Ivelyn
SA TANANG buhay ko sa piling lang ni Leslie ako nagiging totoo. Sa sarili ko kasing pamilya takot akong ilabas ang katotohanan. Oo gumagawa ako ng mga maling bagay noon para mapansin nila, but later on ng makilala ko si Les, I've realized na hindi dapat ganun.
Doon na rin ako nagsimula na huminto at mapagod na kunin ang atensyon nila. Dahil sa paghinto ko na iyon nagkaroon ako ng pakiramdam na iwasan na lang na gumawa ng mali sa paningin nilang lahat.
But things are totally different kapag si Les at pamilya niya ang kasama ko. Hindi ko kasing magawang matakot na magkamali o makagawa ng mga bagay na palpak o maging desisyon na pwedeng ika-bagsak at magbigay ng negative impact sa akin as a student and a person. Kasi parang kayang kaya nilang tanggapin at unawain kung sino talaga ako. Ganun kaganda ang trato at pakikisama ng pamilyang kumupkop kay Les.
Minsan I got jealous. Naisip ko na sana ako rin. Ngunit kapag naalala ko ang pinagdaanan ni Les napapa-salamat Lord na lang ako. Les is a wonderful gift from the Lord to us. She made a difference in our lives.
Hiling ko lang na sana hanggang pagtanda naming dalawa ay maging masaya pa rin kami. Ayoko ng makitang nasasaktan ang aking kaibigan dahil tumatagos iyon sa aking puso. Para bang iisa na talaga kami. Sabi nga ng iba nagiging magkamukha na kami ni Leslie.
Napangiti ako ng biglang kumembot kuno si Les. Ngayon ay nasa bahay kami ng mga Merano na siyang kumupkop sa kanya. Mukhang nahalata na ng aking kaibigan na nilalamon na naman ako ng malalim na pag-iisip kaya kinuha niya na ang aking atensyon. Baliw kaming dalawa kung baliw basta lagi kaming magkasama.
“‘Di mo bagay!” Maarte na ani ko sa kanya.
“Kaya nga mag kaibigan tayo.” Tugon naman ni Les na nagpa-kunot ng aking noo. Dahil sa aking naging akto ay tumawa naman ng malakas ang babae.
“Slow ka yata ngayon. Kung sabagay nasa drama mode ka naman. What I mean is—hindi bagay sa’yo maging tulala gaya ng hindi bagay sa akin maging sosyalista na ubod ng arte.” Ani muli ni Les sa akin. Sa huli ay sabay na kaming bumunghalit ng tawa.
Wala namang magagalit sa amin sa bahay na ito dahil sanay na sanay na silang lahat sa amin. Usually nga ay kasama pa namin silang natawa. Ngayong araw lang ay wala ang mag asawang Merano. Nasa ibang bansa raw ang mga ito para mag travel at mag bonding.
How I wish, na tulad nila ang parents ko. May panahon sa isa't isa lalo na sa kanilang anak.
“Make a difference, Ivelyn. Kung ang experience mo ay hindi nga maganda about your family. Sa magiging anak at pamilya mo gawin mong iba. May disiplina man pero busog sa kalinga at pagmamahal. Tara na sa kusina kakain muna tayo bago ka umuwi.” Seryosong sabi ni Leslie sa akin.
Para talagang siya ang ate sa aming dalawa. Siya ang tanging taong kanlungan at pahinga ko sa lahat ng pagod maging sakit na aking nararamdaman.
Simpleng tumango ako sa aking kaibigan at sumunod na rin sa kanya ng hatakin ako papunta sa kusina. Tiyak na magiging magulo doon pagpasok namin.
Isang oras at kalahati ang mabilis na lumipas. Hindi na nga namin iyon namalayan dahil kain, biruan at tawanan ang ginawa naming lahat doon.
Sa totoo lang parang ayaw ko ng umuwi ngunit hindi naman maaari. Pinangako ko na kasi kay Abuela na hindi na ako magiging pasaway at lagi na rin akong uuwi sa aming bahay. Bahay na kulang-kulang dahil laging wala ang haligi at ilaw nito.
“Call me, kapag nasa bahay ka na. Alam mo naman na nerbyosa ako pagdating sa’yo sis. I love you Ive.” Lagi na lang akong nagugulat kay Leslie kapag ganito siya sa akin.
“I will..I love you too sis. Walang pwedeng sumira o humadlang sa pagmamahal ko sa’yo bilang kaibigan, kapamilya at kapatid. Una na ako.” Seryoso na tugon ko namam. I don't know but my heart filled with different emotions.
“Sus! Wala talaga kahit na ano o sino pa iyan.” Ani naman ni Les nainakay na ako papasok sa kotse na siyang sundo ko.
Pinapayagan ako ng parents ko na pumunta sa mga Merano. Isa kasi sa major investors ng mga kumpanya namin ay ang mga Merano.
“Kuya ingatan mo ang bestfriend/kapatid ko ah! Pasmado lang bibig niyan pero mahal na mahal ko ‘yan.” Untag ni Leslie sa long time driver ng aming pamilya.
Nailing na lang ang driver namin bago tumango at magsalita.
“Kayo talagang dalawa….Iisa na ang tabas ng bibig niyo.” Tatawa tawang ani pa ng driver namin.
Si Leslie na rin ang nagsara ng pinto ng kotse, kaya naman ibinaba ko agad ang bintana.
“Salamat sis! Salamat sa lahat.” Sabi ko naman ulit sabay kaway at usad na rin ng aming sasakyan.
Ibinaling ko sa side mirror ang aking mata kaya kita ko na nakatanaw pa rin sa amin si Leslie. Nang makalayo na kami ay tsaka ko lang isinara ang bintana.
“Masaya ako para sa’yo Miss Ivelyn dahil nahanap mo ang tulad ni Miss Leslie. Kita ko na ibang iba ka na at masaya na rin.” Mula sa katahimikan ay biglang nagsalita si Kuya Allan.
“Salamat pala Kuya Allan sa mahabang panahon na serbisyo at pag-alalay sa akin. Patawad sa mga maling gawi ko noon.” Buong tapat na sagot ko naman sa lalaki.
“Wala iyon. Nauunawaan kita/naming lahat.” Matapos tumugon ng lalaki sa aking sinabi ay tumahimik na kaming muli.
Naging mabilis ang aming biyahe pauwi sa bahay. Expected ko naman na wala doon ang aking magulang. Sa loob ng isang taon mabibilang lang sa daliri kung ilang beses silang uuwi o ilang araw mananatili sa aming bahay. Hindi katulad ng pananatili na alam o gawi ng iba ang style nila. Sila kasi yung nananatili nga pero nasa trabaho pa rin ang lahat ng atensyon at oras. Para bang opisina rin ang bahay.
Pagbaba ko sa kotse ay natulala ako ng makita ang pamilyar na sasakyan ni Abuela. Parang lulukso ang puso ko dahil sa tuwa.
“Kuya Allan ikaw ng bahala sa ibang mga dala ko ah. Papasok na po ako.” Excited na sabi ko sa lalaki na natatawa naman tumango.
“Isip bata ka pa rin talaga.” Mahinang sabi pa nito na hindi ko na pinansin.
Pagpasok ko sa loob ng sala ay wala akong nakita na mga tao. Tiyak ko na nasa study room ang mga ito. Kung nandito si Abuela tiyak ko na nandito rin si Dad at Mom. Natitiyak ko rin na mahalaga ang sadya ni Abuela sa kanila. Hindi kasi ito luluwas kung wala lang. Nagpatuloy akong maglakad hanggang sa marating ko na ang study room.
“Mama! Napaka-imposible na pumayag ako d’yan. Oo hindi ako mabuting Ama sa anak namin ni Persia, pero hindi ako papayag sa nais niyo! Hindi laruan ang anak namin na apo mo,” Dumadagundong na sabi ng aking Ama. Unang beses ko siyang narinig na nagtaas ng boses kay Abuela.
Nahinto tuloy ako sa paghakbang, pati ang paghinga ko ay parang mapupugto dahil sa aking narinig. Nag-aaway sila at iba itpo sa lahat.
“Ione para ito sa magandang samahan ng pamilya natin at ng pamilya ng kaibigan ng iyong Ama. They honor their words. Mahalaga sa kanila ang palabra de honor. And I assure you that Ivelyn will be fine in their family. Hindi ako susugal sa alam kong sa huli talo tayo. Mahal ko ang aking apo.” Hindi naman papatalo si Abuela ng sumagot ito kay Dad na punong puno ng diin. Bigla naman akong na takot at gininaw bigla.
Dahil It was clear to me, na ako ang topiko nila sa mga oras na ito. Ako ang dahilan ng away nila.
“Mama naman, mawalang galang na lang po. Bilang Ina na puno ng pagkukulang sa aking sariling anak, hindi ko na siguro nanaiisin na saklawan pa ang buhay at desisyon ng aking anak sa kanyang gustong maging sa future niya. Ivelyn knows what's best for her. We're so proud of her. She changed a lot. Kaya sana hayaan na lang natin ang bata—”
“Noon pa man Persia wala ka talagang galang sa akin! Kung buhay lang sana ang isa ko pang apo wala sana kay Ivelyn ang pressure ng kasunduan. Mamili kayo ang sumang ayon o lumubog ang lahat ng pinaghirapan niyo? In just one snap, kayang kaya ng mga Amorossi na pabagsakin ang inyong mga ipinundar!” Gulantang na gulantang ako sa paraan ng pakikipag-usap ni Abuela sa akin Ina. Alam ko naman na noon pa ay may isyu sa pagitan nila.
Palaban si Mommy at ayaw niyang pinanghihimasukan ang buhay namin. Kahit paano na touch ako sa mga unang sinabi ng aking mga magulang.
“So ganito pala Mama! Ganito niyo kukunin ang pagpayag naming mag asawa. Alam niyong lahat ng pagsisikap namin ay para sa nag-iisa naming anak. Tapos gusto niyo ipaubaya namin siya sa iba. Mama hindi laruan ang anak namin. Si Ivelyn ay dugo't laman naming mag asawa. Dugo't laman niyo kaya sana naman—”
“Kaya nga e! Kaya gusto ko mailagay sa ayos si Ivelyn kasi mahal ko siya. Gusto ko makuha ng apo ko ang pagmamahal at kalinga na hindi niyo maibigay. Maayos na pamilya ang mga Amorossi—”
“Hindi! Hindi ako papayag Mama. Ayoko! Ako ang Ina kaya malaki ang karapatan ko sa usaping ito.” Putol na kontra ng aking Ina na tila handang lumaban sa isang giyera.
Ngunit sa mga oras na ito pakiramdam ko sobrang nakakaawa ako ng lubos. Para bang wala ni isa sa kanila ang kayang bigyan ako ng tunay na pagmamahal, kaya itataboy ako sa ibang mga tao.
Hindi ko na kinaya ang makinig kaya naman walang babala na pumasok na ako sa silid. Silid na hindi nila alintana na naiwan nilangay awang.
“Puro na lang kayo ang magdedesisyon at nagdedebate sa mga topic na ako naman ang involved. Ako ba tatanungin niyo pa? Wala na ba talaga akong say sa pamilyang ito? Sige para matapos na ang pagtatalo ninyo. Payag na ako. Papakasal ako kung sino man ponsio pilato ‘yan, para pareho ko kayong mapagbigyan. Sa inyo Dad at Mom para hindi na ako maging sagabal sa mga lakad niyo sa buhay at sa'yo Abuela para mabawasan ang pag-aalala mo sa akin. I may be young but I'm pretty sure with my decision. Baka sa pamilya nila makuha ko ang mga hinahanap at kailangan ko na hinding hindi niyo maibibigay. Madali lang naman maging masunurin at magpanggap na masaya. Patawad kung masama akong anak at apo ngayon. Stop arguing please. Just let me know kung kailan mangyayari ang kasal ng maihanda ko aking sarili para hindi ko kayo maipahiyang lahat.” Diretso, puno ng diin at tapang nasabi ko sa kanilang tatlo.
Wala ni isa sa kanila ang kumibo sa akin kaya naman ilang beses akong bumuga ng hangin bago muling magsalita.
“Baka nga po tama ka Abuela…Baka nga sa piling ng ibang pamilya, mabuo ang kakulangan ko. Baka sa kanila maging totoong Ivelyn ako. Mauna na po muna ako sa inyo.” Mahinahon na ang pagkakasabi ko noon.
Akmang magsasalita pa ang aking Ama't Ina ng tumalikod na ako at mabilis na umalis. Sa una ay lakad lang pero sa huli ay tumakbo na ako. Imbis na papunta sa aking silid ay palabas ng bahay ang gininda ko. Wala ni isa sa kanila ang nais ko munang makausap o makasama.
Sa isang park na nasa labas ng subdivision namin ako dinala ng aking mga paa. Dala ko pa rin ang aking bag kaya naman dali-dali kong hinanap ang aking cellphone para tawagan si Leslie. Ngunit bago ko ap iyon magawa ay nabasa ko na ang chat niya.
Tuluyan na lang akong naiyak, sobrang saya niya sa chat sa akin at ayoko na dumagdag sa kanyang problema.
“Ivelyn wag kang pabigat sa iba! Labanan mo ang pain na dulot ng sitwasyon na ito! Matatag ka na ‘di’ba? Kaya mo na ‘di’ba?” Kastigo ko na tanong sa aking sarili na sa huli nauwi lang sa hagulgol.
Iyak ako ng iyak habang pinapalakas ko ang aking kalooban. Bakit ba laging sariling pamilya ko ang dudurog sa aking pagkatao? I just want to be love.
“Miss okay lang umiyak pero simplehan mo lang. Ang pangit mo kasing umiyak nakakasira ka sa ganda ng paligid.” Mula sa pag-iyak agad akong napalingon kung saan nagmula ang tinig.
Isang ubod gwapo na lalaki ang nakita ko. Umiling ito sa akin sabay lapit at umang ng panyo. Buong akala ko ay ang mga luha ko na nagkalat ang kanyang pupunasan pero laking gulat ko ng tila ba laway ko ang pinunasan niya.
“Kahit kailan talaga kayong mga babae nakakalimot sa problema kapag nakakakita ng lalaking mistulang buffet sa inyong mga mata. Do not waste your tears, instead fight for what is right.” Tunong maangas na sabi ng lalaki na nagbago sa dulo. Natulala na lang ako dahil sa sinabi niya kaya ng umalis na ito ay wala na akong nagawa.