Leny! Pwede ang tigilan mo na yan! Ang sakit masyado sa tenga puta!"
malutong na mura ang aking pinakawalan.
"Hoy Gino! Wag mo nga akong murahin dyan! And hello, ilang beses kong bang sasabihin sayo na Ate Leny ang itawag mo sa akin! Dahil mas matanda ako sayo!"
bulyaw nya sa akin.
"Tsk. Umalis ka na nga! Pano ka ba kasi nakapasok dito ha?!" muling sigaw ko.
Nasanay na rin kasi ako na wag na syang tawaging 'Ate'.
Ewan ko ba, pero isa na siguro yon sa mga pagbabago ko.
"Don't you remember , may duplicate key ako ng bahay mo! Wag kang ulyanin! Tanga!"
sambit rin nito.
"--And look, ano yan? Bat may bra ka sa kwarto mo?! Wag mong sabihin sa akin, na may babae ka na namang dinala dito kagabi?!" muling sermon nya.
"s**t Leny! Ano ba kasing ipinunta mo?!"
kalmado kong saad.
Alam kong wala rin akong ganahan sa kapatid ko kaya ako na lang itong mag-aadjust.
Inilapag na nito ang takip ng dalawang kaldero at umupo ito sa tabi ko.
"Well, nandito ako para ipaalam sayo na bumalik na si Maxine." pagbabalita nya na may ngiti sa kanyang labi.
Awtomatikong nabuhayan ang aking dugo dahil sa sinabi ni Leny.
"Kagabi syang nakarating dito sa Pilipinas."
"--Actually, nakavideo-call ko nga sya kanina at hinahanap ka nya." muling wika ng babaeng katabi ko.
Si Maxine, kababata ko sya. At the same time, she's also my friend.
Matagal-tagal ko na rin syang di nakita at nakasama dahil mas minabuti nyang sa America na lang manirahan.
"Oh natahimik ka yata brother? Namiss mo sya ano?"
ngising tanong ni Leny na may halong panghuhula.
Hindi ko sinagot ang tanong nito sa halip ay tumayo ako para dumiretso sa lababo.
"Balita ko pa naman, hindi pa rin sya nagkakaroon ng boyfriend."
sambit nyang muli.
Tangina, nakasunod pa rin pala ang kapatid ko sa akin.
"Leny, pwede bang itikom mo muna ang bibig mo." saad ko rito nang lingunin ang dalaga.
"Bakit Gino? Ayaw mo bang marinig ang mga balita ko tungkol kay Maxine?" wika nito sa akin.
Umiling na lamang ako at hindi ko na pinansin pa ang babaeng kasama ko.
Nagsimula na akong maghilamos ng aking mukha pero hanggang ngayon todo salita pa rin si Leny.
"Sayang noh? Inlove na inlove pa naman sya sayo."
"-Nakakapagtaka lang kung bakit hindi mo man lang natipuhan ang tulad nya."
Natigilan naman ako sa sinabi nito.
Tila ba bumalik sa ala-ala ko ang huling araw at beses na nakasama ko si Maxine.
Bago kasi sya pumunta ng America, nagtapat sya ng nararamdaman nya sa akin.
Wala naman akong masabi sa kanya that time dahil si Sarah lang ang minamahal ko noon.
And besides, hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.
Muli kong hinarap at tiningnan ng nakakatakot ang kapatid ko kasabay ng pagpapaalis ko rito.
Mabuti na lang at hindi na sya nagmatigas ng ulo.
Nang umalis na ito sa pamamahay ko ay saka naman ako nakahinga ng malalim.
♥
Ngayong nandito na sa Pinas si Maxine, magiging malapit na ulit ang landas naming dalawa.