Tricky eyes
Pinatay ko ang tawag at hindi ko alam kung pang-ilang beses na iyon sa isang minuto. Ang malapusang mga mata ni Franca ay nahuhuli ko pang sumisilip sa screen ng aking cellphone. Ang istupidang babae ito napakapakialamera talaga.
"Hindi mo sasagutin?" tanong niya sa akin nang pumaibabaw ulit ang isang tawag sa loob ng kotse. Kahit ang personal driver ay napapatingin na sa itaas ng salamin.
"Kung sasagutin, hahaba ang usapan at mas magiging makulit lamang siya. Mag-aassume siyang may chance siya sa akin at lumalandi ako pabalik sa kanya dahil sinagot ko ang tawag niya." paliwanag ko saka pinasadahan ng haplos ang aking buhok.
Natahimik ito sandali at mukhang may kagagahan na namang tumatakbo diyan sa utak niya.
"Ang dami mong sinabi eh isa lang naman ang ibig sabihin niyan, may gusto kanang iba kaya hindi mo na siya inientertain."
My nose wrinkled at her. "Si Toshi na naman ba iyan?"
"Si Toshi lang ba ang lalake sa mundo at siya agad ang naisip mo?" she said innocently with the softest tone of voice.
She's the kind of person that makes my blood boils easily. Mapagpanggap ang gagang ito.
"I don't like him, 'kay? Five years ang gap namin, Franca! Para narin akong pumatol sa isang Sylverr Daddy kung ganoon man." Nag-ikot ako ng mga mata at kulang nalang ay umabot ito sa labas ng planeta.
Imbes sumang-ayon ay marahan siyang natawa. This is what I really hate about her when I'm talking. Kung kailan nanggigil ako sa aking pinupunto ay doon naman aatake ang kademonyohan niya at tatawa na akala mo ay kamag-anak ni Satanas. Parehas lang silang dalawa ni North, mga taga impyerno.
"Nakakadiscourage naman iyang pinagsasabi mo. Siguro hindi mo magawang maghanap ng kapintasan sa kanya kaya ikaw nalang ang nagpapadiscourage sa sarili mo 'no?" humalakhak siyang muli na parang nagpapalayas na ng mga anghel sa kalangitan. That's how she sounds to me.
"Sinabi ko bang perpekto ang tingin ko kay Toshi?" I glared at her.
"Sinabi ko rin bang si Toshi?" Now her voice were very angelic compared awhile ago.
Ilang sigundong nagtagal ang tingin ko sa kanya. Ang aking mga kilay ay nagkakasalubong na at gusto ng makita ang sungay sa kanyang mga ulo na mukhang tinatago niya sa kung saan.
"Sa sunday, gusto kong sumali roon sa isang choir ng mga Youth na kumakanta sa simbahan. Gusto mo bang sumali?"
"Hindi. May modelling ako," sabi ko.
"Dapat maglaan ka ng oras sa Diyos, Irah. You owe him everything..."
Ngumiwi ako roon. Pag siya talaga ang nagtatopic ng mga religious beliefs niya ay naninindig ang balahibo ko. Napakaactive niya sa simbahan pero di ko talaga alam kung ba't nakakapangduda parin.
"Isasali nalang kita sa prayers ko," pahabol niya pa at ngumiti sa akin ng matamis.
Umiling nalang ako at inilipat ang tingin sa labas ng bintana. Agaran namang lumipad ang aking pag-iisip at napupunta na naman sa mga makamundong pagnanasa. Last night, he told someone named Carmella to fetch her today. Saan naman kaya sila pupunta? Will he date her? O baka naman idederitso niya lang sa hotel? Anong klaseng boyfriend ba ang Delafuenteng iyon? Masyado bang active ang s*x life niya? Oh crap, Irah...
Doon lamang nabura ang lahat ng iyon pagkababa namin ni Franca sa kotse. Pumasok kami sa entrance ng malaking Mall para samahan akong bumili ng damit. Dad gave me some extra last night. Ang sabi niya bumili raw ako ng gusto ko kaya heto ako bibili ng damit.
Dumeritso kami sa isang brand na gusto ko. Franca, in her innocent face, followed me silently. Gumagala ang kanyang tingin sa mga damit pero ngingiwi rin. She's my opposite. Ang aking mga hilig ay hindi niya hilig. Kahit ang pagmomodelo ay hindi niya rin gusto eh may tindig naman sana siya.
"That one is better," aniya nang may hablutin akong puting damit kasabay noong itim na kinuha ko narin.
"Black is more attractive than this one," sabi ko nang pasadahan ko ng tingin ang kulay itim ba dress. May laces iyon sa likod kumpara sa puti na balot na balot ata ako.
Ang kanyang mga mata ay agarang nanatili sa puting damit. Nalipat ito sa kulay itim pero mabilis ring nalilipat sa puti. "Iyang puti nalang..."
Tinaasan ko siya ng kilay. She likes light colors while I like the dark one.
"Ikaw ba magsusuot?" tanong ko.
"H'wag kang nagbablack. Maldita ka na nga nakaitim ka pa. Para kang tagasundo ng mamamatay..." she chuckled softly.
"Gusto mong sunduin na kita?" Nag-ikot ako ng mga mata at kapwa ibinalik ang dalawang hanger. Hindi na ako nagsalita pa at umabante na, siya naman itong tawang tawa parin.
Tahimik nalang akong namili. May pinagkukuha siyang iilang hanger na nadadaanan niya at itatapat sa aking likod. Minsan ay iiling siya saka muli iyong ibabalik. I don't know if she's just teasing me or what dahil puro nalang siya iling at sasabihin pang "ang panget."
Dalawang damit lamang ang napili kong bilhin saka kami lumabas. Namataan ko pa ang aking bodyguard na tahimik lamang na nagmamatyag sa amin. That's for my safety.
"Manlilibre ka ba?" tanong niya sa akin.
"Hindi,"
"Eh malaking pera ang binigay ni Tito sa'yo ah?"
"Sa akin, Franca. Hindi sa atin." pang-iinis ko narin sa kanya.
Hinawi niya ang kanyang buhok at iginala ang tingin sa mga fast food na aming nadadaanan. Bumuntong siya ng hininga at ngumuso na ikinaikot ko ng mga mata. Diyan siya magaling, mangonsensya.
Pumunta kami sa isang cafe. She likes sweets kaya pabor ito sa kanya. Wala nga akong kapatid pero may pinsan naman akong pinapalamon.
Nasa entrance palang kami nang may mahagip na ang mga mata ko. Sa hindi kalayuan malapit sa counter noong cafe, naroon ang lalakeng nakasandal sa kanyang upuan at ngumingiti sa babaeng kasama siyang kumakain ng cake. The two looks so sweet that it irritates me.
Ang mga mata ni Franca ay sumunod narin doon hanggang sa mabilis niyang ibinalik sa akin pagkatapos kumpirmahin ang dahilan kung ba't ako natigilan.
"May girlfriend pala..." bulong niya sa kanyang sarili pero hindi nakaligtas sa aking pandinig. "Gusto mong sa iba nalang?" tanong niya sa nanghahamon na boses.
Iniarko ko ang aking kilay at deri-deritso na ang paglalakad papasok. So what if he's with his girlfriend? Hindi naman iyan ako kaya manghihinayang parin siya pag nakita niya ako. I look ten times hotter than that girl.
Sa aming pagpasok ay lumipat ang mga mata ni Toshi sa aming gawi. His smile suddenly fades na akala mo ay nakakita ng hindi nakakatuwa. Hindi rin ako natutuwa!
I maintained my eyes on the counter. Hindi ako tumigil sa paghakbang kahit sa gilid ng aking mga mata ay iba na ang paninitig niya sa akin, malalim na naman at tila nanghihipnotismo. How I hate that cold and deep stares...
"Tapang tapangan pero deep inside nasasaktan," pagpaparinig ng dyablo sa aking likuran. Kailan ba ito uuwi sa impyerno?
I glared at Franca when we both stop on the front of the counter. Isang hirit pa talaga nito papaliparin ko na ang nagbabait-baitang anghel na ito.
Kumurap siya at itinuon ang tingin sa mga nakahelerang cakes sa loob. She pointed a caramel sponge cake at may sinabi pang flavor ng frappe sa lalakeng nang-entertain sa magiging order niya.
"How about yours, Ma'am..." Ngumiti sa akin iyong lalake.
"Cold water," sabi ko. "Isama mo narin iyong order niya." saka ko inilahad ang isang papel na pera. Franca's eyes twinkled. Ang sarap lasunin.
"Ihahatid nalang po namin sa table niyo, Ma'am." Nginitian kami nito. Nauna akong tumalikod at sumunod naman si Franca na gumagala na ang tingin sa uupuan namin.
Sa rami ng bakanteng nakita ko, si Franca ay nauuna nang maglakad sa likod ng inuupuan nila Toshi at doon na umupo. Nilingon niya ako at nginitian ng matamis.
"Dito na tayo. Malapit sa counter. Baka mapagod iyong mga maghahatid ng orders natin pag doon pa tayo sa dulo," and she smiled sweetly again. Look at this devil smiling...
Hindi na ako umimik pa. It was a two-seated chair at sa likod naman ay ang likod ni Toshi. Nakita ko sandali ang mukha ng babaeng girlfriend niya ata. Tao ba iyan?
Toshi glanced at me. Nakatingala na ito sa akin kaya pasimple kong sinuklay paatras ang aking buhok para mapunta sa likod at malantad ang balat ng aking dibdib. Umabante pa ako lalo para makaupo na, binabalewala ang kanyang presensyang hindi ko mabasa.
"Thank you for buying these clothes... Ang spoiled ko talaga pagdating sa'yo," ang boses ng kasama niyang babae ang nagsabi noon sa malanding boses. Spoiled? You sound like a gold digger to me.
Franca infront of me keeps on smiling. Nagtaas nalang ako ng kilay dahil sa mga mata niyang nagiging malapusa na naman.
"Anything for you," sagot ni Toshi sa malalim na boses na aking ikinaismid.
"Sylverr daddy..." bulong ko sa aking sarili.
Humagikhik iyong babae at kinikilig na. I wonder why he's buying him clothes? Maybe his girlfriend will use it later after their hot making love session. He'll rip her clothes off that's why he's buying her some extras. Ganoon pala siyang boyfriend? Lame.
Doon lamang nabura ang aking pinag-iisip nang dumating ang order at inilapag na iyon sa aming harapan. Kinuha ko ang isang baso ng tubig saka iyon ininom. Si Franca naman ay ngumiti pa roon sa lalake para pasalamatan ito sa paghatid ng aming order.
"Patubig tubig kana naman... May nagrereklamo ba sa mga lalake mo na mataba ka?" tanong ni Franca sa akin at inosenteng sumubo.
I heard the chair moved a bit at my back. Masyado nang madaldal iyong babae niya at kung ano ano nalang ang pinagkukwento habang tumatawa.
"Wala akong lalake. I'm single, Franca." I said clearly.
Imbes maniwala ang gaga ay kumunot pa ang noo nito.
"Eh sino iyong panay tawag sa cellphone mo? 'Tsaka di'ba iyan iyong sa college building na gusto mo? Di ko naman sasabihin kay Tito Tres kung iyan ang rason kaya ka nagsisinungaling." sabi niya.
I glared at her. This b***h! Ngayon niya pa talaga napiling dumaldal ng mga ganyan?
Humilig ako sa mesa at binantaan siyang itigil na ang kakadaldal ng kung ano. I even raised the glass of water to warned her but it looks like she didn't get it. O nagets niya pero nagkukunwari lang talaga.
"Stop playing with boys, Irah. Bahala ka wala talagang magseseryoso sa'yo," pahabol niya pa at sumubo ulit.
Isang tikhim ang aking narinig sa likuran. Para iyong nang-iinsulto o ano. What the f**k Franca?
Halos ubusin ko sa isang lagok ang natitirang tubig at pinipigilan ang sariling iligo iyon sa mukha ng babaeng nakatutok na ang buong atensyon sa cake. Why am I so deffensive anyway? So what? Marami naman talaga akong lalake ah? Masisisi ko ba ang sarili ko kung masyado akong habulin ng mga lalake? So what if he's listening? So what if he's with his girlfriend? So what?
"Playgirl," bulong ng kung sino sa aking likuran. Kahit hindi ko man ito lingunin, boses niya palang alam kong si Toshi iyon. I suddenly remember accusing him as a playboy. And now he fired it back to me. Really huh?
I tried to maintain my cool and didn't bother answering him.
Paglabas namin ng Mall ay nakita ko rin sa parking lot ang pagpasok ni Toshi mag-isa sa kanyang kotse. The girl is not with him anymore. Seryosong seryoso ang kanyang mukha na ikinatitig ko ng ilang sigundo.
"Ma'am," tawag sa akin ng aking bodyguard kaya doon ako natauhan.
Dumeritso kami sa bahay nila Franca lalo na't wala rin ang aking Mommy sa bahay. He's with my Daddy...
Pagkapasok namin sa malaki nilang bahay, ang boses agad ni Tita Addi ang aking narinig. May kausap ito sa cellphone at pangiti ngiti na. Nalipat sandali sa amin ang kanyang tingin saka rin nagpaalam sa kausap nito sa kabilang linya.
"Sige na, Aly... nandito na ang mga bata. Bye," she smiled a bit saka rin ibinaba ang cellphone. Ang suot nitong mahabang dress na nakatali ang laces sa may batok ay malayang gumalaw nang lumapit sa amin. Her bun hair is quite messy but still she looks stunning.
"Girls,"
Umupo ako sa sofa. Si Franca naman ay sinalubong ang ina saka inilahad ang box na pinabili niya sa aking cakes.
"Thanks, honey..." Sinilip ni Tita ang loob saka ngumiti ng matamis.
"You're welcome Mommy." si Franca.
"Ako nagbili niyan, Tita. Nagpalibre lang iyan," sabi ko na ikinanguso ng aking pinsan.
"Oh, really?" Tita chuckled a bit. "Thank you, Irah..."
"Pero ako naman ang nagsuggest na bilhan ka Mommy..." malambing niyang sabi na ikinangiwi ko.
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang dalawa at nagsimulang buksan ang aking social media. I wanted to post some selfies on my ig, pang-inggit sa mga bashers.
Cinrop ko iyong selfie namin ni Franca at hindi siya isinali. Sa aking myday naman ay tinakpan ko nalang ang kanyang mukha saka ko naisipang istalk si Toshi. Tiningnan ko agad ang tag photos at hindi nga naman ako nagkamali, nandoon iyong babaeng binilhan niya ng mga damit. The girl named Carmella has a 5 thousand followers at mukhang p****k sa mga selfies niyang masyadong nilalantad ang dibdib. Ba't di nalang ito naghubad?
Pinagtuunan ko ng pansin ang bagong post niyang picture at may caption na "I love you, Good bye." with a broken heart emoji. Umarko ang aking kilay at mabilis na pinindot ang mga komentong nagdadagsaan na lalo na't mga pictures nila iyon ni Toshi.
I scanned and read some of the comments whose in her side, showing some sympathy towards her.
That's okay Carms! Cheer up. Marami pang lalake diyan.
What's with the sudden break-up? Isang linggo pa diba kayong mag-on?
Its not your loss, Carmella.
Sabi ko naman kasi sayo mga playboy iyang mga Delafuente.
Gago iyon, Carms.
I grimaced while reading some of the comments. Kung makapayo naman ang mga ito akala mo ang raming alam. Baka nga isa rin ito sa nagpapantasya kay Toshi pero di sila pasado sa standards kaya nanlalait nalang.
Hindi ko na naitago ang aking ngisi nang mapagtanto kong single na ulit ito. Bakit mo hiniwalayan ang babae mo, Toshi? Did you realize you're in a relationship with a garbage?
"So, you have another boyfriend?" ang boses ni Tita Addison ang nagpabalik sa akin sa sarili. Nasa aking tabi na ito at ang mga mata ay nalalaglag na sa hawak kong cellphone.
Pasimple ko iyong itinago sa aking gilid saka umiling.
"Wala na Tita. I'm a bit tired dealing with assholes..." sabi ko na kanyang ikinatawa ng marahan.
"Normal talaga sa mga lalake ang pagiging gago, Irah."
Gusto kong tumango pero ipinatili ko nalang na blangko ang aking mukha.
"Just enjoy your teenage life..." she caressed my hair as she eyed me.
"Masyado niya ngang inienjoy Mommy," si Franca na mismo ang sumagot nang tuluyan itong makababa sa grand staircase nila, nakapambahay na.
Tumabi rin siya sa akin. Ngayon ay napapagitnaan na ako ng mag-ina.
"Ano po pala ang itinawag ni Tita Aly, Mommy?" tanong ni Franca, sinusuklay na ang buhok na balak niya atang iponytail. She's really nosy.
"She called to inform me they're coming here this summer. Baka sa susunod na linggo ay nandito na sila."
Ang pahayag ni Tita ang nakapagpabusangot ng aking mukha. Bantay sarado na naman ba ako? Knowing North! Iyon ang pinakanakakabwesit.
"Dito rin ata binabalak mag-aral ng kambal e," dagdag pa ni Tita.
Humalukipkip ako. Malinaw pa sa aking memorya ang pambabakod ng dalawa. North is the worst! Ang buang na iyon ay bubwesitin na naman ako dito.
"Hindi kana makakalandi, Irah..." Franca chuckled.
Naging interesado agad ang buong mukha ni Tita.
"Sino?" may panunukso na sa boses na iyon.
"Si Toshi, Mommy. Iyong anak ni Tita Chan-"
"Hindi ko siya tipo, Franca! He's five years older than me!" giit ko pa at pinutol na talaga ito. Halos samaan ko na siya ng tingin pero di talaga natatablan at mukhang may sariling pader ang mga mata kaya hindi nakakaramdam ng takot.
"Si Toshi?" Tita Addison chuckled. "Isang Delafuente ang tipo mo?"
Crap.
Nilingon ko agad si Tita at umiling pero si Franca naman itong todo tango.
"Kaso basted si Irah. Toshi has a girlfriend-"
"They already broke-up!" pagmamayabang ko agad na ikinaarko ng kilay ni Tita. Si Franca naman ay kumurap.
"Stalker ka pala sa tinatawag mong Sylverr daddy e," panunukso niya sa akin at tumawa pa ng marahan na kahit si Tita ay humagalpak narin ng tawa. Why am I here anyway?
"Five years gap is not that bad, Irah. Si Aly at Uno nga five years rin ang gap but look at them, they worked out..." si Tita.
Mas ibinaon ko ang aking sarili sa sofa. Ang aking tingin ay nasa harapan na talaga habang si Franca ay binabantayan ang bawat reaksyon ko na kahit ang kanyang ina ay ganoon narin.
Five years gap is too much for me! Mas gusto ko ang mga kaedad ko lang. He's just interesting... Fine, he's attractive! Sige, gwapo, hot at makarisma. Fine, fine! He's ten times hotter than my exes. Iyong standards ko sa lalake ay nakakain niya ng buo at nahihigitan niya. If he wasn't staring at me deeply then I won't end up stalking him! This is all his fault... those tricky eyes...