Hate
My cousins are coming. Iyon ang inaabangan ni Mommy at Tita Addison lalo na't makikita na nilang muli si Tita Aly. Siguro magt-tsismisan na naman silang tatlo sa kung ano ano kaya ganyan sila kaexcited na magsama sama sa iisang subdivision.
"Kasama kaya nila ang mga Lealde?" tanong sa akin ni Franca, nasa tabi ko ito sa simbahan. Ang aming mga magulang naman ay magkatabi rin. I heard them talking about Tita Aly pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil usapan naman nila iyon pero mukhang itong si Franca ay nakikitsismis rin.
Nagkibit ako ng balikat at ipinatili ang tingin sa misa. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko sa kabilang dako ang pamilya ni Toshi at seryoso rin sa pakikinig.
"Baka pupunta rin si Arih dito," si Franca na hindi matigil tigil sa kakabulong bulong sa akin.
I didn't mind her.
"Sigurado ako pupunta iyon dito pag dito na namalagi sina South at North."
I grimaced and glanced at her side. Ang kanyang maamong mukha ay nakasentro rin sa harap pero mukhang lutang ang pag-iisip.
"Kahit ba iyan poproblemahin mo?" tanong ko.
"Nasabi ko lang naman. Di ko pinoproblema," aniya.
Nag-ikot ako ng mga mata at saktong nagtama ang tingin namin ni Daddy, ang kilay ay nakataas na sa akin.
"Nasa simbahan tayo." paalala ni Daddy sa akin na akala niya ay nakakalimutan ko kaya nadedemonyo ako at nag-iikot ng mata eh sa totoo lang eh nasa tabi ko ang nangdedemonyo sa akin.
Sumimangot ako at itinuon ang buong atensyon harapan. Si Franca naman itong umaakto na parang walang nangyari at patango tango pa sa sinasabi noong Father, na nakikinig siya ng maayos at hindi bumubulong bulong saakin. Napakamaimpluwensya talaga nito sa impyerno at mukhang malakas ang kapit kay Satanas kaya imbes siya ang napapagalitan eh ako itong palaging nahuhuling nagmamaldita.
Katulad ng nakasanayan ng aming mga magulang, nagtitipon tipon silang lahat sa iisang bahay kasama ang mga Delafuente at Fortalejo. Nasa bahay kaming lahat nila Tito Trev since malaki rin ang kanilang bahay at ito ang malapit pagkapasok sa subdivision. Hindi ko alam kung gaano sila kaclose noong mga teenager pa sila at gumagawa sila ng goals na kahit sa subdivision ay magkakapitbahay silang lahat.
Ang alam ko, hindi naman friendly ang mga Tito ko na Buenaventura. I'm sure they're more friendly when it comes to their girls back then than with guys. My father doesn't have any friends, iyon ang sabi sa akin ni Mommy noong teenage life nila, kahit si Tito Dos raw ay wala rin na mana lamang kay Tito Uno na puro babae ang kasama. Kaya naging malapit ang pamilya namin sa mga Delafuente dahil narin kay Tita Shy, ina ng aking pinsan, na kaclose ni Tita Channelle. Si Tita Shy ang kaclose ni Tita Addison kaya pati si Mommy ay pinakilala narin lalo na't close rin naman pala ang mga Montiel sa Delafuente. Iyon ata ang nagsilbing dimensyon ng mga pamilya namin para ituring na parte narin ng pamilya ang bawat isa. Masyado rin kasing friendly ang mga Delafuente kumpara sa lahi naming mabubuhay ng walang kaibigan.
Mausok na naman sa labas gawa ng iniihaw nilang karne at nangingibabaw ang tawanan ng mga matatanda habang nagbabarbeque. Nakikita ko na naman ang mukha ng mga babae at naggu-grupo na para may pagtsismisang walang kwenta.
Namataan ko sa veranda si Cassey, hawak ang kanyang cellphone at nakangiti. Sa pool area ay naroon ata sina Zera at iba pang mga babae kasama narin siguro si Franca.
Nagkasalubong ang kilay ni Cassey saka ako nilingon.
"Sa lahat ng nandito, ikaw ang halatang pinakakj." aniya
Nagtungo ako sa kanyang inuupuan at tumabi narin doon.
"Di ako relate," hinawi ko ang aking buhok paatras na ikinasabay ng kanyang mga mata roon pero ibinalik rin sa akin.
"Why do you like isolating yourself? Friendly naman kami ah? We won't harm you," she chuckled.
Nagkibit nalang ako ng balikat at hindi iyon sinagot. Noong bata pa ako, napapanood ko si Daddy na nakikipagdebatehan sa kabilang kampo para ipagtanggol ang kanyang kliyente. Kasama namin noon si Lolo na kakalabas lang rin ng kulungan. I am too innocent that I hated the police men for putting my grandfather in jail. Para sa akin, sila dapat ang nasa loob dahil sila ang masasama sa aking paningin. The vivid memory flashes back like it was just yesterday.
"Lolo, pag hindi ba naipanalo ni Daddy ang case, matutulad sa'yo iyong client ni Daddy? Makukulong siya sa kulungan ng matagal?" I asked curiously.
Nalaglag sa akin ang mga mata ni Lolo. Ang gilid noon ay kulubot na at masasabi mo talagang matanda ito, tumanda at nastress sa loob ng presinto.
"Ganoon na nga, apo." Ngumiti siya sa akin pero ang mga mata ay may lungkot na.
"But Daddy is defending him so he's not bad." sabi ko.
Mommy is too busy staring at my father kaya hindi na nito napapansin ang pag-uusap namin ni Lolo.
Nalaglag sandali ang mata niya sa kandungan ko kung saan nakaupo si Bun-bun saka niya muling ibinalik sa aking mga mata.
"Your Daddy is just doing his job as a lawyer, hija."
Nagkasalubong ang aking kilay. "For the money? To get rich?"
Napakurap siya at hindi alam kung paano ipapaliwanag sa akin ang bagay bagay na kumukuha ng aking atensyon. Hinahangaan ko si Daddy sa lahat ng aspeto. Kahit noong nililinlang ko ang lahat na hindi ko alam na siya ang tunay kong ama, humahanga na ako ng husto sa kanya. I don't blame my Mom for taking me away from him. Wala akong alam at dapat ay ilugar ko ang aking pag-iisip. But for me, that's a selfish act. Why would you ranaway from the person you love? Nasaan ang kokote mo? Well, I'm still a child but I hate that kind of mindset.
"Your father is smart, Irah. Hindi iyan basta basta nangunguha ng kliyente kung alam niyang dehado siya at iyong kliyente ay may kasalanan talaga. Iyang Papa mo, siya ang tipo ng taong walang pakialam sa kikitain niyang pera sa ibibigay niyang serbisyo basta maibigay lang ang nararapat na hatol sa nagkasala. He's fair. Kung inosente ka at walang kasalanan, sapat na iyong dahilan para hindi ka niya traydurin." paliwanag ni Lolo.
Ibinalik ko ang tingin sa harap at tinitigang mabuti ang seryoso kong ama, nakasuot ng itim na tuxedo at masyadong nakakatakot ang pagiging seryoso sa kabila ng pagiging kalmado nito. Lahat ng kababaihan rito, pag siya ang nagsasalita ay napapatitig sa kanya. Isa lamang sa mga sinabi ni Lolo ang dumagdag sa listahan ko kung ba't mas hinangaan ko ang aking ama. He's a great and loving father.
Alam ko ang rason kung bakit nakulong si Lolo ng matagal at kung bakit naghirap ang pamilya ni Mommy dahil sa nangyaring pangtatraydor sa kanila. Naririnig ko iyon palagi sa kanilang usapan pag naglalaro lamang ako sa gilid at nag-uusap sila ng kung ano ano. Pumapasok lahat sa aking utak ang mahahalaga at importanteng impormasyon na nadadala ko na sa paglaki ko.
Napagtanto kong walang magandang maidudulot ang pagtitiwala ng buo sa isang tao. They're devils who dressed like angels. They will just tricked you. Masyadong mapanglinlang ang tao na akala mo tunay ang ipinapakita sa'yo pero pagtalikod mo ay sasaksakin kana pala. Iyon ang nagmulat sa akin na ang mundong ito ay pinamumunuan ng mga demonyong sumasapi sa isang tao at walang konsensyang nakakapanakit ng kapwa nila. If you don't want to get hurt then stay away from them. Hindi ka naman siguro para saktan ang sarili mo kung mag-isa ka lang. It's okay to be alone... My Mommy was betrayed by her friends when she was young, as what I heard from my Tita Yashin. Lahat ng kanyang paghihirap ay nangyari dahil lamang sa pagtitiwala ng husto. Kaya rin siguro nakatatak sa aking isipan na ilayo ang aking sarili sa mga taong mapanglinlang at gayahin ang aking ama para hindi ako maloko.
Ang paglalakbay ko sa aking nakaraan ay natigil lamang nang bumalandra sa aming harapan ni Cassey ang ina ni Toshi, nakangiti ito ng matamis at kumikislap ang mga mata sa aming dalawa. She was holding some box with lots of chocolates.
"Irah, Cassey," mas napangiti ng matamis si Tita nang inilapit lalo sa amin ang dalawang box na kanyang hawak sa magkabilang kamay.
Naunang tanggapin iyon ni Cassey habang ako itong tumititig pa. Pinapabigay ng anak niya? Nanliligaw?
"Nagpadala ng package ang lolo ni Toshi at ang raming chocolates kaya pinapamigay ko iyong iba sa inyo. Meron narin ang mga pinsan niyo," sabi niya na pumutol ng aking kahibangan.
"Salamat dito, Tita..." si Cassey na itinabi na ang kanyang hawak na cellphone at pinagtuunan ng buong pansin ang mga chocolates.
Tinanggap ko iyon at tipid na ngumiti sa kanya. "Thanks po,"
Isa isa niya kaming tiningnan at nginitian. Her hair was in a high ponytail while she's wearing a thin longsleeve top and highwaist pants. Ang hubog ng katawan nito ay masyadong bulgar lalo na ang kaliitan ng kanyang beywang. Ang pagiging simple niya ay ang mas nagpapaelegante sa kanya.
"Ang gaganda niyo," humagikhik pa si Tita at mukhang naeengganyo sa kakatitig sa amin.
Natawa rin ng marahan si Cassey habang ako naman ay tanging tipid na ngiti ang naibigay, gusto ring matawa pero naiisip ko na maliit lang naman iyon na bagay.
"Single na ulit ang anak ko. May mga boyfriend kayo?"
Ako agad ang naunang umiling habang si Cassey naman ay napapakurap pa.
"I'm single Tita." sabi ko.
"Di ko type si Toshi," bulong pa ni Cassey sa kanyang sarili. Di ka rin niya type.
Mas natuon ang buong atensyon ni Tita Chan sa akin.
"Talaga Irah? Gusto mo ireto kita?" pabiro nitong sabi pero para sa akin, pwede ko iyong sagutin agad.
Tumawa ng malutong si Tita sa aming harapan at umiling. "Nagbibiro lang ako. Bata ka pa Irah at ang mukhang hindi rin magugustuhan ng anak ko pag nalaman niyang inirereto ko sa kanya ay limang agwat sa edad niya." Natawa siyang muli na akala mo napakalaking biro ng sinasabi niya.
Kahit si Cassey ay natawa narin maliban sa akin na kahit ngiti man lang ay hindi kayang ibigay. Is that even funny?
"I don't like older men, too..." klaro kong sabi para pagtakpan ang kahihiyang sinasabi ko kanina. "They're grumpy at hindi marunong makisabay sa mas bata sa kanila. Baka pag magyaya akong lumabas magalit lang kasi nakakapagod lamang iyon para sa kanila."
Tita Chan stop herself from laughing. Ngumiti siya sa akin at mas lumapit pa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Iyong Toshi ko, hindi pa naman uugud-ugod Irah..." and she chuckled softly again. "Ang ganda ganda mong bata ka... sayang at di mo type ang anak ko."
Cassey just smirked. "Kunwari pang single eh may lalake iyan Tita..."
Ang mga mata ni Tita ay mabilis rin namang nalihis at hindi na gaanong napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Cassey. Nalipat na iyon sa aming likuran.
"Nandiyan ka pala, Toshi." Lumiwanag ang mukha nito, kasalungat na sa tumakip ng buo kong mukha.
Naunang lumingon si Cassey at sinundan ang paglabas nito sa veranda. Nasa may railings lamang kami, ang isang kamay ay nakahawak sa box na nakalagay sa aking kandungan habang ang isa ay nakahawak sa gilid ng inuupuan.
Bago ko pa man ito malingon ay bumalandra na ang kanyang imahe sa aming harapan. Hinarap siya ng buo ni Tita Chan na may pag-aalala ang mukha lalo na't basang basa ito. He's wet...
"Anong nangyari?" tanong ng kanyang ina.
Nag-iwas ako ng tingin at ipinatili iyon kay Tita. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang sinuklay paatras ang basa niyang buhok, ibinabalandra na ang noo.
"Itinulak ako ng kambal sa pool." sabi niya na ikinahalakhak agad ni Tita.
"Naglalaro na naman siguro ang kambal na iyon at ikaw ang napagtripan," si Tita.
"Kami ang naglalaro at ako ang napagtripan, Ma." ulit niya sa klarong boses.
"Naglalaro kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita.
Marahan itong tumango, binasa muna ang pang-ibabang labi saka pasimpleng bumaling sa akin.
"I am not grumpy at marunong akong makisabay sa mas bata pa sa akin." pagtatama niya sa pamilyar na mga katagang sinabi ko kanina. Nalingon ko narin ito, ngayon ay nakatitigan na.
"Tsismoso," sabi ko na ikinatawa ni Tita Chan na kahit si Cassey ay ngumisi rin.
"Part 2 ba ito ng away niyo noong nakaraan?" Dinungaw ni Cassey ang aking paanan. "Nakawedge pa naman si Irah."
Gusto ko sanang mag-ikot ng mga mata pero pinatili ko nalang iyong blangko lalo na't nasa harapan si Tita.
"Sige na, Toshi... magpalit ka muna ng damit. Magkakasakit ka niyan!" Ngumuso si Tita.
"Ang basa mo," si Cassey naman at nagawa pang pindutin ang biceps nito. My eyes sharped on her pero ang gaga ay masyadong nadadala sa kakapisil at hindi ako malingon lingon.
Umatras si Toshi kaya doon natigil si Cassey. Gumagala na ang tingin nito sa paligid.
"Manghihiram nalang ako ng damit ni Trey," sabi nito at umalis rin sa aming harapan. Ang nipis rin naman kasi ng suot niyang puting tshirt. Bumabakat na ang kanyang katawan.
Nagpaalam rin naman si Tita Chan na mamimigay pa ng ibang chocolates. Si Cassey naman itong nagpatuloy sa kakakain ng mga matatamis sa aking gilid. Ang baboy naman ng isang 'to.
Tumagilid ang kanyang ulo at sinipat ng tingin ang hawak kong box. Mukhang hindi pa nakontento ang pataygutom.
"Ayaw mo? Di'ba ay nagmomodelo ka? Akin nalang." Akma niya iyong kukunin kaya mabilis ko iyong iniwas sa kanya.
"Makontento ka sa meron ka hindi iyong pati akin aagawin mo," seryoso kong sabi at hindi mawala wala sa utak ang pagpisil niya sa bicep ni Toshi.
Sumimangot lamang siya at umirap. Wala na itong sinabi pa dahil masyado nang nagpapalandi sa mga matatamis na nasa kanyang kandungan. Baboy ata ito sa past life niya kaya ganyan katakaw. Parehas lang sila ni Franca.
Mabilis rin namang nalihis ang aking atensyon dahil sa isang tawag.
"Irah!"
Napalingon ako sa pamilyar na boses ni Kuya Trey. Papalapit na ito kasama ang lalakeng kinikiskis ang buhok na mas gumugulo lang.
Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kanya saka ko inilipat sa aking pinsan.
"Pakisamahan nga si Toshi sa itaas. Doon sa kwarto ko," utos niya na ikinaasim ng kanyang mukha.
"Ikaw nalang," sabi ko.
Awtomatikong umangat ang kanyang kilay. Hawak niya pa ang kanyang cellphone at mukhang may kalandian doon kaya kahit pagpunta sa sariling kwarto ay tinatamad siya.
"Susunod ka o gugulpihin ko iyang lalakeng gusto mo?" tumawa siya pero may pagbabanta na. Toshi's brow raised.
"Wala akong gusto," paglilinaw ko agad.
"Eh sino iyong sinasabi ni Franca na taga college building? What's his name? Bryce—" Mabilis akong tumayo at nauna nang maglakad. Humalakhak lang si Trey.
"Sundan mo." sabi nito na hindi ko na nilingon pa dahil narin sa imahe ng lalakeng nararamdaman kong sumusunod sa akin.
Bakit ba ako napapaligiran ng mga kalahi ni Satanas? Ang hilig nilang mamblackmail!
Padabog ang aking paglalakad sa enggrandeng hagdanan. I already get over with Bryce! Oo nagkagusto ako doon dahil ang gwapo nito at palangiti pa, parehas kami ng hilig pagdating sa outdoor activities kaya sobrang naattract ako but I already lost those feelings! Itong si Franca talaga ang naghahasik ng kademonyohan at kahit ano ang pinagkakalat sa mga sugo ng dyablo kong pinsan.
Pagkaakyat ko ay huminto ako at itinuro ang pamilyar na kwarto ni Kuya Trey na nasa dulo.
"Iyan ang kwarto niya," sabi ko.
Tiningnan niya ito sandali pero ibinalik rin agad sa akin. Humalukipkip ako.
"Samahan mo ako." sabi niya na ikinabusangot ko.
"Di ka maliligaw," matabang kong sabi, ang mga mata ay nalalaglag sa basa niyang mamula-mulang labi.
"You're just 15 but you're already lazy. Feeling old to walk?" he said with the tone of mockery.
"Coming from the 20 year old guy who's turning 21. Feeling young?" sarkastiko kong sabi na ikinaseryoso ng kanyang mukha. See? He's really grumpy. Pero doon sa babaeng kadate niya ngiting ngiti pa. Di ba ako babae?
"Coming from the girl who's saying she doesnt like old guys." He crouched a bit as he leveled his serious face to me. "Magkaedad lang kami ni Bryce. What's that little girl? Who are you tricking?" he said in his low yet deep voice.
Sa aking pagkainis, itinulak ko ang kanyang dibdib ng marahas para lamang mahawi siya sa aking harapan. Nanggigil agad ako.
"Bryce is outgoing! He doesn't act like he's already turning 20 unlike you! Grumpy!"
Kumunot ang kanyang noo at tinitigan ako ng malalim. Nandiyan na naman iyang pinakaayaw kong mga mata niya. Para iyong sumisilip sa aking mga mata para lang makita ang aking loob at mabasa ang tumatakbo sa aking isipan.
"I can't remember doing something bad to you to hate me like this..." kalmado niyang sabi na ikinatigil ko.
Nameywang siya sa aking harapan at itinagilid ang ulo para mas masilip ang aking ekspresyon. My eyes fell to the floor, finding something for a good excuse.
It irritates me when he's around, alright! Ayoko diyan sa paninitig niya dahil parang nanggagago. It's like he's trying to bewitch me...
"Hindi ko naman ata kasalanan kung malayo ang agwat natin sa isa't isa?" mataman niyang sabi na ikinaangat ko ng tingin sa kanya.
His strong jaw tightened as his piercing eyes bore into mine. Taliwas ang kanyang ipinapakita sa akin kaysa doon sa babaeng namataan ko na kasama siya. Parang ang gaan niya at nakikipagngitian pa kumpara sa akin na nagiging bato agad siya at lumalamig na parang yelong napabayaan sa loob ng ref ng ilang taon.
Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero natutop rin iyon dahil ni isang salita ay natakot na atang lumabas. Crap.
"And you see, I hate younger girls too. They're childish, immature and annoying." pagbibitaw niya noon bago tuluyang tumalikod at iwanan akong nakatayo lamang.
I felt a pang of pain inside me as my jaw dropped. What did he just called me? Childish? Immature? Annoying?! f**k you, Delafuente! I hate you, too!