Chapter 5
"HE'S MY BOSS" BOOK 2
Airah POV:
Gusto kong bumawi kay Jake.
Gusto kong iparamdam sa kanya ngayon na sya na yung mahal ko.
Oo, aaminin ko na medyo nagkaroon ng kalituhan sa isip ko nang makita ko si Gino.
Pero mali eh, maling maging ganon ako dahil nga't Ex ko lang sya at may boyfriend na ako.
And yes, Jake is right.
Masyadong unfair para sa kanya kapag naging ganito lagi ang akto ko sa harapan nya.
So here, minabuti kong ibalik yung dating Airah na nakasama nya sa America.
Kaya naman, I decided na paglutuan ko si Jake.
Maliit lang na bagay ang ginagawa ko sa kanya pero alam kong naappreciate nya ito ng lubusan.
After kong magluto at magprepare ay tumungo ako ng kwarto para sana tawagin sya.
Kaso nadatnan kong busy ito sa pag-gamit ng laptop.
"Jake, is there something wrong?"
Nag-aalalang tanong ko rito.
Nakita ko kasi ang lungkot nito sa kanyang mukha.
Ramdam ko rin na may problema syang dinadala.
"P-patay na yung Lola ko, babe. Kaninang madaling araw." nangangaratal na sagot nya.
Tila ba papatak na ang luha nito nang sabihin nya ang katagang yon.
Wala akong magawa kundi ang yakapin na lamang ang nobyo ko para sa ganon, maramdaman nyang may karamay sya sa mga oras na to.
"Kailangan kong umuwi ngayon ng Probinsya." sambit nito sa akin.
"Sasamahan kita." biglang saad ko.
Gusto ko kasing nasa tabi nya lang ako.
I know the feeling kapag may namamatay na kapamilya mo.
Syempre noh, naranasan ko na kasi ang maiwan dahil nga't maagang pumanaw ang magulang ko.
Narinig ko naman ang malalim na paghinga ng binata. Medyo inalis nya rin yung pagkakayakap ko sa kanya kasabay ng pagtingin nito sa akin ng diretsa.
"Airah, gustuhin ko mang sumama ka sa akin sa Probinsya, hindi pwede eh." wika nya.
Kunot-noo akong tumugon dahil sa sinabi nito.
"Anong hindi pwede? Jake, kailangan mo ako. Hindi kita hahayaan na pumunta don mag-isa." pagmamatigas kong bigkas.
"Yes Airah, kailangan kita. Pero mas kailangan ka ng kompanyang pinapatakbo natin."
"--And beside, limang araw lang ako sa Probinsya and after mailibing ni lola ay babalik ulit ako dito sa Manila." paliwanag nya para hindi na ako mangulit pa. But still, nagpursige pa rin akong pilitin sya.
"Jake, gusto kong may karamay ka. Ang sama ko naman sigurong girlfriend kung hindi kita sasamahan diba?" ngusong saad ko.
Hinawakan nya lang ang aking pisngi at bahagya itong ngumiti.
"Hindi Airah. Hindi ka masama. Ayos lang ako. Hindi naman ako magtatagal don."
"--At saka alalahanin mo, kailangan nating maka-deal si Ms. Mendez bago pa tayo maunahan ng iba." sambit nito sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa dahil biglang sumagi sa isip ko si Maxine.
Kailangan nga namin itong maka-deal sa lalong madaling panahon.
Dahan-dahang isinanday ni Jake ang aking ulo sa papunta sa kanyang dibdib.
Naramdaman ko rin ang pagdadampi ng labi nito sa buhok ko.
"Don't worry Airah, tatawagan pa rin kita para magkaroon tayo ng komunikasyon." malambing na sabi nya.
"--Pero sana, sana pagbalik ko, walang may magbago. Cause I really trust and love you babe." muling katagang binitawan nito.
"Oo naman. Walang may magbabago Jake. At wag ka ring mag-alala, ako na lang ang bahala sa Kompanya." saad ko rito.
Nagtagal rin kami ng ilang segundo sa ganon na posisyon hanggang sa inaya ko na syang kumain.
Walang minuto at oras akong sinayang, habang nandito pa si Jake sa tabi ko, sinusulit ko na yon.
Five days, five days kasi kaming magkakalayong dalawa. At para sa akin, ang limang araw na yon ay sobrang tagal na.
Isama mo pa na hindi na ako sanay na wala sya sa tabi ko.
Sa puntong ito, pinasaya at linambing ko sya ng sobra.
Kaso nung sumapit na ang alas-singko ng hapon, unti-unti nawawala yung ngiti sa labi ko.
Hawak nya na ngayon ang malaking bag at nakahanda na itong umalis.
Dala ng emosyon ko ay pumatak ang aking luha kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa kanya.
"Ingat don Jake, mamimiss kita." sambit ko at hinalikan ko sya sa pisngi.
Abot-tanaw ko na lamang ang binata na lumalayo sa gawi ko.
So I dont have any choice kundi ang atupagin muna ang business namin.
Gusto ko sa pagbalik ni Jake, makuha ko na ang 'OO' ni Ms.Mendez, para naman maging masaya sya kahit papano.
Hayss. Bahala na.
Kakayanin ko to, ipagdadasal ko na lang na hindi sana masungit si Maxine sa personal.
Ms.Maxine Mendez POV:
"You totally changed Gino. Ang laki ng pinagbago mo."
"--Parang kailan lang ang amo pa ng mukha mo, pero ngayon, look--, para kang nakalaya sa preso." wika ko sa binatang kaharap ko.
Naka-upo na rin ako ng dekwatro sa mga oras na to. Wala akong magawa kundi ang titigan sya.
"Tsk. Kahit naman nagbago ako, hindi pa rin nawala yung pagka-gwapo ko." mahanging sambit nya.
"Seriously? Nasasabi mo pa talaga yan? Tingnan mo nga ang sarili mo, puno ng tattoo ang braso mo." inis na saad ko at mabilis kong hinawakan ang kamay nito para tingnan kung anong nakasulat rito.
"Jutay?" Hindi makapaniwalang basa ko sa tattoo na nakaukit sa kanyang braso.
Ito yung nag-agaw pansin sa aking mata.
He is now crazy!
Sa dami-rami na pwede nyang ipalagay, 'Jutay' pa talaga ang pinasulat nya.
"My gosh Gino! Nawala lang ako ng ilang taon, naging baliw ka na." bigkas ko.
Pero marahan nitong kinabig ang kamay nya para maalis sa pagkakahawak ko.
Maging sya ay pinagmasdan nya ang mga naka-ukit sa kanyang braso.
At maya-maya muli nitong binaling sa akin ang tingin nya. Ang tingin na alam kong may sakit pa ring dinadala.
"May kwento ang lahat ng to Maxine. Hindi lang basta tattoo to. Everytime na nakikita ko to, palagi ko syang naaalala." pagpapaliwanag nito sa akin.
Pinakita nya sa akin ng malapitan ang braso at isa-isa nyang sinabi ang kwento sa likod ng bawat tattoong nakasulat at nakaguhit sa kanya.
"The letter A, symbolizes her name. She's Airah. Sya yung babaeng minahal ko ng sobra and this 'Jutay', eto yung palagi nyang tawag sa akin. At itong singsing, yan sana yung ibibigay ko sa kanya, pero rineject nya lang ako." Wika nito habang may galit sa kanyang boses.
"At eto." muling turo nya sa mga kulay itim na background.
"--Naging ganyan kadilim ang buhay ko, simula nang piliin nya si Jake." saad nito sa akin.
Pamilyar na sa akin si Jake. Kaya hindi na ako nagtanong pa.
Bagkus ay pinakinggan ko na lamang ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng binata.
Kung dahil kay Airah kaya sya nasasaktan ngayon, pwess pahihirapan ko ang dalaga.
Pahihirapan ko sya, gaya ng pagpapahirap na pinaranas nya sa lalaking mahal ko.