Nang magkita kami ulit ni Sir James, hindi na sa Conference Room kung hindi sa bago na niyang office sa student affairs. Halatang bagong ayos ito. Bago ang pintura, bago ang mga muebles, ang tiles. Malinis, masinop, mabango. Nakaupo na ako sa sofa noong pumasok siya. Kagalang-galang ang dating sa suot niyang long sleeves na kulay brown, kurbatang kulay dilaw, at itim na slacks at sapatos. Napansin ko rin ang bagong gupit at makintab niyang buhok. Kabaligtaran naman sa ayos ko sa suot na puting t-shirt at faded na maong na may mga butas-butas sa harap ng hita at buhul-buhol na mahabang buhok. “Shitttt! Hanep na hanep ang dating ni idol!” Sa loob-loob ko lang. Umupo ako sa isang silya sa harap niya, kinabahan, hindi magkamayaw sa magkahalong saya at excitement. Abot-tenga ang binitiwang ng