REBELDE ako bilang isang anak sa murang edad pa lang.Pinili ko ang maling gawain o akto para lang makuha ang atensyon ng aking mga magulang. Ngunit wala pa ring nangyari. Wala ni isa sa mga ginagawa ko ang pumukaw sa kanilang atensyon. Mas mahalaga kasi para sa kanila ang negosyo, salapi, kapangyarihan at koneksyon.
I stop studying and choose to be happy outside our house. Kahit kasi sa paaralan parang walang lugar ang tulad ko. I’ve experienced being bullied, but not totally, dahil lumalaban ako at hindi nagpa-patalo ng basta basta lang.
Pero nakakapagod pala ang ganun kaya humanap ako ng lugar na makukuha k0 ang aking hinahanap na saya.
Nagiging masaya ako sa labas na walang alam ang aking mga magulang. Halos dalawang taon akong nagsusuot ng uniporme pang eskwela pero hindi naman ako sa school pumupunta.
Pinupuntahan ko ang mga lugar na papawi pansamantala sa lahat ng sakit, pangungulila, lungkot at neglection na aking nakukuha sa sarili kong Ama’t Ina.
Kung hinayaan lang sana nila akong tumira sa Probinsya kasa ang aking Abuela siguro na iba ang buhay ko. Siguro kahit paano sasapat iyon para masabi kong may isa akong kadugo na nagmamahal sa akin ng labis.
Sa loob ng dalawang taong na iyon ay naging tanga at inutil ang aking Ama’t Ina. Paano ko naman nasabi iyon? Sino mga bang magulang ang hahayaan na lang sa mga kasambahay ang kanilang mga obligasyon bilang magulang sa kanilang anak? Sa meeting sa school kasambahay namin ang pupunta.
Sa enrollment sila din. Bakit hindi nalaman ng aking mga magulang na hindi na ako pumapasok sa eskwelahan, simple lang. May alam ko sa mga kasambahay namin na sikreto, and I used that against them para manahimik. Sabi nga nila evil daw ako. Pero imbis na masaktan ay tinawanan ko lang sila.
Kapag naman sinasabi nila na mabuting tao ang aking Ama’t ina ay mas natatawa na lang ako. Kasi naman ay literal na egg cell at sperm cell lang ang naging donasyon nila sa existence ko sa mundo.
Mula ng magkaroon ako ng isip, kasambahay na ang nakamulatan ko sa aking tabi. Minsan gusto ko na lang maging anak ng isa sa kasambahay namin. Kapag may sakit ako sila din ang kapiling ko at mga aligagang bantayan at asikasuhin ako sa lahat ng segundo.
How I wish, I could choose a life to live. Kahit na mahirap basta maramdaman ko lang na mayroon akong Ama’t Ina. Nakakatawa lang dahil kapag may gustong malaman si Mommy and Daddy tungkol sa akin ay sa mga katulong sila nagtatanong.
They never know anything about me. Ni hindi nga rin nila magawang kausapin ako o tanungin. Para bang iwas na iwas silang dalawa sa akin.
Habang lumalaki at nagkakaisip tuloy ako, parang nagkaroon na ng masama at pangit na impresyon sa akin ang aming bahay. Tingin ko ay isang lugar na lang ito na siyang kulungan ko.
Hindi ko nga magawa na matawag na tahanan ang aming bahay dahil lagi naman akong mag isa. Salamat na lang din dahil halos nasa sampu ang aming kasambahay kaya kahit paano nakakakita ako ng ibang tao.
Pero nagbago ang lahat bigla. Nang mabuko ako ni Dad at Mom. Kung paano nila nalaman na hindi na ako nag-aaral ay hindi ko alam. Sobrang galit na galit sila sa akin.
“You are such a disgrace to our family Ivelyn! Kababae mong tao pero pariwara ka! Ano? Plano mo bang dungisan ang angkan ng mga Que? Persia kasalanan mo rin kasi ito!” Malakas na sigaw ni Dad sa akin. Kadarating lang nila from a business trip.
"Ako lang ba talaga? Oo ako ang nag-buntis at nanganak sa ating anak pero Ione Ama ka niya. Sa kabiguan ng ating anak magkasalo tayo sa responsibilidad! At dapat ayusin natin ito ng sabay.” Ganting sabi naman ni Mommy kay Dad.
Gusto ko sanang sumigaw din na lahat kami ay may kasalanan pero hindi ko nagawa dahil inamo ni Dad si Mom. And ending ako ang ginisa nilang dalawa.
Abot abot ang mga sermon at sumbat nila sa akin. Tama sila binigay nga nila ang lahat ng materyal na tingin nila ay kailangan ko, ngunit ayaw ko naman ng mga iyon. Ang gusto ko ay silang dalawa.
Naisip ko nga na sumagot ng sumagot at sabihin ang aking nararamdaman. Naisip ko rin silang tanungin ng kung anu-ano. Tipong kung mamamatay ba sila madadala nila ang yaman na kanilang mas pinapahalagahan o tinutukan sa kabilang buhay?
Pero muli ay hindi ko sinabi o tinanong dahil tiyak akong wala naman silang isasagot na magpapa-gaan ng aking kalooban.
Matapos nilang tumalak ng tumalak sa akin ay pinilit nila akong pumayag na itapon sa isang magandang school na nag-o-offer ng alternative learning program.
Hindi na ako naka-tanggi dahil ipinaalam nila ang kalokohan ko kay Abuela. Umiiyak si Abuela ng kausapin ako sa phone.
Parang nadudurog naman ng unti-unti ang puso ko habang aking naririnig ang kanyang hikbi at paghingi ng tawad.
Oo! Ganun si Abuela. Siya ang sumasalo ng mga kakulangan ng aking Ama’t Ina.
Hiyang hiya tuloy ako sa kanya. May kasalanan din naman kasi ako. Sa mga sandaling iyon kanya lang ako lubos na nahihiya ng sobra-sobra.
Nang magpatuloy akong kausapin ni Abuela naliwanagan ang isip ko kaya nangako akong magpapatuloy mag aral.
Ngunit nag-iba si Abuela bigla ng maibigay ko na ang phone sa aking Ama’t Ina. Dahil kung sa akin naging mahinahon ang Abuela ng pakikipag-usap, kay Dad at Mom hindi. Galit ito at inisa isa ang mga pagkukulang nila sa akin bilang ama’t Ina.
Para tuloy silang pinipi na lata na dalawa. Sa loob ng puso ko lihim akong nagdidiwang. Sa wakas may nagsabi sa kanila ng kanilang pagkukulang.
Ganun pa man alam ko na hindi basta magbabago ang mga magulang ko dahil sa sermon ni Abuela.
Pero ako, kailangan kong magbago. Gusto kong maging proud si Abuela sa akin. Siya na lang kasi ang meron ako gaya ng siya lang ang naniniwala sa aking kakayahan.
Sa unang araw, linggo at buwan ko sa school na aking pinapasukan ay para bang bagot na bagot ako. Not until may bagong dumating na estudyante.
Ang gaan agad ng loob ko sa kanya. Actually ako na ang nag-first move na malapitan siya. Hindi ko naman iyon pinagsisihan dahil isa siya sa naging tamang tao sa buhay ko. She reminded me of my Abuela in so many aspects.
Lalo kong minahal si Leslie ng malaman ko ang buhay na pinanggalingan niya. Mas swerte pa pala ako sa ibang aspeto. Pero napatunayan ko lang din dahil sa karanasan niya na ang tao kayang mabuhay at mag survive kung marunong makisama at sumabay sa agos ng buhay.
During our first year in an alternative learning program made me realize, sa mga bagay at desisyon na ginawa ko sa nakaraang mga taon. Ako na sa akin ang lahat ng kakayahan to study but I choose to destroy myself dahil sa pagkukulang ng aking mga magulang. Meanwhile ang iba ay pilit na nalaban makamit lang nila ang pangarap na edukasyon.
End of flashback…..
“Are you okay? Anong gumugulo sa’yo? May hindi ka ba naunawaan sa lecture ng professor natin?” Mula sa pagmumuni-muni ay na balik ako sa reyalidad ng mauliligan ko ang tila nag-aalala na tinig ng aking matalik na kaibigan.
Lagi naman ganito si Leslie mula noon. Ngayon ay nasa kolehiyo na kami at pareho ng kursong kinuha. Ayaw man ng parents ko na maging nurse ako ay wala silang nagawa lalo't ang abugado ko ay si Abuela.
Kung tutuusin at iisipin ay mas matanda ako kay Leslie, ngunit mas maalalahanin, maalaga at protective ito sa akin. Siguro ay dahil hinubog ito ng karanasan at panahon. I just smiled at her before magsalita.
“Gaga! Anong walang naintindihan? Pareho lang tayong matalino no!” Pabirong sabi ko sa babae na agad ngumiti sa akin at tumango sanay na sanay na ito sa akin at alam niya rin kung ano ba ang totoo.
Ito na ang bagong identity ko. Ang babaeng unfilter o pasmado ang bibig. I made my character very energetic, pero kahit ganun I’m still longing for my parents’attention and love. Siguro hindi na lang ako papansin sa kanila ngayon pero hoping pa rin ako na one day lalapit sila at tatanungin ako sa mga bagay na nais ko ring ibahagi sa kanila.
“Pwede kang magsinungaling sa ibang mga tao pero sa akin hindi. Hindi naman kita masisisi kung nangungulila ka pa rin sa kanila, dahil sa kanila ka nagmula.” Tila ba nakakatanda na kapatid ko si Leslie habang sinasabihan niya ako ngayon.
“Isipin mo na lang ang ibang mga positibong bagay. Pero mas tandaan mo sana Ive, na walang magulang ang hindi nagmahal sa kanilang mga anak. Iba-iba lang talaga sila ng pamamaraan pero sigurado akong mahal na mahal ka nila. Walang matinong magulang ang hindi inibig ang kanilang mga anak. Meron nga mga biktima ng pang aabuso pero nahahanap pa rin nila sa kanilang puso ang mahalin ang biyayang kaloob ng Diyos.” Mahinahon at marahan na paliwanag muli ni Leslie sa akin.
Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko sa mga nakalipas na taon kung hindi ko nakilala si Leslie. Kaya niyang baguhin ng mabilis ang aking damdamin na nasasaktan sa isang iglap. Kaya niyang pagliwanagin ang unti-unting nagdidilim ko na mundo. With her in my life tingin ko hindi ko kakayanin. Siya ang naging support system ko kaya ako umabot sa gradong ito.
“Mahal ka nila Ive, baka nga mas higit pa iyon sa inaakala ko. Nandito lang ako Ive, hindi kita iiwan kahit anong mangyari.” Napangiti ako kay Leslie na ubod lawak lasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.
“Ayyyy… umiiyak ang baby ko.” Biglang pang aasar ni Leslie sa akin.
“Wow ha! Hiyang hiya naman ako sa’yo baby girl!” Ganting asar ko sa kanya na nauwi sa tawanan at kantyawan na malala.
Nahinto lang kami sa malakas na pag-iingay ng may pumasok ng subject professor. Pero bago tuluyang huminto ay may kulmisan pa kaming dalawa na ginawa.
“Sana habang buhay kaming magkasama ni Leslie.” Piping hiling ko bigla na hindi ko alam kung bakit ba biglang sumagi iyon sa aking isip.