Hubad Na Dibdib

2889 Words

Mag aalas-12 na ng hating gabi noong makarating ako ng bahay. Laking gulat ng mom noong makita ako. “O, akala ko ba dalawang linggo ka doon?” Ang tanong niya kaagad. “Medyo nababagot din ako doon, mom. Pahinga na lang muna ako dito at baka lalabas ng bansa, mag-tour... di ko alam e.” “Hmmm. Carl, may problema ka, alam ko. Nag-away ba kayo ni James?” “Wala po mom, ok lang kami. Ano kaya mom, kung tayong dalawa ang mag-tour; sa Europe, o kahit dito lang sa Asian countries?” Paglihis ko sa usapan. “Hahahaha! May problema nga ang anak ko. Ok, whatever you say. Mag tour tayo. At bukas na bukas din ipaayos ko sa secretary ang schedule. Kahit dalawang linggo lang; mahirap din kung pasobrahan natin, may mga appointments pa ako. Ano pwede na ba ang dalawang linggo?” “Kayo po ang bahala mom.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD