PROLOGUE
PROLOGUE OF BOOK 2 HE'S MY BOSS
Gino's POV:
"Uhmm ahh Shit."
UNGOL ng isang babae ang syang bumabalot sa loob ng aking kwarto.
Sarap na sarap ito sa aking ginagawa sa kanya.
Hinahalikan ko ang leeg nito kasabay ng paglamas ko sa kanyang hinaharap.
Halos mabaliw na rin ang dalaga dulot ng sensasyon na pinaparanas ko rito.
Matapos kong lamasin ang kanyang dibdib, iginapang ko na ang aking kamay papunta sa ibabang parte ng katawan niya.
Kaso hindi ko na naituloy na mahawakan yon dahil biglang tumunog ang aking cellphone sa may side table ng kama ko.
Napahinto ako sa aking ginagawa sa babae, at bakas rin sa mukha ng dalagang kaharap ko ang pagkadismaya.
"Baby, mamaya mo na sagutin yan ahhmmm." mapang-akit na bigkas nya sa akin.
Pero sa halip na pakinggan ko ito ay umalis ako sa pagkakapatong sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.
'Mom Calling'
Yan agad ang aking nabasa sa screen.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi.
Pero sa huli ay mas ninais kong kausapin na nga si Mom.
"What do you need mom?" Kalmadong tanong ko sa kanya.
Isa lang naman kasi ang rason kung bakit tumatawag ito sa akin.
At yon ay kapag may kailangan at importante syang sasabihin.
"Son, pumunta ka dito sa office ko ngayon na." utos na bigkas nito at para bang iniwasan nyang sagutin ang tanong ko.
Base palang sa tono ng boses ng aking ina ay tila mahalaga nga ang gusto nitong pag-usapan namin.
"Tsk. Bukas na lang, I'm busy Mom."
sambit ko na lamang.
Tangina naman kasi, dis-oras na ng gabi tapos gusto nya akong papuntahin sa office?
"Gino, pupunta ka ba dito o ako ang pupunta dyan sayo?! Ano, mamili ka?!" pananakot nyang sabi sa akin.
Fuck. Kahit kailan talaga alam nito ang kahinaan ko.
"Okay, pupunta na ako dyan." pagpapayag ko kahit labag sa aking kalooban.
Inend ko na ang tawag at inihagis ang phone sa may dingding.
Kinuha ko na rin ang T-shirt ko para suotin ito.
"Baby, don't tell me na hindi natin itutuloy to? Sobrang wet na wet na ako Gino. And s**t, masakit sa puson kapag binitin mo ako."
sambit ng babaeng nakahiga sa kama.
Malamig ko lang itong tiningnan kasabay ng pagturo ko sa nakabukas na pinto ng aking kwarto.
"Leave now." cold na bigkas ko.
"What?! Are you crazy Gino?" Hindi makapaniwalang saad nito.
Bumubuo na rin ang galit sa mukha nya pero hindi ako nagpadala don.
Muli ko itong tiningnan, kung kanina ay malamig na tingin ang aking pinakawalan sa kanya, ngayon ay pinalitan ko ito ng nakakatakot.
"I. said. leave. Now!" mariing ulit ko sa bawat salitang sinasambit ko.
Mabilis nitong kinuha ang kanyang damit at mabilis na rin itong umalis sa harapan ko.
Mabuti na lang at nadala ito sa tingin na tinapon ko sa kanya.
Ang totoo nyan, hindi ko kilala kung anong pangalan ng babaeng yon.
Nakilala ko lang naman sya sa Club.
And she's lucky dahil sya yung napili ko para dalhin dito sa bahay ko.
Inayos ko na ang aking buhok at nagspray ako ng pabango sa aking leeg at damit.
After kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng bahay.
Sumakay na ako sa aking kotse at tinutungo ko na ang office na ni Mom.
Hindi rin naman nagtagal at nakarating na ako doon.
"Mom, ano ba kasing gusto mong sabihin?"
agad na tanong ko nang makapasok ako sa office nito.
Ayoko na kasing tumagal pa rito kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Ngumiti lang ito at diretsang tumingin sa aking mata.
"Babalik na sya Son. Babalik na si Airah."
Tila nagulat naman ako sa sinabi nito sa akin.
Naging straight to the point na rin sya.
Wala akong masabi at para bang umurong ang aking dila.
"At gusto ko, sa pagbalik nya ay maging magpartner kayong tatlo nila Jake at Airah sa business." Patuloy na saad ni Mom.
Tangina! Ano bang pinagsasabi nya?!
Nang-iinsulto yata to sa akin.
Napakuyom ako ng aking kamao dahil muling umapaw ang galit ko.
"A f*****g No."
"--Hindi ako papayag na maging partner ko sila sa business. Tapos ang usapan."
After I said those words ay umalis na ako sa harapan ng aking ina.
Wala rin naman palang patutunguhan ang pag-punta ko dito.
Dahil tuloy sa sinabi nya ngayon ay bumalik ang lahat ng sakit na dinulot ni Airah sa akin.
She left me.
Mas pinili nya si Jake kesa sa akin.
Mas pinili nyang sagutin ang binata kesa makipagbalikan sa tulad ko.
Tatlong buwan na simula mangyari ang lahat ng yon.
At sa loob ng tatlong buwan, binalot ng hapdi at pangungulila ang puso ko.
Kaya kahit masakit, pinilit kong baguhin ang sarili ko para lang makalimutan siya.