⚠️Ang kwentong ito ay hindi akma sa mga bata‼️
Blurb:
Ivelyn Rei Que isang dalagang masayahin, positibo sa lahat ng bagay maging aspeto ng buhay at higit sa lahat mapagmahal na kaibigan.
Isa ring mabuting apo si Ivelyn sa kanyang Abuela. Mula ang dalaga sa isang buena pamilya na tubong Quezon province. Tulad ng ibang mga kabataan may mga pinagdaanan din ito na hindi gano'n kaganda, pero nagbago lahat iyon ng makilala niya si Leslie Dela Rea na kanyang naging matalik na kaibigan.
Sa paglalayag ng panahon at taon ay na subok na ang tatag ng pagkakaibigan ng dalawa.
Ngunit may isang sekreto at insidente ang magbabago ng lahat. Iyon ay dahil sa pagdating ng isang lalaki mula sa angkan ng mga Amorossi.
May pagkakaibigan nga ba na pang habang buhay?
Pag-ibig ba ang maglalayo sa tunay na pagmamahal mula sa isang taong naging malaking bahagi na ng iyong buhay?
Paano ba mapapaibig ang isang taong matagal ng may ibang kinahuhumalingan?
Matatanggap mo kaya kung malalaman mo na ang iyong matinding karibal ay ang mismong kaibigan mo na itinuturing ng pamilya at kapatid?
Hanggang saan at kailan mo kayang lumaban at sumugal para sa taong tingin lang naman sa’yo ay parausan?
Tatakas o kakawala ka ba sa mundong ginawa niya na puno ng bawal, panghahamak, pang-aalipusta at limitasyon?
Mundo na kasama nga siya, ngunit mistulang bagong bilangguan naman para sa iyo.
Isang bilangguan na kung tutuusin ay tinakasan mo rin noon ng iyong kabataan.
Alamin sa kwento ni Ivelyn Rei Que at Kent Kleive Amorossi kung magiging tama ba sila para sa isa't isa.