Family matters‼️

2129 Words
IVELYN POV NANG umuwi na ako sa aming bahay ay lalo lang akong nakaramdam ng lungkot. Wala ng ingay kahit saang sulok nito. Mag isa na naman ako. Hindi man lang sila na bothered na umalis ako sa aming bahay. Kung sabagay baka nga hindi nila pinag-aksayahan na silipin ako sa loob ng aking silid. Paano nga naman nila malalaman na wala ako sa aking silid at sa buong kabahayan. Sa garahe palang dama ko na ang pag-abanduna nila sa akin. Wala na rin kasi ang sasakyan ni Abuela pati ang ibang sasakyan na mukhang siyang gamit ni Mom and Dad. Lagi namang iba ang gamit nilang mga sasakyan. Siguro for some reason like for safety purposes. Ganun din naman sa akin e, ilan ang ginagamit na pang sundo. And safe naman ako kasi ‘di naman deklarado dito sa Pilipinas na ako ang kaisa isang apong babae ng matandang Que na siyang pinuno ng aming buong angkan. Ayaw nilang matulad ako kay Ate Briella. Bata palang nawala na dahil sa mga kalaban ni Lolo. Iyon ang dahilan kung bakit sobrang ilap ni Tito Brix at Tita Ariella sa buong miyembro ng aming pamilya. Recently na lagi wala at sabay na umalis ang aking parents ay napapaisip ako ng kung anu-ano, magkaiba naman kasi ang kanilang pinupuntahan palagi. Kaya naisip ko kung ano kaya ang set up and status ng relasyon ng aking mga magulang? Sa totoo lang hindi ko alam. Wala akong alam sa kanila ganun din sila sa akin. Kung maayos pa ba sila o ‘di kaya baka naman nagtatagpo rin sila doon at tanging sa akin lang sila malayo o mailap ang loob ay hindi ko alam. Sabagay okay naman sila kapag haharap sa ibang mga tao. Parang sobrang mahal na mahal ang isa’t isa. “Mabuti naman bumalik ka na Ineng. Nag-aalala kaming lahat sa’yo. Nakailang labas kami ng subdivision pero wala ka. Tinawagan din namin ang mga Merano pero wala ka raw doon.” Mula sa pagsipat ng aming malawak na sala de visita ay biglang naglapitan sa akin ang aming mga kasambahay. Mga kasambahay na siyang maging pamilya ko bukod kina Leslie at kanyang pamilya. Hiyang hiya ako sa mga oras na ito dahil halatang halata ang kanilang labis na pag-aalala. How I wish na ganito rin sana ang parents ko sa akin. Sana kahit konti mahalin din nila ako. Kasi ang ibang tao kaya naman akong mahalin pero bakit sila? Silang magulang ko pa ang lumalayo at nagpaparamdam sa akin na parang may iba sa akin. “Alam mo namang nandito lang kami, hindi lang si Leslie ang gustong makinig sa’yo anak.” Untag ni Ate Mimoy sa akin. Sila ni Kuya Allan ang tumayong Nanay at Tatay ko. Sa lahat ng mga maging improvement ko sa aking sarili ay proud sila. Imbis na tumugon ako sa kanilang sinabi ay yumakap na lang ako sakanila na mag asawa. Naririnig ko naman ang hikbi mula sa iba naming mga kasambahay na mas bata sa kanila at ang iba ay kasing edad ko at halos pamangkin din ng mag asawa. “Nanay Mimoy pasensya na kung pinag-alala ko na naman kayo. Pero alam niyo po masaya ako na may pakialam po kayo sa akin. Kasi ang parents ko wala naman pong alam kundi kumita ng pera. Salamat po sa lahat.” Maluha luha na aking sambit sa Ginang. “Anak sa takdang panahon kapag magulang ka na malalaman mo na iba iba ang paraan ng mga magulang kung paano nila mahalin, alagaan at protektahan ang kanilang anak. Kahit ganito sila pupusta ako na mahal na mahal ka nila at proud sila na kinaya mo lahat kahit dama mo na wala sila sa iyong tabi.” Malumanay na sabi ni Nanay Mimoy. Gets ko iyon pero dahil sa patong patong na sama ng loob at kabiguan ang naranasan ko mula sa aking mga magulang ay ayaw ng tanggapin ng aking sistema ang posibilidad na mahal nga ako ng aking sariling mga magulang. Madali namang sabihin na mahal nila ako pero kulang sila sa gawa. Kulang na kulang. Maaaring sa mata ng mga malalapit naming kakilala ay ihemplo sila ng mabuting magulang ngunit para sa akin ay hindi sila ganun. Gulong gulo na rin ako kung ano ba talaga dapat ang trato ng magulang sa kanilang anak? Kasi sa mga nakita ko lalo na kina Leslie hindi ganito. “Kung pakiramdam mo anak kulang sila sa lahat, nandito kami para punan muna ang kulang. Wag ka ng lalayo ha.” Naiyak na ako ng tuluyan ng magsalita na si Kuya Allan. Kuya ang tawag ko sa kanya habang sa kanyang asawa ay Nanay. Masyado ata akong humanga sa samahan ni Les at pamilyang kumupkop sa kanya kaya hindi ko nakita na meron din palang mga tao na kasama ko bahay na labis akong pinahahalagahan. Akma pa lang sana na sasagot ako sa sinabi ni Kuya Allan ng biglang may humahangos at sumisigaw papasok sa aming bahay. “Mr. & Mrs Que! Nasaan kayo? Anong ginawa niyo sa best friend ko? Alam niyo bang wala siya dito? Kapag may nangyari kay Ivelyn, na masama; kakalimutan ko na ang mga tinuro ni Nanang at Tatang sa akin na gumalang at piliin na unawain ang mga tao sa aking paligid!” Malakas at dumadagundong na sigaw ng babaeng kilalang kilala ko. Palapit ng palapit iyon. Halos bumuhos lalo ang aking luha dahil sa kanyang pagdating. Alam ko na may family bonding sila ngayon pero sumugod siya dito. Kumalas ng yakap sa akin si Nanay Mimoy kaya napatingin ako sa kanya. “Salubungin mo na at mukhang takot na takot siya kanina pa, kaya naman sobra ang galit sa iyong mga magulang.” Nakangiting ani ni Nanay Mimoy sa akin. Mabilis na tumango lang naman ako sa kanya sabay takbo na rin para salubungin si Leslie. Nang marating ko ang pintuan ay naroon si Leslie kasama sina Tita Zionna at Tito Haidus. Halatang kinakalma nila ang aking kaibigan at pinipigilan na pumasok sa aming bahay. Tila naman nahimasmsan si Leslie ng makita ako. Umaliwalas ang kanyang mukha pero biglang nagbago. Galit, inis at takot ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya tsaka naman ito kumilos para lumapit sa akin at yakapin ako ng ubod higpit. “Akala ko pa magkaibigan tayo? Bakit ba hindi ka nagsabi sa akin? Alam mo takot na takot ako Ivelyn. Ayaw ko ng mawalan ng kaibigan. Dalawa na silang nawala sa akin kaya wag ka ng pumangatlo at baka hindi na ako makipag-kapwa tao.” Mahina na parang mistulang bulong na lang ang pagkakasabi ni Leslie noon. Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. Wala akong masabi o maipangako sa aking kaibigan lalo na sa usaping hindi ako mawawala sa tabi niya. “Huyyy… Ba’t ayaw mo sumagot? Gusto mo ba talaga na awayin ko ang parents mo?” Untag na tanong ni Leslie na parang nanunubok din. Natawa ako sa kanya kaya mas yumakap pa ako ng mahigpit. “Oo na po. Magsasabi na ako sa’yo pero okay na rin na hindi ako nagsabi kanina, nakatagpo ako ng ubod pogi na lalaki—ouch!!!!” “Talagang dahil sa pogi okay lang na mamatay-matay ako sa pag-aalala! Ivelyn Rei Que wag kang ganyan. Wag mong sirain ang samahan natin dahil lang sa lalaki.” Parang matanda na banat ni Les sa akin matapos akong tampalin sa pwet at kurutin sa tagiliran. Pero sa totoo lang napaisip ako sa huli niyang sinabi. Parang inulit niya lang ang mga sinabi ko sa kanya. Magkukulitan pa sana kami ni Les ng biglang may dumating. Mula sa mga kotse na bagong dating ay bumaba si Mommy at Daddy. Silang dalawa lang at wala na si Abuela. Sa una kababakasan ng pag-aalala ang dalawa pero nawala rin iyon agad. Dahil imbis na ako ang kausapin ay ang inuna nila na lapitan at asistihina ay ang mag asawang Merano. Kung ako si Dad at Mom mahihiya ako, dahil si Tito Haidus pa ang nagsabi sa kanila na ako ang unahin na kausapin. Imbis naman na hintayin ko sila ay inaya ko sa loob si Leslie at doon kami nag-usap. Hindi ko na kailangan ang pekeng istima nila tiyak naman ako na sa huli mali ako at pagagalitan nila. Tumagal ang usapan namin ni Leslie. Sa una ay nagkwentuhan lang kami bago niya hinimay ang dahilan. Ibang dahilan ang sinabi ko sa kanya. Ayoko na madamay pa siya sa isipin at aking problema. Hindi pa ako handa na sabihin sa kanya na ipapamigay ako ng aking pamilya para makuha ko ang pagmamahal at pag-aaruga na dapat naman sa kanila ay nalasap ko na. Nakakahiya ang ganun ayaw k0 ng ibaba ng labis ang aking sarili. Matapos kaming mag usap ay nag-anyaya pa ang aking mga magulang ng hapunan pero hindi na pinaunlakan ng mag asawa. Araw daw kasi ito ng pagsasabay sabay nilang kumain at mas mabuting kami na pamilya ang kumain ng magkakasama. Dahil sa paliwanag mag asawa ay hindi na nga namilit si Dad at Mom. “Ingat po kayo.” Kaway at sabi ko sa tatlo. “Tumawag ka lang kung may problema ka hija. Pamilya ka na para sa amin.” Tugon naman ni Tita Zionna na tinanguan ni Tito Haidus. Si Leslie naman ay about langit ang ngiti. Nang umusad na ang kotse nila ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay pero tinawag ako ni Mommy. “Ivelyn! Don't do that again. Wag ka ng aalis ng may sama ng loob sa amin.” Mariin ang pagkakatawag sa aking pangalan ni Mommy pero lumambot ng sa karugtong na. Mapait akong napatawa dahil sa sinabi niya. “Magiging preso po ako sa bahay na ito kung ganyan po ang payo niyo. Buong buhay ko may sama ako ng loob sa inyo. Ngayon hindi na lang basta sama ng loob ito, kundi galit na rin. Galit dahil kulang na lang ilako na ako ng angkan natin para lang may magmahal o tumanggap sa akin na pamilya. Salamat Mom. Salamat sa inyo ni Dad dahil gising na gising na ako sa katotohanan na wala sa pamilyang ito ang kayang mahalin ako. Pagmamahal na siyang kailangan at pangarap ng batang Ivelyn noon magpahanggang ngayon. Busog po ako Mom kayo na lang po ni Dad ang kumain TOGETHER.” Alam ko ba bilang anak mali ang sumagot o tila manumbat sa aking mga magulang pero hindi ko kayang kimkimin na lang para akong sinasakal at pinapatay sa sakit. Marahan akong naglakad papasok sa loob hanggang sa makaakyat sa hagdan. Nakita ko pa nga na nakatanaw si Daddy sa akin. Para bang naging malamig na ako sa kanila. Siguro kasi ay sanay na ako na walang sila sa paligid. Pagpasok ko sa aking silid ay nahiga na ako sa aking kama. Bahagyang tumitig sa kisame pero agad din na napapikit ng tila lumarawan doon ang mukha ng lalaking aking nakatagpo sa park. “Parang biglang tumaas bigla ang standard ko sa lalaki sa medyo weird na taste. Gusto ko na yata yung maangas, nangbabara, gwapo, matangkad, may sway at maalalahanin. I think, ikaw ang unang crush ko Mister Park.” Wala sa sariling sabi ko sabay tawa at taklubong ng kumot. SAMANTALA..... SA IBABA o sala ng bahay ni na Ivelyn ay nag-uusap ang mag asawang Persia at Ione. Halata ang pagod sa kanilang mga mukha. Bakas na rin ang tila hirap na pagpipigil na maiyak. “Ione hindi ako papayag sa gusto ng Mama. Hindi ko sasayangin lahat ng pagsisikap natin para lang panghimasukan nila ang ating buhay. Naging ganito tayo para maging independent tapos makikialam sila. Ayoko ng buhay ng tulad sa ibang mga kaanak mo. Ione ipaglaban mo kami ng ating anak.” Matapang pero hinang hina na sabi ni Persia. Agad naman na kinabig ito ni Ione at niyakap ng mahigpit. “Maaaring magawa nila ang gusto nila dahil higit silang makapangyariha. Ngunit wag na wag lang nila akong bibigyan ng pagkakataon na makagalaw ng malaya, dahil kung magkaroon man, buburahin ko ang apelyido Que sa pangalan ng ating anak, ng sa ganun maging malaya siya tulad ng pangarap natin noon pa man, kaya umabot tayo sa punto na ito na naging masamang magulang na sa mata ng ating unica hija.” Tugon naman ni Ione sa kanyang asawa. Sandaling nanatili sa ganun na posisyon ang dalawa, tsaka nag simulang lumakad at umakyat sa hagdan para magpahinga. Hindi na rin kumain ang mag asawa. Nais kasi nilang makasama ang Merano sa hapunan para sana pumayag din si Ivelyn na makasama silang kumain. Ngunit dahil hindi nila nakumbinsi ang mga ito ay mas mainam na magpahinga na lang din sila ng makabawi ng lakas tutal wala rin naman ang kanilang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD