Chapter 7

1267 Words
Chapter 7 "HE'S MY BOSS" (BOOK 2) Gino's POV: Binalibag ko ng wala sa oras ang aking cellphone dahil sa inis na umaapaw sa akin ngayon. Fuckin s**t! Kahit naman kasi ayaw kong pumunta ng resort ay hindi ako pwedeng tumanggi dahil mawawalan ako ng pera. Tsk. Kumukulo talaga ang aking dugo kay Mom. Tila ba kinokontrol na naman nito ang buhay ko. "Hey Gino, can you please calm down? Para kang timang, alam mo yon?" mahinang wika ni Maxine na nasa tabi ko. Sinulyapan ko lang ito ng tingin at kasabay non ay tumayo ako para pumunta sa may ref. "How can I calm down, kung pinipilit ni Mom sa akin ang mga bagay na hindi ko naman gusto." asar na sabi ko. Nang makatapat ako sa may ref ay mabilis ko iyong binuksan at kumuha ng malamig na tubig. "If you don't mind, tungkol ba sa Kompanya ang pinag-usapan nyo?" tanong nito sa akin. "Yah. That Fuckin Company! Bullshit!" sambit ko nang makainom ako. Nasipa ko na rin ang nasa ibabang parte ng ref dahil masyadong nadadala ako ng aking galit. "Well, kung kompanya lang ang pinoproblema mo. Then, I will help you." turan ng dalaga. Napatingin ako ng mabilis sa kanyang mata. Medyo napatigil naman sa pagkulo ang aking dugo dahil sa sinambit ni Maxine. Sa totoo lang, I really need her help. Kaya sa tingin ko, kailangan kong isama ang babae bukas. I don't have any idea when it comes in business, so I guess, sya lang itong makakatulong sa akin. "Thanks Max, text mo na lang sa akin mamaya yung address mo at susunduin na lamang kita para magkasama tayong pupunta ng resort." sambit ko na lamang. Tumango-tango lang sya bilang tugon sa aking sinabi. Kahit papano, hindi magiging komplikado at boring ang pagpunta ko bukas dahil kasama ko si Maxine. Airah POV: Napahikab ako ng bahagya kasabay ng pag-inat ko ng aking braso. Actually, panibagong araw na naman. And yes, almost 6 a.m na ng umaga. Sa kalagitnaan ng pag-sstretch ko ay biglang sumagi sa aking isipan ang tungkol sa pinag-usapan namin ni tita Gina kahapon. Shet! Awtomatikong napabangon ako at napasuklay ng aking buhok gamit lamang ang kamay ko. "Kailangan ko palang maging maaga na pumunta ng resort ngayon." kausap ko sa aking sarili. Agad akong nag-asikaso para hindi na ako abutan ng tanghali. Baka kasi kung magtagal ako ay hindi ko na naman maabutan si Maxine. May lahing kabute pa naman ang babaeng yon. So ayon, at this point nakabihis na ako. Medyo formal ang isinuot kong damit since makikipag-usap ako kay Ms. Mendez. Sana sa araw na to, hindi na ako mahirapan na habulin sya. Sumakay na nga ako ng Jeep papuntang resort. Hindi nagtagal ay nakarating na nga ako roon. Nakaramdam tuloy ako ng kaba pag-apak ko palang sa kalooban nito. Well, natural naman siguro yon diba? Natural lang na kabahan ako dahil makikipagdeal ako ngayon sa isang sikat na si Maxine Mendez. Pero hindi eh, hindi ko alam kung bakit ibang kaba ang umaapaw sa akin. "Miss, sino ang hinahanap mo?" Nagulantang bigla ako sa boses ng lalaking sumulpot sa aking likuran. Nahalata nya yata na kanina pa ako palinga-linga. Actually, wala akong alam kung saang sulok ko matatagpuan ang dalaga. Basta ang tanging sabi ni tita Gina, nandito lang si Maxine. "Ahm may kadeal meeting ho kasi ako." pabuntong-hiningang sagot ko. Ang taong nasa aking harapan ay medyo may edad na, but still the way na manamit ito, mahahalata mong mayaman sya. "Si Maxine Mendez ba?" Sambit niya dahilan para magsalubong ang kilay ko. 'Teka, bat alam nya?' Yan sana ang itatanong ko rito pero tila ba nasagot nya na ito. Ngumiti lang sya at itinuro ang isang hotel. "Kilala ko si Maxine Hija. At binilin nya sa akin na kung sino man daw ang humanap sa kanya ay hintayin na lang daw sya don sa loob ng hotel." wika nito. Dahil bakas naman rito ang pagkaseryoso ay naniwala naman ako. Tumango lang ako at nagpasalamat bago ko tinahak ang isang hotel dito sa resort ng Taytay. Hindi pa man ako nakakatungo don ay may grupo ng kalalakihan ang syang humarang bigla sa aking dadaanan. I admit na mga gwapo sila at makikita mo ang kalakihan sa kanilang katawan dahil sa boxer lamang ang mga suot nito. But the heck! Sa mata at ngiti palang na taglay nila, hindi na ito mapagkakatiwalaan pa. Manyak kasi silang tingnan. "Excuse me." mahinahong bigkas ko para sana makaalis na ako. Pero mabilis kinabig ng isa ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kanya. "Hmmm, ang bango mo naman Miss. Alam mo, sayang ng pagpunta mo rito kung hindi ka mag-eenjoy." "--Bakit di ka na lang sumama sa amin? Papainitin namin ang katawan mo." wika nito na may kalibugan sa kanyang boses. Agad namang nagsikuluan ang dugo ko at marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Sa tingin nyo ba papayag akong sumama sa inyo? Hell NO!" Mataray na saad ko. Muli nila akong pinagtulungan kaya I have no choice kundi ang sipain ko ang mga betlog nila. Nagawa kong tumakas mula sa kamay ng mga ito at kumaripas na agad ako ng takbo palayo sa kanila. Habang tumatakbo ako ay hindi ko na nagawang tingnan pa kung sino ang makakasalubong ko. So ayon, hindi ko namalayan na may isang tao pala akong mababangga sa kalagitnaan ng pagtakbo ko. Na-out of balance ako ng wala sa oras kaya natumba kami pareho. Ang kinalabasan ay nakapatong ako sa kanya habang sya ay nakahiga sa may lupa. "f**k!" galit na mura nito. Unti-unting nagproseso sa aking tenga ang boses na yon. Isang salita lang ang lumabas sa bibig niya pero alam ko at kilala ko kung sino ang nagmamay-ari non. "Tangina Miss, wala ka bang balak na tumayo?" inis na sabi nya sa akin. Ganito sya kung magsalita dahil hindi nya pa nakikita ang mukha ko. Pero bakit? Bakit hindi ko magawang tumayo? Bakit parang gusto kong ma-stock na lang sa ganitong pwesto? "s**t! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao Miss, kaya pwede bang tumayo ka na." pag-uulit nyang wika. Akma na sana akong tatayo sa ganong pwesto pero hindi ko nagawa nang magsisulputan muli ang mga asungot na lalaki kanina. "Kaya pala ayaw mo sa amin, dahil may nabingwit ka na pala." "Pero sige, hindi ka na namin kukulitin pero sa isang kondisyon." "--Halikan mo yung lalaking pinatungan mo." saad nito sa akin. Para bang tumigil ang mundo ko dahil sa kondisyon na sinabi ng manyakis na to. What the heck?! Kung hindi ko hahalikan si Gino, alam kong hindi nila ako titigilan. Pero kung halikan ko naman si Gino, magiging awkward ang lahat ng to sa aming dalawa. "Ano Miss, hahalikan mo ba o kami ang hahalik sayo?" Pananakot nilang banta. "Bullshit! Ano bang pinagsasabi---" Hindi na naituloy ni Gino ang kanyang sasabihin nang hagkan ko ang labi nito. Oo, mas pinili kong halikan sya kaysa naman magpahalik ako sa mga taong hindi ko naman kilala. Sa tingin ko, nagtagal yon ng ilang minuto bago ko inalis ang labi ko sa kanya. And now, hindi ko maipinta ang mukha nito nang makita ko ang kanyang reaksyon. I don't know what to say! Mabilis akong tumayo at nang lumingon ako ay hindi ko na nasilayan ang mga lalaki sa likuran ko. It seems na tinupad nga nila ang kanilang sinabi. Pero tangina! Ano ng gagawin ko? I was about to explain nang bigla syang umalis sa harapan ko. And I think, mas lalo yata itong nagalit sa akin. Oh My Gosh! Parang gusto ko ng magpakain sa lupa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD