Ang Paglayo Ni Carl

3025 Words

Tila pumutok ang tenga ko sa narinig na sinabi ni Dodong “Ha? Sino ang nakabuntis?” Tanong ko kaagad. “A... Carl, pwede ba tayo na lang ang mag-usap” Pagputol ni Anton sa usapan sabay akbay sa akin at kumpas ng kamay kay Dodong upang umalis ito. Umalis nga si Dodong, pa-iling iling sa di maintindihang reaksyon ko at ni Anton sa sinabi niya. “M-may itinatago ba kayo na di ko alam, tol?” “Hindi naman sa ganoong itinatago, Carl. Si Kuya James kasi, alam kong sasabihin niya iyan sa iyo. Ngunit nagmamadali kasi siyang pumunta ng syudad. Hindi ko nga rin alam kung bakit nagmamadali siya gayong alam naman niyang kararating mo lang e. Pero alam mo naman siguro ang ugali ni Kuya, di ba? Kapag may nagawa, pinapandigan; kapag may problema, hinahanapan ng solusyon. Kapag may nasaktan, nagbibigay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD