CHAPTER 1

1303 Words
CHAPTER 1 "HE'S MY BOSS 2" Airah POV: "Babe, gising na. It's already 8 a.m." Isang malambing na tinig ang syang narinig ko dahilan para mapamulat ang aking mata. Sa pagbukas palang nito ay nasilayan ko agad ang gwapo kong boyfriend na si Jake. Napangiti ako ng bahagya sa binata kasabay ng pag-upo ko ng maayos. "Goodmorning Jake." bati ko rito. "--Sorry, na-late ako ng gising hehe." pacute kong paumanhin sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin habang marahan nyang hinahaplos ang buhok ko. "It's okay. Nakahanda na yung breakfast, kaya mag-almusal ka na." tanging saad nya sa akin. Tumayo na ito at iginaya nya ako papuntang hapag-kainan. Nga pala, nandito kami ngayon sa America at halos 3 months na rin kaming nag-stay dito sa bansa. Actually, wala talaga kaming plano na pumunta dito. But because of the Company na binigay ng parents ni Gino ay napa-OO na lamang kami ni Jake. Ang katunayan nyan, balak ko sanang tumanggi na kunin ang kompanyang inaalok nito dahil nga't nasaktan ko ang anak nila. Pero wala eh, sila pa yung tumulak sa akin na tanggapin yon. Ang tanging paliwanag at rason nila, ay labas daw sila sa problema namin ni Gino. But anyway, wag na natin yon pag-usapan. Past is past. Kaya wala ng rason para balikan pa ang nakaraan. And besides, wala na din akong balita pa sa binata matapos kong piliin si Jake. "So ano na? Nacontact mo na ba ang assistant ni Ms.Mendez?" tanong ko agad sa kanya nang makaupo ako. Sya na rin itong nag-asikaso ng makakain ko. "Yes nakausap ko na ang assistant nya Airah, but sad to say, sabi nito nasa Manila na raw si Ms.Mendez." sagot ni Jake sa akin. Nalungkot naman ako sa naging balita ng binatang kasama ko. Halos ang tagal na namin dito, pero wala pa ring nangyayari. Pinapaasa lang yata kami ng Mendez na yon. Tsk. Sinasayang nya lang ang oras namin. Well, ang kailangan kasi namin ngayon ay tutukan kung paano namin makaka-deal ang isang sikat na Kompanya dito, which is si Ms. Mendez ang nagmamay-ari nito. Yan rin ang dahilan kung bakit kami narito. Hayss. "Nakakainis na Jake. Naiinis na ako sa taong yan. Bakit kasi hindi nya pa tayo diretsuhin na ayaw lang nito sa atin?" bigkas ko na may halong galit ang aking boses. "Airah, chill ka lang. Alam kong marami na tayong ginugol na oras at araw para lang maka-deal natin sya, kaya sana wag kang mawawalan ng pag-asa. Okay?" sambit niya para mabawasan ang inis at galit ko sa dalaga. Hindi na ako nagsalita pa sa halip ay nagsimula na akong kumain. Sa loob ng tatlong buwan, hindi ako binigo ni Jake. Talagang pinatunayan nya na deserve syang maging boyfriend ko. Habang kumakain ako, hindi ko mapigilan na sulyapan ng tingin ang binata. Muntik na akong masamid nang makita kong nakangiti ito sa akin at sa tingin ko kanina pa syang nakatitig sa aking mukha. "Oh? Bat ganyan ang ngiti mo?" Taas-kilay kong tanong rito. Pasimple itong tumawa ng mahina habang tinatakpan nito ang kanyang bibig. "Jake, ano bang nakakatawa? Para kang timang dyan." inis ko ng sabi. "Ang taray mo ngayon babe. Haha." natatawa nyang saad. "Tsk. Naiinsulto ako sa ngiti at tawa mo, feeling ko may dumi sa mukha--" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang sumagi bigla sa isip ko na bagong gising pala ako. So it means, kumain agad ako ng hindi man lang nakapaghilamos at nakapagmumog. Nang maisip ko yon ay awtomatikong kumaripas agad ako ng takbo papuntang lababo. I don't even care kung hindi pa ako tapos sa kinakain ko. Rinig ko naman ang paghalakhak ng binatang kanina pa nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko ang aking itsura sa salamin, nakita kong may nakapalibot ngang muta sa aking mata at hindi lang yan, meron pang airplane na drawing sa aking noo. What the f**k?! Isa lang ang ibig sabihin nito, pinagtripan ni Jake ang mukha ko habang tulog mantika ako kanina. Grrr. Tila ba may giyera akong lulusubin dahil kinuha ko yung malaking sandok. Lumapit muli ako sa lalaki at nang makita nya ang galit kong ekspresyon ay mabilis itong tumayo sa pagkakaupo. "I hate you Jake! Hindi na kita love!" sigaw kong saad na halos umusok na ang aking ilong. I can't control myself right now, badtrip na nga ako sa Ms.Mendez na yon, dadagdag pa tong ginawa ng binata sa akin. Kumuha naman ng pang-shield si Jake nang akma ko syang hahampasin ng sandok. Kung titingnan para kaming naglalabanan dahil sa inaakto namin. "Airah, Tama na. Sorry na. Uyy haha." bigkas nito kasabay ng paulit-ulit nyang pagharang para hindi sya matamaan. Hindi sana ako titigil ang kaso ay biglang nagring ang telepono. So I don't have a choice kundi ang sagutin ang tawag baka kasi importante iyon. Kaya hindi ko na pinagpatuloy ang paghahampas sa halip ay inirapan ko na lamang si Jake. "Hello?" sambit ko ng sagutin ko ang tawag. "Hija, si tita Gina mo ito." saad nito sa akin. "Oh tita, napatawag ho kayo?" tanong ko sa kanya. "Nabalitaan ko kasing nandito na sa Pilipinas si Ms.Mendez, kaya tinawagan agad kita para sa ganon makapaghanda na kayo ni Jake na bumalik dito sa bansa." mahabang litanya ng Ginang sa akin. Actually, si Tita Gina, sya yung mom ni Gino. Tita na ang tawag ko rito dahil masyado daw na formal pag 'Maam' ang itawag ko sa kanya. "Ahm Tita, nasabi na sa akin yan ni Jake kanina. Pero sige ho, aasikasuhin na namin ang passport ngayon." tugon kong sabi. "Good. Mas mabuti ng maka-deal nyo si Ms. Mendez as soon as possible, dahil maraming ibang kompanya ang syang nag-aagawan sa kanya." wika nito sa kabilang linya. "Oo nga ho tita. Kaya nga medyo nahihirapan kaming makausap sya ng personal dahil nag-uunahan ang ibang tao sa kanya." "--Pero wag kayong mag-alala, we will make sure na makukuha namin ang OO nya." sambit ko naman. Natapos ang usapan naming dalawa na napagkasunduan na umuwi na nga kami ng Pilipinas. Binalingan ko na ulit ng tingin si Jake. Hindi ko na pinairal yung galit ko dahil wala rin namang patutunguhan yon. "Babalik na tayo ng Pinas Jake, kailangan nating maging mabilis sa bawat kilos. Ayokong madis-appoint sa atin si Tita Gina." tanging wika ko sa binata. Tumango lang ito sa akin kasabay ng pagsabi nyang, 'sya na lang daw ang bahala sa passport.' Kahit medyo natuturn-off na ako sa pagpapaasa ni Ms.Mendez ay kailangan kong tumiis. Nakakahiya kasi sa parents ni Gino kung wala akong mapatunayan sa kanila. Gino/Jutay POV: "Fuckshit!" malakas na sigaw ang aking pinakawalan kasabay ng pagtapon ko ng basong ini-inuman ko ng alak. Bumabalik pa rin sa akin ang lahat ng sinabi ni Mom tungkol sa pagbalik ni Airah. Tsk. Kung ako ang tatanungin, ayoko ng bumalik sila. Pero hindi eh, nakakainsulto lang dahil sa pagbalik nila, sila pa yung magiging kapartner ko sa business. Tangina! Hindi ko tuloy maisip kung bakit ginagawa to sa akin ni Mom. Alam nya kung anong sakit at hirap ang pinagdaanan ko simula nang iwan ako ni Airah, tapos ngayon, gusto nyang magkalapit ulit kami ng dalaga. Fuck! Hindi ako papayag! Kinuha ko ngayon ang bote ng alak kasabay ng paglagok ko ng sunod-sunod dito. Halos ito na rin ang naging routine ko sa araw-araw para lang mawala sa isip ko si Airah. Yes, I still love her. Pero pag-sumasagi ulit sa isip ko yung nangyaring pagpili nya kay Jake, yung pagmamahal ko sa kanya ay napapalitan ng galit. Galit dahil hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataon para ayusin ang pagkakamali ko. At ngayong babalik na ulit siya, gusto kong ipakita sa dalaga na wala na akong nararamdaman pa sa kanya. Hindi na ako yung dating Gino na nakilala nya noon. Kasi ngayon, kilala na ako bilang isang WOMANIZER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD