CHAPTER 4

1796 Words
Chapter 4 "BOOK 2 HE'S MY BOSS" Jake POV: Lutang ang isip ni Airah ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang gumugulo sa isipan nya sa mga oras na to. Pagkagising ko kasi ay ganito agad ang aking nakita. "Goodmorning babe." pagbabati ko sa kanya para sa ganon ay matuon sa akin ang atensyon nito. Pero hindi eh, tulala pa rin sya at tila ba hindi kumukurap ang kanyang mata. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ako para lapitan sya. "Babe, ayos ka lang ba?" tanong ko rito at marahan kong hinawakan ang braso nya. Mabuti na lang at napatingin na ito sa akin. "Huh?" Sambit niya at bakas sa mukha nito na hindi nya narinig ang aking sinabi. Ginulo ko lang ang kanyang buhok at ngumiti ng bahagya. "Ang layo yata ng iniisip mo Airah. At sa tingin ko, kanina ka pa yata gising." wika ko na lamang. "Ahm h-hindi ahh. Wala akong iniisip noh." "--saka k-kakagising ko lang." defensive na sambit nito. Kita ko ang pamumula sa kanyang pisngi hudyat na nagsisinungaling sya. Pero dahil may tiwala ako sa dalaga ay hindi na ako nagtanong pa. Sa halip, tinungo ko kung saan nakalagay ang telepono para tawagan ang nagseserve dito ng pagkain sa hotel. Hindi nagtagal ay dumating na nga yung almusal namin. But still, walang imik pa rin si Airah. I don't why, pero iba ang kutob ko. Parang pakiramdam ko may nangyari kanina habang mahimbing akong natutulog. Kung ano man yon, siguro aalamin ko na lang. Ayokong pilitin sya na magsabi sa akin, ang gusto ko kusa nya itong sabihin. GINO POV: She's back. Nandito na sya sa Pilipinas. Fuck. Bakit sa ganitong sitwasyon at lugar pa kami nagkita? Putangina, bumubuo na naman ulit ang galit ko sa kanya. Tila ba bumalik sa akin ang lahat ng sakit na iniwan nito. Mabilis kong kinuha ang yosi sa pantalon ko na nasa sahig. Yes, nakaboxer lang ako kanina nang paalisin ko ang babaeng kinama ko kagabi. I don't even care kung nasaktan ko sya. Kapag nagsawa na ako, kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin nya, wala na rin yong saysay pa sa akin. Sinindihan ko na ang sigarilyo at sinimulan ko ng hithitin ito. Yung itsura at postura ni Airah kanina, ibang-iba na rin ang dating nya. Medyo mahaba na ang buhok nito kumpara noon. The way na sumuot sya, mahahalata mo na pang-sosyal na rin ang datingan nya. Yet, aminado akong mas gumanda sya lalo ngayon. Pero puta, wala na akong pake. Nang matapos akong manigarilyo ay sinuot ko na ang aking pantalon. Ayoko ng tumagal pa dito, dahil alam ko, alam kong kasama ng babaeng yon ang lalaking pinili nya. Kaso tangina, paglabas ko palang ay saktong lumabas rin ang dalawang taong nasa katabi lamang ng room ko. Magkahawak ang kamay nilang dalawa habang may bitbit na gamit si Jake. Napangisi na lamang ako nang lumingon ang binata sa akin. Ayokong ipakita rito na talunan ako. Siguro hindi nya inaasahan na makita nya ako dahil sa gulat na ekspresyon ang bumuo sa mukha nito. Hindi yata nasabi ng GIRLFRIEND nya na nandito rin ako sa hotel. "Gino, ikaw na ba yan?" sambit ni Jake sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay humakbang ako para lampasan sila. Anong akala nya? Makikipag-usap ako? Fuck. Iniwan ko na sila at dumiretso na ako pababa para umalis na sa lugar na to. Dahil sa kanila, hindi naging maganda ang araw ko ngayon. Sumakay na ako sa aking kotse at mabilis kong pinaharurot ito papunta mismo sa bahay ko. Yung inis at galit ko ay ibinuntong ko na lamang sa pagmamaneho. Kung titingnan ay para akong nakikipagkarera sa ibang sasakyan dahil inu-unahan ko ang mga yon. Kaya mahigit sampung minuto lang ang tinagal bago ko natahak ang bahay. Kaso bigla akong napakunot-noo ng masilayan kong may isang pink na kotse ang syang nakapark roon. Dahil sa pagtataka ko, awtomatikong lumabas ako at lumapit papunta sa loob ng aking tinitirhan. Naaninag ko agad ang babaeng naka-suot ng pulang dress habang nakatalikod ito. "Maxine?" bigkas ko nang makilala ko kung sinong tao yon. Kahit matagal kaming di nagkita at nagsama ng dalagang to ay kabisado ko ang galaw at pananamit nya. Unti-unti syang lumingon at nang makita ako ay malawak itong napangiti. "Hi Gino, it nice to see you again." masayang sambit nya at yinakap nya ako kasabay ng pagbeso. Hindi nga nagsinungaling si Leny sa akin, nandito na nga si Maxine. "Sayang, balita ko sa hotel ka raw natulog kagabi. Kung alam ko lang na pupunta ka sa lugar na yon, edi sana di agad ako umalis don." wika nya na may panghihinayang sa boses. Nanatili lang akong nakatingin sa maamong mukha ng babae. Hindi agad ako nakapagsalita dahil mas tinuon kong pagmasdan ang pagbabagong nangyari sa kanya. "Hey, kinakausap kita Gino." tapik nito sa aking braso. "Ahm I'm sorry Maxine, hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka." pagpapalusot ko. "Bakit Gino? Ayaw mo ba na bumalik ako?" taas-kilay na tanong nya. "Hindi naman sa ganon Maxine. Halos matagal na panahon na rin kasi simula nung umalis ka." saad ko. "Yes, masyadong matagal nga Gino. Kaya nga, namiss kita eh. Namiss ko yung bondingan nating dalawa." malambing na tugon nito sa akin. Maxine is a good friend. Naalala ko tuloy yung harutan at memories na binuo namin noon. Wala man akong masabi sa mga oras na to, pero masaya akong dumating na ulit ang babaeng naging bahagi ng buhay ko. Jake POV: Hindi ko lubos-maisip na sa ganitong lugar at pagkakataon ko pa nakita si Gino. Masyado talagang maliit ang mundo. Sino bang mag-aakala na nasa katabing room lang namin ang binata. Nagkakaroon tuloy ng katanungan sa isip ko, kung alam ba ni Airah ang tungkol rito. Bigla kasing umiba ang inaakto nya kanina. Hays. Ang gulo! Nang umalis si Gino sa harapan namin ay nagsimula na rin kaming maglakad. Pero sa puntong ito, naging malamig ang kamay ng babaeng mahal ko. Tila ba, kinakabahan sya at hindi mapakali. Gusto ko sanang imikin ito pero naisip ko na baka hindi nya lang ako pansinin. Shit! Eto na nga ba ang sinasabi ko. Kaya natatakot ako na bumalik ng Pilipinas dahil alam kong magiging malapit ulit ang landas ng dalawa. Kahit sabihin nating girlfriend ko na sya, hindi pa rin maalis ang pangamba sa aking puso. Isinantabi ko na muna ang sumasagi sa isip ko at pinagpatuloy na namin ang paghakbang palabas ng hotel. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan na lamang muna ang dalaga. Mahigit kalahating oras rin ang tinagal bago kami nakarating roon. And still, tahimik pa rin si Airah. "Pagtitimplahan muna kita ng kape." sambit ko rito at bago ako pumunta ng kusina ay hinalikan ko ang kanyang buhok. Pilit lang itong ngumiti sa akin bilang tugon. Nalulungkot ako dahil ang lakas pa din ng epekto ni Gino sa kanya. Nang makapagtimpla ako ay lumapit muli ako sa kanya at dahan-dahan kong inilapag ang aking hawak sa mesa. "Inumin mo na yan, habang mainit pa." muling bigkas ko. "S-salamat." tipid na sagot nya at kinuha na ang tasa kasabay ng pag-inom nito. "Iniisip mo pa rin ba sya?" Hindi ko alam pero yan ang kusang lumabas sa bibig ko. Napatanong ako ng wala sa oras dahil ramdam ko na merong gumugulo sa kanyang isipan. She look at me and it seems na medyo nagtaka sya sa tanong ko. "Kahit naman pala di ko tanungin, alam ko rin naman ang sagot." mapait na aking wika. "J--Jake." "Airah, boyfriend mo ako. And it so unfair na ganyan ka umakto dahil nakita mo ulit yung lalaking minahal mo dati." "--Airah, mahal kita kaya siguro may karapatan din akong magselos." malumanay na saad ko. Feeling ko tuloy ang bakla ko dahil naging ganito ang salita ko sa harapan nya. Pero wala eh, sinasabi ko lang naman kung ano yung nararamdaman ko. I'm just afraid to loose her. "S-sorry Jake. N-nagulat lang kasi talaga ako." sambit nito at mabilis na hinawakan ang aking braso. "--Pasensya na kung nagselos ka. Pero promise, hindi na ako magiging ganito ulit." muling saad nya. Dahil dito ay minabuti kong kalimutan na lang yong nangyari kanina. Leny's POV (Gino sister): "Bat parang kakaiba yata ang ngiti mo Mom?" Yan ang tanong ko sa aking ina nang makita ko sya. Pababa kasi ako ngayon para sana magpahangin sa hardin pero sya agad yung nasilayan ng mata ko. Kapag ganito ang awra ni Mom ay alam kong may good news na naman syang natanggap mula sa kanyang tauhan. Pero ang pinagtataka ko lang, anong balita ba ang nareceive nya? "Nandito na rin sila Airah. And guess what? Nagkita na sila ni Gino." wika nito sa akin. Napanganga ako ng marinig ko ang katagang yon. "Really? So anong nangyari mom? May spark ba sa kanilang dalawa?" excited na sambit ko at mabilis akong umupo sa katabi ni Ina. "Sad to say, hindi sila nag-usap na dalawa." Yung kaninang ngiti ko ay bumalik sa pagkabusangot dahil sa sinabi nya. "Ganon ba? Sayang naman yung pagkakataon." "--But anyway, san ba sila nagkita?" muling usisa ko. "Sa hotel. At sabi ng tauhan ko, may sinamang babae si Gino. Kaya hindi na ako magtataka kung nakita yon ni Airah." litanya nito. Napasapo naman ako sa aking noo, marahan ko na ring hinilot ito para hindi kumulo ang aking dugo sa kapatid ko. "Mom, bakit ba kasi hinahayaan mo na lang si Gino na gawin ang mga bagay na yon?" inis na bigkas ko. "Leny, may isip na si Gino at malaki na rin sya. Hindi ko na pwedeng kontrolin pa ang buhay nya." "But Mom--" "Nasaktan ng husto ang kapatid mo kaya hayaan na lang natin sya." "--And beside, nakausap ko na si Maxine, tutulungan nyang ibalik si Gino sa dati." Napatigil bigla ako at tila ba umatras ang aking dila. Kaya kunot-noo na lamang akong napatingin kay Mom. "Kilala mo naman si Maxine diba? Mahal na mahal nya ang kapatid mo, at may tiwala ako sa kanya." saad nito. "Yes, kilala ko si Maxine. Pero sa totoo lang, gusto ko pa rin si Airah para kay Gino." ngusong wika ko. "Bakit Leny, sa tingin mo ba, hindi ko gusto si Airah?" balik na bigkas nya. "What? Wait-- anong ibig mong sabihin?" Sa tanong kong yon ay ngumisi lang sya at isinanday nya ang kanyang likod sa sofa. "Leny, mag-isip ka. Si Maxine ang magiging daan para magkabalikan sila Gino at Airah." pahayag nito. "Teka, teka-- naguguluhan ako. Wag mong sabihin na gagamitin mo si Maxine." "Leny, hindi ko muna kailangan magpaliwanag sayo. Ayoko ng salita, gusto ko gawa. Kaya malalaman mo rin yon." Tanging sambit nya at tumayo na kasabay ng pag-iwan nito sa akin. What the f**k! Ang daming alam ng ina ko. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD