CHAPTER 6

1026 Words
Chapter 6 Airah POV: Dahil mag-isa na lang ako sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi ang alamin kung saan ang destinasyon bukas ni Maxine. Ayoko na kasing patagalin pa ang deal na to. Nagmumukha akong aso sa kakahabol sa kanya eh. Tsk. Muli kong inistalk ang account ni Ms.Mendez, at don nakita ko ang mga bago nyang post. "I still love you G♥" "I will try my best na tulungan ka para makalimutan sya." Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam na may ganito palang pinagdadaanan si Maxine. She's so inlove with 'G' at base pa lang sa post nya, I know na meron ng mahal na iba si 'G'. My gosh! Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na di macurious. Hays. Akma sana akong magmemessage sa kanya kaso biglang nagring ang cellphone ko. Kaagad ko naman itong dinukot at mabilis na sinagot. "Hello tita Gina?" sambit ko rito. "Oh Hija, pasensya na kung napatawag ako sayo. Naistorbo ba kita?" tanong nito sa akin. "Ahm hindi naman po tita. Pero bakit ka po ba napatawag?" balik na tanong ko sa kanya. "Nasa Pilipinas ka na, tama ba ako?" hulang bigkas nito. "Yes ho. Paano nyo nalaman?" "Hija, kilala mo ako. Marami akong source para malaman kung ano ang kinikilos mo at kung nasaan kang lugar." "--But anyways, napatawag ako dahil gusto kong sabihin sayo na alam ko, kung saan mo makikita si Ms.Mendez." wika nya. Dahil dito ay medyo nabuhayan ang aking dugo. Nawala sa laptop yung atupag ko bagkus napunta na ito sa Ginang. "Really tita? Then saan? Para naman makausap ko na sya ng harapan." saad ko rito. "Ikaw lang ba ang kaka-usap sa kanya?" "Actually, ako lang po Tita. Umuwi kasi si Jake sa Probinsya dahil namatay yung lola nya. Kaya ako na muna ang mag-aasikaso ng kompanya habang wala sya." paliwanag ko naman. Mabuti na yung malaman nya to since she knows na partner ko ang binata dito sa business. "Oh I'm sorry. Pakisabi na lang sa kanya na condelence." malungkot na sambit nya. "Okay tita makakaabot po yon sa kanya." "--But for now, can you please tell me kung nasa'n si Maxine? Para sa ganon, hindi na tumagal pa yung paghahabol ko sa kanya." pakiusap ko rito. "Well, mas mabuting bukas mo na lang sya puntahan. Kasi kung sasabihin ko sayo ngayon kung nasan sya, baka magulat ka lang sa makikita mo." pahayag nya na masyadong naging magulo para sa akin. So weird, hindi ko gaanong naintindihan ang pinaparating nito. "Wait tita, ano ho bang ibig nyong sabihin?" pagtatanong ko na. "Wala Hija. Itetext ko na lang sayo yung address mamaya." sambit nya. Bago pa man ako makasalita ay bigla na nitong inend ang tawag. Napahilot na lamang ako ng aking sentido dahil sa kalituhan ng isip ko. After a few minutes ay nawala rin yon nang matanggap ko ang text galing kay Jake. Jake♥: Babe, take care always. Wag mong i-stress masyado ang sarili mo. Kain sa tamang oras, okay? I love you, tatawagan na lang kita pag-nakarating na ako ng Probinsya. Nang mabasa ko ang sweet message ng nobyo ko ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi. Pero kasunod non ay muli akong nakatanggap ng panibagong text, hindi na ito galing kay Jake sa halip ay galing na ito kay tita Gina. Gina☺: Nasa Taytay resort bukas si Ms.Mendez, hija. I hope na mameet mo sya ng maaga and also goodluck☺. Bahagya akong napahinga nang malaman ko kung saan na lugar ko mahahagilap si Maxine. Sa dami-rami na pwedeng puntahan don pa talaga. Napailing na lamang ako kasabay non ay iniligpit ko na ang aking laptop. I decided na rin na maghanap ng susuotin para bukas, kailangan maganda at presentable ako sa paningin ni Ms. Mendez para sa ganon makuha ko agad ang 'OO' nya. Gino's Mom POV: Handa na ang lahat. Nagawa ko ng tawagan at mapaniwala si Airah. Yes, meron akong bagong plano. Hindi pa man sabihin ng dalaga ang tungkol sa pagkamatay ng lola ni Jake ay alam ko na yon. Kaya nga mabilis kong kinontak ang kaibigan ko na may-ari ng resort sa Taytay para kuntyambahin ito. And here, I am dialing my son's number para sya naman itong tawagan ko. "What?!" inis na bigkas agad niya ang bumungad sa aking tenga. Hindi na sa akin bago to, nasanay na rin ako sa ganitong ugali ni Gino. "Son, masyado ka namang energetic. Ang ganda ng pagkasagot mo ng tawag ko." pagdadaan ko birong sabi. "s**t Mom. Alam kong may kailangan ka, kaya ka napatawag. So now tell me, sabihin mo na agad para hindi na tumagal ang usapan natin." wika nito sa akin. "Gino, wag ka ngang ganyan sa Mom mo." rinig ko saway ni Maxine sa kabilang linya. "Oh is that Maxine voice?" pakunwareng tanong ko kahit na ang totoo ay alam kong magkasama nga ang dalawa sa mga oras na to. "Tsk. Yah. Kay Maxine ngang boses yon, and she's here." sambit nya. "Nice to hear Hijo." tanging sabi ko na lamang. "Hays! Can you be straight to the point Mom, wag mo ng i-liko pa ang usapan natin. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." muling pahayag nya. "Ikaw talaga Gino, masyado kang excited. Pero sige, sasabihin ko na sayo ang gusto kong iparating." "--Kailangan mong pumunta ng Taytay resort bukas, son." diretsang saad ko. "What? At para saan ba yang pupuntahan ko?" pagtatanong nya naman. "Para sa business Gino. Para sa business na ibibigay ko para sayo." pagsisinungaling ko. "Fuck." "--No mom, hindi ko kailangan ng business. At hindi ako pupunta don." giit na tugon nya. "Anong gusto mo Gino, pupunta ka don o kukunin ko lahat ng binigay kong pera at ari-arian sayo. Mamili ka." pananakot ko rito. Wala na kasing ibang paraan para pumayag sya. "Tsk. Fine, pupunta na ako don. Tangina." sambit nito kasabay ng pag-end nya ng tawag. Well, I'm just doing this for him. Gusto kong magkausap sila ni Airah para sa ganon maayos na ang gusot nila. And of course, gusto ko rin talagang magsama sila ng isang araw. Malay mo may spark pa sa kanilang dalawa diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD