Natulala si Ricky noong masabi ko ang pangalan ni Sir James. “O, ano, bubugbugin mo na ba?” pabirong hamon ko. “Hah? Indi ah! Ala akong sinabing ganyan. Ano ka, gusto mong ma-kick out ako sa school? At tol, ano ka ba naman! Maghanap ka lang ng lalaki, siya pa? Kadami-daming lalaki d’yan sa campus, iba nalang, plis. Kung gusto mo iyong sekyu sa main gate, may hitsura iyon at sa palagay ko, may crush sa iyo ang tangina dahil kapag dumadaan tayo ng gate, ang lagkit lagkit ng tingin sa iyo, e! Kung iyon na lang ang pag-tripan mo kaya, makikisimpatiya pa ako sa iyo, akin iyong night shift guard, ehehehehe!” “Gago ka! Kahit kailan puro ka katarantaduhan! At akala ko ba sabi mo susunggaban ko kapag may opportunity? May pa percent-percent ka pa d’yan. Ngayon, bubuwelta kana! Atsaka, hindi ako