Prologue
Tricked
"I'm pregnant."
Anunsyo ko na ikinatitig niya lamang sa akin. Wala akong makitang pagkagulat, ni ang katiting na emosyon sa kanyang mukha ay hindi ko mahagilap. Hindi ba ito kagulat gulat sa kanya?
"Look, I'm pregnant. At nag pt ako, and it's positive!" Halos ibaon ko ang pt sa lamesa kung nasaan siya nakaupo. I am always confident on my tricks, I am always eager to play my cards and hoping I'm going to win. Pang-ilang beses ko narin ba itong dasal na sana mahulog siya sa panglilinlang ko?
Tiningnan niya sandali ang pt, saka rin nag-angat ng tingin sa akin. Nanggigil agad ako. Hindi iyan ang reaksyon na gusto kong makita sa kanya. Or maybe he doesn't really care...
I am always fustrated why I can't hardly read him. I've been with guys and toy them pero anong meron sa lalakeng ito na kahit anong gawin ko ay hindi ko parin siya makuha ng buo?! I don't think if his feelings were fake or genuine. Kung peke, tama bang makaramdam ako ng kakaibang sensasyon? Tama bang masaktan ako ng ganito?
"You know nothing happened," he said coldly.
Nagtaas baba ang aking balikat. Ni hindi ko makayanan ang paninitig niya, kung bakit masyadong madilim ang kanyang mga mata at wala akong mahagilap na liwanag.
"May nangyari! We slept in bed! I'm sore! And I'm puking-"
"Because you're drunk." putol niya agad na ikinakuyom ng aking kamao. He's just leaning on the swivel chair like a mighty person. At ako, isang hamak na babaeng nababaliw na sa kanya ng husto.
"Pananagutan mo ba ako o hindi?" matigas kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot ngunit ang kanyang mga mata ay nanatili sa akin, walang balak umiwas.
Umawang ang kanyang bibig, napalunok ako ng laway at naghihintay sa kanyang sagot pero ang tanging napala ko lang ay ang buntong hininga niya at ang pagdila niya ng pang-ibaba niyang labi.
"Ipagkakalat ko 'to," I threatened him.
I can't think of anything right now. I am always losing my cards. Na sa bawat paglalabas ko ng alas, naglalabas siya ng katapat nito. Nalalamon ako ng buo at ako itong mas nalilinlang.
Tumayo siya. Nakaramdam ako ng takot pero pinatili kong hindi gumalaw sa aking kinatatayuan. Wearing his corporate attire, he towered me. Tumingala ako at halos maliyo nang mapagtanto ang kabaliwan ko sa lalakeng hindi ko matukoy kung seryoso ba o walang pakialam sa nangyayari sa amin, sa aking nararamdaman.
"I don't want this mess to ruined my career! You know I'm very popular right now at kung may makakaalam nito ay baka kakalat na iyon na parang virus at pag-uusapan na ng buong mundo!"
I can see how hatred swallowed his gaze. Para siyang nakatingin sa isang maduming bagay at ganoon niya nalang iyon tingnan. Hindi iyon nanatili ng matagal sa kanyang mga mata. His shoulder loosened as he breathe deeply. Lumunok ulit ako kahit na sobrang hirap nang gawin iyon. Sinikap kong hindi maiyak sa aking kagagahan. Sinikap kong panatalihin ang sariling huwisyo sa aking katawan kahit na malapit na ako nitong abandonahin dahil ang lapit lapit na naman ng lalakeng nagpapawala ng aking katinuan.
I don't even know what's our real status but we're kissing and such! Tinuturing niya lang ata akong isa sa mga babae niya kaya wala akong karapatang magreklamo kung may babae siyang dinidate ngayon. If I need to trick him in any ways I know just to pin him down then I'll play all my cards just to win him.
Hinawakan niya ang aking baba. Halos suriin ng kanyang mga mata ang kabuuan kong mukha, tila naghahanap ng kasinungalingan roon na ikinukubli ko lamang. His finger lightly caressed my chin while his other hand was on his pocket.
"Alam nating pareho na walang nangyari." mas malamig niyang tugon na ikinasikip ng aking dibdib.
Sinikap kong magpigil ng luha. Nakakaginaw pakinggan ang malamig at malalim niyang boses. Ang pagiging baliw ko sa kanya ay tuluyan ko ng nasagad at hindi ko na maawat ang sarili sa paggawa ng mga bagay para lang mapaikot siya sa akin, para lang makuha ito ng buo.
"You f****d me that night!" I fired back, almost growling. I am losing my sanity and I don't know how to bring it back to me. Nababaliw na ako at nasasaktan kung bakit ganito siya. He doesn't want me is that it?! Dahil doon sa babae niya?! f**k it. I'll seriously stab her if I see that girl!
"How?" mapanghamon niyang tanong. "How did I do it hmm?"
Napalunok ako. Kahit anong gawin kong kalkal sa aking memorya ay wala naman akong matandaan.
"B-Basta. Alam ko."
He bit his lowerlip as he tried to stop himself from smiling. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nang-iinsulto. Damn him! Damn him!
"May baby na tayo." I insisted.
"You're just 18, are you sure you're ready being a parent?" his brow raised while his cold eyes were judging me.
"Of course!" sagot ko agad, nagagalak sa halip na magtunog galit.
Humalukipkip siya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Natingnan ko narin ang aking sarili. I am still wearing my college uniform. Nakaponytail ang aking buhok at may nalalaglag na iilang strands. I know, I am still young. 3rd year college pa lamang hindi kagaya sa kanya na graduate na. Pero paano ako makakampante kung ang layo layo na naman namin sa isa't isa? Those news were making me sick! Alam ko ang lahi nila. His cousins were notorious playboys at kung sino sino nalang ang babaeng ikinakama. Kahit ang salitang "loyalty" ay hindi nila alam.
Even Nana, that innocent girl, has a scandal. Hindi ko alam kung paano napigilan ang pagkalat ng mga litratong iyon pero knowing the Delafuente, they're powerful. I am even shocked about that issue. Pero napagtanto ko ring ganoon talaga siguro ang lahi nila. Nasa dugo ata nila ang mapanglinlang. And I can't hardly remember how I end up being tricked by his cousin's charm, by him...
"Any cravings?" tanong niya, umaangat ang isang kilay.
"I want uhm... jelly?" I said out of nowhere. Like what the f**k?
"Ano pa?"
"I'm not yet sure. Wala pa naman akong cravings eh." kibit balikat ko.
"Okay." he nodded.
Napakurap-kurap ako roon. Ibig sabihin ba nito...
"Pananagutan mo ako?" my face lightened this time. Parang isang kalangitang makulimlim kanina at nagbabadyang umulan ng malakas ngunit sa nangyayari ay tila nag-iba ang timpla ng panahon.
Tumango siyang muli. "I'll talk to your Daddy tomorrow. Quit on your modelling career and just focus on your studies."
My eyes widened. What?
"You know how I love my modelling career! A-And Daddy will get mad! Ang gusto ko lang naman ay maging seryoso kana sakin dahil magkakababy na tayo! Iyon ang gusto ko ngayon!"
Napunta ang kanyang kamay sa buhok kong nasa gilid. Inangat niya iyon at inamoy, hindi pinapansin ang aking pinupunto.
"Di ka pwedeng magmodelo sa malaki mong tiyan at malalaman rin naman ng Daddy mo ito kaya sasabihin ko na ng maaga." marahan niyang sabi.
Oh s**t.
Hindi ko na marehistro sa aking utak ang kanyang pinagsasabi. I just want him! Gusto kong ako lang ang seryosohin niya. Gusto kong ako lang! And it fustrates me why I am not enough for him. Why I can't trick him fully.
"I'll be away for a month. May business trip ako. At para makasigurong hihinto ka sa pagmomodelo, ipapublic ko ang pagbubuntis mo. I'm sure Tito will get mad at me pero pananagutan naman kita. Don't worry, I'll talk to them before I leave."
Hell. I'm dead.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang paninitig at ang nakakaakit niyang panghahawak sa akin. He even touched the side of my boob! I swallowed hard as my breathe became heavy. Hindi dahil sa sensasyon kundi dahil sa pagkakaipit sa sarili kong panglilinlang.
"Don't..." tila ibinulong ko nalang iyon.
"Oh?"
"Paano kung pagbalik mo hindi pa malaki ang tiyan ko? Paano kung namali lang iyong pt at wala palang laman ang tiyan ko?" Tiningala ko ang nakasanayan kong tingin sa kanya sa tuwing nabubulgar niya ako sa isang bagay.
"Then I'll make you pregnant since that's what you're trying to imply."
"W-What?"
"Bubuntisin agad kita total iyon naman ang plano mo."
My cheek blushed hard. Damn him for being like this! Ano bang ginawa niya sa akin 4 years ago?! How did he tricked me?! Sa pagkakaalala ko wala naman akong gusto sa kanya. Si Chey ang baliw na baliw sa kanya at hindi ako. Pero sa pinaggagawa ko, nahigitan ko pa ang babaeng iyon. I am acting like a literal crazy woman who chase after him!
Napayuko ako at mariin nalang na napapikit. Parang may kung anong kapangyarihan iyang kanyang mga mata na nakikita ang nilalabas kong baraha. Na kahit anong tago ko, kahit anong panglilinlang ko sa kanya, sa huli ay talo parin ako.
"Stop tricking me." he blurted out with his dark stare. "Stop tricking me like how you did to your stupid toys." diin niya roon na ikinagulat ko. So this is what he really thinks huh? Kaya ba niloloko mo rin ako ng ganito? Nililinlang mo rin ako?
"How unfair. You're the one who tricked me from the start. I'm the one who's tricked by you." I wanted to say that. Pero sa nanlalabo kong mga mata, sa paninikip ng aking dibdib, sa galit na nararamdaman, ay kinimkim ko nalang iyon.