5

3076 Words
Mapanglinlang Hindi ko alam kung para saan iyong pag-aaway naming dalawa. Are we that close enough to fight at small things?! Ni minsan nga lang kami nag-uusap ng ganoon pag nagkakasama lamang kami sa isang lugar. In my entire life, no one questioned my age. Halos lahat ay humahanga pa sa akin dahil sa mura kong edad ay mature na ako at mahilig pa sa outdoor activities sa kabila ng pagiging seryoso ko. How can he even say I'm acting like a child? Nakita niya ba akong nakikipaglaro? Nakita niya ba akong nakikihalubilo sa mga babae at sumasali sa walang kwenta nilang usapan? Sa sobrang inis ko noong araw na iyon, nauna akong umuwi.  "One more shot, Irah!" sigaw ni Megs sa akin pagkatapos nilang tingnan ang aking mga pictures.  "Your resting b***h face is more powerful today. Masyado kang nakakaintimidating sa camera!" pumalakpak pa si Megs sa akin habang nakaupo na ako sa aking silya, pinapaypayan ng iilan at inaayos ang aking buhok.  Ang galit ko kay Toshi ay nadala ko ata at naging maskara na ng aking mukha kaya ganito nalang ako kaseryoso. How dare him say that to me. Akala niya naman ang gaganda rin niyang mga pinagdadate niya? If they're good enough then why would he end it? Ang sabihin niya, mababa ang standards niya kaya wala siyang matinong nagigirlfriend.  "One more minute, Irah!" sigaw ni Megs na ikinapikit ko para burahin ang pinag-iisip ko. Bakit ko nga ba naiisip ang mga ganoon at nasasali iyang lovelife niya eh bata nga ang tingin sa akin. Tumayo na ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Isang brand ng perfume ngayon ang aking imomodelo, ang suot na dress ay nakaterno sa kulay noong perfume. Sa bawat gilid ko ay may mga hairpins pa. Sino bang naglagay nito sa akin? Nagmumukha akong bata.  "Pakitanggal nga," sabi ko roon sa hairstylist ko na ikinakurap niya. "Pero mas bagay sa'yo pag may ganyan ka sa buhok."  "Masyadong marami, nagmumukha akong bata." reklamo ko na ikinakurap ng iilang nakarinig. "Pero Irah, bata ka pa. 15 ka lang at kailangan nating ibagay sa edad mo ang ayos mo."  Mariin akong napapikit, pilit kinakalma ang sarili. Nagiging unprofessional ako dahil lang sa lalakeng iyon. So what if I'm still 15?! At least I'm still young at marami pang taon ang nakalaan para sa akin para masulit ang aking buhay unlike him!  Sinipat ako ng tingin ni Franca na kanina pa tahimik at nanonood lang. Naging ganoon siya sa ilang oras na itinakbo ng aking photoshoot. Ang galit ko naman ay nasa tuktok parin ng aking ulo at isang kalabit sa akin ay sasabog na ako ano mang oras. Nakakagigil talaga ang lalakeng iyon.  "Job well done! Irah, you did great! Ang fierce mo sa mga shots mo!" Pinalakpakan ako ni Megs na kahit ang mga stylist ay pumalakpak narin. "Salamat," iginala ko ang aking tingin at ngumiti para man lang masuklian ang kanilang mga paghihirap lalo na't nagreklamo pa ako kanina.  "O sya umuwi kana baka hinahanap kana ng fathersu mo. Sabihin mo nangungumusta si magandang ako ha," kinikilig na sabi sa akin ni Megs, mas nababakla na.  Tumango ako at ngumiti ulit ng tipid sa iba. Pag talikod ko, awtomatikong nabura ang ngiting sumilay sa aking labi at tuluyang naging blangko ang mukha.  Sumunod naman agad si Franca sa akin pagkatapos magpaalam sa iilang staff. Deri-deritso na ang lakad ko patungong parking lot na kahit ang dalawang bodyguard ko ay nakita ko agad na binuksan iyong pinto.  "Bad mood?" tanong ni Franca nang tuluyang makatabi sa akin.  "Kung hihirit ka ng kung akong kagagahan, ngayon palang lumabas kana kaysa ihinto kita sa gitna ng daan." I warned her.  Imbes matakot, marahan lamang siyang tumawa.  "May pera naman akong pamasahe." Dahan dahan ko siyang nilingon at sinamaan ito ng tingin. "Hindi pa nga kayo nag-aaway na." Pumakawala ako ng mahabang hininga at pumikit. Isinandal ko ang aking ulo, pinapakiramdam ang paggalaw ng sasakyan. Kumpara kay Franca na mas matanda sa akin ng isang taon, mas mature pa nga ako sa babaeng iyan at mas maraming karanasan. Inosente ang mga bata at makulit. Mukha ba akong inosente katulad noong pinsan niyang si Nana na akala mo ay limang taong gulang palang eh mas matanda rin iyon sa akin. Just because I'm only 15?!  "Am I too young?" I said out of nowhere. Naibulalas ko nalang iyon bigla, parang isang gripong may sira kaya tumatakas na palabas ang iilang tubig dahil napuno na sa loob. "Huh?" si Franca. Dumilat ako at nilingon siya. "Mas mature pa nga ako sa'yo." sabi ko pa.  She chuckled, "Oy... Gusto niya ng tumanda kasi matanda na ang gusto niya..." pang-aasar niya.  What gotten into her mind that I like Toshi? Di ako ganito pagdating sa mga gusto kong lalake. I am sweet and playful! Tumatawa ako at madalas ngumiti. Nabablangko lang talaga ang aking mukha pag nahahalo ako sa mga taong ayokong mapalapit. I can't even remember smiling at Toshi...  "You know me, Franca. Pag may gusto akong lalake, kumikilos agad ako para mapasaakin ito. Ganoon ba ang inaasta ko sa harapan ni Toshi? Nagiging p****k ba ako at grabe makapang-akit katulad ni Chey?" walang preno kong sabi.  She giggled again. Masasaktan ko na talaga ito.  "Ano pustahan?" malambing niyang sabi na ikinaarko ng aking kilay. Siya lang ata ang babaeng gustong sumali sa Youth sa simbahan pero ngayon ay nanghahamon pa ng pustahan sa akin.  "Anak ni Satanas," bulong ko na talaga at napailing. She laughed again. "Seryoso nga, pustahan tayo... Pag hinabol habol mo si Toshi, papasok ako sa kwarto mo at babasagin ko lahat ng mga collection mong jar na may mga shells."  Nanliit ang aking mga mata sa kanya. Sa lahat ng pagdidiskitahan niya ay iyong mga pinakamamahal ko pa. "Mas tinuturing ko pa iyong kadugo ko kaysa sa'yo. Iyang mukha mo talaga ang babasagin ko," pagbabanta ko sa kanya na mas ikinatawa niya lalo. "Ano game?" sabi niya, hindi pinapansin ang sinasabi ko.  Umismid lamang ako at itinuon sa labas ng bintana ang tingin. Wala akong panahon diyan sa laro laro niya. Asa namang hahabul-habulin ko iyon.  "Pero ang hot nga ni Toshi 'no? Crush ko na ata 'yon..." pabiro niyang sabi na halatang nang-aasar lamang. Mabilis ko siyang nilingon saka siya humalakhak. Saan ba galing ang demonyitang ito at mukhang pinalayas sa impyerno dahil hindi matukoy ang haba ng kanyang sungay? Itinuro niya ang aking mukha. "Uy selos! May kayo?" saka siya muling tumawa at nahawakan pa ang kanyang tiyan. Sa aking inis ay itinulak ko siya hanggang sa mapausog ko ito. "Itigil niyo nga ang sasakyan! May ihuhulog ako!" sigaw ko na mas lalo niya lang ikinatawa pero tumitili na dahil sa panunulak ko. "Selos si Irang!" pang-aasar niya na ikinanguso ko na talaga. "I am not!" sigaw ko, halos idikit na ang kanyang mukha sa bintana. "Nakita ko sinamaan mo ng tingin si Cassey noong pinindot niya bicep ni Toshi! Selos ka lang kasi di mo nahawakan!" What the f**k? "f**k you, Franca!" Tumawa siyang muli, mas umusog para pigilan ang sarili sa pagkakadikit roon sa pinto.  "Possessive agad akala mo naman sa kanya! Uy!"  Imbes magalit ng husto ay nahawa na ako sa kanyang kakatawa. Malutong akong pumakawala ng tawa at pumaibabaw na iyon sa loob. Ang dalawang bodyguards ay napapatingin na sa amin, naaaliw narin. "No!" "Oo kaya! Palagi kang tulo laway pag nakikita mo si Toshi! Matanda na pala ha?" Mas malutong akong tumawa. "I hate you! Tigilan mo ako!" "Isusumbong kita kay Tito Tres—" "No!" pigil ko agad, tuluyang nabura ang liwanag sa aking mukha.  Tumigil ako sa kakatulak sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Tigilan mo nga ang pagkakalat ng fake news. Pati kay Kuya Trey sinabi mo pa iyong tungkol kay Bryce." Humalukipkip ako, tinaasan na siya ng kilay. Sinuklay niya ang nagulo niyang buhok dahil sa ginawa ko na kahit ang kanyang dress ay nagusot pa.  "Nagtanong lang naman ako kung ilang taon na." sabi niya, nasa buhok ang buong atensyon. "Eh ba't hindi ako ang tinanong mo eh kami ang madalas nagtetext?"  "You're not going to spit it. Alam ko dahil iisipin mo lang na may gagawin na naman akong kalokohan." sabi niya, which is really true. Kung may pinakatuso man sa pamilyang ito, siya talaga ang ituturo ko. Sa sobrang tuso, kaya niyang linlangin ang mga nakapaligid sa kanya sa paraang gusto niya.  "Kaya ka walang boyfriend kasi walang makakatagal sa'yo. Mamamatay kang birhin." sabi ko.  "Wala akong boyfriend dahil hindi iyon gusto ni Daddy. Ang sabi niya, after college na daw. And I'm not like you who break rules. Masunurin ako."  Well, that's true. Tito Dos is more strict than my Daddy. Si Tito Uno nga ay maluwag naman sa kambal, pero dahil narin siguro ay nag-iisang anak si Franca at babae pa. Si Daddy kasi ang tipo ng ama na hahayaan kang gawin ang gusto mo pero dapat ay h'wag kang magpahuli kung gagawa ka ng kalokohan. Too bad palagi niya akong nahuhuli. Pagkauwi namin ni Franca, maingay na ang loob ng bahay. May kampon ng kadiliman na atang nakarating sa bahay kaya ganoon nalang ang pandidilim ng mga mata ko nang makita ko ang imahe ni North, nakangisi agad. "Inday!" pang-aasar nito at humalakhak agad. Isa rin itong napakadayblo.  I rolled my eyes. South just stared at me for awhile pero agad ring ibinalik sa kinakain niyang pizza. "Franca, Irah!" Maligalig na sigaw ni Tita Aly sa amin at tumakbo pa papalapit. Franca chuckled and welcomed her hug. Humalukipkip ako sa kanilang gilid at tipid na ngiti lang ang nagawa.  "Tita amoy bukid ka pa po!" pasimpleng pang-aasar ni Franca na ikinahalakhak agad ni Tita Aly at pinagkukurot na ang pisngi nito. "Kulang nalang ay sabihin mong tagabukid!" Humalakhak narin si Tita Addi nang marinig iyon na kahit si Mommy ay tumawa rin. They're all here. Si Daddy ay nakacorporate attire pa at kumakain rin ng pizza facing Tito Dos and Tito Uno whose eating too.  "Galing ka sa photoshoot mo?" tanong sa akin ni Tita Aly na ikinatango ko.  "Yes po," sabi ko sa maliit na boses. "Talaga?" Nagtungo agad si North rito at nagawa pa akong akbayan. Sumimangot ako.  "Mabubulag ang mga 'yon kakakuha ng litrato sa'yo eh ang pangit mo." pang-aasar nito na ikinatawa ng lahat. I glared at him as I pushed him away from me. Pero imbes makawala ako ng husto ay mas diniin pa ako sa kanya. "Let me go!" "Di kana dumadalaw sa bukid. Namiss ka ng mga kabayo roon. Iyong mga kamag-anak mo." Humalakhak siya ng malutong na ikinainis ko talaga lalo.  "Ang baho mo! Lumayo layo ka sa akin!" Mas itinulak ko pa siya pero sa payat kong pangangatawan at sa pagiging magaan ko kumpara sa kanya ay hindi ko man lang ito natinag.  "Sus! Kumpara sa'yo mas mabango pa ako! Purket nagmomodelo ka lang ng perfume!"  Nagulo na ang aking buhok kakapitlag na makawala sa kanya. Naipadyak ko ang aking mga paa lalo na't iniipit niya na ako sa kanyang braso. He's chocking me! Nang wala na akong maisip pang paraan para makawala ay mabilis ko na itong kinagat. He groaned painfully. Baon na baon ang mga ngipin ko roon hanggang sa lumuwang iyon at tuluyan akong nakatakbo palayo. "Bleh!" Binelatan ko ito at natatawang tumakbo sa dako nila Daddy. North just frowned.  "Tiyanak." nakasimangot niyang daing habang hinihimas ang braso.  Tumabi ako kay South at nakikain narin doon. Nilagyan ni South ng sauce ang aking pizza. Buti pa ang isang ito tahimik lang. Mas kasundo ko siya kumpara sa kakambal niyang parang sinapian ng sampong dyablo kaya ganyan nalang kung umasta. Kahit noong bata pa ako, palagi na akong pulutan niyan at ako itong nakahiligan niyang asarin kaysa kay Franca.  May ibang pinag-uusapan ang mga magulang namin at hindi ko na iyon pinakinggan pa. Palingon lingon si South sa akin kaya ilalapit ko ang hawak na pizza at doon niya lalagyan ulit ng sauce. "Kumusta ang pagmomodelo?" tanong niya. "It's fine... Nag-eenjoy ako." banayad kong sabi saka iyon kinagatan.  "Boys?" Umangat ang isa niyang kilay at naninimbang na ang tingin sa akin. Umiling agad ako, "I'm single." "Sa ngayon? Bukas hindi na?" sarkastiko nitong sabi na ikinasimangot ko. "Ayoko munang magboyfriend. Nagsasawa na ako," sabi ko na hindi nakaligtas sa tenga ni Daddy dahil napalingon pa talaga ito sa sofa na inuupuan namin ni South. They're a bit far from us. Naroon sila, may iniinom na kung anong wine at may sarili ring topic. "Oorasan kita at pag lumagpas iyan ng isang linggo na wala kang nagugustuhan, bibigyan na talaga kita ng premyo."  "Tingin niyo ba hindi ko kayang huminga sa isang linggo na walang lalakeng nagugustuhan?" I grimaced. "Ikaw pa," sigurado niyang sabi at kumagat sa hawak kong pizza. I rolled my eyes.  Si South lang talaga ang nakakausap ko minsan ng matino kahit puro naman iyon pambabara pero may sense naman hindi kagaya ni North na puro walang kwenta ang lumalabas sa bibig pag kausap ako. Franca is inbetween, pwedeng seryoso pwede ring walang kwenta. Si Blanche lang talaga ang pinsan kong masasabi kong tunay na tao. But maybe because she's still young that's why she respects me. Isang Buenaventura ang Lola niya kaya hindi narin ako magtataka kung paglaki niyan ay lumaki narin ang sungay na namamahinga.  Kinagabihan ay nagkaroon ng salo salo sa bahay nila Tita Shy dahil sa pagdating nila rito. May bahay naman sila Tito Uno na ipinatayo rito sa subdivision incase raw na maisipan nilang manirahan dito.  "Ate Irah, paabot po non..." Itinuro ni Brey ang pagkaing malapit sa akin. Katabi ko ito, sa kanyang gilid naman ay ang kanyang Kuya Trey.  Kinuha ko iyon at nginitian siya. "Here," Ngumiti rin siya ng tipid pabalik sa akin, "thank you."  She's just 12. Palagi lang itong nagkukulong sa bahay nila at may sariling mundo. Siya lamang ang babaeng Montiel habang may dalawa namang lalake, si Kuya Trey at iyong anak narin ni Tito Kazi na pinsan ni Daphne sa father side.  "Sino ang naiwan sa lupain doon?" tanong ni Daddy kay Tito Uno.  "We have some men..." si Tito Uno. "Lumalago na iyong lupain niyo ha. Ang laki ng sales..." si Mommy naman. "My wife is just too passionate..." Ngumisi si Tito Uno kay Tita Aly na agaran namang pinamulahan ng mukha. How old are they? Bakit parang magsyota parin ang dalawa kung umakto at hindi nagsasawa?  "Ganoon ko kamahal ang lupain." si Tita Aly saka sumubo.  Nagtutunugan ang pagsasalpukan ng mga hawak naming kubyertos. Iyon ang nangingibabaw na tunog sa paligid pati narin ang mga boses nila.  "Sino ba sa kambal ang mamamahala ng lupain niyo roon?" tanong ni Tita Addi pagkatapos ilipat lipat ang tingin sa kambal.  Hindi agad nakasagot ang mag-asawa. Naninimbang pa ang tingin ni Tito Uno sa dalawa. South just shrugged while North smirked.  "I volunteer... Mahal ko ang lupain." sagot no North at makahulugan na ang sumisilay na ngisi.  "Eh ikaw South? May iba kang plano?" si Tia Shy. "Architect po ang gusto kong kuning kurso. And they agreed..." South eyed his parents who nodded. Mag aarkitekto siya? Gusto niyang magdesigns ng building?  "That was my first choice when I am taking my college. Balak ko rin sanang maging tanyag na Arkitekto," si Daddy naman. Tito Dos chuckled, "at sinong sumira ng pangarap mo?" mapang-uyam ang boses nito na pasimple pang sinipat si Mommy.  "So I ruined it?" agarang sabi ni Mommy, inako na ang pang-aakusang mga mata ni Tito Dos.  "I am destined as a lawyer since I want to complete you," sabi ni Dad at uminom pa ng tubig.  Tito Dos and Tito Uno both whistled while Tito Trev chuckled including Tito Kazi.  "And that gift I gave you when you're 16 came from him. Binaliw mo iyan, Christienne..." pang-aasar pa ni Tito Kazi na nasundan agad ng halakhak ng iilan.  "Kuripot si Tres ah? Imposible," si Mommy naman.  "Kuripot? Sa lahat ng kliyente ko ikaw ang nakalibre." sagot naman ni Daddy na ikinangisi ko. He handled my Lolo's case for free just to complete our family. My Lola died when Mom is just young. Siguro ang saya saya rin ni Lolo ngayon... "Libre basta babae," sabi pa ni Tito Trev at nagawang ngumisi. "Oo nga naman... Libreng libre," halakhak naman ni Tito Uno na pinapatamaan narin ata si Tita Aly.  "Alam mo na ba't kita nililibre ng mga napkin mo noon," si Tito Kazi naman sa kanyang asawa na ikinatawa namin. It's sweet! "Ako lang ata ang mahal maningil." hirit naman ni North at pumaibabaw ang nakakalokong tawa. "You're going to lose your girl if you act like that, man..." si Kuya Trey. Nagkibit nalang ng balikat si North at sumubo, hindi parin nawawala ang kampanteng ngisi. Kung sino man ang papatol sa mongoloid na iyan ay padadasalan ko na talaga dahil mukhang nawawala na sa sarili at kay North pa nagkagusto.  "Eh si Franca, Dos? May boyfriend na ba? Si Irah itong nakakailang boyfriend na ah..." tanong ni Tito Trev na nalipat agad sa akin ang tingin. I know they're aware about my boys. Kahit ilihim ko man, mabubuko parin ako ni Daddy.  "Daddy, ipapakilala ko sa'yo ang crush ko." sabi ni Franca at may matamis pang ngisi. Her fathers brow emmidiately raised. "Really?" he sounds excited but it seems like his face is telling the opposite. It's scary... "Opo, Daddy..." mukhang nang-aasar na ang demonyita.  "Anong pangalan? Saan nakatira?" tanong ni Tito Dos saka ito tumayo. "Where are you going?" natatawang hinila ni Tita Addi sa dulo ng tshirt nito. "I'm going to get my gun," Tito Dos said calmly. Humagalpak ng tawa si Tito Uno na kahit si Tito Kazi ay nakikipagkompetensya narin ang boses. Ngumingisi lamang si Daddy at Tito Trev.  "I'll ready your coffin, Dos. Franca will surely blow your mind..." si Tito Uno. "Lalo na't hinihigpitan mo pa. Pag iyan natutong kumawala, bahala ka..." si Tito Trev naman.  Everyone agreed. Kahit si Tita Addi ay tumatawa nalang. Akala ko ako lang ang nakakasagap ng radar ng sungay ni Franca, marami pala.  "Kaya nga hindi ko hinihigpitan si Irah. Hinahayaan ko siyang matuto sa kanyang pagkakamali." si Daddy naman.  "Irah is smart. Siya pa ata ang may kakayahang manloko kaysa maloko." komento sa akin ni Tito Uno.  "Ganoon ang ginagawa mo sa mga lalake kaya pinapatulan ka 'no?" Tumaas pa ng kilay ni North sa akin na ginulungan ko lang ng mga mata.  I am not tricking the boys around me. Kung gusto ko at gusto ako, kami na agad. I don't have to effort about getting it... kusa silang maglalakad patungo sa akin. At mukhang sa nagdaang araw, may lalake atang nililinlang ako gamit ang kanyang mapanghipnotismong paninitig. Alam ko ang galawan ng mga lalake. Kabisado ko ang bawat kilos nila. Hindi nila paglalaanan ng oras ang isang babae kung hindi naman nila tipo na kahit titigan iyon ay hindi nila gagawin. Hindi ako ignorante sa larangang ito kahit na kinse palang ako. I've been with different assholes!  At sa ginagawa ni Toshi, sa malalim niyang paninitig, binibigyan niya ako ng mensahe na may gusto siya sa akin kaya nakukuha ko ang buo niyang atensyon. Iyon ang pagkakabasa ko sa mga ganoon. Tapos aakto siyang hindi tipo ang katulad ko? Sino ngayon ang mapanglinlang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD