Alin ang masakit? Ako lang ata ang hindi gaanong close sa magpipinsang Delafuente. Kasundo agad ng kambal ang mga lalake at nakikipaglaro na ng basketball sa kanila. Ang planong lumayo nalang kay Toshi ay naaantala dahil sa pambabakod ng mga bwesit kong pinsan at sinasama pa ako doon sa Clubhouse. Humalukipkip ako sa bench, nandidilim ang paningin sa engkantong tumatawa habang tumatakbo at dinidribble ang bola. Ang pangit kong pinsan ay naaaliw sa kakalaro habang ako, heto bagot na bagot at kulang nalang ay mamatay sa kinauupuan. Nagtutunugan ang spike ng kanilang mga suot na sapatos habang tumatakbo at gumagawa ng ingay ang bolang pinapatalbog nila ng paulit-ulit. My eyes settled on the ball. Naaagaw iyon madalas ni South kay White saka ito ihahagis sa ring para sa 3point shot. I a