2

3283 Words
Left Untold Pagkaalis ko doon sa pool area, nadatnan ko agad dito sa sala sina Mommy with her girl friends. Tita Addison glanced at me nang makita ang presensya ko. "Irah!" Napatingin narin ang iilan sa akin. Nakapaskil pa sa mukha ni Tita Shy ang pagngisi nang naglakad ako papalapit sa kanila.  Hinalikan ko ang pisngi ni Tita ganoon rin kay Tita Shy at Tita Chanelle. "What happened to your cheeks? Nagpa tan skin ka?" tanong ni Tita Addison. "You know she's obsessed with outdoor activities, Addi. Ayaw magpaawat niyan pag nasa labas na." sagot ni Mommy "Bagay naman sa kanya kahit namumula siya. Sana nga in the near future ay magkaanak rin ako ng babae." si Tita Chan. I just smiled a bit. Gusto ko mang makisali nalang sa kanila pero halatang Mom doesn't want me to meddle with them. They're talking about dirty stuff at ayaw nila akong isali dahil sa mura kong edad at baka macurious ako at iresearch iyon. Third year na ako at hindi ako ignorante sa mga bagay na bawal pa sa aking edad. They need to realize that our generation is far from them. Mas advance na kami at marami ng alam sa bagay bagay. Doon lang ako umalis sa kanilang harapan nang magtawanan ulit sila dahil sa naudlot nilang topic. Lumabas ako at kumuha nalang ng makakain. I am not friendly like my cousin Franca kaya siya lang talaga itong may mas maraming nakakasalamuhang kaclose niya sa mga ganitong gatherings. Iyong si Nana, kahit mabait iyon at pwede ko namang pakitunguhan kaso mailap rin. She's always with her cousin White. Para silang tuko na hindi mapaghiwalay. I can't imagine myself tagging along with North and South. Para narin akong nakakulong sa ganoong sitwasyon dahil alam kong magiging limitado ang mga kilos ko.  "Happy birthday, Tito Trev." I greeted him nang madatnan ko siyang nagpapaypay ng barbeque.  He smiled at me at binigyan ako ng dalawang luto na. Tinanggap ko iyon, sandali itong hinipan at isinubo ang isang hiwa ng karne. "Thanks, Irah. You look great. Nasobrahan kana naman ata sa pagbababad sa init." komento niya sa aking mukha.  "Di naman ako masyadong conscious sa sarili ko Tito kaya okay lang kahit na umitim ako. At least I enjoyed it."  "Mana ka talaga sa iyong Mommy." Humalakhak siya. Luminga-linga ako. Nagkalat ang matatanda rito sa labas. Binalikan ko ulit ng tingin si Tito Trev na seryoso na sa pagpapaypay. "Ako na po Tito. You need to have fun total it's your birthday." Kinuha ko sa kanya ang pamaypay kahit na hindi pa ito nakakasagot. I need to do something para maaliw ko ang sarili ko! Siguro sa mga barbeque nalang ako makikipag-usap, di pa ako mabobored. "You sure?" Lumingon siya sa aking likuran saka ibinalik sa akin. "Hindi ka ba nag-enjoy doon sa pool area? Naroon silang lahat. Nandoon rin si Trey."  "They're busy talking nonsense Tito. Ayokong makisali." sabi ko na ikinatawa niya. "You're really a mixture of Christienne and Tres. You sound like your father." Lumingon siya ulit sa aking likod saka ibinalik sa akin, "O siya, just call me if you get bored here." Kumuha siya ng limang barbeque na ikinangiti ko lang ng maliit. "I don't get bored easily, Tito." He laughed again saka rin nagpaalam. Pumwesto naman ako sa harap at nagsimulang magpaypay. Kumawala agad ang usok at kumalat sa paligid. Naaamoy ko na ang lasa ng mga karneng naluluto na. Ganito nalang siguro ang gagawin ko tuwing gatherings, di na ako mabobored, makakaiwas pa ako doon sa mga Delafuente "Three barbeque, please." Napaangat agad ako ng tingin sa pamilyar na boses ng lalakeng nakatayo na sa aking harapan. Nagkasalubong ang aking kilay, nairita agad. Oh just great. Kakasabi ko lang na iiwasan ko ang angkan nila. "Sinusundan mo ba ako?" inis kong tanong na ikinaangat ng kanyang kilay. Naglakad siya sa aking tabi at ibinaliktad iyong ibang barbeque. Naasiwa agad ako nang mapagtanto kong masyado na siyang malapit sa akin sa kabila ng espasyong namamagitan sa aming dalawa. "Paypayan mo ng malakas," utos niya. Nasira ang aking ekspresyon. Bakit nakikipag-usap siya sa akin nang ganito na akala mo close na close kami? Di ko maalala na naging close kaming dalawa. He's a complete stranger to me and this is my first time having a conversation with him. Nang hindi ko ito pinakinggan ay naiirita siyang kinuha sa akin ang pamaypay. Akma ko sana iyong kukunin pabalik kaso mabilis na ang kanyang galaw sa pagpaypay, sa sobrang lakas ay napunta na ang ilang usok sa aking mukha sanhi para maubo ako.  "Dahan dahan!" Pinaypayan ko agad ang harapan ko para maalis iyong mga usok na lumalapit na sa akin. He just smirked. Imbes na pakinggan ang sinabi ko, mas nilakasan niya ang pagpaypay noon at pinapapunta pa sa aking direksyon ang mga usok. Paulit ulit na akong napaatras habang umuubo. I can't even see clearly! Damn him! "Damn you-" I was about to cursed him when I lose my balance. Nanlalaki ang mga mata ko at naghihintay nalang na bumagsak ako sa lupa nang mabilis niya ring hinila ang aking beywang at ilang sigundo ay nadikit na ako sa kanya.  He titled his head and whistled. "That was close." saka niya ibinalik ang tingin sa akin pagkatapos tingnan ang likuran. Naramdaman ko kung gaano kainit ang pinapaypayan niya kanina dahil halos ganoon narin ang aking pisngi. I even smelled his manly perfume while my eyes were slowly running down from his white polo. Nanlalaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong may hawak pala akong dalawang barbeque. And worst, it stained on his polo.  "Oopse..." I whispered. Napunta narin ang kanyang mga mata roon na agaran namang ipinagsalubong ng kanyang kilay.  "Oh, fuck." I heard him whispered. Na kahit ang pagkakahawak niya sa aking beywang ay tuluyan naring lumuwag.  Kinabahan agad ako na baka magalit ito kaya mabilis ko siyang itinulak at inunahan na itong magalit.  "That's your fault! It you weren't too naughty hindi kita madudumihan! Akin na nga yan!" Akma kong kukunin sa kanya ang pamaypay nang itinulak niya lang ang aking noo paatras. "Chill, wild kitten. I know how to wash my clothes. Plus, you'll burned them if I let you." sabi niya at binalingan ang mga barbeque. My eyes widened and glared at him. Alam ko kayang magpaypay! How dare him! Inirapan ko siya at humalukipkip.  Naging tahimik na siya habang nagpapaypay kaya tumahimik narin ako. Inabala ko nalang ang aking sarili sa hawak kong dalawang barbeque at kinain iyong isa. Ibibigay ko na sana iyong isang hawak ko sa kanya nang mapagtanto kong di naman kami ganoon kaclose kaya di ko nalang ginawa. "Di ka nag-eenjoy sa loob?" tanong niya at nanatili ang tingin sa pinapaypayan. Umiling ako. "Hindi eh. I am not as friendly as my cousin Franca." at naigulong rin ang mga mata. Binalingan niya ako, nakaangat na ang isang kilay at may pinupunto na ang paninitig sa akin. "Sa inyong dalawa ni Franca, ikaw ang mas friendly." "I am not-" "Sa school." pahabol niya pa. Oh. "Friendly ako sa mga lalake doon." sagot ko sa kanya na ikinalipat agad ng tingin niya sa barbeque.  Hindi na siya sumagot pa kaya kinagatan ko ulit iyong isang slice ng karne. My eyes settled on his arm. Nakarolyo ang suot niyang puting polo kaya malaya kong nakikita ang lumalabas na kulay berdeng ugat roon, dahil narin sa marahas niyang pagkakapaypay at sa bilis ng kanyang kilos. Suddenly, my mind became dirty. Kadiri, Irah! I blushed when I realized something. Last week lang ako naging nosy kay Toshi at madalas na akong maging stalker niya. Nabalitaan kong marami na siyang naging girlfriend pero never niyang pinatulan si Chey. I wonder why. Magkaedad lang naman sana sila at maganda rin naman ang babaeng iyon. Masyado siyang hibang kay Toshi at bulgar ang nararamdaman niya para sa kanya. Naisip ko lang ang mga posibleng dahilan kung ba't hindi niya man lang pinatulan ang babaeng iyon.  Napansin ko ang pagkakasalubong ng kanyang kilay habang nililingon ako kaya sinikap kong ikalma ang aking sarili.  Tumikhim ako at mabilis na inilipat ang tingin sa mga karne. "Napapansin ko close kayo ni Chey. Kayo na siguro 'no?" tanong ko bigla. Hell. Why am I so nosy?  "Hindi," agad niyang sagot. "Weh?" Ngumisi ako at tiningnan siya. "Knowing you, you're a playboy. Eh wala kana atang girlfriend ngayon eh. Siguro nililihim niyo lang."  Natangay ang aking mata sa kamay niyang pinagbabaliktad na ang iilang mga barbeque.  "Nosy." sabi niya na mabilis na ikinatutop ng aking bibig. Bakit nga ba ako nanghihimasok sa buhay niya?! Eh ano ngayon kung may lihim silang relasyon at ayaw lang ipagkalat? I don't really care! "I am just curious but it doesn't mean I'm interested." Umirap agad ako sa kanya. Hindi na siya sumagot pa kaya natutop ulit ang aking bibig. Mabilis ng naglalakbay ang aking utak sa ibang dimensyon at naghahanap ng pwede naming pag-usapan. I badly want to open-up a conversation with him para mas maging close kami at mamatay itong awkward na nararamdaman ko. Kaso bago pa man ako makapagsalitang muli ay narinig ko na ulit ang kanyang boses. "Masyado ka bang nagbabad sa dagat? Narinig ko sa pinsan mo na nagbeach raw kayo ng parents mo."  Di ko alam kung ba't bigla akong nasiyahan dahil ang hitsura ko na ang aming pinag-uusapan. Pakiramdam ko tuloy hindi lang ako ang namumuna sa kanyang sarili kundi pati narin siya sa akin ay ganoon rin. "Yep! Sinusulit ko lang ang summer since pasukan na ulit." "Excited?" tanong niya habang kinukuha na iyong mga nalutong barbeque sa isang plato. "Of course!" I laughed. Tila ako lang ang nasiyahan sa aking sagot dahil napansin kong nakabusangot na ang mukha nito. Masyado ba akong nacarried-away sa pakikipag-usap sa kanya?  Magsasalita na sana ulit ako nang magbeep ang kanyang cellphone.  Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa kaya kinuha ko sa kanya ang pamaypay lalo na't natuon na sa kanyang cellphone ang kanyang atensyon. Someone's calling him named Carmella. Nakaramdam agad ako ng kakaiba sa aking tiyan lalo na't sinagot niya na iyon. Nakatalikod na siya sa akin habang ang isang kamay ay nasa kanyang beywang. "Hmm, yeah... I'll fetch you tomorrow." Sino yan? Girlfriend? Babae? Nilingon niya ako saglit kaya mabilis kong pinaypayan ang mga barbeque at nagpanggap na hindi nakikinig. "Bye," Pinatay niya ang tawag saka ulit humarap sa akin. Nag-akma siyang kunin sa akin iyong pamaypay pero iniwas ko agad. "Girlfriend mo?" nagtunog galit agad iyon kahit na gusto ko lang namang tanungin kung girlfriend niya ba talaga sa mahinahong paraan. "Yeah," tipid niyang sagot at akmang kunin sa akin ulit ang pamaypay nang inilayo ko iyon sa kanyang muli. "You're a playboy." komento ko, bigla nalang iyong lumabas sa aking bibig nang hindi ko namamalayan.  Hindi muna siya sumagot at mas itinuon ang atensyon sa pagkuha sa hawak kong pamaypay. Itinaas ko pa iyon pero sa katangkaran niya ay naagaw niya agad iyon sa akin.  Humalukipkip ako at nainis na. Bakit may girlfriend siya? Darn it Irah! Hindi siya pwede sa listahan mo! Di mo naman type ang mga nalalayo sa edad mo. Mas gusto ko parin ang mga kaedad ko.  Sa bawat pagpaypay niya ay nililingon niya ako. I frowned even more. Bakit ba siya ganyan? Bakit ba ako ganito? Ano bang nangyayari? "Oh." Napakurap ako nang inilahad niya ulit sa akin ang pamaypay. "Just do it properly." Imbes matuwa, padabog ko iyong kinuha. Kung di ka lang talaga may girlfriend di ako magtataray. What the heck, Irah! Inis na inis ako habang nagpapaypay. Kulang nalang ay paliparin ko na sa ere ang mga barbeque dahil sa lakas at bilis ng paghampas ko nito sa ere. Sa di kalayuan, hindi nakaligtas sa akin ang imahe ni Chey na papunta na sa amin. Nagkakasalubong ang kilay at matalim ang tingin sa akin. Oh please... "Toshi!" she called him. Nag-angat ng tingin sa kanya si Toshi. Ako naman ay naiblangko na ang ekspresyon ng mukha. Toshi glanced at me, naninimbang ang tingin kaya pasimple kong itinuon ang tingin sa mga barbeque. "Nandito ka lang pala! Ba't ka nandito?" tanong ni Chey na nalipat pa sandali sa akin ang tingin.  "Tumulong lang," tipid na sagot ni Toshi at nginitian rin ito ng tipid.  Chey smiled back. Ang tatamis naman ng ngiti nila. Ang sarap ring paypayan at isali rito sa mga karne. "Di ka ba marunong magpaypay ng karne, Irah? Sabagay. You're still young. You need a help?" Akma siyang lalapit sa akin kaya nilakasan ko agad ang pagpaypay at ginaya iyong ginawa ni Toshi sa akin kanina. Nauubo siyang umatras dahil narin sa usok na mabilis na sinalubong siya. "Kaya ko namang magpaypay. Baka pati ikaw malipad ko sa sobrang lakas ng pagkakapaypay ko." normal kong sabi na gusto sanang ngumiti ng tipid kaso ipinagkakait iyon ng aking labi. Toshi bit his lowerlip. Parang may pinipigilan na kung ano at nameywang na. Nang magtama ang aming tingin ay pasimple akong umirap. Akala mo naman gwapo.  Chey glared at me. "I just want to help. Sa sobra mong kakapaypay diyan nauna ka atang masunog." she look at my skin. My brow raised. "How old are you again, Chey? Di mo ba alam ang salitang "tan skin" at naiignorante ka?" Kinuha ulit ni Toshi sa akin ang pamaypay.   Umalis nalang ako sa kanyang harapan. Nakasalubong pa ng aking mga mata ang naninimbang na tingin sa akin ni Daddy. He's holding a glass of wine while his other hand was on his pocket. Umiling agad ako na ikinataas lang ng kanyang kilay. I am not flirting around! Kahit hindi naman ganoon ang tinutukoy ni Dad, gusto ko paring tuldukan ang iniisip niya sa akin. Hindi naman ako nag-eenjoy talaga sa mga ganoong gatherings, pero hindi rin naman ako naiinis hindi kagaya ng araw na iyon. Naiinis ako sa balitang nakalap ko mismo sa kanya. Alam ko namang mabilis na nakakahakot ng girlfriend ang magpipinsan na iyon pero hindi lang matanggap ng sistema ko na taken pala talaga siya. At bakit Irah? Pag single mapapasaiyo ba? "Come on Franca! Malilate na ako!" sigaw ko sa malamya kong pinsan umagang umaga.  "Teka!" she hurriedly ran towards the SUV. Nasa loob na ako at nakaupo na. Sinundo ko pa talaga ang isang ito dahil gusto niyang sumama sa photoshoot ko ngayong araw. Gusto niyang manood.  May tatlong bodyguards akong kasama sa bawat lakad ko. Nakakawala lang ako sa mga iyan pag klase na ulit dahil bawal naman ang bodyguards sa loob ng school. At benefits iyon sa akin dahil walang makakareport kay Daddy kung sino na naman ang panibago kong lalake. "Ang bagal bagal mo," inis kong sabi sa kanya nang tuluyan itong makatabi sa akin. "It's not my schedule anyway. Malate man ako, hindi naman ako ang mapapagalitan..." she smiled at me innocently. Ang mapagpanggap na demonyitang ito!  Pagdating roon, nakasimangot na agad iyong manager ko. I glared at my cousin Franca who just sat promptly. Nagawa pang ngumiti sa mga dumadaang staffs at iniiwasan ang tingin ko. Damn her.  Palinga linga sa Megs sa aking likuran at mukhang nanantya muna sa aastahin kung may nasiguradong isang bagay. "Iyong hot mong Daddy, asan?" tanong niya nang huminto ang tingin kay Franca sa sofa. "May client siya ngayon kaya si Franca ang kasama ko," sagot ko sa kanya na ikinaasim agad ng kanyang mukha. "Sayang naman. Kung late ka, iyong Daddy mo dapat ang kasama mo para medyo kumalma naman kaming pinapahintay mo. Kahit iyon nalang." aniya Hinawi ko ang aking buhok at hindi na iyon binigyan ng atensyon. Lahat ata ng mga nakakakita sa aking ama ay bigla nalang mapapaamo at manglalambot. Minsan silang dalawa ni Mommy ang kasama ko sa mga photoshoot ko kaya napapansin ko rin ang pagsimangot ng aking ina dahil pinagkakaguluhan palagi si Daddy.  Sinimulan akong lagyan ng make-up ng make-up artist ko rito. Iyong si Megs na bakla ay ang mentor ko sa aking pagmomodelo. Kilala niya si Lolo kaya hindi rin naging mahirap sa akin ang makapasok sa ganitong larangan dahil naexpose na ako simula noong bata pa ako sa telebisyon. My father is a great lawyer while my Mom is the daughter of Eduardo Valerio, a well-known politician. Malinaw parin sa aking isipan ang paghihirap ko noong naexpose akong anak ni Daddy at apo ni Lolo Eduardo.  Grade 3 na ako noon nang makaranas ako ng pambubully. It was my first time and the last. Pumasok ako sa isang all girl's school at isa iyong pribadong paaralan. Wala akong kaibigan lalo na't masyado ring seryoso ang aking mukha na kahit ang aking mga mata ay tila palaging nababalutan ng galit.  "Siya daw iyong apo ng nakulong na politician?" Isang grupo ng mga babae na nakaupo sa harapan ang nagsilingunan sa akin. "Iyong Daddy niya daw ang nagpalaya ng kanyang lolo." "Ang sabi pa nga sa akin ni Daddy baka inangkin nalang daw noong Attorney ang anak ng anak noong politika para masalba sa kahihiyan. Ewan ko lang kung totoo."  "Ibig sabihin hindi niya tunay na Daddy iyong Buenaventura?" "Baka," Nilingon ako nilang muli at naghagikhikan pa. I am always silent dahil priority ko rin ang pag-aaral ko. Ni isa ay wala akong nagiging kaibigan. I am treating them as my classmates and as a stranger at the same time.  Lunch na noong narinig ko silang muli. Naghahagikhikan na sila noong pumasok ako sa classroom dahil naiwan ko ang aking wallet sa aking bag. Naroon sila sa may mesa ng teacher, ang dalawa ay nakaupo roon habang ang dalawa naman ay nakatayo lamang at nakahalukipkip. Natigil ang aking mga mata sa desk kong puno ng sulat at isang pentlepen pa ata ang gamit doon dahil hindi na iyon mabura. Luser! Ampon! b***h! Go to hell! Iyon ang mga salitang nabasa ko. Humalakhak silang muli kaya napalingon ako sa kanilang dako.. Mangbubully na nga lang  mali pa ang spelling ng loser. Kaysa inuuna nila ang pag-aaral, nagagawa pa akong bigyan ng oras ayan tuloy masyadong bobo. "Sino kaya ang may gawa niyan?" painosenteng tanong noong may maiksing buhok. "Hindi ko rin alam e," sagot naman noong isang babae na itinago pa ang pentlepen saka sila muling nagtawanan. Immatures. That's what I thought about them that time. Papalampasin ko na sana pero noong nalipat ang aking tingin sa aking bag, ang malaking vandal agad roon ang kumuha ng aking tingin. This is my favorite bag since Daddy gave it to me on my first birthday with him kaya ganoon nalang ang sentimental value noon sa akin. Nandilim agad ang aking paningin sa pagkatigil lalo na't nagtawanan sila lalo. Ang nakasulat na "feeling" roon ay masyadong masakit sa mata. "Who did this?" kalmado kong tanong at itinuro ang vandal sa aking bag. Iyon lang ang pumukaw ng aking atensyon. "Hindi namin alam e," saka sila nagtawanan. "Pero bagay sa design ng mamahaling bag mo ha. Bigay ba iyan ng stepfather mo—" Napalitan ng pagkagulat lahat ng kanilang mga mukha na kahit ang pagsasalita noong isa dahil sa paghangin ng kanyang buhok gawa noong lumipad na silyang itinapon ko sa kanilang dako. Sa sobrang lakas noon ay gumawa iyon ng ingay at kahit ang whiteboard ay parang nayupi ng kaonti dahil sa pagkakatama noon. Nasuklay ko paatras ang aking buhok at  kumuha ng panibagong silya. Kinaladkad ko iyon patungo sa kanilang direksyon na hindi na mahitsura ang mga mukha. This bully needs to learn... "Kung makikick-out man ako, at least man lang nayupi ko rin iyang mga mukha niyo,"  Iyon ang nagtulak sa kanila para magsiatras na kahit iyong kamuntik tamaan ay nanlambot pa ang mga tuhod. Ang dalawa ang tumulong sa kanya saka sila nagsitakbuhan. And that was the last time someone bullied and humiliated me.  "I smashed some bullies thats why I got kick-out." Pagpapakilala ko sa unang klase ko noong nalipat ako sa panibagong school na ikinagulat ng iilan kong kaklase. Dad wasn't mad pero nakatanggap rin ako ng pangaral ng araw na iyon sa aking ginawa at nabawasan pa ang aking allowance. Hindi ko rin kasi sinabi ang rason kung ba't ako nagalit ng husto. I left it untold. Ang sabi ko lang sa kanya, mabwesit ako sa kanilang pagmumukha kaya pinaliparan ko ng silya. Hindi ko alam kung naniwala ba siya sa akin pero mukhang alam niya na may malalim akong dahilan sa kabila ng mababaw kong rason maliban kay Mommy na nakumbinsi ko sa aking pagsisinungaling. If you weren't a Buenaventura, then you won't understand me. Ganoon lang naman iyon kasimple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD