Chapter 3 of He's My Boss☺♥
Jake POV:
Nang matapos akong makapagbihis, ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.
Ayoko kasing mawala ang excitement na nararamdaman ni Airah.
Kaya naman tinungo na agad namin ang airport para sa ganon makahabol kami sa maagang flight.
Pinasadahan ko ng tingin ang dalagang kasama ko, maganda ang suot nya kaya masyadong malakas ang dating nito.
Paano ko nasabi?
Karamihan kasi sa mga foreigners na nakakasabayan namin ay napapalingon sa kanya.
Si Airah, marami sa kanyang nagbago.
Kung noon ay wala syang pakialam sa sarili, ibahin natin ngayon.
Palagi na syang nag-aayos kaya na-eexpose lalo ang kagandahang taglay nya.
"Jake, pwede ba, wag mo akong titigan. Baka matunaw ako nyan." pakunwaring mataray na sambit nito.
Kinurot ko lang ang magkabilang pisngi nya dahilan para mapahiyaw sya.
"Ouch! Ang sakit non Jake." baing nya kasabay ng pagtingin nito ng masama sa akin.
"Sorry na babe. Hindi ko kasi maiwasan na titigan at kurutin ang nakakaakit mong mukha."
malambing na saad ko.
"Sus, pasalamat ka at nadala ako sa palusot mo eh." ngusong bigkas nya.
Inakbayan ko na sya bago kami pumasok sa eroplano.
Nang makasakay kami ay sinanday ko ang ulo ni Airah sa aking balikat.
Maya-maya ay nagsimula na itong lumipad.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig ko ang mahinang paghilik ng babaeng mahal ko.
Kahit hindi ko na sya sulyapan ng tingin ay alam kong mahimbing na itong natutulog.
Isinanday ko na din ang aking ulo sa may upuan kasabay ng paghawak ko sa marahan na kamay ng babaeng mahal ko.
'Sana pagbalik namin sa Pilipinas, walang may magbago sa relasyon naming dalawa.'
I know, wala na akong dapat pang ipag-alala dahil nasa akin na ngayon si Airah.
Pero hindi pa rin talaga makampante ang puso ko, kapag sumasagi sa isip ko si Gino.
Alam ko kasing hindi ma-iiwasan na magkita sila dahil masyadong maliit ang mundo.
At oo, natatakot ako na baka dumating yung araw na muling bumalik ang nararamdaman nito sa binata.
Hays. Dahil sa mga pumapasok sa isipan ko ay ipinikit ko ng mariin ang aking mata.
Nagiging negatibo na tuloy ang lahat para sa akin, ngayong uuwi na kami sa sariling bansa.
Gino's MOM POV:
Abot langit ang ngiting naka-ukit sa labi ko habang humahakbang ako patungo sa sikat na hotel dito sa Manila.
Yes, pupuntahan ko sa oras na to si Maxine.
Gusto ko lang mangamusta sa kanya ng personal and besides, napalapit na rin ang loob ko sa dalaga dahil nga't kababata sya ni Gino.
Tatlong beses akong kumatok bago ito bumukas at bumungad sa akin ang anghel na mukha ni Maxine.
"Tita Gina?" Hindi makapaniwalang bigkas nya sa aking pangalan.
Kunot-noo itong napatingin sa gawi ko.
"Yes Hija. Ako nga. Ang mom ni Gino."
tugon ko rito.
Dahil sa sinabi kong yon ay awtomatikong yumakap sya ng mahigpit sa akin.
"Gosh Tita! Hindi kita nakilala."
"--But anyways, namiss ho kita."
magalang na saad nya na may kalambingan sa kanyang boses.
"Me too Maxine. Namiss ko rin ikaw. I'm glad na bumalik ka na."
Nang sambitin ko ang katagang yon ay kumawala na ako sa pagkakayakap nito.
Binuksan nya ng malaya ang pinto para ipahatid na pumasok na ako sa loob.
Kaya naman tumuntong na ako papasok ng hotel na tinutuluyan nya.
"Ano bang gusto mo tita? Sabihin mo lang at magpapahatid tayo ng makakain dito." wika nya sa akin.
"No Hija. Hindi ako gutom. Actually, gusto lang talaga kita kamustahin." ngiting saad ko.
"Ahm okay naman ho ako tita. As usual, number 1 pa rin ang kompanyang pinapatakbo ko." tugon nito.
"That's good to hear Hija. I'm so really proud of you. Pero teka, kumusta na ba ang puso mo? Do you still love my son?" sunod-sunod kong tanong sa babae.
Bigla itong napatahimik at napatalikod sa akin.
"Alam mo ba Maxine, naging miserable na ang buhay ni Gino."
"--Hindi na sya yung dating kababata mo, na nakilala mo noon." pahayag ko muli sa kanya .
Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga nito.
"Yes I know tita. Kaya nga bumalik ako eh. Bumalik ako para sa anak nyo." sambit nya ng lingunin nya ako.
Bigla akong natigilan dahil sa pinakawalan na salita ng dalaga.
"What do you mean Hija?"
Sa tanong kong yon ay ngumiti lang sya kasabay ng pag-upo nito sa tabi ko.
"Tita, nandito ako para ayusin ulit si Gino. Nabalitaan ko rin ang nangyari sa kanya."
"--Iniwan sya ni Airah, tama ba?"
sambit nya.
Halos mapanganga ako dahil sa mga narinig ko.
"Paano mo nalaman Hija? At kilala mo si Airah?"
"Oo tita, kilala ko si Airah. Palihim ko kasing pinapasundan si Gino sa taong inutusan ko."
pag-aamin nito.
"Napamangha mo ako Maxine. Hindi ko lubos maisip na meron tayong pagkakahawig na dalawa." Tanging wika ko sa babaeng kaharap ko.
"Well, masaya ako na meron tayong pagkakahawig tita."
"--So don't worry, ako ng bahala sa anak mo. Kung ano man si Gino ngayon, I will make sure na ibabalik ko sya sa dati." mahabang pahayag nito dahilan para makampante ako.
Gino POV:
Malakas na tunog at sigawan ang syang naririnig ko pagtapak ko palang sa loob ng Club.
May nakikita rin akong naghahalikan sa tabi-tabi at ang iba ay may mga ka-table na magagandang babae.
Hindi na sa akin bago ang mga kaganapang to.
Halos araw-araw akong pumupunta sa ganitong lugar para lang makapagpalipas ng oras.
Umupo ako sa unahan kung saan harap-harapan kong makikita ang mga dilag na sumasayaw sa gitna ng entablado.
Ang suot nila ay maninipis at tila ba kinulang sa tela para makapang-akit ng mga lalaking umiinom ng alak.
May lumapit naman sa akin na isang tao at tinanong kung anong klase ba ng wine ang iinumin ko.
Syempre, yung malakas ang tama ang palagi kong ino-order.
Gusto ko kasi wild ang dating kapag nakahanap ulit ako ng bagong dalaga ngayong gabi.
-
Napangisi ako ng malawak nang may masagip ang aking mata.
Isang sexing babae na may malaking hinaharap.
Mabuti na lang at dito ang punta nya sa gawi ko.
Malanding hinaplos nito ang aking dibdib dahilan para may mabuong init sa aking katawan.
"Hey Darling, mukhang nag-iisa ka yata?"
sambit niya at bigla itong kumandong sa akin.
"Yes, nag-iisa nga ako. Bakit, gusto mo ba akong samahan?" ngiting tugon ko rito.
Ang ngiting yon ay may gusto akong ipahatid sa dalagang kaharap ko.
Walang paligoy-ligoy ay mabilis nyang hinagkan ang aking labi.
Ang halik nito ay tila ba uhaw na uhaw sa laway ko.
"Hmmm. Taste good darling." saad ko nang humiwalay ang labi naming dalawa.
"Halik palang yan darling, pano pa kaya kung nasa kama na tayo?" mapang-akit na bigkas nya.
Sa tingin ko, hindi masasayang ang pera at pagod ko rito.
Base palang kasi sa inaakto nya, alam kong magaling syang magpaligaya ng binata.
"Later darling, pupunta din tayo don. Pero sa ngayon, let's drink." wika ko sa dilag na katabi ko.
Habang naghahalikan kasi kami kanina ng babae ay dumating na rin ang wine na inorder ko.
Kaya naman, kinuha ko na ang basong may laman na alak at hinihintay kong makipagcheers sya sa akin.
Sabay na nga kaming uminom ngayon at halata sa dalagang to ang pagkahayok nyang matikman ang pagkalalake ko.
Patuloy pa din kasing lumalakbay ang kamay nya hanggang sa mapunta ito kay Junjun.
Hinayaan ko lang ang mapaglarong kamay nya na hawakan ang ari ko.
"Darling, sabik na sabik na ako. So please, punta na tayo ng hotel." pag-aaya nito sa akin.
Dinampian nya na rin ng mga halik ang leeg ko para sa ganon ay makuha nya ang 'OO' na sagot ko.
Dahil sa init na init na rin ang aking katawan ay ako na mismo ang humawak sa kamay nya at mabilis kaming lumabas sa club.
Nasa kotse palang kaming dalawa ay wala pasakalye nitong inalis ang butones ng polo ko.
"Darling chill ka lang. Dahil sayong-sayo ako ngayong gabi." sambit ko sa kanya.
Ipinaharurot ko na ang kotse patungong hotel.
Gusto ko sanang idala sya sa bahay ko mismo ang kaso ay baka dumating bigla si Leny.
Buraot pa naman ang kapatid ko.
Dahil hindi masyadong kalayuan ang hotel ay mabilis kaming nakarating don.
Pagpasok palang namin sa room 47 ay muli akong ginawadan ng halik ng babae.
Marahas at madiin na halik ang ginagawa nya sa akin.
Lumakbay muli ang kamay nya sa aking dibdib at inalis ng tuluyan ang polong suot ko.
"s**t, you're so hot darling." sambit nito at dumako ang labi nya papunta sa abs ko.
Maalab ang halikan namin hanggang napahiga kaming dalawa sa kama.
Mahigit isang oras rin ang mainit na pangyayaring bumalot sa loob ng hotel.
Nang matapos ay pareho kaming dalawa nagpahinga.
Hingal na hingal kami pareho buhat ng aming pagod.
Muli akong niyakap ng babaeng katabi ko kasabay non ay ipinikit nya na ang kanyang mata para makatulog.
Dahil medyo antok na rin ako ay mas minabuti kong magpahinga na rin.
Bukas ko na lang siguro babayaran ang dilag na to.
Airah POV:
Gabi na ng makarating kami dito sa Manila.
Oo, nasa Pilipinas na kami ngayon.
At kasalukuyan na rin kaming papunta ng hotel para don muna magpalipas.
Sinulyapan ko naman ng tingin si Jake dahil sa kakaibang inaakto nya sa mga oras na to.
So weird lang kasi dahil mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Jake, are you okay?"
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napatanong na ako sa kanya.
Ngumiti lang ito ng bahagya sa akin at tumango.
Hindi na ako nangulit pang tanungin sya ulit dahil baka pagod lang ito sa byahe.
Huminto na ang Taxi na sinakyan naming dalawa sa mismong hotel.
Nanatiling naka-alalay pa rin si Jake sa akin at tila ba ayaw nya na akong bitawan.
Sa room 48 ang syang napili naming tuluyan.
Pag-apak pa lang namin don ay mabilis akong humilata sa malambot na kama.
"Hayy. Namiss ko ang Pilipinas!" mahinang sambit ko.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa bandang gilid hudyat na tumabi na rin sa akin ang binata.
"Matulog ka na Airah. Matulog na tayong dalawa." saad nito at hinalikan ako sa aking noo.
Hindi na ako nagsalita pa, sa halip ay ipinikit ko na nga ang aking mata.
Nagising na lamang ako dahil sa sobrang lamig na naramdaman ko dulot ng aircon.
Marahan akong napamulat kasabay non ay tiningnan ko kung anong oras na ba.
"6 a.m na pala. Sobrang bilis." Tanging bigkas ko sa aking isipan.
Nakita ko si Jake na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Kahit anong anggulo ay gwapo pa rin talaga sya.
Bumangon na ako at hindi ko na muna sya finishing.
Ayoko rin kasing istorbohin ang tulog nya.
So I decided na tumambay kaya lumabas na ako ng room 48.
Pero hindi ko inaasahan na may magjowa akong madadatnan na nag-aaway.
Kita ko sa mukha ng babae ang galit habang pinagsasampal ang lalaki.
I don't why, pero isa lang ang alam ko, nacu-curious ako sa pinag-aawayan nila.
Gusto ko sanang tingnan ang itsura ng binata kaso hindi ko masulyapan dahil nakatalikod ito sa akin.
Kaya wala akong nagawa kundi ang i-describe ang pisikal appearance nya.
May tatoo ito sa kanyang braso at may kulay ang buhok nya.
Base palang sa postura, adik yata ang lalaking to.
"So ano? Ganon na lang yon? After nating magsex ay tapos na agad tayo?!" sigaw ng dalaga sa kanya.
Pero nanatiling tahimik ang kausap nito at para bang may ini-aabot syang bagay sa babae.
"--Hindi ko kailangan ng pera! Hindi ako nakipagsex sayo para bayaran mo lang!"
muling saad nya.
"Tsk. I told you, isang gabi lang. Kagabi lang ako naging sayo, and now, we're done. Umalis ka na."
Laking gulat ang syang umapaw sa damdamin ko.
Hindi ako nagulat dahil sa sinabi ng lalaki, bagkus ay nagulat ako dahil sa boses na taglay nito.
Sobrang pamilyar kasi yon para sa akin.
Dahil gusto kong kompirmahin ang sinasabi ng isip at puso ko ay humakbang ako palapit sa kanila.
"Argggghhh! I hate you!"
Yan ang huling litanya na sinambit ng dalaga bago ito umalis sa harapan ng binata.
Unti-unti namang lumingon ang lalaki para sana sundan ng tingin yong babae, pero nang mapalingon ito ay ako ang syang nakita nya.
Pareho kaming dalawa nagulat.
Pareho naming hindi inaasahan na sa ganitong tagpo kami magkikitang muli.
Pero bakit?
Bakit ang laki yata ng pinagbago ni Gino ngayon?
Dahil ba ito sa pagbasted ko sa kanya na magkabalikan kami?
Malamig nya akong tinapunan ng tingin, at ilang segundo rin siguro yon nagtagal bago nya inalis ang titig nito sa akin.
Ewan ko ba pero ramdam ko ang kakaibang Gino na kaharap ko.
Wala akong nagawa kundi ang mapalunok na lamang ng laway.
Wala rin namang gustong lumabas na salita sa bibig ko.
At maya-maya ay bigla na ulit itong pumasok sa kanyang room.
And still, shock na shock pa rin ako dahil sa kaganapang nangyari sa mga oras na to.