Dream‼️

1318 Words
KENT POV “FÜCK!” Balikwas na bangon at aking mura ng muli na naman akong dalawin ng kakaibang panaginip. Lagi na lang iyon at paulit-ulit ang aking napapanaginipan sa loob ng halos ilang buwan na rin. Magsisimula ang aking panaginip sa bata noon na aking nakilala at tila matatapos naman sa babaeng nakilala ko sa park ng biglaang umuwi ako ng Pilipinas. “Bakit ba sumiksik kayo sa panaginip ko? Sino ba talaga kayo sa buhay ko?” Muli kong tanong bago lamunin ng matinding pag-iisip. Mula ng makita ko ang babaeng iyon hindi na siya nawala sa aking isip panaginip. Tila bigla na lang siyang dadaan at gagawing magulo ang takbo ng aking isipan. Ang matindi lang nito ay sumasama pa ang batang iyakin noon. Lately parang wala na ring panaginip ang pumapasok sa akin mula kay Badang. Noon siya lang ang laging laman ng aking panaginip but now everything changed, and I don't like it. Dahil sa kahit anong isip at gawin ko ay wala akong maapuhap na dapat o dahilan ay padaskol akong bumaba na kama tsaka pumunta ng banyo. Sa nakita ko na oras sa wall clock ay ala una kinse ng madaling araw palang. Nang nakapasok na ako sa banyo agad akong humarap sa sink na may malinaw ding salamin sa bandang itaas. “Again.” Untag na sabi ko sa aking sarili. Bakas sa aking mga mata ang labis na antok at pagnanais na makatulog pang muli. Ngunit ang hirap kunin ang payapang pagtulog. Binuksan ko ang gripo tsaka ako naghilamos ng aking mukha. After that ay nagpunas naman ako sa towel tsaka lumabas na ng banyo at lumakad papunta sa pintuan ng aking silid. Hindi ako mahilig uminom but lately ay laging ang alak aking takbuhan, ng sa ganun ay makabalik ako sa aking pagtulog. Bago tuluyang makalabas ay kinuha ko muna ang ilan sa mga papeles na na dinala ng aking assistant, na urgent to review. Sa bar ng aking bahay ako ng nagtungo. Kumpleto ang lahat ng uri ng alak dito at marami pa sa storage room. Isang bote ng Bacardi na may bawas na ang kinuha ko sa display. Kumuha na rin ako ng ice at ilang nuts na pwede kong maging pulutan Nang makumpleto ko na ang aking mga kailangan ay na upo na ako na parang hari. This is the last option I would choose. But here I am gumagalaw ng tulad ng aking Abuelo. Sa buhay ko bilang Amorossi ay kailangan maging malakas ako at kinatatakutan ng iba. “I need to be a monster or a demon to win the war between me and my own Abuelo . But I hope my lady won't see me like monster or demon. Mas gusto kong magmukhang mahina sa harapan mo kaysa katakutan o kamuhian mo ako.” Mahinang ani ko habang nakatingin sa labas ng glass wall. Totoo naman na kailangan ko iyon para katakutan at iwasan ako ng ibang mga kalaban. Naglagay ako ng ice sa aking baso tsaka nagsalin ng alak. Hindi ko pa naman iyon ininom agad, dahil inuna ko munang sipatin ang folder na aking dala-dala. Sa unang pasada palang kuhang kuha na agad ang aking atensyon ng proposal. Dahil doon ay basta ko na lang inabot ang alak at ininom iyon. Bahagya akong napapikit dahil sa kakaibang hagod ng pait at init dulot ng alak. Parang gusto kong magsisi dahil sa aking pagpikit, masayang mukha ng babae sa park ang aking nakita. Aaminin ko na she's charming and unique, pero hanggang doon lang iyon dahil ang puso ko ay para lang sa aking Badang. Muli akong salin ang alak at kuha ng dried fruits and nuts. The proposal says it all. Total package ang laman at walang lugi kung susugal ako. But one thing is beating in my head right now. Ang tao kasing naglatag ng proposal sa akin ay mula sa angkan ng malakas, kilala at mapanganib na angkan. But I heard so much about him, people had different opinions and details about that man. Iba raw lumaban ang batang Alberici, tila ito nga raw ang magbabago sa imahe ng kanilang angkan. “Let see, kung totoong naiiba ka tulad ko.” Tunog nasisiyahan na aking sabi. Gusto ko ang mga katulad niya, dahil sa totoo lang nakikita ko ang aking sarili sa kanyang katayuan. Nagpatuloy ako sa pagbasa at panaka-nakang pag-inom ng alak. Naaliw ako kaya hindi ko na namalayan ang oras. Ilang proposal ang aking binasa. May ibubuga naman ang iba, pero laging may butas akong nakikita sa kanilang proposal. Unlike sa proposal ni Azael Alberici, smooth walang pasikot sikot, klaro at talagang pareho kaming kikita. Natigilan lang ako sa aking ginagawa ng dumating na ang stay out na kasambahay ko. Yes! I prepared to be alone in this big damn house. Hindi naman totally mag isa ako dahil sa vicity ng aking bahay at lupang nasasakupan ay nagkalat ang aking mga tauhan. Idagdag pa na heavily equipped sila at maraming high and advanced cctv ang nakakabit sa aking bahay na tutunog ang alarma kung may makitang mali o kaaway. Dahil sa narinig ko na sila ay tumayo na ako, sa hindi inaasahan ay muntik pa akong mawalan ng balanse. “Fück! Tinamaan nga ako ah.” Mahinang mura at sabi ko pa habang may ngisi ako sa aking labi. Tiyak ko kasi na kahit papaano makakatulog na ako ng walang istorbo. Inayos ko ang aking tayo tsaka nagsimula na lumakad palabas ng bar. Hindi ako ganun kasama at manhid. Alam ko na naiilang o baal natatakot ang mga babae sa akin kay naman ako na ang naiwasa sa kanila. Nang halos marating ko na ang hagdan sa may sala ay may nakasalubong akong babae. “G-good morning Sir!” Tila utal pa ito ng bumati sa akin. “Morning and good night.” Halatang nagulat ang babae ng sumagot ako. Hindi ko na siyang pinag-aksayahan ng oras para lang hintayin na makabawi. Umakyat na ako ng hagdan dahil dama ko na ang pagbigat ng aking mga mata. Pagdating sa aking silid ay itinapon ko ang ibang proposal sa trash bin at tanging kay Alberici lang ang aking itinira. Nagtungo ako sa kama ay pabalagbag na humiga. “Kahit ngayon lang—patulugin niyo naman muna ako.” Tila bulong na lang ang pagkakasabi ko noon, tsaka unti-unting kusang pumikit ang aking mga mata. SAMANTALA.... NAPAPANSIN ni Leslie ang unti-unting pagbabago sa kanyang kaibigan na si Ivelyn. Alam ni Leslie na may ilan na mga problema o agam-agam na hindi sinasabi ang kaibigan. Nauunawaan naman ito ng dalaga dahil ganun din siya dito. Ika nga niya ay may kanya kanya silang bagahe ng problema na dinadala. “Ive tara ng kumain.” Untag ni Leslie sa kaibigan na tulala. Almost 5 minutes ng tapos ang kanilang klase pero nasa unahan lang ang tingin ni Ivelyn, na waring walang alam sa nagaganap sa paligid. “Ha?” Tanging na tugon ni Ivelyn sa kaibigan. “Wag mong masyado damdamin o dibdibin iyon Ive, kasi may likod ka pa naman.” Sagot naman na pabiro ni Leslie. “Yuck! Oldies naman ng banat mo.” Masiglang ani naman ni Ivelyn kaya sabay silang na tawa. Hindi naman nagtagal ay si Ivelyn na ang humila kay Leslie palabas ng kanilang classroom. Sa isip ng Leslie tanging pagsuporta at pag-unawa lang ang kaya niyang ibigay sa ngayon sa kanyang kaibigan. “I won't leave you.” Bulong sa hangin na sabi ng dalaga na tila narinig naman ni Ivelyn. “Same.” Tila tipid na tugon ni Ivelyn. Pagdating nila sa canteen ay pumila na agad si Leslie kaya si Ivelyn anc hahanap ng pwesto. Sa normal na araw na kanilang nakagawian ay si Ivelyn ang bumibili ng pagkain pero dahil pansin ni Les na wala ito sa sarili ay siya na ang nag-insist na pumili at bumili ng kanilang pagkai
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD