Abuelo‼️

1828 Words
Kent Pov “Kumusta na ang mahal kong apo? Namiss kita K.” Mula sa pagiging tutok na tutok ko sa corporate meeting ay ng biglang naagaw ang atensyon ng lahat maging ako ng basta na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang taong huling huli sa listahan ng nais kong makita na tao sa mundo, na walang iba kundi ang aking Abuelo na si Señior Amorossi. Gaya ng kinamulatan ko ay may kasama na naman itong mga aso (Alalay). Ito ang mga taong tutugon agad sa kanyang mga drastic na utos o kagustuhan. Lahat sila denumero at walang duda na kayang sumalo ng bala para sa aking Abuelo. Ganito rin ang binubuo kong army na siyang itatapat ko sa mga tauhan niya sa tamang panahon. Agad naman na nagsipag-tayuan ang mga kasama ko sa meeting room ng makita ang aking Abuelo, para magbigay galang sa huli. Ako lang ang nanatili na nakaupo at parang balewala lang ang presensya ng aking Abuelo. Nang sumenyas na ang Señior na okay na ay agad na rin silang umupo. Sa mundong ginagalawan namin, napatunayan ko na maraming plastik na tao; hindi lang mga babae kundi pati mga kalalakihan. Everyone showing a wide smile will look at my grandfather. But I know, maraming nais na mabura na ito sa kanilang landas. Hindi ko sila masisisi kung nais na nilang wala ang matandang tuso at walang awa na ito. Bilang kasapi ng angkan ng mga Amorossi kahit ako nais nilang burahin. Isa lang ang tinandaan ko na turo ng matandang ito sa akin, trust no one. Dahil kahit tayo minsan ay natutuksong kalabanin ang ating sarili. And as of now, tama ang aral na iyon at patuloy kong gagamitin. Kaya wag siyang umasa na lalapit o aamo ako sa kanya kahit pa siya na lang ang natitira kong kamag-anak mula sa aming pamilya. Minasdan ko ng pasimple ang lalaki na tinahak na ang aking gawi. Batid ko na galit siya sa akin at nais niyang ipakita sa iba na siya pa rin ang superior sa aming dalawa. He trained me so well like a demon, tapos gusto niyang ituring ko siyang mataas sa akin. Siya ang nagturo sa akin na wala kahit sino man ang dapat mas mataas pa sa akin. Being the future head of our clan, kailangan ako ang titingalain, pangingilangan at yuyukudan ng mga tao sa aking paligid, ano man ang estado nila sa buhay. Kailangan ako lagi ang on top and in control. When the old Amorossi stopped in front of me, I remained unbother. Ni hindi ko ito tinapunan ng tingin. “Hindi ka na ba marunong tumingin ng estado ng taong nasa harapan mo, mahal kong apo?” untag ni Abuelo sa akin ng wala akong gawin na kahit ano. “I'm your grandfather—!” “Anong kailangan mo Señior Amorossi? Can't you see that we're having an important meeting, right now and then you just bump in. Anong dahilan mo?” Putol ko na sunod-sunod na tanong sa sinabi ng lalaki. “Bawal na ba ako sa kumpanyang pag-aari ng aking anak na mula rin naman sa akin? Kung wala ako wala ka sana ngayong minana at pinamamahalaan na kumpanya mahal kong apo! And the last time I checked this property belongs to me. Malaki pa ang shares ko dito.” Tunog ng nagpapahihiya ang pagkakasabi noon ni ni Abuelo sa akin. Kung alam niya lang that I already build my own kingdom baka mapahiya siya. Ngunit hindi pa tama ang panahon para malaman niya. Kailangan ko munang mas lumakas pa. “Hindi ko kinakanya ang kumpanya. Nandito lang ako para sa mga pinaghirapan ng aking mga magulang.”tugon ko naman na sagot sa lalaki. Totoo naman kaya ako narito para lang sariwain ang alaala ng aking Ama’t Ina. “Be straight to the point. Sabihin mo na kung bakit nandito ka! You're wasting our time.” Muling sabi ko pa na puno ng diin. Imbis na magpakita ng galit ang matanda dahil sa aking ginawa ay tumuwa pa ito na waring hindi apektado sa pagiging magaspang ko sa kanya ng pakikitungo. Ang iba naman na kasama namin sa loob ng silid ay kanina pa na puno ng tensyon, ngunit nag-kunwari o alangan na tumawa para hindi maging awkward sa nangyayaring salpukan namin ng aking Abuelo. “Natuto ka nga talaga sa akin ng lubos Kent. Fine by me! But I'm just here to tell you something important—prepare yourself, soon you're going to marry the woman that faith has chosen for you. Nakaguhit na noon pa man sa kapalaran mo na maging kabiyak ang babaeng mula sa angkan ng kaibigan ko.” Parang gusto kong bawiin ang aking naging hamon sa matanda. I heard about it a long time ago. Hindi ko inakala na magiging totoo o matutuloy pa rin ito lalo’t matagal na ring patay ang kaibigan ni Abuelo. “I won't marry some random woman. Pagkakasalan ko ang babaeng mahal ko na siyang dahilan kung bakit nandito pa rin ako.” Tugon ko naman habang nakikipag-sukatan ng tingin sa aking Abuelo. “You can't decide on your own, my dear Apo! The Amorossi and Que family are bound to be tied as one. Pakakasalan mo ang kaisa isang apong babae ng angkan ng Que sa ayaw mo man o gusto. For now I let you play fire with different women, but be careful. Wag kang bubuo ng supling sa ibang sinapupunan, dahil tanging apo lang sa tuhod mula sa angkan ng Que ang tatanggapin ko. You know me well Kent. Kayang kaya ko na pumatay ng walang hesitation at kakurapkurap, lalo na sa mga taong hinding hindi ko kayang yakapin at tanggapin bilang parte ng aking pamilya.” Mahinahon na ani ni Abuelo pero halata ang katotohanan at panganib doon. Galit, puot at pagkamuhi ang naglalaban na damdamin sa aking kalooban. Lahat na lang sa buhay namin nais niyang pakialaman. Ganito rin ang ginawa niya sa aking Ama’t Ina. Ang kaibihan lang nagmahalan nga sila ng wagas kaya na buo ako. But their love won't last in this world. Pinatay sila ng matinding kalaban ng Abuelo. Isa ito sa dahilan kung bakit ko siya tinakasan noon. I want to live my life at peace together with the woman I love the most. Gusto kong mamuhay ng tahimik kasama ang aking pamilya. Ito ang tanging pangarap ko, pero natatakot ako. Natatakot ako na kung hindi man sa kalaban nanganganib ang buhay ng mahal ko ay kay Abuelo naman. Napapaligiran ako ng mga hayop, halang ang bituka at mga demonyo. The only way to protect the person I love is to be like them or be on tip and in control. Lalagpasan ko sila para masigurong hindi nila ako babangain. Kinalma ko muna ang aking sarili bago nagsalita. “Buhay ko to kaya ako magde-desisyon para sa aking sarili.” Tipid na ani ko sa matanda na nagmistulang mauutas kakatawa. Sana nga mautas na siya. “Believe me. Susunod ka at matutupad ang mga sinabi ko sa’yo na siyang katuparan ng lahat aming kasunduan. Malalaman mo rin na tama ako kapag dumating na ang panahon na masisira ang ulo mo dahil sa pagsuway mo sa aking nais. Nakikita ko na ang hinaharap Kent, kaya maniwala ka, magdurusa ka kapag sumuway ka sa akin.” Lalong naghimagsik ang aking kalooban dahil sa sinabi ng matanda tungkol sa pagdurusa ko sa aking buhay. I was about to stand up and talk—ng biglang magsalita muli si Abuelo. “Gentlemen, pasensya na kayo sa matandang tulad ko. I just missed my grandson kaya naman nangungulit ang matandang ito. Paumanhin sa pagputol ko ng inyong meeting. Aalis na rin ang matandang ito para naman makapag-simula na muli kayo.” Tila ba kumukuha ng simpatya ang Abuela sa mga tao sa loob. Hindi naman akma ang tawagin siyang matanda dahil hindi iyon halata sa kanyang itsura. Maraming sumagot kay Abuelo, unang una na ang mga taong nais kumapit o kumuha ng koneksyon para mapadali ang lahat sa kanilang negosyo. Hinayaan ko na lang magsalita ito at lumabas ng masabi na at makuha ang nais na simpatya. Halos 10 minutes na itong nakakaalis tsaka naman ako tumayo sa upuan at lumakad papunta sa pintuan. Nang tumapak ako sa aking assistant ay bahagya pa akong huminto. “You know what to do, right! Babalik na ako sa opisina ko at doon ko hihintayin ang balita mo.” Double meaning ang mga sinabi ko sa kanya. Ang assistant ko na ang tatapos sa naudlot na meeting at isa pang kahulugan ng aking sinabi ay impormasyon tungkol sa pamilya Que. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa aking opisina. Nang makapasok na ako sa loob ay pabagsak ako na umupo sa aking swivel chair. Hindi ko talaga kayang tagalan ang presensya ng Ama ng aking Ama. Para bang inuubos niya ang buo kong lakas pisikal at mental. Pansamantala ay tumunganga muna ako sa kawalan bago dukutin sa drawer ang isang maliit na box na may code bago ito mabuksan. It was her birthday. Nang makita k0 ang larawan niya tila may bagong lakas akong nakuha. “I will protect you at all costs. Hinding hindi ka masasaktan ng kahit sino. Lahat ng ginagawa ko ay para lang sa’yo at sa buhay na handa kong ibigay sa’yo makasama ka lang. I miss you a lot Badang ko.” Mahina at puno ng ngiti na aking sabi habang hiwas ko ang larawan na siyang kuha ko pa mismo bago ako umalis para hindi siya gawan ng masama ng aking Abuelo. “Tanging ikaw lang ang babaeng uukupa ng puso kong ito. Konting tiis na lang at makakasama rin kita.” Ani kong muli sabay balik muli ng larawan at box sa drawer. Malayo pa man ay nararamdaman ko na agad kung may parating. “Anong balita?” Bungad kong tanong sa aking assistant. Kung sa iba araw ang binibilang para makakuha ng impormasyon; para sa akin matagal na ang limang minuto. Kapag may pera at koneksyon ka madali ang lahat. “I'm sorry boss. Limited lang ang details na nakuha ko at parang sadya na iyon lang ang lumabas na detalye. Mukhang iniingatan nila ang ibang mahahalagang detalye tungkol sa katauhan ng iyong future wife.” Tugon naman ng aking assistant. Walang duda naman na iyon nga ang totoong nangyari ngayon. Napa-tiim bagang na lang ako dahil sa aking narinig. Mukhang pinaghandaan nga lahat ni Abuelo ito. Mukhang game na game sila sa larong ito kaya marapat na maging handa rin ako. “Sige, pero sa underground humanap ka pa ng ibang detalye.” Sagot ko sabay tayo at bibit ng aking coat. “Uuwi na ako, ayoko ng kahit na anong abala.” Bilin ko pa sabay tuloy papunta sa pintuan. Maige pang manatili ako sa bahay, doon nakakalma ako dahil lahat ng bagay na nasa aking tahanan ay may touch of her. Lahat akma sa mga gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD