PLAYED‼️

1507 Words
MUKHANG masasayang lang ang naging biglang pagbalik ko sa Pilipinas. Unang tao na nilapitan ko ay wala agad masabi sa akin. Para bang nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata. Noong araw kasi na pinuntahan ako ng aking Abuelo, hindi na tumahimik ang isip ko. Lalo lang gumulo iyon ng kahit larawan ng babaeng nais niyang pakasalan ko ay wala kaming mahagilap. Even in underground walang magtangaka na maglabas ng detalye tungkol sa hinahanap namin na babae. Mahusay si Abuelo dahil kahit anong palpal ko ng salapi walang makahukay ng mga importanteng detalye ng apo ng mga Que. Alam ko na pailalim din ay may mga accounts pa ang mga Que sa underground or black market. Wala namang kaibigan ang Abuelo na hindi kakulay niya ang hasang. Dahil sa hindi ako mapakali at parang gigil na gigil akong may malaman kaya nagdesisyon na ako na umuwi ng Pilipinas. Mabilis lang ang magiging pagbisita ko sa bansa, para lang talaga personal kong makalkal ang tunay na detalye tungkol sa babaeng apo ng angkan ng Que. Ngunit sa isipin na nasa Pilipinas akong muli ay maraming mga kagustuhan sa isip ko na parang naghahalo halo na rin sa aking puso. Ngunit pininaig ko ang presence of mind. Hindi maaari malapitan ko siya. Hindi pwedeng malaman ni Abuelo na sisilipin ko siya. “Fück! Until when? Hanggang kailan bawal?! Hanggang kailan ako mahina?” Mura ko habang sakay ako ng aking sasakyan. May nag-iisang Que na nasa Metro Manila kaya siya muna ang bibisitahin ko ng palihim. “Señorito may iba pa ba kayong nais na unahing puntahan?” Untag ng aking assistant na galing lang din sa aking Abuelo. Amo ng driver/assistant ko si Abuelo pero sa estado ng lalaki ngayon ay mas loyal na ito sa akin. Plano ko naman iyon talaga. Plano kong ubusin ang mga tauhan ni Abuelo. Kung nadadaan sa usapan ay mainam, kung hindi edi ibaon ng buhay. “Wala diretso na tayo. Teka lang, may tanong ako sa’yo. May record ba dito sa Pilipinas na may apo ba na babae ang kilalang angkan ng mga Que?” Sagot at tanong ko sa lalaki. “Ahmm… Señorito meron—!” “I get it! Meron pero marami. At wala kayong makuha na detalye kung sino doon. That's unbelievable! Ang alam ko ay sa espanyol ang mga Que.” Banas na sabi at putol ko sa aking assistant. “Tama ka naman Señorito, pero let me remind you. Nasa sampu ang kalalakihan ng Que na nanatili sa Pilipinas. Marami silang naging kaulayaw o mga Querida, at nasa rule ng pamilya nila na walang maglalabas ng identity ng babae produkto ng kanilang angkan for safety purposes.” Nauunawaan ko naman ang sinabi ng Assistant ko. Actually matanda lang ito ng ilang taon sa akin. At loyal ang angkan nila sa mga Amorossi lalo na sa matandang Amorossi. Kung sa aming angkan may mga rules ganun din pala sa angkan ng mga Que. “Alam ko ‘yan! fûck this feeling! Wala man lang magawa. Sige puntahan na natin ang unang Que. Soon wala ng makakapigil sa akin.” Gigil na sabi ko bago muling ibinalik ang aking isip sa mahabang pagsusuri at pagpaplano. Hindi ko na namalayan ang naging usad ng aming biyahe. “Nandito na po tayo sa labas ng subdivision.” Anunsyo ng lalaki ng ihinto na ang kotse. “Sige bababa na ako. Ikaw na ang bahalang pumasok at alamin ang detalye.” Tugon ko sabay baba ng kotse. Hindi ako maaaring makita ng kahit sino na mula sa angkan ng sa ngayon ay mga kalaban ko. “Copy Señorito. Hindi niyo po ba kailangan si Galel?” Tanong nito sa akin na inilingan ko lang sabay baba ng kotse. Para hindi agaw atensyon ay normal na kasuotan lang ang aking suot. Si Galel ang haharap sa mga Que sa oras na kailangan na talaga silang harapin. Pagkababa ko ng kotse ay marahan lang akong nag-lakad papunta sa isang tila park na malapit. Kahit na naglalakad lang ako ay gumagala naman ang aking mga mata. Para sa akin simple lang ang lugar na ito. Para bang normal lang, kaya sa isip ko mukhang hindi nga ito ang hinahanap namin. Nakailang ikot ako sa park ng may makita akong babae na tumatakbo. Nakuha niya ang aking atensyon na bibihira lang mangyari. Bukod kay Badang siya palang ang pangalawa na nakakuha ng aking atensyon. I followed her, kaya narinig ko ang sentimyento ng kanyang buhay. Masama man pero natutuwa ako sa kanya, so I made a conversation to her but she didn't answer. During that time may kakaiba akong naramdaman sa kanya. Para bang nakita at na kasama ko na siya. Pero kinailangan ko ng umalis kaya naman hindi ko na hinintay na magsalita pa ang babae. Nang makalayo na ako sa babae nakita ko ang aking kotse. Mabilis na akong sumakay, at pagkasakay ko sumibad din agad ang aming sasakyan. Habang nasa kotse doon sinabi mg aking assistant ang perwisyong ginawa ni Abuelo sa aking mga negosyo. Talagang hindi niya ako hahayaan na makadiskarte ng ayos. Isang oras ang lumipas at nasa airport na kami. Public airport ito dahil biglang nagsara ang airport ng kakilala ko at naging kasosyo. Mukhang napasakan na ng matandang ‘yun ang kanyang bulsa. “Gaano pa katagal ang magiging biyahe natin? Makakaalis ba tayo ngayon? Kumusta ang sitwasyon doon?” Tanong ko sa lalaki na nasa aking tabi. Mula kanina sa park ay sa airport kami dumiretso. Mukhang na tunugan na ni Abuelo ang ginawa kong pag-uwi kaya ang nanggugulo na siya agad sa mga negosyo ko. “Medyo matatagalan pa po. May problema daw po dulot ng bagyo. Stable naman na po ang hotel, wala na ang bomba.” Tila hiya at alangan na tugon nito sa akin. Tumango na lang ako pero sa isip ko ngitngit na ngitngit ako. “Great! Hanggang kailan ba tinik sa lalamunan ko ang sarili kong Lolo.” Sigaw ko sa aking isip. Nanatili akong tahimik, hanggang sa maayos na ang sistema sa airline. Abot-abot ang naging pagod ko, dahil sa round trip na aking ginawa. Dinaig ko pa ang nag-tour around Metro and Davao. To think na nasa labing limang oras ang biyahe namin pauwi, nga lang mas tumagal dahil sa delay dahil sa kalamidad. Maliksi na sinalubong kami sa airport ng ibang mga tauhan ko. Diretso uwi sa aking mansion na una kong binuo ang naging ruta namin. Ngunit nasa bahay ko pala ang taong magpapasulak ng malala ng aking dugo. “Hell come home apo ko! Kumusta ang pilipinas? By the way wala kang makukuhang detalye tungkol sa future wife mo, but when the right time comes—ako mismo ang magbibigay sa'yo ng lahat ng detalye at believe me hahanga ka sa magiging reyna ng mga Amorossi.” Halos dumugo ang aking palad dahil sa ikom na ikom ang palad. The audacity of this old man, na laruin at manipulahin ako kahit na nasa tamang edad na ako ngayon. Sinunod ko siya sa lahat alang alang sa kaligtasan ni Badang. “I don't need your help or any information about that cunning woman. Wag na wag ka na lang sana tatapak ulit sa pamamahay ko ABUELO. Let me remind you—This place is not your territory nor part of your property.” “Chill Kent! Nag-aalala lang naman ako sa’yo. I warn you! Pwede mo akong isumpa, bastusin at kalabanin pero wag na wag mong babastusin o sasagsaan ang angkan ng mga Que… Baka mawala ako sa aking ulirat dala ng aking emosyon at edad, tapos makagawa ako ng bagay na sisira sa ulo mo ngayon palang. Wag mo akong subukan apo. For now, pahinga ka na lang young Amorossi.” Kalmado at tila walang epekto sa kanya ang aking mga sinabi. Matapos na mamagitan ang katahimikan ay umalis na rin agad ang lalaki dala ang lahat ng aso niya na talagang mga armado. Hindi kailanman naalis o napunta sa kung saan ang Abuelo ng hindi handa. Nasulpayapan ko sa may di kalayuan. Nakita ko na may mga snipper na nasa posisyon. Kuminang lang ang mga gamit nila kaya napansin ko. Imbis na magpahinga na lang para maayos ang mga pinerwisyo ni Abuelo ay nagtungo na lang muna ako sa bar ng mansyon. Habang na sa bar at uminom ay inaalala ko ang mga sinabi ni Abuelo ng biglang mag flash ang mukha ng babaeng nakita at nakausap ko sa park. “Wag ka ng dumagdag sa problema ko.” Mahinang ani ko sabay tungga sa alak na nasa aking baso. Nagpatuloy muna ako sa aking pag-inom at ng makaramdam ng tama ay tumayo na ako tsaka pumunta sa aking silid. Pagdating sa aking silid ay isa isa kong inalis ang aking saplot bago dumiretso sa banyo para maligo. Kailangan ko ng cold shower to calm my nerves at baka bigla rin akong mabaliw at makaisip na gumanti sa paninira ni Abuelo sa maayos at legal ko na mga negosyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD